joyce here!
mahal nga ang tuition fee dito. e tuition fee na sa international school sa pinas ang binabayad namin sa philippine school dito.
yung first year high school ko, Dh3500 upon enrollment (inclusive of books and 3sets uniform), tapos Dh534 monthly tuition at Dh350 school bus per month.
yung bunso naman, kinder1, Dh3000 upon enrollment (inclusive of books and 3sets uniform), tapos Dh318 monthly tuition.
yung school bus, yung ate lang sundo at hatid dati sa bahay. nung nag school na yung bunso, hindi na sana magschool bus yung ate kasi sasabay nalang sa bunso pag hinahatid namin. e hindi na pala pwede icancel yung school bus, kailangan ituloy ng 1whole year. akala kasi namin pwede magpasundo for a month tapos pwede rin hindi kasi monthly nga ang payment (sa tagal tagal na namin nagschool bus, nun lang namin nalaman na contract pala siya).
kaya ang areglo, ihahatid namin sa umaga yung dalawa, tapos school bus na maghahatid sa kanila pauwi.
4yrs 7months nagstart yung bunso ko sa kinder1. dapat sa kinder2 ang age niya, kaya lang wala ng slot. e kung hindi kami makapag enroll ngayon, next school year grade1 na siya. ayoko naman yung ganun, mabibigla yung bata. kaya pinakiusap ko na kahit kinder1 nalang. hanggang 4yrs 6months naman kasi ang cutoff ng kinder1.

pumayag naman sila, yun nga lang, si jade ang pinakamatanda sa class. hehe
tsaka tama lang yung age niya for kinder1. yung panganay ko 4&ahalf years din nag kinder.
tin,
minsan may deal din ang ferrari world, abangan mo lang. hehe.
ako din hindi pa nakapag desert safari. yung panganay ko na try na niya. hehe. nakapunta na din siya sa atlantis. kami ni bunso naiwan kasi may work din nun si hubby.
pero si hubby minsan ang work site niya sa burj al arab. hehe. sa palm jumeira, etc. kaya nakakapasyal na din siya at nakakapag picture.