watch now

Author Topic: OK ba maging real estate agent?  (Read 89601 times)

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #100 on: September 29, 2014, 05:22:01 pm »
^mejo. Hehe for early bird yan. 15 days before start ng review. 20k ata pag hindi na early bird

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #101 on: September 29, 2014, 05:50:36 pm »
^hi sis! Meee! Sa urban ko nagenrol. Ikaw?

hi sis! sa urban din ako nirefer ng friend ko. kaso last wed lang. i emailed them last friday, no reply. :( hays. totoo bang 20k na if hindi early bird? late kasi ako nasabihan. :(

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #102 on: September 29, 2014, 06:04:11 pm »
^i guess more or less 20k. Email mo ulit sis :)

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #103 on: September 30, 2014, 09:11:54 am »
^sige sis. email ko ulit sila. :) sana hindi naman sobrang laki ang itinaas kung late na. :( i might walk-in on saturday kasi. :>

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #104 on: September 30, 2014, 05:41:02 pm »
^go go go sis :)

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #105 on: October 01, 2014, 08:59:48 am »
^nagemail ulit ako sis! haha. nagreply naman agad. kaso wala pa din daw slots. :( good thing, same daw na 17k kapag walk-in. so, mag-walk in pa din ako sa sat. sana may slot pa. :(

maude

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #106 on: October 11, 2014, 05:01:10 pm »
Ang mahal nga. Eh how about being a licensed salesperson? How's the process? Baka iyon na lang muna ang career-in ko before being a broker. september was kinda good to me, nakapag-close ako ng first two sales ko kaya I'm thinking ipursue na. ☺️

via_infinity

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #107 on: October 12, 2014, 05:49:34 pm »
Hi, medyo stiff ang process kapag gusto mo maging broker, you have to undergo seminars and exam with prc, magastos din aabot din ng 20k plus nung time ko wala pang lisensya kailangan as time goes by doon lang nagkaroon pero hindi naman kailangan licensed ka kung gusto mo lang maging agent, just like sa amin may mga sales associate ako na under our licensed, allowed naman yon, sobrang lucky lang talaga kasi maayos at maganda ang patakbo ng company namin free tripping vehicle and food for clients kaya nagtagal ako since 2007 pa ako nag start as sales agent, very interesting kasi malaki talaga ang kikitain mo dito na ko nakabili ng sarili kong bahay at sasakyan basta matiyaga ka lang.. marami pang oras for the family. hopefully matry nyo. good luck sa inyo 

maude

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #108 on: October 12, 2014, 08:53:40 pm »
^thanks! Sa ngayon freelance agent lang ako and enjoy ang commissions kahit medyo maliit pa lang. Would you mind if I ask saang company? It looks like naggrow ka dun. :)

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #109 on: October 13, 2014, 10:10:18 am »
So happy for you sis via_infinity! Sana swertehin din ako like you. nagsstart pa lang ako eh. :)

Hi sis maude, baka lang interested ka. may new schedule open ang URBAN. I am so lucky na nakuha ako sa previous class as waitlisted. Nag-open ulit sila kasi namove ang board exam from March to May 2015. :)

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #110 on: October 13, 2014, 11:58:44 am »
Ang mahal nga. Eh how about being a licensed salesperson? How's the process? Baka iyon na lang muna ang career-in ko before being a broker. september was kinda good to me, nakapag-close ako ng first two sales ko kaya I'm thinking ipursue na. ☺️

Kailangan under ka ng broker para maging licensed sales person. Good for one year yan. Para maging licensed sales person ka kailangan every year ay may 30 units ka na seminar. Pag licensed broker naman every 3 years kailangan ng 45 units na seminar para maka renew ng license. Parang mas mahal in the long run maging licensed sales person kasi every year kukuha ka ng seminar na 30 units. At every year ay aayusin mo yung papers mo sa PRC.
Kailangan at least 72 units yata natapos sa college para maging sales person. NBI clearance at Filipino citizen. Yan yung mga naalala ko na requirements.

Bawal makipag deal sa unlicensed sales person at 'broker'. Pwede kyo makulong at mapenalized pag gagawin nyo yan. May mga taong pwedeng mag sumbong once maingit sila. At saka mas malaki yung commission ng licensed broker. Kya try nyo na kumuha ng exam para legal lahat at solo mo yung commission mo. Isipin nyo kung 4-7% ang commission ng broker tapos sa sales person mga 2% lang.

Baka until next year na lang yung pwede mag exam for real estate broker yung mga di graduate ng real estate kya subukan nyo na mag seminar at mag exam ngayon. Good luck.

Btw, I'm a licensed broker and appraiser. Di ko talaga hilig mag benta, pinilit lang ako mag exam ng kapatid ko. Sa awa ng diyos ay napasa ko naman yung 2 exam kahit ayaw ko.

Check nyo yung article ng Foreclosure Philippines at baka makahabol pa kyo sa seminar. Kahit alin dyan pwede nyong enrollan. Mag review lang kyo para makapasa.
http://www.foreclosurephilippines.com/find-a-real-estate-training-center-2015-real-estate-brokers-exam/

Sorry for the long post.

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #111 on: October 13, 2014, 12:25:30 pm »
Sis pretty_b ano sked mo? Nagstart nko kahapon sa URBAN.

