watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92578 times)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #160 on: December 11, 2011, 05:56:38 am »
kamusta mga sisses. sana happy at mabuti kayong lahat.

kwento lang, mag 4 months na dito sa lupa si hub at mukhang buo na sa loob na hindi na aakyat, nag press release ba namang unfit for sea service na raw sya. hahaha. sa tuwing may magtatanong sa kanya kung kelan sya aalis lagi nya sasabihin may sabit daw sya sa medicals. sabi ko wag ganun kasi hindi magandang sinasabi mong may sakit ka kahit healthy ka.

Hindi na raw nya kasi kayang iwan si baby girl, lalo na grabe na bonding nila. at si baby ko kahit friend lang nya ang mag goodbye naiiyak na what more pa kung yung papa nya.

So ito awa ng diyos ok naman ang negosyo at hindi na gigipit. si hubby ang the best yaya at all around maid dito sa bahay. heheh. nag asawa na kasi yung maid namin umalis na last week.

So I guess this is it na talaga for hub and his seafaring career. Tru God's will and guidance.

barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #161 on: December 16, 2011, 12:30:54 am »
sa barko din nila hubby walang alak. pwedeng uminom outside pero di pwedeng dalhin onboard  ::) dati nga dahil naka-drydock sila nag-inuman daw (nakabakasyon si hub nito) ayun nagkainitan daw sa bar pa lang. ang problema pagdating sa barko nagkasuntukan. tanggal tuloy sila pareho.

sis guilleanne natawa ako sa press release ni hubby mo.  ;D ..ang hirap din kasi andaming nagtatanong kelan ang sakay...si hubby ko reklamo din nya na pag may nakakakita daw sa kanya ang laging tanong o kelan ang sunod na sakay mo? di man lang daw sya pag-enjoyin sa bakasyon nya at parang gusto daw ng mga tao na lagi syang wala. haha..

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #162 on: December 24, 2011, 10:47:30 am »
Merry Christmas to all! God bless!

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #163 on: December 24, 2011, 08:00:44 pm »
Merry Christmas and a Prosperous New Year everyone!!!

 :) :) :) :) :)

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #164 on: December 25, 2011, 09:59:58 am »
merry christmas sa lahat. kaway kaway. happy ang christmas and new year since hub is here.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #165 on: December 25, 2011, 05:28:06 pm »
Maligayang  Pasko po sa lahat!!!

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #166 on: December 29, 2011, 05:52:56 pm »
Happy New Year sa lahat!! :) :)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #167 on: December 31, 2011, 06:32:21 am »
have a BLESSED and PROSPEROUS NEW YEAR everyone!

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #168 on: January 03, 2012, 10:36:47 pm »
musta na mga sis happy new year na-miss ko kayong lahat! congrats sis LOrs sa new baby girl.. kainggit naman ng mga andito ang hub last holidays. Sa mga malamig ang pasko hayaan na lang natin konting tiis at maghintay ng moments naman natin hehe :) Godbless us all this 2012.

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #169 on: January 04, 2012, 09:11:40 pm »
hi everyone, happy new year! kumusta na kayo, share ko lang mga sisses, ngayon pa lang  excited na ako , at sana matuloy na makajoin ako sa ship nila hub this summer, March or April then sabay na daw kami uwi by May,haay sana nga lang matuloy,  :)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #170 on: January 12, 2012, 11:46:20 am »
^ inggt ako sis! happy for you :)

congrats sis Lors! :) am sure busy ka sa pag mommy-duty :)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #171 on: January 26, 2012, 10:17:08 pm »
awwwww bat ang tahimik ng thread natin? how's everyone? parang busy pa din lahat..

mga sis pls support my new venture coming soon ha? mga tshirts ito that i will sell online, kahit i-"like" nyo lang happy na ako :D

musta na mga hub nyo? did you hear about the luxury ship accident sa italy? grabe mga sis, daming pinoy. buti na lang they're all safe.

kaya dapat talaga always pray pray pray!

take care mga sis!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #172 on: January 26, 2012, 10:27:18 pm »
Hello sis iggypop at mga sis! Oo nga napansin ko super tahimik tayo ngayon. Mukang busy tayo lahat. Ako nagppreschool hunt kase.

Hubby ko, uuwi na next minth. A week after my birthday. Hmp! Di umabot. hehe! Sana talaga tuloy na yun kasi naiinip nako. Wala pa kasi sya kapalit hanggang ngayon, so..

