Author Topic: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?  (Read 46324 times)

isha17

  • Guest
We've been together for 2 1/2 years and still wala kameng picture sa account niya. I told him my sentiments about it,but he gave me so many reasons. 
I just want to know how you girls would feel about this..

k_heart

  • Guest
Sis, bale wife na ako and not GF. Pero wife man or gf, i think medyo maha-hurt ako kasi parang tinatago ba ako or kinakahiya ng guy di ba?

at bakit daw sis ?


aquacharly

  • Guest
2.5 years. Hmmm, something is "off". 

How would we feel about something like this?  Unsettled, curious (very), and doubtful (very, about our relationship).

Yes, we are curious -- ano ano ang mga reasons nya, aber?
Atchaka -- do the 2 of you go out, as in go out all over town, not worrying about sino man makakita sa inyo? 

baliwsayo

  • Guest
Pasagot po muna:
1. Meron ba siyang files ng mga picture ninyo together?
2. Madami ba siyang nakaupload na pictures sa fb niya?

streetsmartgirl

  • Guest
bakit daw ba ayaw nya mag-upload ng pic nyo together sa FB? minsan may mga ganung guys eh gusto itago ang personal life sa fb. pero ano ba nakalagay sya relationship status nya?

naexperience ko na din yan. actually di ko naman sya bf but we were dating. andami naming pictures together like out of town pics pero ayaw nya mag upload. he gave me answers like ayaw nya daw pag chismisan sya. ano naman ang chismis dun diba if nagkakamabutihan na kami. turns out ayaw nya ipakita sa ibang girls na nilalandi nya na may meron syang constant date. plus points kasi yun sa girls pag nalaman na very available pa sya.

eh kayo sis, bf mo na yan. dapat kahit man lang iisang pic sana meron kayo unless meron syang malalim na rason kung bat wala. dapat maging proud sya na ikaw gf nya diba.

hisana

  • Guest
I think I have maybe around 5 guy friends on fb that do not post pics of their wives, either, and ako mismo I only have 1 public pic of my bf sa account ko. I don't know, I don't see anything wrong with it. It's just facebook. Madaming usisero't usisera/malicious people sa fb kaya I'm really careful about what I put up in that site. I sound so nega, no? LOL

I think meron lang talagang mga tao who feel iffy about sharing personal pics for random people to see. Though what would bother me siguro is if he posts LOTS of pics of other girls (officemates, exes, etc) na projecting the image na single sya and looking. Ibang usapan na yan. Yeah, ano nga ba reason daw nya?

ldrwifey

  • Guest
sis matagal bago k din nilagay s FB account k pic namin n hubby, bf p lang kami dati nun, hindi kasi sya in s mga social network, we dont chat or email puro texts ad calls lang. pero nakalagay naman sa status ko "in a relationship" then nung naging engaged kami updated din yung status ko until naging "married" na. im not really into putting a lot of pictures s profile ko, hindi kasi ako yung tipong upload ng upload, may profile pic lang ako and thats it, saka yung mga nagttag sakin. ang reason k naman s hindi din paglalagay ng picture nya is ayaw nya ngang iexpose ang sarili nya s mga ganung bagay bakit k kakaladkarin ang picture nya diba, until medyo nagparinig sya sakin n sinabihan daw siya ng friend namin n bakit daw ganun wala syang picture s profile ko, nagtampo daw siya. di upload ako agad ng pictures namin, problem solved.

wag mo munang masyadong masamain sis, just ask him n may lambing again and request mo n maglagay naman siya ng picture niyo... pag hindi p din naglagay ibang bagay n yan.


isha17

  • Guest
i confronted him about it, unang reason niya is, jinx daw kase yun, nawawala sila ng girl na yun na pinopost niya, or nawawala sakanya. May ex siyang 5years and halos months lang yung before me, yung before me, wala pang months, may pics sila agad.
nag lagay sya ng pictures ko,isang album with 4 pictures of me.. ako lang talaga.
Hinayaan ko lang, because i don't want naman na, mapilitan lang syang ilagay pics namen dahil sinabi ko lang.

then after a year, i found out na, i asked my friend to open his profile, at nakita ko na,ako lang pala nakakakita ng album na yun. he insisted na, di nya daw ginagalaw yun etc etc.. him being the not so knowledgeable about the internet. So,nagalit ulit ako, pero wala, he kept saying,wala siyang ginagawa dun. inisip ko nalang na tanggapin nalang. etc

2nd reason he gave me is, nahihiya daw siya ilagay picture niya kasama ako, kase tignan ko daw sya, yung status niya sa career niya,while ako, maayos. etc etc
I didnt buy it, but hinayaan ko nalang.

