watch now

Author Topic: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)  (Read 60578 times)

bluish_pink

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #340 on: July 31, 2016, 09:03:17 pm »
pasali naman po dito. more than 1year na kaming break pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on. sobrang hirap miss ko na sya hindi ko alam ko pano ba ako makakamove on mahal ko pa rin sya eh :'(

zanabee

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #341 on: July 31, 2016, 11:11:50 pm »
ouch! may thead palang ganito. count me in.

princessette

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #342 on: August 22, 2016, 05:42:48 pm »
pajoin po. magtwo months na when I found out he is cheating on me. kaso he is still sending me emails may picture pa niya. I still love him kaso I can't trust him na so I keep ignoring his messages. And its really hard na controlin yung sarili ko na magreply. 😢

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #343 on: November 10, 2016, 01:54:11 pm »
Hi mga sissies! esp sa mga ka batch ko na brokenhearted last year. I hope this year is a breakthrough year for all of us.

2016 has been good to me. sana sa inyo din. :)  looking forward for more blessings and beautiful memories in the coming years for all of us.  Cheers! :)

For those going through a very difficult moment eh stay strong at malalagpasan nyo din lahat yan.

bettebette

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #344 on: November 14, 2016, 11:02:29 pm »
Hi mga sis! Mahirap talaga mag let-go ng feelings.. lalo na kung seryoso ka talagang nagmahal. Minsan niloloko na tayo pero ayos lang satin. Hindi na maganda ang attitude nila towards satin pero feeling natin normal lang yun and we deserve harsh treatment dahil nagger, pakilamera or what tayo.

Kung feeling nyo lagi lang kayo nag aaway at lagi nalang syang nakikipagbreak, give him what he wants... Give him space. Respect what he needs. In the mean time, ienjoy nyo ang pagiging single nyo mga sis. Wag muna kayo makipagusap kung maaari, limit your communication with him.. for a very long time. Pag pinilit kayong makipagusap, tell him na nirespeto mo [textspeak!] gusto nya, he should learn to respect you as well.. Malungkot yan sa umpisa pero kasasanayan mo rin. At sa huli.. you will learn a lot from your painful experience. 😊

michipoo

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #345 on: November 15, 2016, 02:11:56 pm »
Hello everyone.

My Ex and I broke up last February. It was my fault, nakipag break ako ng hindi ko pinagisipan ng mabuti. Nugn narealize ko na hindi ko kaya na wala siya, i tried my best to win him back at lagi niya ako nirereject. Sa tuwing nangyayari yun, pakiramdam ko mamamatay na ako. Nadepress ako ng sobra. Sobrang sakit ng nangyari. Then after 4 months by June, kinausap niya ako and nagkaayos kami ulit. Sobrang saya ko, sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na naisip lahat ng suffering at pain na pinagdaanan ko. This time inayos ko na ang mga mali na nagawa ko nung una kasi natuto na ako.

Sympre hindi maiiwasan ang mga misunderstandings samin, at tuwing nangyayari yun, ako palagi ang gumagawa ng paraan para maayos. Siya parang wala lang. Walang pakialam, parang susuko nalang dahil sa maliit na misunderstanding. Ako ayoko ng ganun, sabi ko sa sarili ko, hindi na ako susuko basta basta kasi ayoko na magsisi sa huli na hindi ko ginawa lahat ng kaya ko.

Then after 4 months mula ng magkaayos kami, naghiwalay ulit kami. Hindi daw siya sure sakin, may mga doubts siya sakin. Sabi ko sakanya unfair yun, kasi ako sure na sure ako sayo. No what ifs, no doubts.

