Author Topic: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???  (Read 26244 times)

pisces19

  • Guest
Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« on: October 23, 2011, 09:41:26 pm »
 ???   Need some help,ask ko lang until [textspeak!] dapat nming tulungan ang family ng asawa ko???

Mag 4 years nah kaming kasal ng husband ko,parehas kaming asa ibang bansa.Masakit mang isipin,mas malaki ang kinikita ko sa kanya.Nabuntis ako at nagkaanak at nag tatrabaho pah din ako.Kahit kailan d kami natutulungan ng pamilya ng asawa ko pagdating sa mga financial problem nmin kahit nah nung nanganak ako.Panganay ang asawa ko lima silang lahat nah magkakapatid nah lahat ay lalaki.Malalaki nah ang mga kapatid nya yung sunod sa kanya ay mag asawa nah din at 2 anak.Ang anak nmin ay iniwan ko sa mother ko sa pinas,kaya kada buwan ay need ko magpadala para sa panggastos ng anak ko.Nung bagong kasal pah din kami ay kinausapa ako  ng asawa ko nah kung pwede raw ay pag aralin nmin ang kapatid yang bunso sa college,d nman daw kalakihan ang gastos dun,para d sumama ang loob nya at ng pamilya nya ay pumayag ako,,,kahit nah gipit nah gipit mah ako sa mga gastusin nmin.kada buwan ay nag papadala kami sa kanila ,bigla nlang ako nagulat nung panahon nah gagaraduate nah daw ehhh malaking halaga ang hinihingi sa amin,kesyo need nah bayaran ang amount nah yun,kung hindi d sya makakagraduate,,kahit nah gipit nah gipit kami ay ginawan ko ng paraan yun,kasi inisip ko nah if maka graduate ang kapatid nya atleast matutulungan nya ang MIL at [textspeak!] sa mga gastusin nila.Pero naka graduate sya at d pah rin kayang matulungan ang parents nila kaya nahingi pah rin sila ng panggastos sa amin.Isang beses nmang yung isang kapatid nman nya ang naghihingi pang requirements daw need ng pera ,inisip ko bigyan nah rin nmin para atleast makakatulong sya pero natapos at natapos ang kontrata nya sa work nya wala akong nabalitaan ,kesyo mababa lang anag sweldo...ewan ko...tuloy tuloy pah ang pagpapadala nmin,nung pagka anak ko at asa pinas ako,maysakit pala ang [textspeak!] ko,nataasa ng sugar nya,kaya nagkaka complication nah,nung minsan daw namaga ang may mata.pero nagawan pah nman ng paraan..nagpapadala kami ng pera para sa gamot daw,para sa injection,nah minsang yung pera para sa  anak ko sana ehhh nahahati pah para mapunta sa kanila ang iba..mabuti nlang at mabait ang mga magulang ko...Nung umuwi ako para sa bday ng daugther ko ,para lang,makapunta sila ako pah ang nagpadala ng pamasahe sa kanila.kaso dumating nah ang kinatatakutan ko ,,lumalala ang diabetis ng [textspeak!] ko nagka komplikasyon nah sa bato,at need nah dalhin sa ospital at ipadialysis....bigla bigla need daw ng pera...wala nman kaming magagawa kundi tulungan ,,ultimo pamasahe ,,pangkain sa ospital sa amin pah nila inaasa...Mababait ang mga magulang ko at tinutulunagan sila,kahit malayo ang lugar nmin sa lugar nila,nag magandang loob ang mga magulang ko nah ihatid sila pagkalabas sa ospital.Sa panggastos nila sa loob lang ng 15 days ay halos nakapagpadala nah ako ng double ng sahod ng asawa ko,,,at kinapalan ko nah rin ang mukha ko nah manghingi ng tulong sa mga kakilala ko,,,,at nung minsan ipinaliwanag ko sa asawa ko nah baka sa mga susunod nah buwan nah ulit kami makakapagpadala dahil need pah nming bayaran yung mga nahiram nmin,,ayon sa na research ko ang dialysis pag diabetic ay pang habangbuhay nah proseso,at sinabi ko sa asawa ko nah di nmin kakaynin ang ganun.kaya nung huling padala ko sinabi ko sa kanya nah last nah talaga yun baka sa susunod nah buwan nah ulit kami makapagpadala........


