watch now

Author Topic: OK ba maging real estate agent?  (Read 89635 times)

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #120 on: October 15, 2014, 01:57:04 pm »
^^thanks sa info sis!

I was just thinking kung 2016 sila ggraduate ng March or April, kaya na ba nila magexam agad? Magayos ng requirements and all? Like kung May ulit ang exam? Or maybe imove nila ng mas latter part ng taon ang exam? Kaya I think naniniwala ako kay Engr Cruz na by 2015 & 2016, pwede pa para sa mga hindi graduate ng course na Real Estate. Pero dapat galingan na next year para pasado na! :)

^sis pretty_b galingan natin! :)

Natuwa lang ako when our proctor said na halos puro lawyers nagtotop. Un kasi aim ko. Chos.

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #121 on: October 15, 2014, 02:00:54 pm »
^tama sis. nappressure na ako. :( anyway, galingan natin sana makapasa! :>

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #122 on: October 15, 2014, 02:04:35 pm »
^bili na tayo ng ring binder! Haha ndi ko pa nababasa yung handouts.. Tom siguro.. Nagstart ka na na? Dun ba sa sked nyo walang Sunday?

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #123 on: October 15, 2014, 05:38:19 pm »
May mga nasa top na hindi lawyers. Yung mga kilala ko na nasa top ten hindi lawyers at di graduate ng law or naging law student. Kahit anong course, kahit saan school ka pa nag college at kahit saan mo pa nakuha yung units mo for the exam ay may chance ka mag top. Kailangan lang na makinig ka sa seminar at mag review ka ng husto ay pwede ka maging top ten.

May kilala nga ako na nasa top ten pero tulog pag seminar at di nag review. Stock knowledge lang daw yun kya nasa top ten sya. Medyo may edad na yan, madami ng work experience sa iba't ibang field at may mga masters sa iba't ibang course. Kya madami na syang stock knowledge compared to other people.

Possible na imove nila yung schedule ng exam sa 2016 para makapag exam yung graduates. Pero wag nyo na muna isipin yun. Focus on the 2015 exam kasi dyan kyo sure na makakapag exam pa ang non real estate graduates. Kailangan talaga mapasa nyo yung exam sa 2015 para di na kyo mag retake or biglang matangal sa list of examinees in case na iimplement nila yung resa law. Saka malayo pa ang 2016, anything can happen. Dun na kyo sa 2015 kasi dyan sure kyo na pwede kyo mag exam.

Palaging sinasabi sa mga seminars (cpd/cpe) for the renewal of license na possible na maka pag exam ang non real estate graduates sa 2016. Possible lang yun. Maniguro na kyo kya ipasa nyo na yung 2015 exam.  Think positive na pasado na kyo sa 2015 exam.

Kung gusto nyong maging source of income ang pagiging broker or sales person, gawin nyo ng legal kya ipasa nyo yung exam. Yes, madaming walang license na real estate practitioner pero may batas tayo na nag babawal sa pag practice ng real estate kung wala kang license. Hindi man sila mahuli ngayon pero in the near future mawawalan sila ng source of income kasi kailangan sumunod ng mga developers and other companies involve in real estate sa batas.

Good luck sa inyong lahat.

« Last Edit: October 15, 2014, 06:08:56 pm by coldsiren »

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #124 on: October 16, 2014, 10:11:45 am »
hi sis annamarie88! nakabili na ako ng binder. haha. kaso fail kasi nung 2nd day di ko agad naayos. hassle tuloy. haha. walang sunday sa amin. pero 8-9 days na whole day saturday. pero sabi ni engr, baka baguhin nya yan to extend the review days and para half day lang every sat. May 24, 2015 na daw ang exam eh. :)

hi sis coldsiren! you are so helpful. again, thanks! ang dami ko nga napansin na mga oldies. kaya di na ako umaasa magtop. hahaha. lalo pa't ibang field ako galing. hihi.

btw, yung mga nakausap ko nung first day, required daw sa work nila. so company ang nagbayad ng seminar nila. nakakatuwa kasi aware naman yung mga employers nila. :)

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #125 on: October 16, 2014, 11:21:02 am »
Nung time ko yung nasa current events yung spratly islands, yung Chinese name yata yung tanong. May question din tungkol sa isang real estate related na law kung sino yung mga congressmen na authors (sorry di ko gaano maalala kung ano yung tanong dun).

