watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92583 times)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #220 on: May 25, 2012, 10:24:09 am »
^ agree sis iggy! hindi sagot ang kasal. hindi rin yun magandang escape sa magulong pamilya. ayusin muna ang gusot, para pag start ng pamilya, e masaya rin ang umpisa. hindi stressful. :-)

also, wala pa po kasunod si neo at yes nagbabarko pa si sis faith. ako na talaga sumagot hehe. maitanong ko nga bakit hindi na sya dito dumadalaw.  ;D

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #221 on: May 26, 2012, 04:24:40 pm »
HI sis cerenity_18. curious lang ako, pwede ba magkasala ang kapitan?

oo sis me license silang magkasal though dito sa pinas di sya valid not unless one of you are in danger or malapit ng madeads ...sa ibang barko out of PH legal and normal sya :)

mhaydg

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #222 on: May 27, 2012, 01:36:00 am »
Ma share ko nga pala, last year na uwi ni hub, grabe pinasok kami ng magnanakaw habang natutulog kami. tinanggal yung jalousie ng bintana namin, wala kasing grills. then nakalimutan din namin ilock yung room namin. nagising na lang kami na wala na yung cellphones namin, and wallets. then yung bags namin ni hub at yung pants nya nakita na lang namin sa cr at bukas yung door namin. halos kauuwi lang ni hub nun kaya for sure taga dito lang yun samin at kilala kami. nakakatakot lang kasi hanggang room nakapasok sya habang kami ay mahimbing sa pagtulog. kaya hanggang natatakot pa rin ako parang dipa ko nakaka move on. buti na lang yung pera ni hub ay naka checke pa sa opisina. thanks God pa rin at hindi [textspeak!] masyado malaki nakuha samin.

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #223 on: May 27, 2012, 04:58:47 pm »
nakakatakot naman yung experience nyo with magnanakaw sis mhay, dapat talaga well secured yung place nyo lalo na pag wala si hubs.

pero as per your kwento about your friends with seaman hubs, kahit pa tomboy yung ka relasyon nila eh cheating parin yun.

about 3 weeks ago din nalaman namin ni hubs na yung uncle ko pala naging kabit yung wife ng friend namin na seaman. Matanda na yun seaman 55 na kapt ng barko, mabait sya, nagpupunta pa dito sa bahay namin silang mag asawa pag may handaan and very supportive sa mga business ni hubs. Nasaktan kami for him nung nalaman namin naniloko pala sya ng asawa nya with my uncle. Pero that was long time ago, nung binata pa ang uncle ko naging sugar mommy nya yung asawa ni capt. Bale nag kwekwentuhan kami ng ex-wife ng uncle ko, tapos nag pag usapan yung kalokohan ng uncle ko nung binata pa sya, na may sugar mommy nga raw, tapos dun nakatira sa ganitong bahay, naalala ni hubs na bahay ni capt yun, tapos tinanong namin kung seaman ba yung asawa nung babae, oo nga raw, tapos sinabi yung pangalan. pero matagal na yung mga 16 years ago. hindi namin alam kung nambabae rin si capt pero it's hard to look at his wife the same way. kung baga may pagka judgemental na.

If I were in your shoes sis mhay I would talk them out of their illicit affairs. Yun eh kung ako ikaw ha, syempre iba iba naman tayo eh.

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #224 on: May 29, 2012, 10:39:46 am »
aw. tama nga kayo sis. regarding sa family nya. nag usap na kami. pag natapos yung pinapag aral nya ngayon, focus na kami sa bahay and fertility workup. we're getting ready na to settle down. siguro mas makabubuti samin mag focus na mabuntis ako at sa kasal namin.

@sis mhaydg
san banda haws nyo?  iba na talaga mga magnanakaw ngayon. may background check sila pati sked ng labas saka pasok nyo sa haws alam ng mga yan. nakakatakot naman yan. naghahanap pa naman kami bahay ngayon. lalo na seaman hubby mo.

mhaydg

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #225 on: May 31, 2012, 12:09:06 am »
sis bloodymaria: sa Paranaque kame sis. hindi naman subdivision tong samin. Pinaka safe talaga sa subdivision if kukuha kayo ng house ng hub mo. If Paranaque, I recommend Multinational Village.