So ngayon eto nagmomove on nanaman ako, I changed my number na para hindi na ako umasa na may text o tawag siya sakin. Pero honestly, naiisip ko padin na sana puntahan niya ako sa bahay o kaya sa office para kausapin ako. Sana mag effort naman siya. Sabi nga nila, kapag talagang gusto ka kausapin o ayusin, lahat ng paraan kayang gawin. Pero slowly tinatanggap ko na ang lahat. Sabi ko nga kay God, hindi ako magmamadaling mag move on. Pagdadaanan ko talaga yung dapat pagdaanan. Sobrang sakit padin pero ganun talaga siguro ang buhay. Iniisip ko nalang lagi na may plano si God para sakin.




crazy_khryssie

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #346 on: November 16, 2016, 04:16:40 pm »
i recently found out my bf of 9 years has another 7-month relationship.. it really hurts.. para akong binagsakan ng langit at lupa.. worse, the girl is pregnant. but the bf wont let me go, actually, both of us... he needed the girl to have baby kasi ayoko nun (pathetic, db), and he cant let me go dahil ako daw ang mahal nya.. i wanted to believe pero sa nangyari, parang hindi ko kayang maniwala.. for almost 7 months, b******t kung walang emotional attachment un.. stupid of me, we still tried to fix things, but its no longer the same.. trust, respect, integrity, its all gone.. funny thing, [textspeak!] girl pa ang galit sa akin  ;D ;D ;D

one day, we spent the whole day together... meeting him again after the mess, i realized wala na un sparks, wala ng excitement.. habang kasama ko cya, feeling ko pinipilit na lang ang lahat, i am no longer happy.. it really hit me nung sinabi ng kapatid nya na "mahal ko pala kapatid nila" (i really have a good relationship with his siblings).. realizations flowed into me.. i started asking, tama pa ba itong ginagawa ko? do i really loved him and when was the time i stopped loving him? napitik lang kaya nila [textspeak!] pride ko when he betrayed me kaya ako nasasaktan, or nasanay na lang ako nanjan cya kaya i feel at lost sa nangyayari.. several times gusto ko na makipaghiwalay before mangyari ang bulagaan, but maybe the time we been together hold me back and tried it again, kaya nga tumagal pa kami..

my mind is as troubled as my heart and my thoughts as jumbled as my life... still assessing myself if i can face all the fears alone...

krshaquino

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #347 on: November 17, 2016, 12:10:46 am »
Kaya niyo yan mga sis, In time magiging okay rin kayo lahat. Wag niyo madaliin ang pagmomove on. Darating rin kayo sa point na maiisip niyo na best decision na nag let go kayo sa taong sinaktan kayo.

OT : Pasali naman viber group! yay!

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #348 on: November 17, 2016, 11:01:07 am »
sis michipoo, whats broken cant be mended. gawin mo ang pag move on para sa sarili mo. every pain, every heartbreak will lead you to something special. mas makikilala mo self mo at mas rerespetuhin mo kase masasabi mo na kaya mo pala mag isa. hold on and look forward to better days. :)

sis crazy_khryssie, you need to respect yourself now more than ever [textspeak!] yung ginawa nya sayo pananapak sa pagkatao mo. 9 long yrs of solid relationship pero tinapon nya ng ganun ganun na lang worst he made her pregnant. nagawa nya na sayo once he will do it again. he can no matter what he say. at what will happen to you paglabas ng kid? magmumuka kang t*nga* i swear [textspeak!] he'll be emotionally attached to them at di nya pwede pabayaan yun dahil anak nya yun.

go and access the situation pero wag ka papahila pabalik dahil sa tagal ng pinagsamahan nyo at wag mo na sayangin ang darating na araw dahil lang nanghihinayang ka sa pinagsamahan nyo.  ego mo na lang yan kaya ka nagho hold on maybe you want to prove the girl na iyo pa rin si guy but heck, its not even worth it. think of it. hope malinawan ka na and walk away with dignity.

crazy_khryssie

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #349 on: November 17, 2016, 08:30:09 pm »
Sis najine: thank you very much for the encouraging words! Kailangan ko na talagang linisin ang mga kalat ko at magsimula na ng bagong buhay na wala siya. I will just wish him a better life.

