hello mga sis! done na with our wedding last april 6

so eto na..we availed package 1 with free fotobooth. never heard ang studio1 for us ni hubby pero since reasonable yung rates nila and yung package nila, we booked them on the spot. wala kaming naging problema sa prenup namin with kuya eugene. ang nakakatuwa sa kanila ni aries (lightman) is they are polite. Actually late kami ng 1hr sa prenup namin pero ok lang sa kanila. Maganda rin yung mga shots nya. yun nga lang, medyo may pagka traditional. Mahilig sya sa 'look away' shots

happy naman kami ni hubby sa result and super ok yung guestbook namin.
wedding day- pinadala nila si Kuya Jonathan (photographer) and erwin (videograppher). like the other photographer, they are also polite, light kasama, nagtatanggal ng nerbyos ng bride

nakita na namin yung raw copies ng photos and video, ok naman yung mga kuha kaso kulang kulang. may iba na hindi nakunan. wala yung video sa ceremony, yung nakunan naman, may ilan na ang pangit ng audio. hindi ko lang alam kung ano yung kakalabasan ng edited video namin. sana maging ok. and sana bukas, pagtanong namin kung nasan yung ibang part ng video, wag nilang sabihin na nabura or nawala yung file.
FREE PHOTOBOOTH- DISASTER AND SOBRANG NAPAKAPANGIT! feeling ko, ang photobooth namin ang pinakapangit na photobooth sa buong mundo. kung makikita nyo mga sis yung sample, malalaman nyo kung bakit ako stress na stress at sobrang disappointed sa kanila. ang peg namin, oscars, so nagpagawa kami ng 8x8 ft na tarp para sa back drop namin para hindi makita ang mga gilid gilid (yung free kasi nilang backdrop, kakarampot lang). nagrequest kami ng red carpet sa kanila na pinangako nila na ipoprovide. pinakita pa nila sa min sa office nila yung carpet, 2 or 3 days before ng wedding. nag ocular din kami para malaman nila kung san sila pupwesto. ako pa yung gumawa ng layout ng photobooth namin para makuha lang nila yung tamang font and texture. gusto namin ng whole body shot kasi yung mga bisita e pinaghandaan ang suot nila mula ulo hanggang paa. so eto na nga, late sila sa reception. nandun na yung mga bisita, hindi pa sila tapos mag set up. wala ang red carpet, kita ang mga gilid gilid, kelangan mo pa ng magnifying glass para makita ang images sa sobrang liit, mali ang framing at headroom at blurred ang ibang kuha

pinaghandaan namin ang fotobooth namin kasi yun na ang souvenir namin para sa mga guests, tapos binaboy lang nila. perfect and sobrang ganda ng wedding namin sabi ng mga guests namin, ang nakasira lang is yung photobooth. parang nanadya yung operator kasi kahit bata sinasabi yung mga mali. nareport na namin to sa kanila. sabi ni ryan (supervisor) ginagawan na nila ng paraan. i doubt kung maayos pa nila yun at kahit anong gawin nila, hindi na mababalik yung time and hindi nila matatawaran yung stress na binigay nila sa min, especially sa kin.
eto mga sis ay mga naexperience namin sa kanila. i dont know kung ano kakalabasan ng album namin at ng edited video namin. sana totoo ang sinabi ni ryan na gagawan nila ng way at aayusin yung mga palpak nila. i even asked him, kaya nyo ba ginawa to kasi package 1 lang kami? kapag ba yung pinaka mataas na package ang kinuha namin e hindi ko kami ganito tratuhin? nakaka sad lang mga sis. ang hirap ilet go nung ngyari. ok na sana sila as supplier, kung bakit photobooth na lang, sumablay pa.sana kumuha na lang kami ng ibang supplier sa fotobooth and hindi na lang kami nag rely sa kanila. yung ae nila, si leofe medyo windang kausap, oo lang ng oo hindi naman pala malinaw sa kanya yung sinabi namin. yung raw video, ewan ko kung nasan yung sa ceremony.