watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92538 times)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #180 on: February 12, 2012, 11:40:02 am »
sis Nuna oo nga nakakawalang gana nga pag ganyan pero if you think about it, sayang din naman if magmumukmok ka na lang, might as well have fun and celebrate life. online seller ka din pala before sis, bigyan mo naman ako tips. pero baka off topic dito :D

sis babymom20 how are you na sis? long time no post :) inedit ko na yung post ko sis, i hope makita mo na :)

have a great Sunday everyone!!!

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #181 on: February 13, 2012, 10:07:45 pm »
hello mga sis uyy ayan medyo gising na ulit tayo hehe

happy happy valentines po sa inyo sissies!  :-*

sis nuna ans swit quiggle... hay naku I feel for you sissies! pero di talaga maiwasan ang ganyan. dati din ang alam ko makakauwi sa hub before I gave birth sa bunso namin talagang pangako nya un at bilang din ang buwan saktong tapos na kontrata sobra pa ng 1 month pero biglang hindi nakauwi naextend ng 2 months. nagtampo din talaga ako. ang hirap kaya pag wala ang mister. pero sabi nga ni sis Iggy.. it is a reality.. :(

natuwa ako sa post ni sis Iggy si hub din palpak eh nagtext sa kapatid ko to buy me flowers kaso wrong send hahaha. sakin na-send ano ba yan. pero matagal na daw nya sinabihan yun finollow-up nya lang. wow mali nga lang. Pero sabi nya tuloy pa rin daw kahit alam ko naman. sige na nga pang-lagay sa vase. hehe

nanganak na ba si sis Workingmomzie... ? Ingat sis...

hi to all <3 happy heart's day!!!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #182 on: February 13, 2012, 11:26:29 pm »
Hello mga sis! Hindi na ako nagtatampo kay hubby. hehe! Inamo amo nya ako nung isang araw.. pinilit talaga wag nako magtampo kasi birthday ko ngayon! hehe! ayun nagpasensya naman kasi busy busy sya the past days. kasi nga hinahanda nya raw yung handover notes sa papalit sa kanya.. sabi din nya, sure na daw na may papalit sa kanya sa sunod na cruise. so 1st week ng march uuwi na sya. sure na daw. :p

Ayun, 2 days na kaming skype ng ilang hours. nabawi ata sakin. wag na daw naman nako mainip kasi malapit na. (e kung bakit naman pag malapit na e tsaka naman parang ang hirap maghintay no?) di na nga ako nasanay sa mga biglaan extend at biglaan alis na yan eh halos 8 years na nagbabarko si hubby. hay..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #183 on: February 13, 2012, 11:43:26 pm »
sis gelei, nanganak na po si sis doris. baby girl!

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #184 on: February 14, 2012, 10:23:56 am »
sis Nuna belated happy birthday!!! ayan bumawi na si hub mo, nakuha ka sa lambing :) hope you had a great birthday sis!

congrats sis workingmomzie!!

happy valentine's day everyone, sa mga may date ngayon enjoy nyo lang hihi.. sa mga walang date, dadating din moment natin :D

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #185 on: February 22, 2012, 01:30:56 pm »
hello mga sissies. nanganak na ako last february 9....thank you po sa lahat ng bumati.

hay ako din namimiss ko din kayo mga sissies. nakaka miss yung mga kuwentuhan natin dito. si hub tagal pa uwi nya. july pa. bigla ko nga na miss nung lumabas na si baby. dati nasa baby lang ang nasa isip ko.

nakakalungkot lang kasi until now di ko pa nakasama si baby kasi nasa hospital naiwan premature baby kasi dami series of test. naiyak lang ako nung binisita ko sya last monday sa hospital hindi ko pa malapitan. pero naku sipa ng sipa yung mga paa nya parang nararamdaman na dinadalaw namin sya ng kuya josh nya.sana walang problema para tuloy na next week yung paglabas nya sa hospital.

sis iggy ni like ko na yung fb account mo na rainbow connection.

sis nuna and sis ren....belated happy birthday! mwaahhhh!

sis jes...ok lang yan bilis lang ng araw kaya lang ang tagal maghintay ano?

hi po sa other sissies! miss you all!

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #186 on: March 05, 2012, 10:52:49 am »
thanks workingmomzie! how are you? how's your baby? sana nakalabas na siya sa hospital. will pray for your baby's fast recovery sis...

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #187 on: March 05, 2012, 12:00:49 pm »
Mga sis!! Uuwi na si hubby ko sa wednesday! Yey! :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #188 on: March 05, 2012, 01:11:31 pm »
^ good for you sis!!!!

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #189 on: March 05, 2012, 02:32:30 pm »
^^ happy for you sis nuna!

sila hub naman parang nakikipagpatintero daw sa mga suspicious fishing boats. Kasi berthing daw sila sa gitna while waiting sa sched na makapasok sa port. Red Alert daw sila. Ilang beses na daw sa duty nya, pag merong suspicious vessels na papalapit, "kumakaripas" daw sila ng takbo! nakakanerbyos daw na nakakaexcite. pasaway! i forgot saang port sila mismo, basta africa sila.

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #190 on: March 06, 2012, 11:19:50 am »
^ haynaku sis basta Africa napaka-dangerous ano? kaya always praying for their safety tayo...

have a nice day mga sis!

