Author Topic: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?  (Read 37448 times)

gharz412

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #20 on: August 05, 2013, 08:33:58 pm »
I'm happy to say that last friday my hubby surprised me. Sinundo niya ako sa office ko and he bought me my favorite Cadbury chocolate. Hindi abvious na pinaghandaan niya yung gabing yun dahil super ayos siya talaga. Then pagdating sa bahay naka ready na yung dinner namen with dessert pa bigay daw ng biyenan kong lalaki. He then explained na the reason why he didn't mind to communicate with me kasi during our conversation on the phone di daw ako makausap ng matino and nag irate talaga ako kaya yun. Infairness effective ginawa niya kase dahil dun namiss ko siya. Anyways, okay na kame ngayon and i promised na hindi na ako masyadong magtotopak.. :) (i'll try)

rochelle1025

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #21 on: September 01, 2013, 10:03:30 am »
Yes, this was the behavior of my ex-husband for many, many years. Hindi ako matampuhing tao and the rare times na masama ang loob ko, deadmation siya. Siya pa ang galit. Hahaha! Oh, eh di iniwan ko din siya eventually.  ;D

aspen11

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #22 on: September 11, 2013, 04:45:44 am »
Ako naman mga sis, sadyang hindi romantiko ang asawa ko. Pag may misunderstanding kami, gusto niya talaga pinaguusapan. Iyakin din kasi ako so naiinis din ako pag nakikita ko na di siya affected pag umiiyak ako. Minsan iniisip ko na lang na he doesn't mean anything by not being malambing. Ever since kasi, ganun na talaga siya although may mga times din naman na sinusuyo din niya ako.

Ganun ata talaga ang nature ng mga lalaki. Hindi sila kasing showy natin. Swerte na lang yung mga may hubby na very demonstrative.

graZiousa

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #23 on: September 11, 2013, 01:51:03 pm »
Sis, baka naman ayaw lang ni hubby mo na mamihasa ka... Tayo kasing mga babae we tend to be more iyakin pag sinusuyo tayo ng mga asawa/hubby natin. Si hubby ko sobrang manhid nung bago pa lang kami at ako naman sobrang iyakin na pag inaalo lalong napapaiyak. So sabi ko kay hubby na wag muna ako pansinin pag crying lady pa. Pag nahismasan na ang beauty tsaka na kami discuss... Sa ngayon ok na kami sa aspect na yan sis. Marami kasing nareresolve sa magandang usapan talaga. Pero there are times na naa-out of control ako as in di makatigil ng iyak to the rescue naman si husband, alam nya kasi na may tendency maghysterical ako.. Pinaintindi ko ron sa kanya yon, na minsan talgang hindi ko macontrol. And hindi ko rin inaanuso ang panunuyo si hubby. Mga lalaki karamihan sa kanila ayaw ng crying moments natin.. Ipaalam' mo kay hubby sis na kailangan aloin ka rin nya para gumaan ang pakiramdam mo..

mystify

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #24 on: September 11, 2013, 11:41:50 pm »
Mga sis based on your experience nagbabago ba ang mga husband (modern husbands nowadays) sa pakikitungo satin like for example sa pagiging malambing?

mystify

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #25 on: September 11, 2013, 11:43:34 pm »
May expiration ba ang pagiging romantic or sweet nila?  :-\

aspen11

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #26 on: September 12, 2013, 07:01:58 am »
^Meron kasi silang sinasabing "honeymoon phase." Yun yung mga panahon na may kilig pa kasi bago pa lang ang relationship. Kadalasan nawawala yun pag matagal na.

irish_pearl

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #27 on: November 28, 2013, 03:38:21 pm »
kapag kasalanan ko hindi ako sinusuyo ni hubby.. pero so far madalas pa naman nya ko suyuin kapag petty quarrels lang

iflipcess

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #28 on: December 03, 2013, 01:56:56 am »
I found the right topic! my husband is like this. Sa 9 years namin mula gf-bf, hindi siya marunong manuyo. Hindi marunong mag sorry, magsorry man walang remorse. Kahit siya yung may matinding kasalanan like cheating ako pa yung di nakakatiis, just 2 weeks ago he got mad kasi sumobra ikli ng buhok ko galit na galit sya sken he said words na talagang nasaktan ko and feeling ko I don't deserve such harsh treatment from him just because of hair! ambabaw! when i told him ambabaw nga sabi nya yun na nga lang daw hindi ko pa magawa. LDR kame so medyo mahirap i-fix. tinitiis ko talaga sya kahit yung bunso namin hinahanap na sya sa skype. yesterday was my birthday and hindi man lang ako naigreet i guess ganun talaga kababaw yung pagmamahal nga to think it was just a hair pano kung yung kasalanan ko kasing tindi ng mga ginawa nya? nakakapagod din pala. :-/

