Author Topic: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???  (Read 26252 times)

Myealexis21

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #20 on: October 09, 2012, 07:35:54 pm »
Ang bait mo Sis!

Ako tutulong ako pero I always see to it na hanggang sa kaya lang.  Kakakasal ko pa lang kaya siguro wala akong maishare masyado.  Basta ang usapan namin ni hubby sya bahala sa magulang niya, ako bahala sa side ko.  He can do whatever with his money, basta may certain amount na kelangan sya na ibigay sa ken para sa ipon namin.  Ok naman sa kanya. Same pala kami ni Sis Honey-Ecclaire.

Mahirap kase pag nasanay na binibigyan mo.  Minsan or should I say madalas umaabuso.  And also Sis, never never be the one to say no to your in-laws.  Let your husband do that.  Kausapin mo maigi yung asawa mo, let him understand kung ano ang sitwasyon nio.  Minsan sya ang pag-budgetin mo para maintindihan niya at ipaintindi mo nang mabuti na kelangan may ipon kayo lalo na may anak na kayo. 

I like what one of our Sis wrote na dapat yung asawa mo bilang panganay sya ang maglead sa mga kapatid niya.  Wag kase sya mag-ala-superman. 
« Last Edit: October 09, 2012, 07:39:51 pm by Myealexis21 »

mslcgrey

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #21 on: October 09, 2012, 09:13:13 pm »
as what our other sisses here say, ang bait mo sis... but if ipagpapatuloy nyo mag-asawa yung pagpapadala ng pera kahit kayo na ang gipit eh hindi na rin nakakatulong... it is time na turuan nyo sila na tumayo sa sarili nilang paa though yun nga lang health ang pinag-uusapan dito. siguro you can suggest na maghanap sila ng sponsor for the dialysis, you can also ask help sa pcso. sila yung hayaan nyo mag-asikaso ng papers.
hindi naman kasing grabe ng case mo yung sa amin ni hubby. nagkasakit din kasi dad niya, twice na this year and my hubby also have to help. though nakatutuwa naman na my hubby make sure na bayad na yung mga bills namin bago siya magseset aside ng money for them. akala ko nga masisira yung mga plano namin like yung paglipat namin sa house namin this month. akala ko hindi kami magkakaroon ng budget for the furnitures. sobrang nalungkot ako noon but grabe, God provides talaga.
by next week, makakalipat na kami. so im happy. siguro dapat may limit lang. buti na lang , my hubby's siblings also contribute. mas malaki pa nga. explain mo lang sa hubby mo yung situation niyo carefully.

midphantom

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #22 on: October 10, 2012, 10:44:13 pm »
sis..ang galing mo promise!! mejo nakakarelate ako jan, pero ikaw dapat ka nang i-clap clap.. si hubby ngaun evry sweldo nagbibigay sa parents nya.. pero may certain amount lang.. pero minsan pag may mga emergency.. nagbibigay din kami.. pwede naman magbigay talaga eh.. kasi pamilya mo rin sila.. package na sila nung asawa mo simula ng pakasal kayo.. pero syempre may limitation.. hindi lahat ng hingi binibigay.. at tama ang ibang sis naten, klangan nang kausapin ni hubby mo yung mga kapatid nya.. usap kayo ni hubby ng maayos, sabihin mo yung nararamdaman mo.. siguro naman pakikinggan ka nya kasi ikaw ang asawa nya, pag ayaw nya e ibalik mo sa palda ng nanay nya!! joke!!

piatos

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #23 on: October 11, 2012, 02:10:33 am »
ang bait mo sis pieces19.  kaasar ang mga kapatid ng hubby mo batugan.  Sana sinabi dati pa ng hubby mo na may limit ang pagtulong sa mga palamunin nyang kapatid hindi for life noh.  Ok lang sana kung sa magulang nya lang eh kaso mo pati kapatid kasama kapal ng fez!  Pinagaral mo na lahat tapos hindi magtratrabaho  >:(

Sabihin mo din sis sa hubby mo na kung pwede unahin muna yung budget nyo bago sila.  Pag kayo ba ang need ng tulong help ba kayo nila?  Malamang hindi kasi baka kayo pa ang hingan.  Talk to your hubby sis kelangan talaga ng masinsinang usapan.  Hindi naman masama ang tumulong pero kung umaabuso na dapat turuan ng leksyon! Pag ang hubby mo matigas pa rin ang ulo isoli mo na sa nanay nya hehe joke lang.  OP:  Need talaga sa pinas ang divorce o kaya yung nagpanukala may expiration ang marriage contract haha!!!!