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #191 on: April 24, 2012, 01:11:15 am »
hello mga sis. musta na. na-miss ko kayo.

medyo extend pa daw si hub supposed to be this May ang uwi nya maraming hubby yata uwi ay May.. pero pinapa-train pa ang isang junior engr na babae and if ok na at maganda evaluation pwede na sya umuwi. medyo dumadami ang girls sa company nina hub ngayon. mostly from MAAP. Sabi ko train nya ng maayos para makauwi sya agad LOL. (wag lang ibang training hehe). Sagot naman nya, sa kanila daw nga pinadala ang 3 girls (one sa deck, one engine and one cadet) kasi sa barko nila ang mga mababait na boys. sows. hehe..

God bless mga sis.. musta sa lahat :) :)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #192 on: April 24, 2012, 10:46:21 am »
hi sisses=)

sis gelei baka totoo nga sinasabi ni hub mo na mababait kasi ang boys sa kanila 8),,,di bale konting tiis na lang...

si hub ko this may ang uwi,,,naku ang excited yun anak nya,,,kasi daddy/bf nya daw yun  :),, pag uwi daw ng bf nya ay sya daw dapat ang kaholding hands at ako daw ay dun ako sa tatay ko,,, at take note my iterinary na sya kung san san nya dadalhin/aayain ang daddy/bf nya....kalokah diba?=)

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #193 on: April 24, 2012, 08:52:22 pm »
hi mga sis! seawoman here married sa seaman.... ;D i just can relate sa complikado pero masayang buhay sa barko  ;)

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #194 on: April 26, 2012, 09:08:16 pm »
hi sis cerenity_18.. :)

sis nicole.. si YM lang ba ang excited?! dapat may bukod ka ding IT, takasan nyo.. haha!
wow sis lei... HPP na kayo.. next week May na.. days na lang ang bilang.. yey!

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #195 on: April 26, 2012, 10:28:52 pm »
hi sis cen=renity_18 =)

sis eva naku yun nga iniisip ko palibahasa medyo may isip na si YM kya mahirap ng takasan hahhahhaha

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #196 on: April 30, 2012, 07:19:17 pm »
hello mga sis!! wow now lang ulit ako nakadaan dito. glad to know nabuhay na ulit ang thread.

sis nicolle haha may kaagaw ka pala kay hub. HPP ka na pero paano ka sisingit sa baby nyo? sa bagay basta gusto may paraan LOL!

sis cerenity_18 welcome to this thread! wow sis share ka naman ng experience mo as a seawoman. meron din tayong isang sis pa dito na seawoman din kaso medyo hindi yata sya active nowadays. if you don't mind me asking, paano kayo nagkikita ng hub nyo? dapat sabay kayo mag-vacation para naman may quality time pa din :)

mga sis share ko lang, finally i was able to join my hub sa ship!!! super saya ko dahil ibang experience pala talaga. although hindi nag-sail yung ship nina hub kase nasa drydock lang, am still very happy dahil finally nakasama na ako sa kanya.

sana maging active ulit itong thread na to. kamusta na lang sa lahat :D

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #197 on: April 30, 2012, 08:13:44 pm »
Hi mga sis. kamusta kayo? Si hubs eto so far mag 1 year na sya ulit dito. Well ayaw na talaga sumampa, pero balak yata nila ng kuya nya mag tayo ng agency. pano kaya yun? chief engineer kuya nya and nagkaka edad na rin eh tapos yung isa pang pinsan nila captain yung sila nagplaplano RAW magtayo ng agency.

Nga pala kaya ako na padpad, eh sa married life threads meron dun misis yung asawa nya seaman tapos ayaw sabihin sa kanya yung flight details pag uwi, at pag ginabi na kuno eh wag na raw sunduin sa airport maghohotel na lang daw sya. Well what happened was kay kabitch unang naglanding tapos tinawagan sya nasa hotel na si seaman. Kahit papano medyo na aaffected parin ako sa mga kwentong seaman ang asawa.

Yung friend ko na seaman din asawa lumipat yung asawa nya sa mga offshore vessels, laki pala sahod dun? Hinihikayat nga si hubs lumipat dun kasi 1 month on 1 month off lang ang contract nila, kaso ayaw na talaga eh. hehe

cerenity_18

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #198 on: April 30, 2012, 09:29:17 pm »
thanks sa welcome mga sis!

guilleanne- sis ang alam ko pwede naman yun kaso medyo malaki ata ang bond pag agency....mas ok nga if ganon magkakamag anak naman sila :)

re: offshore- naku ok nga ang offshore...kung pwede nga lang kmi pareho ni hubby dun pumunta na kami...kaso yung iba ayaw ng couple....sayang malaki na sweldo tas short contract pa....tipid pa kase bago ka makapgshopping maghelicopter ka pa daw kaloka :)

re: seaman na ayaw magbigay ng itinerary- malamang me kabitch nga yan.....lalo na pag galing cruise ship  galing...di naman lahat ganyan  pero karamihan oo...I should know kase muntik na rin akong maging biktima ng binata daw pero married naman pla.... :o

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #199 on: May 03, 2012, 09:26:24 am »
maayong aga sa tanan! welcome sis cerenity.

kumusta na mga sissies? baka june uwi na si hub pag may reliever sya. nakow naeexcite ako kung ano magiging reaction nya kapag nakita nya si baby chloe  :). alam nyo ba mga sis di lang isa nag comment na hindi namin kamukha si baby. hahaha. natakot ako baka maging mara clara ang storya ng life ni chloe. pero maliit pa naman sya magbabago pa mukha nun. kapatid, nanay, pinsan and aunt ko nag comment pala.

hay gusto ko sana sumundo sa manila pero hindi pwede kasi parang ang hirap maiwanan kahit one day lang si baby. dito na lang kami susundo sa iloilo airport. maghihintay pa ako 2 years after para makagala ulit ng libre  ;). hirap pag may maliit na baby pero enjoy naman.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close