Girltalker2

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #29 on: December 03, 2013, 11:37:41 pm »
Mga sis based on your experience nagbabago ba ang mga husband (modern husbands nowadays) sa pakikitungo satin like for example sa pagiging malambing?

In general yes, lalo na pag walang sense of maturity yung guy, tapos kung hindi din sya romantic.  Just forget about lambing lambing if your guy is not the romantic type.

jhacefulloflove

  • Guest
pag nag aaway kami ng asawa ko
« Reply #30 on: September 08, 2018, 06:09:49 am »
Bakit dati pag nagkakasagutan kami ng asawa ko masakit sa dibdib o nasasaktan ako? Pero habang tumatagal ang aming pagsasama at nagkakasagutan kami [textspeak!] dating sakit na nararamdaman di ko na maramdaman. Ang ending kasi wala nagbibigayan at nagtatapos sa sumbatan. My mga nagagawa o nasasabi ako na ayaw nya, na papatulan nya gang mauuwi n sa sumbatan, kadalasan mababaw n dahilan n lumalaki. Na minsan nagsasawa na ako at ako na una humihinto s pagtatalo nmin kahit pakiramdam ko wala [textspeak!] ako ginawa o sinabi n ayaw nya, [textspeak!] feeling na sya na ang gumagawa ng dahilan at gusto nya ng away kya humahaba pagtatalo. hanggang sa wala na ako maramdaman tuwing nakikipagtalo sya skin. Isa s mga ayaw nya galawin ko fon nya na pinagwalang bahala ko n at d n pinakialaman para ala n pagtatalo. At marami pa n d [textspeak!] dpat pagtalunan. Ano sa tingin nyo bakit ganun? Gusto ko lang malaman ano opinyon nyo. Wala me mapagsabihan ayoko involve mga family ko at family nya, gusto ko pa rin kasi ayusin natatakot kasi ako sa kahahantungan pag naskin lang at ako lang lulutas baka magkamali ako bandang huli.

Ann_2128

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #31 on: October 05, 2018, 04:32:31 pm »
LDR din kami ni hubby, lagi naming pinagtatalunan ang di nya pagtawag sa akin sa gabi or minsan pag ako tatawag tulog na sya. 2 hours difference namin, ako ang malayo si hubby ang nasa bahay.  Feeling ko tuloy, he doesn't mind na malayo ako. Ako naman, sa sobrang homesick ko I look forward sa oras ng tawag nya.. pero wala akong napapala.. sorry lang sasabihin nya pag nakalimot sya.. no reason at all..

simang

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #32 on: October 05, 2018, 05:08:26 pm »
^mahirap kasi talaga ang LDR, kung yung magkasama nga may issues sa communication and intimacy, yung magkalayo pa kaya. How long have you been apart? Twing kelan ka umuuwi sa inyo? 2 hours is not a significant difference ah -- naalala ko lang sabi ng prof ko nung college, love is making time when there is none. If your partner doesn't make time for you, then you have to reevaluate your relationship

prickyslime

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #33 on: October 26, 2018, 01:05:51 am »
sinusuyo naman pero sobrang tagal..kailangan ko pa atang umiyak muna ng ilang oras bago nya gawin. ;( masakit lang talaga, nagtataka nga ko bat kaya nyang tiisin ako eh. lol

super bratinella

  • Guest
Re: hindi ka sinusuyo ng asawa mo. mahal ka kaya nya?
« Reply #34 on: July 11, 2019, 06:10:11 am »
Ganyan ang ex ko, sobra taas ng pride pag nagaaway kami siya may kasalanan siya pang may gana makipag break..toxic talaga laging maga mata ko dun. Lagi kong naiisip sana saging na nalang naging jowa ko at least may puso ex ko kasi wala..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close