watch now

Author Topic: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)  (Read 60811 times)

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #300 on: October 14, 2015, 02:55:41 pm »
^ kailangan ko na lang talaga controlin yung utak ko. yung bigla na lang nagsusumiksik sa utak mo lahat lalo na yung ichura nila na masaya sa pictures. I just need to constantly remind myself na everything will be ok. that I will be okay. In time.  :)

sa totoo lang di ko na nga maisip kung my magkakagusto pa sakin in the future. if there's a chance for me to be in love again. baka nga welcome to pagiging matandang dalaga na lang peg ko. sa sobrang trauma ko pakiramdam ko ako na ang pinaka walang kwentang babae sa mundo. oo nasobrahan na ata pagiging nega ko. hai

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #301 on: October 14, 2015, 02:59:25 pm »
share ko lang mga sis..

ANG HULING TULANG ISUSULAT KO PARA SA'YO

https://www.youtube.com/watch?v=tejS6M3NAdg&index=2&list=PLqU2c3berW0N-rzfNVWET8SIm-zJGNtOe

gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito..  :'(

books_mags

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #302 on: October 15, 2015, 04:36:08 pm »
^ sis, stop putting yourself down.  it's normal to feel ugly and hopeless but as i've said, you should not have this feeling for a very long time. whether another guy comes or not, you need to kick your ex out.  if umaasa ka na he will wake up and realize your worth, malabong mangyari kasi ikaw nga hindi mo makita how much you are worth. 

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #303 on: October 15, 2015, 05:12:18 pm »
^ tama ka sis. mind over matter or heart muna dapat peg ko until such time na masabi ko na kaya ko na.
I just hope I could finally wake up to this nightmare.

kaya ko to. kakayanin. pa konti konti. I'll get there someday soon.
kung natapon nya nga yung pinagsamahan just like that dapat ako din. kung nagawa nya maging masaya, magagawa ko din. Aja!  :)

pretty_B

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #304 on: October 20, 2015, 10:48:51 am »
how are you guys? :)

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #305 on: October 20, 2015, 11:04:51 am »
^ coping.  :) trying to see things in a different perspective.

pretty_B

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #306 on: October 20, 2015, 11:59:38 am »
hi sis najine! i just read your story. it was sad. sad lang siguro kasi tama si tomhansen, they leave because they are weak. and that's their problem. during these times siguro, we only have to think about ourselves - our own happiness. it is soooo easy to say, i know. but it is the only way. always keep in mind that you can survive this. life must go on ika nga. so cliche', i know too. what i said is so selfish for others, i guess. but it helps. at least for some, maybe.

how is your social life, btw? hope you are open to meet new friends. not necessarily guys. meet with your long lost friends or new friends. keep yourself busy esp around people that could help you forget, not him, but the pain caused by him.

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #307 on: October 21, 2015, 10:50:45 am »
^ Thanks sis Pretty_B.

My social life is boring. Nahirapan talaga ako mag adjust because for 10 years Im with someone almost every single day, after work and during weekends, magkasama kami lagi. Bihira lang kami di magkita kaya talagang total adjustment. Yung biglang andami kong extra time na di ko alam ano gagawin ko. Di rin kase ako mahilig gumimik. Now, I try to go out on some weekends with old friend’s pag my available. Konti lang circle of friends ko unfortunately.  :-[

I’m looking forward in meeting new friends eventually. wala pa nga lang chance to do so. Siguro pag mejo ok na ko. Mejo shy type lang ako. :P

snix

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #308 on: October 23, 2015, 08:12:09 pm »
I am so glad I found this topic dahil ngayon habang nagsusulat ako naiiyak ako.. Kakabreak lang namin nung tuesday so fresh pa. Four years na kami, pangalawang major breakup na namin to. Yung una, dahil may third pwrty. Kung may makakakita ng tooic dito na ako nagstart, yung nagmakaawa ako eto din yung lalakeng yun. In the end nagkabalikan kami nun pero ako mismo wala ng gana so nagbreak kami pero nagbago sya at hinabol ako kaya ayun nagkaayos kami. So for another two years masaya kami.

Nagresign ako ng feb and has been jobless ever since, struggling to find work. So sa sobrang frustrated at depresed ko sa job hunt umikot mundo ko sakanya at kadalasan sa kamya ko nabubuhos lahat ng inis ko s paghahanap ng trabaho at lagi ko siya pinagdududahan. Narealize ko hindi na healthy ginagawa ko sakanya at i asked na makipaghiwalay ng september so i can focus and fix myself. Nagiiyak sakin at nagmakaawa na kaya daw nya itolerate ugali ko so sige nagstay ako.

Naganniv kami ng october 2 and then i found out na may gusto siya na babae sa work, binigyan nya ng pastel na galing sa cdo kasi dun kami nagcelebrate ng anniv. When i found out and asked him why kasi daw masaya kausap yung girl at di puro negative na tulad ko. So i said ayoko na but then ganun ulit he begged me not to go and said he'll rix his ways. A week after that i again found out na dapat sasabihin nya na gusto nya yung babae para mawala feelings nya. And there goes the process again. So he said this time talaga aayusin na niya but ng monday though kausap nya talaga mama niya, pinagdudahan ko siya kasi may reason nako para pagdudahan siya at ayun na.