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #350 on: November 18, 2016, 10:47:38 am »
^ yes sis. mahirap sa simula but when you start accepting things then things will fall into their proper places and youll be more at peace. He will have a better life and I wish you to be stronger kase mas marami kang lubak na pagdadaanan once you turn your back. pero lagi mo tatandaan sis. sa simula lang mahirap.  :)

princessette

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #351 on: December 01, 2016, 05:37:37 pm »
hi mga sissies, kelan lang nung lagi ako andito nagcocomment, nagpost ng mga nangyari at that time I just had to let it out.  It did me good.  Nagpakabusy ako, good thing I had this trip next year that kept me busy researching for hotels, tours, etc.  And it also help I have friends who knows kung ano pinagdadaanan ko, pinatatawa nila ako.  It will take  a while, minsan may mga madaanan lang ako names naalaala ko na siya, or mga memories namin.  Or when I hear lovers na gaya ng tawagan namin naapektuhan ako agad.  Or if he messages me, nagtataray ako agad, hindi ko pa kaya kausapin siya nun I was hurt eh. Now I can just laugh on those things, if he tries to contact me again, sure now I think I can look him in the eye and tell him he was a big mistake that life has given to me so I can learn from that lesson.  I wish him the best in life, I have forgiven him for cheating on me and I can say I am better now.  So, I hope kayo din it may take longer pero I know you will find happiness again by loving and believing in yourself.  ;)

Thinkerbell16

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #352 on: December 09, 2016, 07:45:57 pm »
Kailangang kailangan ko to right now..may active pa po ba dito

michipoo

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #353 on: December 14, 2016, 10:08:53 am »
Sino gusto magjoin  sagada this weekend! Dun tayo humugot girls! :)

fastlove

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #354 on: December 14, 2016, 12:38:44 pm »
Layo  sagada...  pero   nxt  year  na ..
may viber  group  ba  dito

bluish_pink

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #355 on: January 03, 2017, 11:40:33 pm »
2years na hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on..ano ba ang dapat kong gawin? Everyday ang lungkot ko pa rin. Simula nung naghiwalay kami parang naging boring bigla ang life. Yung feeling na nawala na ang reason ko parang maging masaya. Parag nawala ng kwenta ang life ko. Ang lungkot sobra. Di ko na alam kung paano ako sasaya ulit 😿

white_flag

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #356 on: January 17, 2017, 05:29:36 pm »
Mga sis, nood kayo ng vids ni Noah Elkrief sa Youtube, helpful yung iba. :)

Pasali rin kung may meet ups.

Ako naman 8 and a half years kami together. Since I'm about to turn 35 na (he's younger, mag 32), medyo napag-uusapan na ang kasal, pero wala pa siyang proposal. Last December, medyo sunod-sunod akong nagagalit sa kanya, pero maliliit na bagay lang naman (ang tagal niya dumating, di niya ko pinapaniwalaan pag may sinabi ako, etc..). Tapos after Christmas kinausap niya ko na  unhappy daw siya with me. Wala daw kasi akong ambisyon sa buhay at iba ang mindset namin (before pareho kaming English teachers nh Koreans. Ako ganun pa rin, naging home based lang at mostly sa Japanese na; siya naman umunlad na at mataas na ang sweldo as a computer programmer. Pero nakilala ko siya na pareho lang kami at undergrad pa. Napabuti nga niya talaga ang sarili niya). Mas priority na daw niya ang kumita ng pera kaysa sa relationships in general. Ang dami daw naming differences. Alam ko namang mahilig siya sa strong, independent, and successful women (two of his big crushes before are bigatin), kaya nasabi ko dati sa kanya nakaka-insecure, baka di kami puwede (nung nagsisimula palang kami). Akala ko natapos ang usapan namin na ok na lang daw, baka ganun talaga, minsan unhappy yung isa. Baka di lang daw sinasabi ng friends namin na unhappy rin sila sa relationships. So akala ko ok na kami.