Mag basa kyo ng business section from time to time. Since sikat yung kay Binay ngayon, try nyo maging familiar dyan kasi part yan ng current events sa real estate. From the parking building to the hacienda, real estate yan. Baka may magsama nyan sa exam kasi hot topic yan ngayon.

Kailangan magbasa na kyo ng family code at resa law. May nabibili sa book store na booklet for the family code or pwedeng igoogle nyo sa internet. Part yan ng exam.

Nung time ko madaming sponsored ng developers yung seminar kasi sales agent sila. May kilala ako na sales agent na kasabay nya yung manager nya mag seminar at exam. Pumasa yung sales agent pero yung manager bagsak sa exam.

May mga taga banko at Pag Ibig din na nag exam for the real estate appraiser exam kasi kailangan sa work nila yung pag appraise ng property.

Ako din galing ng ibang field. Social Science graduate ako at call center job yung bulk ng work experience ko kya malayo talaga sa real estate.

I wish you all well. Enjoy your training. Every session may new information kyong malalaman. Good luck. 😄
« Last Edit: October 16, 2014, 01:33:36 pm by coldsiren »

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #126 on: October 16, 2014, 11:31:39 am »
^thanks sis. grabe. kinakabahan na ako. >____<

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #127 on: October 16, 2014, 01:33:26 pm »
Sis pretty_b wag ka kabahan!! Haha Aral lang tayo mabuti, tiyak papasa :)
Ako talaga aim ko mag-top dahil sa price sis bago pa sabihin ni Engr na halos puro lawyers ang nasa top last year ata, linawin ko sa kanya :D I think kaya nya yun specifically nabanggit last Sunday kasi distinct sa kanya na madaming lawyers ang nagto-top, tinanong pa nya sino lawyers that day saka bawal daw dalawang abugado sa isang group (may groupings kasi) Dahil siguro sanay kami magbasa at magaral ng madami.. Kaso ako pagod na ako magaral hehe Pero definitely, madami naman din nasa top kahit hindi lawyers at iba ang linya ng work :)

Ate ko broker, real estate talaga linya ng trabaho nya ever since.. Ako naman gusto ko lang magexam para sideline, if ever :) Last year pa dapat ako, kaso nagkameasles ako nung start na ng seminar.. :D Sana maayos na nya yung sked, ayoko sana ng may whole day, nakakadrain :(

May mga kilala ako na one take lang, yung iba second taker, basta aral lang sis, kaya yan :) Nakadalawang National B na ako pero wala ako makitang matinong ring binder.. At baka hindi ako makaattend sa Sunday, bed rest ang emote ko :D

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #128 on: October 16, 2014, 01:43:33 pm »
^naku. lawyer ka naman pala sis! balatuhan mo nalang ako! haha. ako din, magstart muna sa sideline sideline kapag nakapasa. :>

galingan natin sis! :>

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #129 on: October 16, 2014, 02:14:41 pm »
Tama wag kayo kabahan. Mahaba pa naman yung oras nyo para mag review kasi next year pa ang exam.

Ako nga nag out of town pa a few days before the exam. Pero dala ko reviewer at notes ko. Pag gising at bago ako matulog sinisilip ko yung mga notes ko. Sa plane nag basa basa din ako. Maybe 10-15minutes lang review ko at that time. Di naman kasi kailangan whole day or ilang hours ka mag review. Yung tama lang na may maretain sa utak mo yung binasa mo.

Kahit nga walang basahin kaya ko mag review. From my mind, nag eenumerate ako ng mga naaalala ko from the seminar. And i can do that anywhere.
Hindi ako bibo kid sa seminar, umaalis ako ng room pag inaantok na ako. Kasi useless ako makinig sa seminar pag tulog na yung utak ko. Minsan nakaka antok pag halos whole day na sa seminar, you just have to know how to keep yourself awake and alert during the lecture.

Don't pressure yourself. Relax lang sa pag review.

Alamin mo kung anong klaseng learner ka. Paano ka ba nag rereview nung nag aaral ka noon? Ako mahilig ako mag rewrite ng notes ko. Pag sinusulat ko kasi ulit yung notes ko mas naalala ko yung lesson.
May mga kilala ako na nag review na sinusulat sa manila paper or cartolina yung notes nila para daw ipopost sa bahay or room nila. Para daw pag gising nila sa umaga ay nakaka pag review na sila ng walang binubuklat na notes or readings. Yung iba nasa post it yung mga notes nila para naka post yung iba sa mirror habang nag aayos sila or kung san man nila gusto ilagay para makapag review sila.