Now eto nanaman, we went out with his pamangkin, he tried the check-in sa places on FB, nakalagay lang sa status niya "with (the name of his pamangkin) @ S&R"
Sobrang na hurt nako nito, like, wala na nga akong pic with you sa FB mo, i eexclude mo pako sa mga kasama mo.. Parang nag burst nako.

and the last reason he gave me, different nanaman, like may issues daw sa family nila, may tinataguan, etc ayaw niya daw madamay ako. hello, pinakilala na nya ako sa family niya,sa relatives, malamang nakita nako ng relatives nya.

parang i dont wanna buy whatever reasons he has.

There's a big question na talaga, na bakit hirap na hirap siyang ipost ang pictures namen. di ko na kayang intindihin pa. Maybe its mababaw lang for some, pero for me, big thing yun. Yung mafeel mo namang pinapagmalaki ka.


showermist

  • Guest
^sis, i don't have pictures of my boyfriend (at mapapangasawa ko na sya ha) in my facebook account. and we are heading nine years na in our relationship. yung reason ko: ayoko ng inuusisa ako. why him? why him? why him? o di ba non stop na ganun. at nakakapagod ng sagutin.

but in your case, kung sya ang 'inferior' sa iyo, he should be proud posting your pics in his fb account. unless he has a purpose/reason  (he may be flirting with someone at single ang ipinapangalandakan nyang status nya) for doing such.

i don't want to fire up what you're feling right now pero ikaw mismo makaka-assess eh.


baliwsayo

  • Guest
^okey.. so, anong relationship status niya sa fb?

isha17

  • Guest
in a relationship yung status niya..

i dont know, di ko na kase maintindihan. di naman sa inferior, di niya mapagpatuloy kase career nya.. Ang dame niya kasing reasons. active naman din siya sa FB niya.
minsan feeling ko kase im not pretty enough para ipagmalaki niya,unlike her EXs..

Or may pinapangalagaan siyang Image. hayyy

baliwsayo

  • Guest
So in a relationship tapos naka-tag sa name mo? Kung ganun.. di ka naman pala kinakahiya eh. Baka ganun lang siya talaga.. sabi nga, kanya kanyang style lang naman talaga yan.. walang tama at wala ding mali sa ganun.

Anyway, I suggest wag mo na siya awayin.. just give him a dose of his own medicine.. kung di mag-react, it only means wala lang naman talaga sa kanya yun. Concentrate ka na lang sa mga good deeds niya sa yo para di ka mapraning.

isha17

  • Guest
bakit naman sa EXs niya, [textspeak!] long term pa nga,joint account and all, dame rin pics dati, may naiwan pa nga nung naging kame.

Bakit di niya magawa for me? kainlangan pa umabot sa ganito..

di ko naman gusto na ganito mafeel ko,pero nasasaktan ako..forever ko nalang ba to dadalhin.

ldrwifey

  • Guest
sis ibang usapan na yan kasi nabbother at nasasaktan k n, when my then bf-now hubby told me n nagtampo sya dahil may naginform sa kanya n wala siyang picture s profile ko, ginawan ko agad ng paraan, i posted just one picture for a start then ngayon may mga albums n kaming dalawa though some of them custom settings just close friends ang nakakaview kasi hindi talaga ako palagay ng nagppost ng pictures for everybody to see (its just me ha)

i think the issue here is he knows that he's hurting your feelings by his action and still wala siyang ginagawa to make you feel better... kasi diba if you love somebody gagawan mo ng paraan para sumaya siya, and i dont see any harm kung pagbibigyan k niya... UNLESS nga may tinatago siya.

showermist

  • Guest
^okey.. so, anong relationship status niya sa fb?
(I suppose this is a q for me)

Parehong single nakalagay sa mga FB accounts namin. And it didn't bother us a bit. FB is FB. I don't have to meet anyone's expectation.
I'll change status pag married na ako :D

streetsmartgirl

  • Guest
^^very well said sis. tama, kahit ayaw mo minsan gawin but for the sake of the one you love you will do it and compromise. parang it seems na alam nyang hurt ka but he's not doing anything to appease you. and what's one simple picture to post. is that too much for him to do.

wag mo na lang awayin sis. baka ikaw pa magmukhang masama. sabihin mo na lang nararamdaman mo at sya na gumawa ng paraan para suyuin ka nya. sana naman gawin nya un if your relationship is really important to him.

bargainsassymom

  • Guest
very fishy kapag ganyan sis. what excuse did he try to say?

baliwsayo

  • Guest
ay sorry showermist.. para kay threadstarter po yun.. hehe  8)

Pero 2 1/2 years na kamo ngayon sis.. bat naman ngayon ka lang nakaramdam ng hurt feelings?

happinlucky

  • Guest
sis red flag na yan. why dont you try uploading a pic then tagging him?

isha17

  • Guest
sis ldrwifey, you got my point..parang, is it too much to ask? ilang taon ko na din dinadaing sa kanya, mahirap bang pag bigyan?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close