watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92714 times)

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #240 on: June 14, 2012, 02:42:42 pm »
angeleigh - 9yrs kame ni BF, 3yrs kameng LDR, ngayon ay 6mos ng kasal at 6mos na rin akong preggy, hehe..
unang sampa nya sa barko, pagtawag saken, wagas ang iyak nya..mahirap talaga sa una sis, may time pa nun na nadepress at nahomesick ako, i dropped weight pero nung time na natanggap ko na yung nature ng work nya, naging ok naman na..
eto ginagawa ko, everyday i save text messages on my phone, parang journal then send it to him once my signal na sya..tapos pag pauwi na sya, nagpplan na kami kung saan kame magsspent ng vacation, tapos panay kame pictures then pag babalik na sya sa barko gumagawa ako ng collage ng mga nangyari samen nung vacation nya pati na rin yung mga goals namin tapos dinidikit nya yun sa cabin nya..


bdayboy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #241 on: June 14, 2012, 02:44:35 pm »
^ Oo nga e, kung may anak na rin siguro ako hindi ganon kalungkot. Kasi may ibang libangan. Nakunsensya kasi ako, last monday nung pagtawag niya sakin, nagbreakdown sya eh :( Uuwi na lang daw siya. Inabutan ng lungkot eh. Nahawa na sa akin. :( I felt really bad.

Minsan nga gusto ko na lang puro "landi@n" sa phone eh. Para hindi nakakalungkot. Pero mas lalong nakakamiss! teehee!

Kahit may anak at some point mas nakakalungkot pa minsan.  May friend ako na kapitan ang dad nya and would leave for months, sometimes a year, at lagi nagkakataon nawawala kapag mga birthdays and important happenings sa buhay nya.  It's bad enough that you miss him, but having your children miss him as well makes it even sadder because the sadness is multiplied.

If I may recommend, while he's still young and earning big as a seafarer, make good use of a portion of it and start a business that will eventually generate income equal to his salary.  Once it's stable, have him quit and make him focus on the business to grow it further.  It will involve a lot of sacrifice especially in the early years but the rewards will be far greater. 
« Last Edit: June 14, 2012, 03:47:50 pm by bdayboy »

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #242 on: June 14, 2012, 03:08:57 pm »
hi sis babymom20 , thank u sa prayer, yan din sabi ni hubby, hmmp grabeng pag subok!  ;D ;D. hindi ko lang sure kung babalik sya dun, dati kasi nung time na nafi-feel nya na ayoko na gusto nya na mag sign off, e na promote naman sya kaya hindi na natuloy pag sign off nya, then ngayon may financial problem inlaws ko kasi nagka sakit father nya kaya baka bumalik pa sya, kung ako masusunod sana dito n lang sya mag business n lang kami, ang hirap kasi ng malayo..

sis angeleigh, ganyan din ako nung 1st alis ni hubby, super iyak ako pag natawag sya, e sabi nga nya mas nahihirapan daw sya pag naririnig nya na naiyak ako, kaya ayun convert nya agad sa sexytime  ;D ;D ;D


@sis serendipity02, pareho pala tayo 9 years din kami ni hubby bago kmi nagpakasal, mag 2 years na kami married.

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #243 on: June 14, 2012, 03:35:29 pm »
^Same here sis, i printed out all of our pictures and made him an album with notes for each of the pictures. Tapos nagsulat ako ng napakahabang letter for him. Kapag wala siyang signal sa cellphone and internet, I send him emails multiple times a day. Good thing i can send email through my company phone, so whenever I want to say something, i send it through email.

October last year lang kami, and sumampa siya nitong April. 4months lang ang contract niya so by August nandito na siya!

Kawawa naman minsan kapag inaabutan ng lungkot yun iyak ng iyak. :( Minsan nga gusto ko kung ano ano na lang kinwento ko at hindi na yung tungkol samin, kasi kapag tungkol samin, mas lalo nakakalungkot at nakakamiss eh.

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #244 on: June 14, 2012, 03:59:39 pm »
^ sis buti kayo may email, kame ni hubby nganga.. wala syang signal sa june 25 pa.. hehe.. malapit na pala sya umuwi eh.. kami ni hubby 9mos ang contract malamang nakapanganak na ako pagdating nya..

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #245 on: June 14, 2012, 05:08:04 pm »
^Yes sis, officer na kasi siya kaya 4mos-2mos siya. 4mos sa barko 2mos sa lupa. Naka-anchorage sila ngayon sa Brazil for almost a month na so swerte may signal ang cellphone. Yun nga lang malayo pa rin sa port kaya wala silang internet. Sa saturday pa sila makakapasok sa port, sana may magoffer ng internet connection! Weeee matinding skype session eto!!!