Ng tuesday pinuntahan niya ko para sabihin na ayaw na muna niya, pagod na siya, gusto ng space at hindi na niya alam gusto niya. Ilang araw ko ng iniisip ano ibig sabihin ng hindi niya alam gusto niya.

Ng tinanong ko siya kung hindi na ba niya ko mahal? Ang lamig lamig niya at hindi niya ko tinignan pero ang sabi lang niya makakatulong ba sakin kung sasagutin niya pa yun. Dahil daw laging ako yung naghahabol, hayaan ko na daw siya magkamali.

Naospital na ko at lahat hindi niya pa rin ako kinakausap 3 araw na. At hindi ko rin alam panu ko magsisimula ng wala siya tulad ng iba dito na nakasanayan na. Umaasa ko na makalipas ang one month na hindi kami naguusap, baka sakali bumalik siya. Hirap na hirap ako ngayon ang sakit sakit. Tapos wala pako work at naospital pa, hindi ko alam pano ididistract sarili ko. Miss na miss ko na siya.
« Last Edit: October 23, 2015, 08:44:16 pm by snix »

heavenangels

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #309 on: October 25, 2015, 03:17:07 pm »
I just want to share this verse. I was once so heartbroken and a friend send me this.
I've been wanting to share my story sa married life but wala pa talaga akong lakas ng loob to let it all out except kay God. God Bless us all..

The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit. Psalm 34:18

TomHansen

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #310 on: October 26, 2015, 01:36:48 am »
@snix, we know masakit yung nararamdaman mo and you're allowed na magmukmok at umasa na bumalik siya, for now. Sa ngayon wala kang magagawa sa relationship mo dahil siya yung nakipaghiwalay at meron na siyang bago(pastel girl). Iwasan mo ring mag-isip ng mga bagay na sa tingin mo hindi mo nagawa kaya siya nakipagbreal, never blame yourself.. Right now ang mas mabuting mong gawin is magpagaling ka, dahil kailangan mong maging malakas para sa susunod mong gagawin which is magfocus sa paghahanap ng trabaho.. Kaya yan..

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #311 on: October 26, 2015, 10:51:42 am »
Hi Sis @nix!

I hope magaling ka na at keep on fighting to live. you will go through a lot of stages before you could finally say to yourself na "tama na", " move on na". believe me when I say A LOT. been there, done that. you can cry your heart out if you must. yung lungkot at sakit matagal bago mawala yan pero In time di ba?

sabi nga, "mahalin mo siya sa huling pagkakataon tapos bitaw na."

share ko lang ito. nakatulong din ito sa pinagdaraanan ko.

http://www.breakuprecoveryguide.com/Intro

wag ka mawalan ng pag asa makahanap ng work. dun mo buhos lahat ng attention mo. makakahanap ka rin.  :)

laban lang! :)

snix

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #312 on: October 27, 2015, 12:58:12 am »
Thanks Tom Hansen and sis Najone sa pagreply. Nagcopt paste na lang sko ng message ko sayo sis mejo edited na lang hehe

Nasa stage pako ng denial at umaasa.. Dapat hindi ko Na inaalam eh pero nabalitaan ko sa isa naming friend na lagi nya ko pinagtatanong tapos sabi din niya mahal niya pa ko.. Pero etong gabi na to humingi siya ng tawad formally sa magulang ko.. At sinabi niya na minahal niya ako noon pero hanggsng dun na lang kaya niya ibigay kaya ayan naiyak nanaman ako kasi umasa pako na magkakabalikan pa kami..

Hirap nito sis.. Hindi ako makatulog at makakain maiiyak ka, parsng sa lahat ng sulok maaalala mo siya. gusto ko nga ngayon makamove on na lang agad kasi sng sakit ng gsnito eh sng hirap.. Tapos wala pako work kaya hindi ako madistract. Yung mga nakasanayan wala at ang pinakamahirap sa lahat yung alam mong nakamove on na siya pero ikaw hindi pa.. Mapapaisp ka na lang amo bsng mali sayo, o bskit ganun na lang kadali para palitan ako..

One week ko na siya hindi kinocontact, dinelete ko na numbers niya sa phone ko kahit kabisado ko, ang problema iniistalk ko pa rin siya sa facebook at nagtatanong sa iba naming friends. Panu pala yung sa facebook? Gusto ko na siya iunfriend at delete lahat ng pictures st posts namin kaya lang hindi ko pa kaya kasi naalala ko lahat ng masasayang memories psg nakikita ko yung pictures.

TomHansen

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #313 on: October 27, 2015, 01:32:56 am »
^snix walang relationship na perfect, lahat nakakagawa ng mali and you're allowed to commit little mistakes dahil tao ka lang as long as di ka nagchcheat or nagsisinungaling sa partner mo. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit pinalitan, he's unreliable and unstable kaya may nakapasok na bago wag mong iblame ang sarili mo snix. Oo mahal ka pa niya pero mas mahal na niya yung isa kaya he gave up na sa inyo always remember that para hindi ka na umasa.. Healing takes time just hang in there at ituloy mo lang ang ginagawa mo to help yourself. Wala ka mang job magpakabusy ka sa job hunting.