« Last Edit: October 11, 2012, 02:30:16 am by piatos »

france0220325143

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #24 on: October 12, 2012, 05:23:04 pm »
for me, hindi dapat regular ang financial help lalo pag married na ang anak. siguro during emergencies lang or If talagang need, at certain amount/percentage lang.

mamichula

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #25 on: October 16, 2012, 09:21:58 am »
Haaay eh kung binigyan nalang nyo sila nang pang negosyo pagkakakitaan? Tipong one time big time. Isang bigay tapos bhala na sila magpalago? Mahirap kaai pag bigay ng bigay hanggang kelan yan? Give a man fish and hell have food for one day, teach him how to fish and hell have food for the rest of his life.

Hirap naman nang ganyan. Syempre mahal ng hubby mo yun kasi family nya un nga lang inaabuso nman nila ng love ng hubby mo...at bait mo.

Dapat tlg may divorce para may choice pa din at hindi ma stuck sa sitch.

Kame ng husband ko before we got married i made it clear na hindi ito package deal! Sya lang ang papkasalan ko hindi ng buong angkan nya not even his immediate family. Isang tao [textspeak!] ang pinakasalan ko so [textspeak!] issues and probs ng pmilya nila labas ang binubuo kong pamilya dun. Mahirap bumuo ng sariling pmilya wag na sana lalong pahirapin ng mga in laws na pabigat. Problema kasi minsan sa mga mag asawa aanak anak ng madami tapos iaasa sa panganay [textspeak!] ibang anak kawawa naman. May buhay din naman sila and krapatan bumuo ng sariling pmilya.
« Last Edit: October 16, 2012, 09:23:46 am by mamichula »

sugar n spice

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #26 on: October 16, 2012, 10:38:01 am »
^^ e pano kapag ang binigyan mo na ng pera pampuhunan, tapos hindi nag-click, (due to whatever reason)? Tapos balik sa dating gawi ng pahingi hingi at hindi na naman makaka-hindi ang sis natin na mabait dahil magagalit sila?

parang meron nakong narining na ganitong kwento. hay... ang mga tao talaga kung sadyang abusado at makapal ang fez,  e yun na talaga sila. At hindi sila magbabago kung hindi mo bibigyan ng ultimatum. Kung talagang kelangan mong tumulong, go! Maganda yan. pamilya kayo e. Pero kung wala nang matitira sayo habang nagpapasarap sila ng buhay, aba ibang usapan na yan.

Kumpleto naman katawan nila ano? wala naman silang kulang like putol ang paa, kamay, bulag? May utak din sila? E magandang gamitin nila. Yung mga nanay at tatay na retiring age, maiintindihan mo na maaring wala na silang source of income. Pero yung mga anak nila? Walang trabaho? Sis, maraming trabaho para mga taong masigasig at hindi mapili.

Sensya na kung harsh. Pero hindi ka lang mabait. Medyo u2 u2 na rin. Hindi masamang magsalita at mag-explain para sa ikabubuti ng lahat.

tabbru

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #27 on: October 16, 2012, 02:41:35 pm »
Admittedly, yan ang isang naging consideration ko bago ko sinago ang then-bf ko (now husband). Inalam ko ang family background at nalaman ko na walang family responsibility hehe! Ang hirap kasi mag-asawa tapos andaming bagaheng kasama. Nagpapakatotoo lang ha.

To TS, you decide kung hanggang kelan ka magpapakamartir. It's your life. Kung patuloy kang "magpapakabait" sa in-laws mo, then suffer the consequences. Ikaw nga rin kasi ang nagtakda ng naging financial set-up ninyo eh, di ka umalma umpisa pa lang. It's up to you now kung ireredefine mo ang situation.