Mga isang linggo lang ang lumipas nag message nman need nah nman daw ang pera,,hayyy feeling yta nila may napupulot kami ng pera dito...di nila alam sa isang buwan isang beses lang din kaming sumasahod at need din kami magbayad ng bahay pagkain nmin dito...minsan nararamdaman ko sila pah ang nagagalit pag di kami nagpapadala???? kasi lagi nilang sinasabi nah wala silang magagawa at wala silang mga trabaho dun,,,lagi nlang sila umaasa sa kuya nila nah asawa ko,,,d nila alam nah maliit lang ang sweldo nun...hayyyyy help nyo nman ako????kung ano gagawin ko...




guilleanne

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #1 on: October 24, 2011, 02:18:58 am »
sis I feel for you. ang bait mo nga eh, hindi ka madamot.

saka totoo yan sis na panghabang buhay ang dialysis unless mag kidney transplant. yung tatay ng friend ko sis naubos ang ariarian nila kasi 7k yata per session yung tatay nya nun eh 3 times a week eh di 21k a week yun.

kung ako nasa katayuan mo sis, kakausapin ko si hubby at ipaliliwanag kung ano lang ang kakayanan namin tumulong. hindi ako mag iistop tumulong kasi pamilya yan eh saka buhay. pero syempre pwede ba naman na more sa kinikita nyo ang itutulong nyo diba? plus may anak kayo na may pangangailangan din. I will suggest kay hubby na irequire yung ibang kapatid na tumulong, panganay sya dapat may bearing ang salita nya sa mga kapatid nya. dapat gumawa rin ng paraan ang mga kapatid nya dun kasi baka kampante lang sila na anjan na man si kuya at ate kaya nilang gawan ng paraan yan. irequire nyo sila mag share kahit man lang 50% ng gastos eh silang tatlo ang sumagot.

sa sagot ko sa tanong mo sis kung hagang kelan dapat tulungan, I believe na forever. pamilya yan eh. Pero syempre yung nasa tamang tulong din, hindi yung inaabuso na tayo. let's just pray and thank God na tayo ang nakakatulong at hindi tayo ang nahihingi ng tulong. And mas mabuti ng tumulong habang buhay pa yung tinutulungan natin kesa mag abuloy.. yan ang laging sabi ng papa ko, kasi sya abused din ng mga uncle ko sa kahihingi ng tulong.

aquacharly

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #2 on: October 24, 2011, 06:14:25 am »
Tutulong ka lampas sa kaya mo, hanggang wala nang mapigang  dugo sa bato. That is as my lola puts it.  Kahit grrrrrr ka to your hair roots - basta a life is on the line, hindi mo matatalikuran yan.   

Kaya mga Sis, we should learn from  the life experience of PISCES 19.   
IMO, it is just plain human nature to take somethings for granted.
Pag may sustento -- nasasanay yung recipient na may regular tanggap, hindi save part of it  for future emergencies, hindi iniisip kung yung bininigay sa kanila eh kakailanganin nung nagbibigay para sa ibang mportant reasons din. Lol, wala pa kong narinig nang binibigyan na 1 day nagsabing -- thank you, hwag ka na magpadala.  Oo,kahit na may iba nang nagbibigay sa kanila.  Pero madalas kong magetz sa mga cuento na pag hindi  nabigay ang dagdag na ask for, or walang mabigay for emergencies or even unnecessary additional expenses --- na forget your years of support at ikaw  pa madamot. Lol.  Actually, they even show more appreciation for the infrequent big gift than for the steady sustento -- yan na observe ko lang naman. 

It may be hard but, until you win the lotto or get your own kids out of college -- make it clear from the start merong deadline ang  sustento nyo.. Ex., hanggang hindi pa nagstart sa pag aaral anak ko. Or, hanggang mag graduate ang kapatid (taps, eternal student pala - ngek!).

Tapos, pag nagpapadala ka -- claro mo na wala nang iba ka pa babayaran. Tulad ng kapatid-in-law ni PISCES19 -- surprise! May babayaran pa before grad, eh regularly nagpapadala sila di ba.

Eto pa -- BEFORE. You marry someone, examine his family finance dynamics very well. Coz whether you like it or not -- you will get involved.  So that if you find yourself as a contributor -- walang samaan ng loob.  Do not assume na como ganito sa family mo, eh ganun din sa kanila. Bulaga! 