Kaya sinasabi na lawyers ang nasa top kasi madaming laws na aaralin. Resa law, carp, carper, family code, etc. to be honest, di ko alam karamihan dyan kasi nag halo halo na sila sa utak ko sa dami nyan. Tinandaan ko lang noon yung mga sinabi sa aming mahalagang tandaan. Sinulat ko sa notes ko yung mga sinasabi ng lecturer na lumalabas sa previous exam at yung mga difference ng mga yan. Kung kaya nyong mag notes ay mag notes kyo para mabilis hanapin yung mga mahahalagang information.

Okay maging broker as long as masipag ka mag benta at makipag usap sa mga tao.
Pinag exam ako ng kapatid ko kasi broker din sya.

Nads2979

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #130 on: January 01, 2015, 09:47:30 pm »
Hi, makakahabol pa ba ako sa seminar this january?kelan ba schedule ng exam?

buchakikay

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #131 on: January 02, 2015, 01:26:20 am »
^ There are schedules for review, try to call urban kung meron pa silang slots. Broker's exam this year is scheduled on may 24, 2015 based on 2015 prc exam sched. So makakahabol ka pa sis  ;)

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #132 on: January 07, 2015, 06:24:27 pm »
https://www.facebook.com/cesacademy/photos/a.111758625569286.17214.111757015569447/748875451857597/?type=1&theater

Dyan may seminar pa. Jan 9 ang start. Nagbibigay din sila ng review classes a few days before the exam.
 Parang meron pa yatang ibang nag bibigay ng seminar kaso di ko na makita yung mga post nila sa fb.

mo|mel

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #133 on: January 14, 2015, 02:49:49 pm »
sisses questions, pano kung yung friend ko may pinapabenta saking property, pero hindi ako broker and all. pano maging process non? pwede ba yung basta patungan ko lang yung selling amount nia? o kailangan maghire pa ko ng broker? salamat sa mga sasagot

buchakikay

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #134 on: February 05, 2015, 10:54:35 pm »
sisses questions, pano kung yung friend ko may pinapabenta saking property, pero hindi ako broker and all. pano maging process non? pwede ba yung basta patungan ko lang yung selling amount nia? o kailangan maghire pa ko ng broker? salamat sa mga sasagot

Well maraming ways dyan and depende rin. You can ask the help of brokers, but seller have to pay a commission sa broker. Depende sa usapan niyo ni broker sa hatian. Pwede rin naman magpaaccredit ka na lang kay broker as an agent. Kaya lang magtake ka ng seminar to be real estate agent. Pero at least yun pagmay benta ulit hindi complicated. :)

iheartkulot

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #135 on: March 06, 2015, 01:30:03 pm »
Kamusta ang mga nagrereview? Shucks. Hindi ako makapagconcentrate pa sa review dahil monday-sat eh working ako and ang daming changes sa office :(

And admittedly, mukhang dami ko hahabulin na lessons kasi di talaga ako nakakapagconcentrate pa.

Goodluck sa atin sisses

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #136 on: March 06, 2015, 01:48:01 pm »
^hindi din ako makapagconcentrate!  :-\ BAHALA NA! hahaha. ;D

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #137 on: June 24, 2015, 02:11:27 pm »
heeeellooooo! :)

kamusta mga sisters? nag-top ba kayo sa exam? ako, pasang awa lang. hihi.

ano na balak nyo? im seeking for help and assistance sana since newbie lang ako sa LOB na ito. hope to get a reply. hihi. :D

jhenz1809

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #138 on: June 27, 2015, 07:19:24 am »
Hello po sa lahat! Im a newbie here.Meron ba agents dito who work for SMDC/ any developer.meron kc akng kakilala na gusto mag inquire next month un dting nya.Kindly PM me ur contact.And ask q na din,if ever po ba na bumili sya,meron ba akng comission nun..hehe..thanks po!!

amethyst028

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #139 on: July 19, 2015, 06:01:09 pm »
hi mga sis! i'm looking for freelance sales agent. commission is 2-3% depending on the commission rate of developers. i am selling projects of ayala land, dmci, smdc, megaworld, century properties, robinsons land and federal land (metrobank). foreclosed properties of bdo, bpi, metrobank, psbank, unionbank etc.

please pm me if interested kayo. commission can also be as high as 5-6% it really depends. we also give incentives like free boracay or hongkong trip for top sellers. with training and materials. ideal for those who wants extra income and hawak niyo oras niyo, you are not required to report to the office. basta may buyer lang kayo na bumili you will get your commission.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close