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #226 on: June 12, 2012, 11:27:49 am »
hi pa join ako mga sis, seaman din si hubby mag 2 years palang kami kasal pero 9 years kami mag bf/gf and 5 years na sya nag ba-barko, share ko lang mga sis ang hirap pala talaga pag  sa cruise ship ang hubby mo gaya ng sabi ng isa nating sis dito, kasi si hubby wala pa kaming 1 year kasal nagkaroon sya ng kabitch kasama nya sa barko, ang masaklap dun alm nung girl na married na sya at hihintayin nya daw na tuluyan na kami magka hiwalay. ganun b talaga ibang seawoman? parang deperada? e dami naman siguro binata dun! hays.. na experience nyo nadin ba to? pano nyo nalagpasan mga sis?  >:(

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #227 on: June 12, 2012, 11:56:24 am »
sis bloodymaria: sa Paranaque kame sis. hindi naman subdivision tong samin. Pinaka safe talaga sa subdivision if kukuha kayo ng house ng hub mo. If Paranaque, I recommend Multinational Village.

@mhaydg

mejo may kamahalan ata jan sis eh. kahilo pala talaga maghanap ng property.

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #228 on: June 12, 2012, 11:59:37 am »
hi pa join ako mga sis, seaman din si hubby mag 2 years palang kami kasal pero 9 years kami mag bf/gf and 5 years na sya nag ba-barko, share ko lang mga sis ang hirap pala talaga pag  sa cruise ship ang hubby mo gaya ng sabi ng isa nating sis dito, kasi si hubby wala pa kaming 1 year kasal nagkaroon sya ng kabitch kasama nya sa barko, ang masaklap dun alm nung girl na married na sya at hihintayin nya daw na tuluyan na kami magka hiwalay. ganun b talaga ibang seawoman? parang deperada? e dami naman siguro binata dun! hays.. na experience nyo nadin ba to? pano nyo nalagpasan mga sis?  >:(

@sis baresexy

eto lang ma advise ko sayo sis, try to communicate sa hubby mo. wag puro away. pag-usapan nyo maigi. yun nga lang kasi nakikita ko rason kya nagkakalamat relationship ng mga ganitong sitwasyon. and above all, be strong...

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #229 on: June 12, 2012, 12:18:08 pm »
hi sis bloodymaria, thank u sa advise pinipilit ko talaga maging strong, kahit sobrang sakit na, iniiyak ko na lang, actually di ko n talaga sya inaaway, kahit na alam ko na mag kasama sila dun kahit sobrang naiiyak ako pag naiisip ko, tinatatagan ko na lang ang loob ko, binigyan ko  na din sya ng ultimatum hehe.. sabi ko sa kanya sukong suko n talaga ako, feeling ko kasi hindi ko na talaga kaya, nung naramdaman nya na siguro na talagang ayoko na, ayun todo effort na sya ngayon sa pagtawag pag nasa port sila, samantalang dati parang kailangan ko pa magmakaawa makausap lang sya :)  next month n nga pala ang uwi nya, bukod sa excitement ko sa pag uwi nya, parang mas excited ako na magkakaalaman na kung talaga bang totoo yung pangako nya na aayusin nya na yung buhay namin, syempre tina-try ko na mag trust sa kanya ulit, ayoko mag expect, ayoko n ulit ng sakit. pinagdadasal ko na lang kay GOD ang lahat. pagod na rin talaga kasi ako. :(