Haynako, the longer I see how relationships work, the more I see the great value of living in before marrying;   and the greater value of having that option:  divorce. 


xiansmom

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #3 on: October 24, 2011, 07:36:31 am »
^pisces ang baitmo sis
sakin di ko ata kakayanin yan,lalo yung problemahin ang gastos buong pamilya nya.
at dumating sa point na mangungutang ka na para sa kanila,haiisttt...abuso na yun!
ok lang tumulong kung kaya natin hanggang dun lang pero wag naman
yung obligasyon na natin sila,dahil may sariling  pamilya rin tayo.
ang mga tao pa naman nasanay na tinutulongan,aasa at aasa nalang yan.
madalas umaabuso pa sila basta ganyan kadalasan e
kausapin mo asawa mo sis sabihin mo nahihirapan ka na,at di mo na kaya....
ang usapan pag aralin lang yung kapatid,walang usapan sagot nyo sila habambuhay
di na masamang tumanggi sis,dami mo na naitulong sa kanila
napagtapos nyo na kapatid nya,pwede na sila kumita ng maayos noh,nasa kanila yun,di mo na prob. yun.panahon na para intindihin nyo naman yung sarili nyong buhay.




yaskulet

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #4 on: October 25, 2011, 08:53:14 pm »
I feel for you. We are on the same boat. Haayyyyy..

katrinac

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #5 on: October 25, 2011, 10:03:16 pm »
sis ang bait bait mo. actually ganyan ang kapatid ko ngayon sa in laws nya. pinag aral nya kapati ng SIL ko and nagbigay ng business sa in laws nya. as in parang bread winner sya ng pamilya ng SIL ko, pero kaming sariling pamilya nya, kapag kami ang may need talaga, di kami tinutulungan. di naman kami nag aask anything from him, pero there was a time na na hospitalize ang mom ko, but my brother didn't even help, kasi daw sya ang nagpaaral sa kapatid ng SIL ko and may mga binabayaran sila na utang. parang hello naman diba? ngayon, nasanay na ang family ni SIL and sa kanya na asa. and si brother ko na ang nahihirapan. sinanay nya kasi.

siguro pag dating sa ganyan, may limits din. masarap ang tumulong talaga, pero we have to rememebr, dapat may matititra para sa atin. tulong kung may sobra, pero kung obligation mo na na magpadala sa kanila, ibang usapan na yun. remember, may sarili din kayong pamilya. IMO lang yan sis.

bilib ako sayo sis, dahil di ka madamot, but you have to keep in mind na may sarili ka rin pamilya na dapat unahin muna.

izabelle

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #6 on: October 26, 2011, 12:03:10 am »
hanggat pwede.. BUT NOT to the extent na mawawalan kami ng savings, maapektuhan ang future goals and dreams and most importantly magagalaw ang funds for our daughter..

Kapag may family na kasing sarili yun na dapat ang priority. kaya nga nagpamilya eh.

before my husband and i get married we have this agreement na NUMBER 1 priority ang sarili namin family na bubuuin....we are working not for our moms/dads/sisters/brothers BUT for our self, our future and our child.

ngayon kung may sobrang pera at kaya tumulong bakit hindi.

younis

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #7 on: October 26, 2011, 06:42:01 am »
sabi ko sa husband ko, walang problema sa akin tumulong as long as may EXTRA, pero kung wala, sorry na lang. ang priority lagi ang pamilya namin.

stormy_princess

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #8 on: October 26, 2011, 10:00:18 am »
sabi ko sa husband ko, walang problema sa akin tumulong as long as may EXTRA, pero kung wala, sorry na lang. ang priority lagi ang pamilya namin.

this is true. iba na kasi ang priority nyo ngayon. dapat you are saving for your child's sake kasi sakripisyo na nga na malayo kayo sa kanya eh.
true enough ang "asa" factor na yan. i experienced that when i was still single with my siblings pero tinuruan ko sila kumayod sa sarili nilang mga paa. they learned naman. now that i am married, minsan nagpapadala pa rin ako sa nanay ko lalo na pag emergency. pero take note, pera ko yun. hindi pera ng husband ko or pera ng anak namin. sa pagtulong ko i make sure na hindi nagagalaw ang hindi dapat. para if in case magalit man husband ko wala sya right kasi pera ko ginagamit ko.

with inlaws, nahihiya sila manghingi sa amin because they know na hindi ko sila tinotolerate. once is enough after that bahala kayo. ang lalaki ng katawan at tatanda nyo na asa pa kayo. daig nyo pa pulubi sa daan ah. yan ang minsan sinabi ko sa kanila and they stopped.