Sabi until 2016 pwede pa magexam, "baka" lang daw irequire na sa 2017 na may college course :)

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #112 on: October 13, 2014, 02:25:31 pm »
^hi sis! sa all-saturday class ako. 2nd day ko nung last sat. hehe. sayang naman, wala pa ako kakilala sa class eh. :(

i'm not sure sis. may nakita akong site na by 2016 di na pwede ang hindi graduate ng real estate course. i forgot kung anong site. kaya nagmadali ako na makaenrol. namove yung prc exam for 2015, kaya siguro nagdagdag ng classes si engr. ;)
« Last Edit: October 13, 2014, 02:28:44 pm by pretty_B »

annamarie88

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #113 on: October 13, 2014, 03:05:27 pm »
^oo nga sayang. Pero i made friends na sa mga katabi ko, magform din kayo ng group diba kaya magkakafriends pa tayo jan :)

Sabi ni Engr., 2015 & 2016 pwede pa. Sa 2017 "baka" lang daw irequire na pero "baka" lang yun.

maude

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #114 on: October 13, 2014, 08:53:03 pm »
Thanks sisses for the enlightenment. I will check urban plus the link given by coldsiren. :)

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #115 on: October 14, 2014, 10:52:21 am »
^^hi sis! edi kung 2017 pa, better para may makapagexam pa next year na hindi real estate grad. :)

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #116 on: October 14, 2014, 06:13:00 pm »
^pero di sure yang mga 2016 at 2017. Hearsay lang yan. Kasi dapat pag may graduates na ng Real Estate ay sila na lang ang pwedeng mag exam. Pagkakaalam ko nung 2012 may schools na nag start mag offer ng Real Estate. So mga 2016 gragraduate yun. Kya to be sure ay mag exam na kyo agad. Para may chance pa kyo mag retake in case di kyo makapasa.

 May 2 akong kilala na nag exam, nag review classes sila tapos may group study pa sila with other friends. Hindi sila pumasa kahit todo review. Yung mga kasama nila sa group study mga nag top pa. Btw, di sila mag kakilala.

 Sayang din kung ang commission na makukuha nyo ay pang sales person lang. Kaya mag exam na kyo agad kasi walang assurance na pwede pa mag exam ang non Real Estate graduates sa 2016 at 2017.

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #117 on: October 15, 2014, 09:52:07 am »
^hi sis! ask ko lang. if ever ba na ny 2016 implemented na na real estate grads nalang ang pwede magtake ng exam...meaning no chance to retake ang mga bumagsak ng 2015?

coldsiren

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #118 on: October 15, 2014, 10:59:46 am »
Yes. Kung iimplement nila na Real Estate graduates na lang ang pwede mag exam sa 2016, di na pwede mag exam ang mga graduates ng ibang course. Kya kailangan galingan nyo sa darating na exam kasi di sure na sa 2016 or 2017 ay pwede pa kyo mag exam.

Hindi lahat ng exam questions nasa seminar or classes. Minsan common sense lang yung kailangan sa pag sagot. Yung mga di ko alam ang sagot ay hinulaan ko na lang. May mga computation dun, di ako gaano nag compute kasi inaabot ako ng more than 3 minutes kakacomoute. 1-2 minutes yata yung naset ko na oras sa pag sagot per number. Ayaw ko mag tagal sa isang number na 1 point lang ang makukuha ko. Sayang din kasi kung dahil dun sa number na yun ay di ko masagutan yung ibang questions.

First time ko mag board exam sa PRC nung 2012 for real estate broker and real estate appraiser. During the exam todo dasal ako. Umabot pa sa point during the exam na gusto ko na tumigil kasi feeling ko puros hula ang ginawa ko. Thank God at napasa ko yung real estate broker and appraiser exam.

Yung pinaka nakaka inis na question na naalala ko ay yung sa real estate appraiser. They were asking about the brand of wires. Sa atin di naman usually tinatanong ang brand ng wires (alambre) pag bibili ka. Maybe tatanungin  yung brand ng alambre kung nasa construction industry ka pero kung di ka naman namimili ng construction materials ay di mo maencounter yang mga brands na yan. Saka I doubt it kung meron yung mga brands na yan dito. Yung exam questions kasi minsan lifted sa mga real estate text books from other countries like the US.

Ang style ko sa pag review noon ay nag basa talaga ako daily ng mga hand outs. Nag search din ako ng internet for current events kasi may part dun na current events. Mga at least 30 minutes yung review ko daily. Sa review classes namin may mga parang sample exam, sinagutan ko din yung iba.

Sinasama ako ng friend ko sa group study nila pero di ako sumama kasi naprepressure ako pag alam ng iba yung sagot sa questions tapos ako clueless.

During the seminar or review classes, mag notes kyo lalo na pag sinabi nila na lumabas yung topic na yun sa previous exam.

Iprepare nyo na ang NBI clearance, NSO certified birth certificate, transcript of records na may tatak na for PRC exam at picture na may name tag. May kailangan kayong envelope at stamp, sa loob ng PRC nyo bilhin yan. Fake yung binebenta sa labas at pag nalaman ng proctor na sa iba kyo bumili ay bibili ulit kyo during the exam.

Mag request na kayo ng maaga ng transcript of records kasi minsan matagal iprocess yan. Pahirapan din sa pag pila sa NBI clearance kya ischedule nyo yan agad.

Good luck sa mga mag exam next year.
« Last Edit: October 15, 2014, 05:55:53 pm by coldsiren »

pretty_B

  • Guest
Re: OK ba maging real estate agent?
« Reply #119 on: October 15, 2014, 01:43:07 pm »
^hi sis! you are so helpful! thanks sa input. grabe. kinabahan naman ako. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close