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #230 on: June 12, 2012, 01:53:12 pm »
hi pa join ako mga sis, seaman din si hubby mag 2 years palang kami kasal pero 9 years kami mag bf/gf and 5 years na sya nag ba-barko, share ko lang mga sis ang hirap pala talaga pag  sa cruise ship ang hubby mo gaya ng sabi ng isa nating sis dito, kasi si hubby wala pa kaming 1 year kasal nagkaroon sya ng kabitch kasama nya sa barko, ang masaklap dun alm nung girl na married na sya at hihintayin nya daw na tuluyan na kami magka hiwalay. ganun b talaga ibang seawoman? parang deperada? e dami naman siguro binata dun! hays.. na experience nyo nadin ba to? pano nyo nalagpasan mga sis?  >:(

hi sis...sorry bout what happened sa inyo ni hubby mo  :( sis san yung company ni hubby mo? sis di namn lahat ng seawoman ganon  pero marami lang talagang ganyang ngyayari... mostly di namn talaga sinasadya...yung iba natetempt lang, yung iba para di maisip ang problema sa Pinas...iba iba me mga babaeng salbahe lang talaga kahit me asawa na inaagaw talaga sa mga tunay na asawa yung lalaki....complicated kase talaga...Ive been in cruiseships kaya alam ko...to give u an idea kung bakit me ngyayring ganyan...eto pwedeng pagsimulan.. 1.) siguro sa 100 na lalaki 5 lang sa kanila ang di married yung iba kahit married sinasabi binata sila...(kya yung ibang babae naloloko) gang mabaliw na yung babae pag na inlove na ayaw na iwan yung lalaki....2/.) 7 days a week ang work walang day off napapagod...hanap sila ng libangan para mawala ang pagod yung iba kaseng want lang mangbabae minsan na hohook rin sa mga ka fling kase iba yung feeling na me nag aasikaso sa kanila pagkatapos ng work, me katabing matulog...3.) crew bar and crew party- di maiiwasan napapainom minsan yung iba nalalsing next day me girlfriend/boyfriend na 4.) me mga babae na want lang mamera...if malaki sweldo ng lalaki kahit matanda at pangit pinapatulan...(napansin ko lang )....5.) yung iba me problema sa pamilya like yung asawa sa halip na kumustahin pera agad hinihingi or walang ka effort effort maglambing manlang......yan normally yung picture sis pero like sabi ko nga sayo di naman lahat pro madami talaga....payo ko lang sis if want mong maging maayos kayo ni hubby mo....una magpaganda ka ng bongga...pkita mo kung anong mawawala sa kanya pag nagloko sya.....isipin mo mga anak nyo if meron na kayo lagi kang magpadala ng mga pics sa office sa mga aalis ...updates ng mga ngyayre sa iyo at sa mga bata...cards narin and anythging na alam mong matutuwa sya.....wag mong aawayin lagi at wag paranoid ...kase yung iba kaya ngbababae tinutotoo lang yung bintang ng asawa nila....sis if NCL yung company or princess company ni hubby mo me mga facebook pages or groups ata na nagmomonitor ng mga babaeng kabit sa hehe check check ka baka andun kaaway mo  ;) and higit sa lahat DaSAL lang talaga katapat nyan sis ....walang impossible kay God :)

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #231 on: June 12, 2012, 02:23:00 pm »
hi sis cerenity_18 , thank u sa reply, hay nabanggit mo ang crew bar/crew party na yan! mukang jan nga sila nagsimula, next day sila na! grr!!! kainis lang kasi hanggang nagyon iniisip ko ano b talaga nagawa ko bat sya naging ganun, to think ok naman communication namin as in halos everyday mag ka-chat kami, pag may special occasion lagi ako nag papadala sa kanya ng kung ano-ano. naisip ko nadin na siguro nga na temp lang din sya, kaya lang ang problema kinarir naman! hay super sakit kaya! lalo na nung mga time na sobrang nag imbistiga talaga ako, ang dami ko nalaman kahit alam kong masasaktan ako, go padin sa pag iimbistiga kaya din siguro parang napagod nadin ako kakaiyak, hanggang sa feeling ko numb na!.. siguro kung hindi lang sya nag eefort ngayon, siguro wala na suko na talaga ako. pinanghahawakan ko na lang sa ngayon yung promis nya kaya wait ko n lang next month kung tutupadin nya, kung hindi nya magawa.. parang ayoko na talaga. hindi na keri ng powers ko!bahala na si God sa akin hehe..

by the way sis, super paganda nga ako ngayon e! as in tambay ako sa mga Thread sa "lets primp & prettify" hehe.. sya nga pala yung nabanggit mo na company hindi sya dun e, sana may ganun din company nila hehe..