Msfi

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #9 on: October 26, 2011, 12:55:43 pm »
sis pisces19, ganyan ang mga in-laws mo kasi you let them do that to you.  Hingi sila ng hingi kasi bigay ka ng bigay kahit hirap na hirap na kayo.  But it is not too late, you just have to be ready na makarinig at makatanggap ng masasakit na salita.   

Sis aquacharly is right, it doesn't matter how much you've given them kasi the moment you stop giving them money magiging masama ka na.  Di na nila maiisip na for so long eh bigay ka ng bigay, so why not do that this early when you can still save for your family.

Isa lang kasi naman ang iisipin mo eh, pag ikaw ang biglang nagkaron ng malaking pangangangailan, sa status mo ngayon na naibibigay mong lahat ang mayron kayo, SINO ANG TUTULONG SA YO?

I'm not saying to turn your back on them, pero ibigay mo yung kaya mo lang. And don't forget to save for your family's emergency fund, if you can keep this from your husband baka mas ok para di nya nasisilip na may pera kayo. Sabihan mo din ang husband mo na obligahin ang mga kapatid nya na magbigay din dahil di naman sya lang ang anak.


candy2084

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #10 on: October 28, 2011, 04:14:55 pm »
The bottomline in life is TO TEACH PEOPLE HOW TO TREAT YOU. It doesn't matter who they are: inlaws, friends, relatives, your husband and children.

    So.they.don't.step.out.of.bounds.and.ruin.your.life.

kasal  kayo. Ang nangungunang katungkulan ninyo ay para sa inyo at anak niyo lang. Pag may sobra, nasa sa inyo na yun... pero kung gipit... huwag magkunwari at magbalatkayo.
Bakit kasi nagkukunwaring meron pa kayo?
Kung napipiga na kayo at nasasakripisyo na kalagayan ng anak at samahan niyong mag asawa, katungkulan mong tumayo at protektahan ito... kasama asawa mo. Kung di gets ng asawa mo katungkulan niya sa primadong pamilya niya.. pakasalan niya kamo kapatid niya.

narinig ko dati sabi : Ok lang daw na ang mag-asawa susuportahan nila ang kanilang mga magulang sa pagtanda, dahil nga naman sila ang nagpa-aral, nagtaguyod, at nagaruga sa atin.

Pero hindi na daw tama na pati ang mga batugang kapatid, asawa ng kapatid, anak ng kapatid, pati pinsan ng pinsan niyo susuportahan ninyo.

neng i feel you..

Clearly, your husband, is the kind of person who doesn't know how to set boundaries nor limits. And you know what happens to people who doesn't know such things? They are prone to abuse. By people around them.

Love Must Be Tough.

first, you have to open your eyes to reality that  even if you're there abroad, life isn't gonna get better. it's gonna get worse. have you seen the video that is being shared on facebook? there's a financial meltdown that's going around everywhere.
you think these people you're helping are gonna help you when you and your husband gets into trouble? think again.

it means, knock on wood, what if may isa sa inyo mawalan ng trabaho? lalo na, what if ikaw ang mawalan ng trabaho? and your stupid husband still doesn't have any discernment when or when not to give to his parasitic relatives.

sinong mawawalan?

kung sila nga hindi nila matulungan ang sarili nila sa ngayon, how much more kung pati kayo ang manghihingi na ng tulong sa kanila. you think they're gonna bend their backs over just because of utang na loob?

think again.

at mga kapatid ng asawa mo,they are not your responsibility. magulang niyo lang ang responsibilidad niyo. and even that, there's still a set limitation.

isipin niyo hindi lang yung bubuoin niyong pamilya, isipin niyo retirement niyo, retirement ng parents niyo, at kapag nagkaron na ng global financial breakdown ang mundo, san kayong kamay ng diyos huhugot ng pera? sa mga butas nilang bulsa?

may point ang pagkainis mo. pero hindi ka lang dapat mainis. umaksyon ka din. pag wala kang ginawa ngayon. mas magiging miserable buhay mo.



bakit kayo nagpapaapekto sa mga drama nila?