Noylabmay

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #28 on: October 16, 2012, 02:55:10 pm »
TS,

Pwede tumulong pero hanggang magulang (I mean basic needs + onting gifts)  lang ni hubby pero sibling no way highway....

blueangel29

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #29 on: October 16, 2012, 04:16:25 pm »
noong nagpakasal ka sis sa asawa mo, member ka na din ng family niya kaya nga daughter na din tawag sa iyo. yung tulungan, i think forever yan kasi family mo na din sila.  vice versa, kung family mo naman ang in- need, gusto mo din naman na handang tumulong asawa mo di ba. pero ang pagtulong may limitasyon.

better ask your husband to talk to his family heart-to-heart. hindi masamang aminin na hirap din kayo sa situation ninyo abroad. minsan kasi hindi yun alam ng mga family natin sa pinas. alam nila porke malaki conversion madaming pera. hindi nila alam na hindi naman peso ang binabayad sa rent ng house, pambili ng food sa ibang bansa. kailangan ninyo maging firm din hanggang saan lang at magkano ang kaya ninyo ibigay.

yung hospitalization, madami namang pwede din mahingan like charities sa mga public hospitals, pcso, councilors ng lugar nyo. tell your hubby to ask his siblings na kung wala sila pera maambag, tumulong silang lakadin yung ganung bagay. ginawa yun ng nanay ko nung nagkasakit dati lola ko at na dialysis. wala kasi siya maambag dati kaya ganun. naka daster tsaka tsinelas lang at nag tiyaga pumili sa charity. nakakuha naman siya kaya wala din masasabi mga kapatid niya.

right now, i'm still helping my mom kahit may asawa na ako. sa totoo lang sis, if i can, im willing to help her forever until kailangan niya tulong ko. alam yun ng asawa ko bago pa lang kami ikasal at minsan siya pa nagre remind sa akin na baka si mama may kailangan bilhin. when im in pinas, i spoil her kesa gumastos ako sa ibang tao o bagay. but since i have no work now, i ask my siblings to alternate ang pagtulong namin sa kanya. i humbly told my sisters i need their help kasi ako lang talaga yung tumulong sa nanay ko at nagpa aral sa bunso namin. like i said, it wont hurt to say kailangan mo din ng tulong. wag ninyo akuin lahat ang responsibilidad.
« Last Edit: October 16, 2012, 04:24:55 pm by blueangel29 »

jhenpretty

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #30 on: October 18, 2012, 12:24:17 pm »
Ang say ko regarding sa topic na to ay: Tutulong ako kung kailangan talaga at kung kaya ko namang tumulong gagawin ko.. Hindi ako magdadamot kung alam ko namang may maitutulong ako.. May mga tao talagang likas na mapang-abuso.. Kung alam naman natin na inaabuso na tayo, pagsabihan na natin.. Ipakita natin na may hangganan din ang pag-aabuso nila. Pero kung alam naman natin na kailangang kailangan talaga nila, tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.. ^_^

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #31 on: October 20, 2012, 03:23:05 pm »
sakin naman, tutulong ako hanggang kaya kong tumulong, hanggang sa meron akong maiitutulong. It doesn't need to be on a regular basis, pero kung meron akong maiabot sa kanila, ibibigay ko. Pero kung wala, wala talaga, kahit umiyak pako ng dugo hehe. Siyempre, need ko unahin ang sarili kong pamilya diba..

xianmoms

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #32 on: October 24, 2012, 07:48:23 pm »
Ako mga sis, sobrang nakakarelate ako.. Pero para sa akin ang magulang kelangan tulungan sa abot ng ating makakaya.. Ako nga, may work ang MIL ko pero ako bumibili ng maintenance na gamot nila.. Kasama namin sa bahay ang IL ko peri ok lang kase wala dito sa Pinas si hubby tsaka walang anak na makakasama dito kase dalawa lang magkapatid hubby ko pareho nasa ibang bansa.. Tinutulungan din kami ng Ate nya at wala akong masabi.. Yun nga lang ang mahirap minsan pati mga tito's Tita's nya kapag financial na problema walang ibang pupuntahan kundi kami pati mga pinsan nya.. kaya medyo malawak yung sakop ng responsibilities namin pero kelangan ko tanggapin kase dyan ko na sya nakilala.. Sobrang close kase yung family nya.. Mahirap nung una kase nga iniisip ko yung kinabukasan ng aming anak pero minsan mahirap na ding control kaya ako pag meron, magbibigay pero kapag wala pasensya.. Basta yung Parents nya binibili ko lahat ng kelangan like foods and medicine.. Kahit alam ko na may kakayanan sila bumili..