Stalking your ex, mahirap pigilan yan lalo na wala kang work. Just try to limit yourself hanggang sa pakonti konti na ang pag stalk mo sa kanya. Kung pwede wag mo na rin munang kausapin yung friends mo na may connection sa kanya para di ka na magtanong about him. Big move yung pag unfriend at delete ng pics at posts, kung nahihirapan ka pwedeng wag mong sabay sabay gawin. unfriend mo muna ngayon, bukas delete ng pics, next day delete ng posts tapos sa susunod na araw block mo na.. We know it's hard pero kailangan mo talagang gawin yan snix kung gusto mo ng makamove on...

Aja aja!

snix

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #314 on: October 27, 2015, 07:33:53 am »
^yun nga pinipilit ko sa sarili ko ngayon eh na wala ako kasalanan at kung meron man ako mga pagkakamali dapat tanggap niya yun dahil tinanggap ko din yung sakanya. Ayoko na umasa kaya lang hindi ko mapigilan.. Next week sa monday, dapat monthsary na hindi ko alam gagawin ko ang sakit sa dibdib..cnagpapanic attack ako palagi, yung feeling na parang malulunod at hindi makahinga at nagpapalpitate.. Mas lalo ko nagpapanic attack pag naiisip ko na sila na.. At hindi ako makatulog kasi nanaginip ako.

Kelangan ko magmove on kasi siya nakamove on na ako andito pa rin.

najine

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #315 on: October 27, 2015, 10:00:31 am »
^ nix, nag reply din ako dun sa facebook and ex.

ganyan din exactly na feel ko before wag ka magalala lilipas din yan. pa konti konti. one step at a time. i set mo na sa mind mo na anytime makakakita ka ng pic nila together. actually, di naman tayo na re ready sa ganitong bagay o situation eh. ako kase inexpect ko na yan na mangyayari na makakakita ako ng pics nila together. It just a matter of time. nakaka praning pero true enough nung finally nakita ko na ay naku para pa rin ako pinagbagsakan ng langit. pinagkaiba lang di ako naiyak pero tulad ng sinabi ko sa earlier post ko eh sinampal ako ng katotohanan.

snix

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes.
« Reply #316 on: October 28, 2015, 09:47:38 am »
Kahapon nalaman ko na mahal niya pa ako pero dahil daw nasaktan niya ko ng ilang beses mas pinili niya lumayo.. Ayan mas lalo lang ako nasaktan. Ayoko na ianalyze at iinterpret mga sinasabi niya kahit na nakakaadik dahil yung konting pagasa na yun dun ka kumakapit, parang t@nga lang.

Nagumpisa nako kahapon magdelete ng mga posts at pictures namin. At hindi naging madali oarang gusto Ko pa itabi at ipakita lahat sa kanya para marefresh siya kung bakit niya ko minahal pero hindi na,wala na rin oagasa kasi nalaman ko din na palagi niya pa rin kinakausap yung babaeng yun..

Sa bawat picture at post para kong sinasaksak sarili ko pag naalala ko kung ano nasa likod ng mga yun. Eto pa yung taon na ang dami dami namin memories dahil ang dami naming pinuntahan na lugar. Ang hirap hirap at ang sakit sakit kasi hanggang dun na lang yun. Ang dami namin plano para next year, mga kakainan, pupuntahang lugar pero wala na. Baka yung bago niya ng babae ang dadalin niya dun.

At kahit masakit nagawa ko na siya iunfriend kahapon, at iunfollow mga common friends namin.. One week na mula ng maghiwalay kami pero pakiramdam ko walang progress kasi binabalik balikan ko pa rin nakikibalita na hindi naman na dapat. Kaya eto ngayon muka pa rin akong talunan


heavenangels

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #317 on: November 01, 2015, 01:31:47 pm »
Hindi naman kami hiwalay pero gusto kong magmove-on sa sakit na binigay nya sakin, sa family namin. Whenever I cry before dahil sa kanya, imagine na pag nakikita yun ng anak namin na 1yr old, naiyak na din sya. He would also say na, "mama tears" sabay hawak sa pisngi ko..


tambayan

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #318 on: November 01, 2015, 04:17:32 pm »
Hi mga sis :) I found this video sa fb :) This might help ;)

https://m.youtube.com/watch?v=IbvRW4FoaoM

Uridessey

  • Guest
Re: support group for those sisses na nagmomove on and the likes...? ;)
« Reply #319 on: January 09, 2016, 05:42:28 pm »
Suggestions lang mga sisses, gawa kaya tayo ng let's say viber group chat? Para mas madali tayo magkausap usap. Tulad ako pag sad ako, wala akong makausap. So ang tendency is nagsosolo ako. Wala naman ako ma chat dito sa GT.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close