electricpink17

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #11 on: November 01, 2011, 07:44:15 am »
sis pisces19, ito din ang tanong ko sa sarili ko before at akala ko ako lang ang nagtanong nito. :)

ganyan din ang naexperience ko with hubby\'s family. dahil si hubby ang mas okay ang status ng buhay, si hubby ang takbuhan. they only call or text every 15th and 30th of the month pero other than that hindi ko sila maramdaman. kaya nga parang ayaw ko nang dumadating ang 15th and 30th e. pag dating ng salary, kasama sila sa budget and there are times na kami tuloy ang na-sho-short sa budget.

iniiyakan ko ang situation sa sobrang sama ng loob. i\'m earning more than my hubby too. i just couldn\'t accept the idea that the money that\'s supposed to be for my kid\'s savings ay napupunta sa kanila. siyempre, my family is my priority.

ako, i just talk to hubby. before dumating ang salary i write down and show him our income, savings and expenses. then i tell him kung magkano matitira iyon ang ibibigay sa kanila and that\'s what\'s happening right now. if i receive bonuses, i keep it a secret. i don\'t tell hubby about it and send it straight to the bank. i don\'t feel guilty kasi i am not lying naman. but if he will ask me of course, i\'d be honest. but since hindi niya alam, he doesn\'t need to know. it may sound selfish but it\'s mine, ako naman nagpagod doon. lol. when hubby is making parinig na kailanga ng ganito blah blah blah, deadma lang ako. tinitikis ko talaga.

sis, it\'s already a good thing na tumutulong kayo. talk to your husband, set a limit and be firm. maghanap siya ng work that would give him a higher pay para kahit iyon ibigay niya sa family niya ay okay lang, basta iyong pera mo sayo lang and your kid.

rapids

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #12 on: November 01, 2011, 11:04:43 am »
Mahirap talaga yan,kasi kung hindi kayo magkakaunawaan mag-asawa ikaw pa ang lalabas na madamot.. thankful na lang ako, kasi di ganyan ang parents ng asawa ko. but he has relatives na ganyan..

Recently nga yung 2 titas niya lumuwas dito from pangasinan, tapos they asked my hubby na ihatid sila pauwi using hubby's uncle car.. Eh gumana ang instinct ko,tinanong ko si hubby sinong may taya ng gasolina at tollgate, sabi ng tita niya magbibigay daw ang uncle niya ng 2k tapos kami na bahala sa kulang, hello 6k kaya ang 2 way.di pumayag hubby sinabi na wala kaming extrang pera..hindi namin hinatid kaya naman kasi nilang magcommute.



mistiqshannen

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #13 on: November 02, 2011, 07:42:04 pm »
Sis, yun responsibility kasi ng hubby mo sa mom nya will forever be there. Wala e sa ganun ang magulang na binigay sa hubby mo e. Hindi mo naman pwede iwan yan ng ganyan lang. At nun pinakasalan mo din kasi yun asawa mo hay naku kasama mo na idn pinakasalan pati responsibilidad nya sa magulang nya.

Ngayon, eto me sakit diba.. so sasabihin nyo sa mga kapatid na walang kwenta magshare goodluck sige itry nyo kausapin naway magkakonsensya. Di ko alam if pano effective way to convince those people na kayo din e gipit.

Kasi sis pinakita nyo kasi kahit sinasabi nyo gipit kayo e may mauutangan pala kayo e so kayo na ang mag provide ng pera. davah!

The best talaga dyan ay kausapin ng asawa mo ang kapatid  nya ng face to face. Sabihin nya na hindi sapat ang sweldo nya para buhayin at pagsabayin ang dialysis yun mom nila. Ipaintindi sa mga utak nila magulang din nila yun mom ng hubby mo and they all have the same equal responsibility. Yun bunso kapatid nya me asawa ba yan? me anak ba yan dapat naman sya muna ang mismo umaako ng kahit ilang percentage ng gastos aside sa inyo at iba pang kapatid.

kailangan lang talaga ipakita nyo sa kanila na sige we will shoulder the dialysis cost until when? kasi pag tumagal pa wala na kami kinakain mamamatay na din kami so pano na? will you wait for that yun lubog na kayo sa utang? seek help from the siblings. ako we shoulder the pag aalaga ng magulang ko. kasi saan ko naman sila itatapon e wala naman silang mapupuntahan. pero i made sure na yun pinakakain ko at tinutulong sa kanila e mula sa sarili kong sweldo. except for some cases na need na mag add ni hubby.

pag me need inoobliga ko yun kapatid ko magshare. alam ko mas malaki ang kita ko sa kanila pero if susumahin mas malaki din expenses ko kesa sa kanila. so quits lang kami. sit down with the siblings yan lang ang tanging solution dyan kesa mainis ka ng mainis. Kausapin mo asawa mo na kausapin yun mga kapatid nya if kailangang umuwi then uwi.