Ang tagal pa uuwi ng hubby mo sis! Sayang hindi ka niya masasamahan sa delivery mo! Il pray for your safe delivery sis.

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #246 on: June 14, 2012, 07:45:42 pm »
musta na mga sis?

welcome sa bagong sampa baresexy and angeleigh :)

medyo off topic mga sis pero baka you know someone who knows someone hehe, currently hiring ang company nina hub ng crewing assistant. dito ko post kase at least reliable pag referred by someone.

napadaan lang thanks! :)

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #247 on: June 15, 2012, 09:15:57 am »

sis angeleigh, ganyan din ako nung 1st alis ni hubby, super iyak ako pag natawag sya, e sabi nga nya mas nahihirapan daw sya pag naririnig nya na naiyak ako, kaya ayun convert nya agad sa sexytime  ;D ;D ;D


Natawa ako dito, oo nga eh. Kapag ganyang usapan mas okay pa! Hahaha! Hindi nakakalungkot ;) Pero mas lalong nakakamiss! :D

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #248 on: June 15, 2012, 09:22:36 am »
@bdayboy: Chief officer na si bf at the very young age of 30. Im very proud. And alam ko na gusto niya na maging kapitan pa. Although alam ko na masama sa loob niya na umaalis alis, I know too that it is his dream. Kahit mahirap din para sa akin, gusto ko rin siya hayaan at suportahan sa pangarap niya. Siya ang nagset ng timeline sa sarili niya. Maka 2-3 na sampa lang siya as kapitan, okay na daw sa kanya yun. Kaya todo ipon kami para pwede siya magquit sa pagbabarko. Anyways, kapag nandito naman siya sa lupa eh pwede naman siya sa mga training center magturo. Ganun ginagawa niya kapag nandito siya.

Kasi naman tong mga boys natin, pwede naman sa ibang field! Bakit eto ba napili nila! hahaha!

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #249 on: June 15, 2012, 09:31:05 am »
as for my hubby naman, nirefer lang talaga sya ng tita nya para pumasok sa pagbabarko.. sobrang layo ng course nya sa pagbabarko, eh kaso dun malaki ang kita kaya go na! hehe..

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #250 on: June 15, 2012, 09:41:33 am »
^Ngayon ko lang narealize na napakalaking sacrifice ng mga taong ganito ang profession. Nakakatakot din kasi marami sa mga family ng seaman eh broken family talaga. Hindi kinakaya ang pressure ng malayo sa isa't isa.

Kinwento ko nga sa kanya through text that i found a support group online. Sabi niya piliin ko lang daw ang mga babasahin ko. Huwag ko na daw basahin yung mga malulungkot na kwento dahil dadagdag lang daw yan sa pagka emotera ko. Hahaha!


serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #251 on: June 15, 2012, 10:09:03 am »
^hehe. My hubby knows this forum too, pero hinde nya alam username ko, hahaha! ayoko nga sabihin! pag may nababasa akong negative about sa mga seaman or mga kabitch thingy na yan, sinasabi ko kagad sa kanya para aware sya!hehe.. although im surrounded by seaman relatives, syempre tao pa rin sila at iba iba ang pananaw sa bawat relationships..

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #252 on: June 15, 2012, 10:19:01 am »
^ Hindi ko na sinasabi sa kanya yung mga nababasa at nasasagap ko na negative things about seaman.

Pikon na pikon yun sa "Seamanloloko". Bakit daw ba nadikit na sa profession nila yan eh hindi naman totoo.

Hindi niya daw gagawin yun. Ah basta sa akin, ang sabi ko sa kanya, kung kaya mo magloko... Isipin mo na mas loko loko ako kesa sayo. ;D At kapag babae ang nagloko, hindi lang "loko" yan dahil may kasamang pagmamahal yan. So mas mabigat at talagang iiwanan kita. Ayun kaya good boy yun. Takot niya lang!

mishyewarians

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #253 on: June 15, 2012, 11:01:39 am »
thank god i found a thread na ganito.  :)

for the wives a PMMAer, may group po tayo sa FB, PMMAers wives club, search nyo lang para updated kayo sa mga activities like homecomings and mini reunions and all. ;)

before super cry kami ng son ko. but now, sad na lang, nasanay na din maybe,mga 2 weeks kmi ng mga anak ko before maka adjust na hindi namin katabi sa bed ang daddy nila.thank god may wifi lagi ang barko nya, though mahina, ok lang, mas tipid din kasi kesa int calls.kaya online kami everyday sa skype and FB. 5 mos lang contract nya pero kaka miss parin, un nga lang kapag andito, sobrang gastos, lahat ng requests ng mga anak namin binibili nya. :D