redgirln

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #33 on: October 25, 2012, 04:02:14 am »
naku mga sisses, ako naman baligtad ang situation namin ni hubby. ako parin ang tumutulong sa family ko. I have been bread winner for almost 12 years yata. Until now tinutulungan ko parin parents ko, nahihiya na nga ako kay hubby e. nag stop kasi ako mag work (TTC kasi kami) kaya nahihirapan akong magbudget kasama ang family ko, wala pa kaming sariling bahay dito parin ako sa parents ko nakatira since abroad si hubby (ako naman nag pagawa nito pero plan din namin na magka house narin). Ako sa lahat ng gastos, yung ibang gastusin alam ni hubby pero hindi nya alam na lahat sagot ko, nahihiya kasi akong sabihin. Sa ngayon, tight talaga ako sa budget yung gastos para sa sarili ko set aside ko muna para matulungan family ko makabawi, nagstart kami uli ng bagong raket sana makabawi na at mabawasan ang hirap ni hubby. nalugi kasi ang negosyo ng parents ko so I have to support them at sa akin pa kinukuha ang allowance ng bunso namin na 200/day.may pc shop kami ni hubby pero hindi maganda ang kitaan ngayon. Sa totoo lang naiiyak ako kasi naawa ako sa asawa ko, buong family ko supportado nya, tapos yung family nya rin supported din nya, kaya minsan pag nahihirapan siyang magbudget sabi ko nalang kung magkano nalang matira ok lang sa kin, nalulungkot kasi ako sa situation namin pero sa ngayon wala naman akong magawa. Hindi rin naman ako pinipilit ng parents ko help sila kaso masakit sa kalooban ko ang hindi sila matulungan. hay naku paano na kaya ang sarili naming pamilya :( pero pansamantala lang naman ito makakabawi din kami.

shineadet

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #34 on: November 01, 2012, 12:07:50 am »
e pano naman mga sis kung ganito situation?
dead na pareho parents ni hubby. BIL and SIL1 e may family na and may sarili ng mga buhay single mom si SIL2.. part of their "mana" e pinangfranchise nila para sa expenses sa house ng parents nila na si SIL2 na lang ang nakatira.they have 2 cars na sa parents din nila. hubby pays for the family driver. ok lang kase si hubby naman ang gumagamit 80% sa driver. hubby pays for the maintenance of the cars. hubby pays for their cable. naiinis ako kase pati ba naman walis tingting itetext pa kay hubby para bilhan sila e ang lapit lang ng palengke sa kanila. pati bumbilya tinetext din kay hubby pag pundido na para bilhan ni hubby. feeling ko pati pamalengke nila weekly si hubby din nagbibigay. tama lang ba na mainis ako o madamot lang talaga ako?

rara_avis

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #35 on: November 03, 2012, 08:56:15 pm »
Ang hirap naman ng situation na ganyan. Kahit na gipit din kayo, you cannot just walk away kasi responsibilidad ng Hubby mo na tulungan ang magulang nya pero hindi nya dapat sole responsibility ito kasi may iba syang mga kapatid. Dapat tulong tulong sila. Ang magandang gawin diyan eh kausapin nya mga kapatid nya na dapat lahat sila mag contribute sa gamot at gastusin. Hindi dahilan na wala silang mga trabaho don, eh di maghanap sila!

Ayan ang hirap pag nasa abroad, ang isip ng mga tao eh sumusuka ka ng pera. I am very thankful na hindi ganito ang in laws ko pero problem ko to with my own family. Pero ako I am very firm sa side of my family, I do not give sustento's. When they ask for money, I investigate to confirm if they absolutely need it. I know this may sound harsh pero this is the only way para hindi sila umabuso. Pag kasama ko naman sila ni 25 pesos na toll gate wala silang ginagastos.

My younger sister sometimes asks me for money para sa luho nya and I harshly tell her off. Wala akong pake kesehodang sabihan nya akong madamot at kung ano anong pagpaparinig nya sa akin sa Twitter. When I got married at the age of 23, ni walang singkong binitawan ang family ko, ni hindi sila nag-offer na tumulong. I paid for my last year in college tapos ang kapatid ko 22 na pahingi hingi pa ng pera sa tatay ko samantalang may sarili na syang trabaho.

Ang akin lang gusto ko syang matuto to stand on her own and lagi kong sinasabi na wag syang masanay sa hingi dahil walang mangyayari sa buhay nya. I know my family refers to me as "walang-kwenta" behind my back pero dinedeadma ko lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close