Hindi rin kasi natin masisi bat ganun. Bat kasi hindi nagsecure ang magulang natin ng para sa future nila. Kasi napansin ko din halos karamihan ng mga magulang sa panahon nila yun magkakabatch inexpect nila na pagkapalaki nila sa anak nila anak naman nila magpapalaki sa kanila in the end. so ending lahat tayo namumublema wala pa silang insurance kahit sa health man lang.

lalo na yun mga middle class families down! hay naku naman..

pag health na kasi pinag uusapan mahirap mag say NO e. kailangan lang sila magtulungan makakapatid.. at ipaunawa sana ng asawa mo sa kapatid nya na yun ginagastos na binibigay sa kanila galing na sa iyo. meaning your hubby cannot afford to help alone lang...

lisse

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #14 on: November 05, 2011, 01:14:26 pm »
Naku sis, super bait mo, I salute you! Ako kasi ang katwiran ko, bago ko tulungan ang iba, sarili ko muna ang tutulungan ko. Don't get me wrong, I love my family and no amount of money will ever replace family, pwede mo pa naman kitain yung money eh. Pero there's a thin line kasi between helping out to support and helping out to spoil. I also agree na dapat may boundaries na na-established ang financial support niyo especially you're on the family way na din. It's not as if they are unable to work naman, they very well can, they just won't. Aba kahit na ba maliit ang sweldo malaking bagay yung every month some money is coming in regularly diba? Ako believe it or not, madalas makarining sa mom ko before na bakit less than 50% ng salary ko lang binibigay ko sa kanya every payday nung single pa ako. Deadma lang, hindi niya kasi alam may secret stash ako. Then nung na-ospital ako, wala silang ginastos ni isang kusing, and dun na-realize ni mommy na tama lang pala yung ginawa ko, kasi yung bigay ko sa knya iniipon niya, plus may ipon din ako so we were able to concentrate on my getting better instead na mamrublema sa pambayad. Then nung nag-abroad ako, wala din ako hiningi sa kanila na panggastos and panlakad sa mga docs ko. Pati nung kinasal kami ni hubby, kaming 2 ang gumastos. Now, paa-ral namin ni hubby yung 2 kapatid ko, and I arranged with my other 2 siblings na nagta-trabaho na din na we will take turns in giving our parents some money, like this month ako, next month si bro, then si sis, and so on.
Mejo OT na, sorry, kasi family ng asawa ko well-off talaga. Being a family goes both ways: hindi lang isang side (financial supporter) ang mag-e-effort, the other side (beneficiaries) should also put in mind na as a family, they will do their part to help out kundi man financially eh they should see to it that they live within what they receive, and make all the efforts to stretch this. Also, make a simple gesture of sending some thank you notes, or phone calls or just a small update nung binili nila. I don't mean a full accounting ng expenses, but just something to assure the providers na the money is going to good causes. (As a former OFW, it means a lot to me then na malaman na they remember me not only when they need something.)
And your hubby's siblings should bear in mind: anak din sila, and all of them are equally responsible to their parents, hindi lang naman si hubby mo ang anak e.

piatos

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #15 on: October 08, 2012, 10:43:11 pm »
haha! nakakarelate ako. ganto din naging prob namin ni ex.  As in sobrang syang tumutulong sa family nya walang parehong work parents nya, may kapatid pa syang elementary kamusta naman pagaaralin pa daw nya yun nangangako na ng kung ano-ano tapos nung one time nabasa ko sa fb na nanghihingi mama nya ng pambili ng sapatos ng kapatid nyagrabe hindi na lang nila kunin sa pinapadala ni ex nanghihingi pa rin kasi pag my pera sila nagpapakasaya na andyan yung nagkktv sila, eat all you can etc hindi nila naisip tong isa nagpapakahirap magwork.  Kaya nga ako nagsawa na, napagod na ako sa kakaproblema ng problems nila at alam ko din naman in the future kung hindi magseset ng limit si ex malamang sila pa ang may ipon kami ang wala wahaha! ::)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #16 on: October 08, 2012, 11:34:08 pm »
I admire you, Pisces19. You're a generous person, hinde lahat ng daughter in law, ganyan. May mga katulad ko na sadyang pala-kontra and pakelamera :P