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #232 on: June 13, 2012, 09:22:22 am »

sis im sure magiging ok din yan :) wag ka mag aalala normally kase pag dating nang Pinas natatauhan mga nagloloko...kase back to reality na....oo sis normally crew bar talaga ngsisimula...me mga girlet lang talaga na malansa.....sila humahabol...:)  glad you give time sa sarili mo...ok yan...dapat mas mahal mo ang sarili mo ....stay calm and magiging ok din yan......Pray lang ng pray...hmmmmm re: company...san kaya? PNO?Disney?Rccl?hahahaha nanghuhula talaga ako :P

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #233 on: June 13, 2012, 01:14:07 pm »
thank you sis cerenity_18 :).. sana nga maging ok na kami at matauhana na sya hehe.. super pray talaga ako sis hehe.. balitaan na lang kita pag dating nya hehe..

natawa talaga ako sayo sis, talagang huhulaan mo? hehe.. parang ayoko sabihin kung san sya e hahahaha :) :) :)

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #234 on: June 14, 2012, 08:19:19 am »
ahahahaha ok lang sis! :)
nahulaan ko na ba? LOL

maayos din yan dont worry :)

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #235 on: June 14, 2012, 08:38:19 am »
finally i was able to find this thread..

married to a seafarer and currently pregnant..
sa june 25 pa magkakasignal si hubby  :'(  :'(  :'(

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #236 on: June 14, 2012, 09:22:57 am »
sis baresexy -- be strong sis! God is with you.. mananatiling kabit ang kabit!

baresexy

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #237 on: June 14, 2012, 11:06:45 am »
sis baresexy -- be strong sis! God is with you.. mananatiling kabit ang kabit!

hi sis serendipity02 ;D ;D natawa naman ako sa sinabi mo hehe.. thank you sis, sa totoo lang dito  ko lang na share ang kabaliwan ni hubby, hindi ko kaya i share sa mga frends & family ko e, may nabasa din kasi ako somewhere na hindi daw makakatulong pag sabihin pa sa family mas magiging complicated pa daw yung problem, though i feel na alam din nila,hindi ko nalang dinidetalye, ewan ko ba siguro nahihiya din ako sa kanila sa nangyayari sa amin, kaya super sinolo ko kaya yung problem ko, buti nga hindi ako pa ako nabaliw hahaha..

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #238 on: June 14, 2012, 01:18:33 pm »
Thank God i found this thread.

In a relationship with a seafarer. Tagal pa ng uwi niya, August pa! :(
First time ko maranasan ito. Ang hirap! Nakakamiss.

How do you deal with the longing? Ang pangit ng company niya ngayon, walang internet. And syempre kapag nasa port lang may signal ang cellphone. Kaya puro satellite phone gamit niya pantawag sakin.

What do you do to refrain from being emotional kapag kausap ninyo hubby/bf ninyo? kasi sabi nila, kung mahirap sating naiiwan, mas mahirap daw sa kanila, kasi mas malungkot don dahil magisa lang sila.

Paano ninyo pinapalakas loob nila? Kasi sa totoo lang, feeling ko imbis na makatulong ako eh nakakapagpahirap pa ako sa kanya. Lagi kasi ako naiiyak...

angeleigh

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #239 on: June 14, 2012, 02:22:01 pm »
^ Oo nga e, kung may anak na rin siguro ako hindi ganon kalungkot. Kasi may ibang libangan. Nakunsensya kasi ako, last monday nung pagtawag niya sakin, nagbreakdown sya eh :( Uuwi na lang daw siya. Inabutan ng lungkot eh. Nahawa na sa akin. :( I felt really bad.

Minsan nga gusto ko na lang puro "landi@n" sa phone eh. Para hindi nakakalungkot. Pero mas lalong nakakamiss! teehee!

Latest Stories

Load More Stories
Close