watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92613 times)

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #200 on: May 07, 2012, 02:33:54 pm »
waiting for my hubby to arrive next week na..sinugod sa hospital ang drama kasi naman sumakit ang aking tagilirang tyan ng pagkasakit sakit at yun na. inoperahan.nagiisa na lang ngayun ang aking ovary. Hirap yung ganito no? maoospital wala si hubby.

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #201 on: May 13, 2012, 12:11:39 pm »
happy mother's day sa mga mommies!!!

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #202 on: May 14, 2012, 10:34:19 am »

sis cerenity_18 welcome to this thread! wow sis share ka naman ng experience mo as a seawoman. meron din tayong isang sis pa dito na seawoman din kaso medyo hindi yata sya active nowadays. if you don't mind me asking, paano kayo nagkikita ng hub nyo? dapat sabay kayo mag-vacation para naman may quality time pa din :)



sis now ko lang napansin sorry....sis nag meet kami ni hubby sa barko where kami nagwowork ...by the way di nga pala sya Pinoy....Mexican sya.....hehe diko kase feel ang mga Pinoy normally mga seamanloloko lang talaga I mean sasabihin binata tas married naman pala...pero don't fret di naman lahat mga sis...i'm just talking about sa mga Pinoy sa cruise ship na nakakasama ko....3 months nya akong niligawan since i joined the ship tas bigla nalang naging kami after one night na nagdisco kami outside....nagvisit family nya where we normally dock then after 2 months nagpakasal kami sa barko...si captain nagkasal hehe...ang bilis lang diba... now dahil di kmi pwedeng magsama sa new  ship nya we decided na magstay nalang muna ako sa Pinas since we are preparing for our church wedding dito sa Pinas...  ;Dnag aayos narin ako for my visa para makapunta sa kanila by June !

 ;D

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #203 on: May 14, 2012, 06:41:28 pm »
^ wow! that's a first here! married to a foreign seaman. whirlwind romance sis :) pero balita ko romantiko ang mga mexicano :)

scaryriddle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #204 on: May 16, 2012, 08:06:49 pm »
Joined femalenetwork because of this thread. Misis din ako ng seafarer. Hello sa inyong lahat  ;D

mhaydg

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #205 on: May 22, 2012, 12:42:45 am »
hello kamusta na ba mga sisses ko dito? tagal ko na di nakadalaw dito. anybody know nasaan si sis Faith? active pa ba sya? HI  sis Iggypop do u remember me? long lasting ka ha. namiss ko tong thread na grabe..

anyway naalala ko to kasi itong thread na to ang takbuhan ko kapag nalulungkot ako. kakaalis lang [textspeak!] hun kahapon kaya ito, emosyonal na naman. bakit ba hindi na tayo masanay sanay sa ganitong eksena? hayssss

mhaydg

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #206 on: May 22, 2012, 12:44:46 am »
HI sis cerenity_18. curious lang ako, pwede ba magkasala ang kapitan?

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #207 on: May 22, 2012, 10:35:50 am »
welcome scaryriddle! kaaliw naman ng napili mong handle hehe!

sis mhaydg, active po si sis faith sa fb nya. :-)

start kong magkwento. though hindi naman ito about samin. wala ako masyado kwento eh. the usual lang naman samin. kwento ito nung friend kong seaman. last week, hindi na yata kinaya, sakin nag-open up. yung mrs daw nya, ipinasok sa motel ng isang katrabaho. sabi naman ng mrs daw wala namang nangyari kasi kesyo hindi naman daw sya bumaba ng car, pero nakakaloka pa kasi after lumabas ng motel, sumama pa ulit na mag dinner si wife nya. nawindang naman ako! kaso behave na lang ako sa mga comments ko sa kwento nya kasi kawawa naman. parang gusto na nga raw nyang bumaba ng barko. buti parang nakinig naman sakin. napilitan naman akong kampihan ang mrs nya at i-affirm na walang ginagawang masama mrs nya, kahit pa sa loob-loob ko e parang gusto kong dagukan mrs nya.  ;D

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #208 on: May 22, 2012, 11:01:29 am »
hello po. pwede po ba sumali dito? 13 yrs na kami ng H2B ko, 5yrs na sya nagbabarko.

binabasa ko mga post nyo. napabuntong hininga nalang ako. parang gusto ko umiyak.  :'(

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #209 on: May 22, 2012, 11:37:30 am »
^ hi sis bloodymaria. related naman mga handle ng mga new sissies. isang scary at isang bloody. hehe.  ;D

why di pa kayo magpakasal sis?