Nakakasama ng loob noh? Nagwo-work ka sa ibang bansa and nagtitiis na malayo sa anak mo para hopefully eh makapag-provide ng magandang future sa anak mo, makapag-ipon para hinde na bumalik abroad, pero nagtatrabaho ka para makatulong sa family ng asawa mo. The good news is may maganda kang karma, the bad news is pag kayo may kelangan, may makukunan ba kayo?

I'm not saying that you should completely turn your back around on your parents in law (sorry, I couldnt figure out kung sino may kidney problem), pero sa kahit anong bagay, dapat may limit. Ikaw na din may sabe, hinde madale kumita ng pera. Sabe nga ng mama ko, kahit balon na malalim, nasasaid din ang laman. I wish nga na meron na lang natatanim na puno ng pera para madale na ang lahat.

IMO, hinde mo mapipigilan ang asawa mo na tumulong sa magulang nya kahit konti. Magulang nya yan, hinde nya matatalikuran yan lalo na may sakit. Pero I strongly believe na hinde ka dapat obliged na tumulong ng higit pa sa kaya (and willing) na ibigay mo. You already did your part, tumulong ka magpaaral and magpagamot. Pero above everything else, unahin nyo dapat ang anak nyo, your own family. Talk to your husband about this and sana (dapat) maintindihan ka nya. Napag-aral na yung kapatid diba? May iba pa silang kapatid diba? Capable naman siguro gumawa ng paraan lahat, gumawa sila ng paraan dahil nagagawa nyo naman ang part nyo. I know it's a moral decision that you have to make. Pero madalas, hinde porke tama, makakapagpasaya sa lahat.

maiandra

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #17 on: October 09, 2012, 07:58:35 am »
Ganito din problem ko sa in laws ko. Pati mga kapatid ng hubby ko suko na sa magulang nila dahil after malugi ng business nila 10 years ago, wala na, nganga na. Worse, pag may konting graysang nakukuha, sinusugal pa. Ang mahirap dun yung mga kapatid nasa abroad na pero wala pakelam sa parents, hindi pinapadalhan. Kami na lang ngayon natira sa Pilipinas.

Kahit nga asawa ko ayaw mismo sa magulang nya. Pero asa pa rin sila sa amin kahit magkano mapiga nila. 60+ na kasi e.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #18 on: October 09, 2012, 06:21:36 pm »
grabe yung pagtulong mo sis,sagad sa buto if ako lang ay may sobra itutulong ko din sa kanila,pero ako nga kuya ko na gustong gusto kong tulngan mega-sermon pa ako,...

anyway,What I do since I know husband really wnated to help her mom and kapatid na rin...
Yung money nya,(Sweldo)yun ang ipinapadala ko,I talked to him na yung sobra lang sa sweldo nya ang pwede naming ibigay,I myself tumutulong din sa family ko,so I do the same pera ko(sweldo)ang pinantutulong ko...
Siguro nasa husband mo na din yan to feel na may limit dapat ang pagtulong sa pamilya nya,...pero it seems na wala eh, you nedd to have control on this...sobrang namihasa na sobrang umasa...di mo kasalanan na wala silang trabaho,choice nila yun....my choice ka din kung hanggang saan ka lang pwedeng tumulong since ikaw ang asawa...may responsibilidad man ang asawa mo mo sa kanila..mas higit sa inyong mag-ina....
Save save up!

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hanggang saan mo bah dapat tulungan ang pamilya ng asawa mo???
« Reply #19 on: October 09, 2012, 07:09:10 pm »
Ang pagtulong...

Para kang may hinihilang tao mula sa baba. Dapat, i-pull din nya yung sarili nya pataas. Pero kung hindi sya nag-eeffort umangat, at ikaw lang ang nag-eexert ng lakas para hilahin sya, eh nasasayo kung bibitiwan mo na.

Pero darating yung time na mapapagod ka, manghihina at baka pati ikaw, ay mahulog na din kasabay nila.

You care about them, but you should also care about yourself and your own family. Set boundary, set your limit and be firm about it.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close