Biglang January 1, New Year mismo nagsend ng msg sa FB chat na wag wala na daw  muna kaming label na bf-gf habang ganito ako. Maging successful daw  muna ako. (Grabeng strange nga e.) So I asked if he is breaking up with me or just wants to cool off. Cool off daw. So pinagbigyan ko, for more than 1 week, di ako nagmsg. Finally, di ko natiis, nagmsg na ko. Sabi niya sige usap kami the following Sunday. Parang medyo happy naman siya to see me on that day, nakipagdate pa talaga, kain sa medyo mahat at sine. Tapos in the end break na daw kami. For the past 2 years daw kasi ng relationship, pag magkasama daw kami, hindi niya alam paano kikilos at anong sasabihin for fear na magalit daw ako. Sabi ko sana sinabi niya sakin yun para naayos namin, para tinry ko magbago. Grabe lang talaga, ang sakit mga sis. :( Di ko akalain na magagawa niya to sakin kasi napakabait niya. Siguro nga ang dami ko ring nagawang mali. Pero sana sinasabi niya. Saka pag nagagalit ako lagi akong nagsosorry at bumabawi. Nawawala rin naman agad. Medyo aminado rin ako na naging financially dependent ako sa kanya. :( Kasalanan ko rin. Pero siguro unfair na di niya ko binigyan ng chance. Break up na agad kung kailan niya sinabi yung issues niya. :(

hushush

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #357 on: January 17, 2017, 08:50:29 pm »
Sis white_flag. Nakaka-sad yang story mo sis.pero wag ka mag-alala sis makakamove on ka din..lahat nang nangyayari sa buhay natin lalo na yan heartbreaks ay part yan ng strengthening of our character para harapin ang mas matitinding problema na maeencounter mo in the future...take it from me.na nuon akala ko din katapusan na ng mundo.parang ganyan din ang peg..nun magkaasawa at anak ako mas marami ako kinaharap na problema..hay nakupo pag kinuwento ko dito ot na syempre.pero yang pinagdadaanan mo o nyo ngayon kapag nagkapamilya kayo pagtatawanan nyo lang yan. Utot lang yan (tip of the iceberg) ng kakaharapin nyo sa mga susunod pang kabanata sa buhay nyo..

Ah matanong lang kita sis.dun sa part na naging financially dependent ka. How dependent ba? Alam natin kapag bf-gf ok lang yun mangutang o yun bf ang sumasagot ng ganito ganyan.ng dinner date.sa movie.pede din hati kayo paminsan...test na din yun sa kanila kung magiging good provider sila..pero minsan kasi tine-test din nila tayo kung magiging good budgeter tayo eh.pag bilmoko ang peg e nakow siguradong turnoff. :)

white_flag

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #358 on: January 17, 2017, 11:43:13 pm »
Sis hushush, maraming salamat sa pagreply! :) Kailangan ko talaga ng mga advice. Recently, nag home based lang ako pero unti palang students sa pagtuturo kaya liit lang sweldo. Nasira laptop ko kaya binigyan niya ko ng bago. Pagkakamali ko rin dapat sobrang bait ko na sa kanya. :( Kaso ibang issue naman yung ikinagagalit ko. Siguro di na niya talaga natiis. Dahil sa di rin siya mahilig magsabi pag may sama ng loob, nagpatong-patong na siguro. Aminado akong marami rin akong mali. Siguro secured na kasi ako sa kanya, di ko akalain na maiiwan pa niya ko. :(

white_flag

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #359 on: January 18, 2017, 01:18:36 pm »
Sis ember_sky, thanks for replying! Mukhang wala pa naman, kasi ang dami niyang gustong igastos sa sarili niya. Pero yan din initial na reaction ko, kaya ilan beses ko siyang tinanong. Grabeng sakit talaga hay. One step at a time. Kailangan ko laging ipaalala sa sarili ko. Sabagay sobrang fresh pa kasi. :( Yun din nga paulit-ulit kong sinasabi sa kanya, na sana sinabi niya kasi issues niya noon pa. 2 years na pala siyang unhappy. Kaloka siya. He tried to fix it daw on his own. Weird lang din talaga. Pero aminado rin akong mabilis kasi ako magalit lately. :( Siguro nagkasunod-sunod kasi kaya napuno siya talaga. Home based lang kasi ako, siguro parang lumiliit mundo ko, sa kanya na lang nagrevolve kaya kahit maliit na bagay lang napapalaki ko rin. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close