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #210 on: May 22, 2012, 11:50:53 am »
^ hi sis bloodymaria. related naman mga handle ng mga new sissies. isang scary at isang bloody. hehe.  ;D

why di pa kayo magpakasal sis?

we're planning to. this year sana sis. kaso andami namin problema ngayon. lage nalang kami nag-aaway. last week, we broke up after 13 yrs kami sa relationship. pero bumalik naman sya sa house ngayon. we're back to square one.

ang haba ng story namin. andami issues. nag start sa financial issues lalo na sa soon to be in laws ko na nagdedepend pa din sa kanya. then lumala.

tama nga kayo, kung sino pa nakinabang, sila pa hindi maaasahan. nag dedepend kasi sa kanya sister nya. yung sister nya may dalawang anak, sya nagpapa aral. Nursing yung isa. ilang years nang graduate pero wala pa din work. kaya yung bunso ng sister nya, sya dn nagpaaral.

for 13 years tiniis ko yung pamilya nya. til last year, nag give up talaga ako totally sa kanya. pero naayos naman namin yung issue last december.

last week, pagbaba ng bf ko sa barko, nag inuman sila ng pamangkin nya, bumalik na nman yung issue. mas lumala pa. nag away kami ng grabeng away. umalis sya ng bahay then in 2 days na kasama nya pamangkin nya, ubos ang 40 thousand nya. nung bumalik sya sa bahay, konte nalang pera nya.

nalilito ako sa sitwasyon ko ngayon. ang gulo.




babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #211 on: May 22, 2012, 12:46:48 pm »
^may anak na kayo?

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #212 on: May 22, 2012, 06:00:43 pm »
Last week nagjoin na ulit ang hubby ko. Grabe nakakalungkot na talaga!!

scaryriddle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #213 on: May 22, 2012, 08:24:13 pm »
babymom20 Fishy yung kwento. There's something going on.


bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #214 on: May 23, 2012, 03:28:42 am »
^may anak na kayo?

wala pa sis. papa checkup na kami sa St. Lukes CARMI nextweek.

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #215 on: May 23, 2012, 09:58:52 am »
hi sa mga bagong sampa=)

sis ren naloka naman ako sa kwento mo? hmmmn sure ba talaga na walang nangyari? hehe

sis bloodymaria diba ikaw ang nawawala kong halfsister ;) just kidding,,,may halfsis kasi ako na parang ganyan din ang sitwasyon eh,,,,,

sis nuna nakaalis na pala si hub mo hayyy kalungkot noh?=(

si hub ko eto dito pa din,,enjoy enjoy muna kami kaya as usual pagod na naman ang katawang lupa ng lola nyo hahahha

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #216 on: May 23, 2012, 10:22:12 am »
@sis nuna
ok lang yan gurl. ang importante constant communication pa din kayo.

@sis nicolle
ako ata yun. ahahaha! nag lie low kasi ako [textspeak!] sa GT. mga 1 year ata. nag focus ako sa work ko. saka ang gulo kasi ng utak ko nun.

nag EB na ba kayo mga sis?



babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #217 on: May 23, 2012, 10:50:28 am »
^^ sis jonna, kahit ako parang merong duda eh. kaso alangan namang gatungan ko pa yung lalaki, e di baka lalong mabuang yun sa barko. baka magpakain sa pating hehe.

^ sis nag-eb na kami. pero 2 yrs ago pa yata haha. pero paminsan-minsan, individually na lang nagkikita pag merong time. hirap mabuo as group. malay mo sis sa kasal nyo, complete tayo. hahaha

bloodymaria

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #218 on: May 23, 2012, 11:11:26 am »
@sis babymom20

ahahaha! sana. balak namin civil wedding muna sis. yung main priority kasi namin yung fertility work-ups namin with St. Lukes.

Ano nga pala need na requirements sa Civil Wedding? balak namin kasi parang secret marriage lang. paayos nya lang dw sa Agency yung docs. parang natatakot naman ako kasi magkakagulo mga sisters nya pag nangyari yun. automatic tanggal ba allotment ng mga sisters nya nun?

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #219 on: May 25, 2012, 09:52:02 am »
yay active na ulit thread natin :D

sis mhaydg welcome back! tagal mo di nakasilip dito ah :)

babymom20 ano ba naman si wifey ng friend mo, naluluka na ata LOL! oo sis you made the right decision, wag mo na gatungan si friend mo dahil baka tumalon sa dagat ng di oras haha. tsk tsk wawa naman... btw bat di na active dito si sis faith? nagbabarko pa din ba siya? nasundan na kaya si neo?

nicolle wow nandiyan si hub?! HPP to the max hahaha!!!

nuna awwww tambay na lang muna dito sis para maaliw ka :)

welcome on board sa mga sis na bagong sampa :)

sis bloodymaria medyo mahirap ata situation mo. di pa man kayo married dami nang problem. not to discourage you sis, pero make sure everything is clear between you and your bf before you get married. mahirap na dahil if and when you get married ng hindi pa malinaw ang mga issues nyo with his family, they will still haunt" you ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close