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #254 on: June 15, 2012, 11:18:42 am »
^Anong batch ng hubby mo sis? My bf is also a PMMA'er 2003. :)


bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #255 on: June 21, 2012, 09:18:08 am »
mga sis, ganito din ba in laws nyo?

yung kapatid kasi ng H2B ko, yung dalawang anak nya pinag aral ng H2B ko. ngayon nag graduate na ng nursing yung panganay kaso wala pa din work ngayon. at yung kapatid naman na parents nung bata, walang source of income umaasa talaga sila sa padala ng H2B ko.

kahapon, pumunta sa haws yung pamangkin na graduate na ng nursing at wala pa din work, nanghihingi na naman sila ng pang kapital sa negosyo. inuuto nila H2B ko kunwari partnership sila tapos kinakalimutan nalang yung bigay ng H2B ko pang kapital nila na umaabot ng 100K.

pikon na pikon na talaga ako na nalilito ngayon. need your advise mga sis.  :'(

baibua

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #256 on: June 21, 2012, 11:14:11 am »
Hello, pasali din po...nakakarelate din although wala [textspeak!] akong problema sa in-laws kc malayo naman ako sa kanila.

I'm a seafarer's wife for 2.5 years now at nakakalungkot at times na kelangan mo ng kausap kapag may problema, hirap mo makontak kung minsan kasi nasa laot. Pero eto at medyo nasasanay na rin...

I'm Bangkok based and mas okay sa akin kasi minsan may byahe sila rito kaya kahit papano nakikita din namin sya ng anak namin.

God bless sa ating lahat.

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #257 on: June 21, 2012, 12:16:00 pm »
That's a tradition na ata ang tawag mukhang not only with seamans but with OFW's as a whole. The family of my husband lived sa ganoong scenario. yung tita nya ang nagpapaaral sa kaniyang mga pinsan including her sister nung hindi pa nakasakay si hub..mga 6 ata sila pero hindi naman sbay sabay. Good thing my husband manage to become a scholar and never bother to ask for a single cent after a year. Out of gratitude of my husband pinag-aral nya ang kanyang cousin in college and sya na rin ang nagpaaral sa kanyang kapatid.

When we got married it was clear to me that scenario, so hindi sa akin naging issue. kahit pa, namaluktot kami sa kumot during the 1st quarter of our marriage.

Ngayon I become wiser. Hindi pwedeng manghiram ng walang collateral. hahaha. I feel for you sis, minsan ikaw na nga itong concern pero sa pananaw ng family eh..nagiging mukhang pera ang wife/gf. eto kalimitan ang naririnig kong awayan ng two parties. mabuti na lang at hindi ganoon ang immediate family ng hub ko.

Talk with your H2B sis. ask him about his future plans na kasama ka and how he plans to achieve it. Ask him about the pros and cons ng pagpapaborrow nya ng money. For me what works best is asking /questioning until he  derive sa sagot na parehong gusto niyo. Men are self-centered and their decision matters a lot, it boost their ego. so kung sya ang nagsolve ng problema at hindi ang babae, it feels good to them. Listen and ask question.  ;D

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #258 on: June 22, 2012, 09:39:34 am »
@ sis swit_squiggle

thank you sa concern sis. nakakairita lang kasi talaga. ilang years na din kasi sila ganyan. we ended up  arguing pag nag start ako magtanong. kaya nanahimik lang ako minsan. pero yun nga, after months, ma realize nya mali decision nya sa pagbigay nya ng pera, ako sisisihin nya kasi kung bakit daw hindi ko daw sya pinigilan. eh sinagot ko nalang na pag nag comment ako, ako pa masama although wala naman ako nakukuha dun kasi may trabaho naman ako.

ngayon, i am 31 years old and he is 33 years old, we are undergoing fertility workup kasi we are trying to have a baby na sana. pero nakakalungkot lang isipin na imbis na magsimula na kami mag business eh na invest nya pera nya sa kapatid nya which he ended up losing kasi nawawala yung pera na hindi namin alam kung saan napunta. 

nag compute din ako, for the past 5 years na nagbarko sya, 3M na nabigay nya sa kapatid nya while I ended up working hard para mabuhay ko yung sarili ko sa call center which is sinabi ng doctor na main reason kaya hindi ako nabubuntis kasi stressed out ako lage sa work ko.

nalilito talaga ako. inisip ko tuloy ngayon, mag abroad nalang para magka house kami dalawa at makapag put up ng sarili namin business.

 :-[

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #259 on: June 22, 2012, 08:42:39 pm »
hi sisses ask ko sana if meron ba dito na from crewcare ang hub/bf? tia

 

Latest Stories

Load More Stories
Close