Hi sis Aranes, masakit talaga. nakakaiyak noh? ganyan din ako lately. iiyak mo na lang hanggang mapagod ka, hanggang wala ka nang maramdaman. tapos pag medyo ok ka na, ayusin mo yung application mo. san ka ba pupunta? may way ba na makapunta ka don without the help of your ex? kung meron, go. bakit? kanya ba yung country? di naman di ba. sya ba president? vice president? secretary? di naman di ba. hindi porke ayaw nya na, stop na ang life mo. tuloy tuloy lang dapat. ayusin mo ang sarili mo, magtrabaho, iimprove ang mga dapat iimprove.
makakalimutan mo din sya, makakalimutan mo din ang sakit. well, hindi ngayon syempre. dahan dahan, mawawala din yan. but for now, let that sakit push you to do your best in life. 2-3 years from now, maayos ka na, may career (hindi lang basta job ha. career talaga). may career ka na, may kinakarir (hopefully) tapos pag nagkita kayo sa park, sa starbucks, sa supermarket, magugulat sya. ikaw na ba yan? how youve changed! you look so beautiful, so accomplished. ayan, ganyan ang sasabihin nya. habang sya naman, napapanot na, may beer belly, in between jobs, nadagdagan ng 20 lbs. oh well. sabihin mo, nice to see you but im not interested in what youre selling lol. napagkamalang salesman. malay mo maging electrolux man sya di ba.
dapat nakikinig ako sa sarili ko lol. well, inuumpisahan ko na. alangan naman sya lang ang masaya tapos ako dito nagmumukhang tan gee A sa kakaiyak? di pwede yan. kung masaya sya, dapat mas masaya ako lol. sa ngayon, eto, tinigilan ko na tingnan ang facebook nya, twitter at kung ano ano pang social media. naisip ko walang point e. habang sya panay ang post ng selfie, eto ako nagagalit sa sulok. dapat mag selfie din ako di ba. ayoko na ng stress so tama na ang pag stalk sa kanya, sa kanila. kung masaya sila e di good. maghihiwalay din yan.ako, im giving them 3-4 years.
so cheer up. lets look on the bright side. mag exercise ka, manood ng sine, magbasa ng books, mag post ka dito pag inaatake ka ng lungkot. go out with your friends. wala kang friends? make new friends. don sa country na pupuntahan mo, simulan mo na ang paghahanap ng pinoy friends. natulungan mo na sila sa homesickness nila, natulungan ka din nila na magkaron ng bagong kakilala. or maglinis ka ng bahay, mag cross stitch ka, umakyat ng puno, mag out of town, mag business, mag aral sa tesda, kahit anong pwedeng gawin, gawin na habang mag time. kaya natin to