Yes sis, nakita ko sa news. Grabe no? Nakakatakot. :( sabi ko nga sa asawa ko tumigil na magbarko. Hay naku, pray tayo lagi. Sabi ng hubby ko meron daw sya mga dating kasama sa dati nyang company na nakasakay sa costa concordia. Thank God at okay sila.

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #173 on: February 08, 2012, 10:05:25 pm »
waahhh mga sis ang tahimik naman natin ngayong 2012.. lapit na valentines! gising na mga sis! hehe <3

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #174 on: February 08, 2012, 10:21:39 pm »
Hello sis gelei and iba pang sises!

Tumpak, malapit na valentine. Hmm, sad ako kase naextend nanaman hubby ko. Dapat uuwi na sya sa 19. Okay na sakin yun kahit di sya aabot sa birthday ko. E ang kaso wala pa daw papalit kaya ayun baka march pa sya. Sabi nya isang cruise lang sya willing magextend, kaso kung walang papalit sa kanya, ang pangit naman na iiwan nya yun barko. Naiinis talaga ko sa totoo lang kasi naexcite nako and Umasa na talaga. Pati kay hubby naiinis ako kahit di naman nya kasalanan.. hehe.

Sana maging active na ulet tong thread. Miss ko na kayo. :)

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #175 on: February 09, 2012, 08:30:34 am »
Hi sissies.

Valentines na valentines durog ang puso ko. Supposedly 18 pa ang alis ni hubby, sabi ko okey lang kahit hindi umabot sa birthday ko at wedding anniversary ang importante ay andito sya sa valentines at BF-GF monthsary namin. Kahapon lang umagang umaga tinawagan ng agency to report. at ngayong araw ang alis going LA. kakaawa kasi iyak sya ng iyak habang hug ang baby namin sa provincial airport going manila.  :'( Lumayo ako, kasi iyakin din para hindi ako mahawa sa drama mode.  :'( :'( :'(

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #176 on: February 09, 2012, 09:58:47 am »
^Kainis talaga yang ganyang biglaan. Sa akin ilan beses na nangyayari  yan kasi nga naka kondisyon ka na ganitong date alis niya tapos mapapaaga. Tapos yung last day mo pa sana na time spent for the family , pero hindi kasi nasa agency sila either naghahantay sa ticket or sa iba pa papeles na inaabot pa minsan late na makukuha kasi nga late din sinabi sa ticketing office. Haay dadaan na naman ang VDay na wala ako ka Valentines's  :-[

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #177 on: February 11, 2012, 02:58:43 pm »
haaayyy reality ng seafarer's family, kalungkot pero let's think positively na lang. sad talaga yung last few days nila dito pero lilipas din yan mga sis.

sisnuna i feel for you sis. hirap nung umaasa tayo tapos di matutuloy :( isipin mo na lang God has better plans why he has to extend.

si hub funny yesterday, magkasama kami ng friend ko. then biglang sabi ng friend ko, "uy nag-text husband mo sa akin". then binasa nya aloud, yun pala si hub was asking a favor sa friend ko. kung pwede daw ibili ako ng flowers for valentine's day dahil din daw siya makakauwi. tawa kami ng tawa ni friend, buking tuloy si husband :)

btw mga sis kindly support my new racket, am selling shirts online :) www.facebook.com/RainbowConnectionShirts sa facebook. need talaga rumaket para makatulong kay hub :D

have a great weekend mga sis!!! sana maging active ulit tayo!
« Last Edit: February 12, 2012, 11:37:21 am by iggypop »

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #178 on: February 11, 2012, 03:22:42 pm »
^ thanks sis. Sobrang nalungkot lang talaga ko. Parang ayoko nga kausapin si hubby masyado. Tapos tinatanong nya ko anong plano sa birthday ko if tuloy yung mga plano na dinner with my family then with his. Sabi ko hindi. Nawalan talaga ko ng gana. Ayoko na maexcite sa kahit anong bagay. :(

Sige sis, check ko yan raket mo. I used to sell online kaso i had to stop nung magbukas kami ng bar. I miss na my online store. :p

Swit_squiggle, hugs for you sis.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #179 on: February 11, 2012, 10:05:36 pm »
hi mga sis!

sis iggy hindi ko masearch. Parang hindi naman related sa shirts yung mga lumalabas, parang dance something yun. I tried RAinbow collections baka lang kako nagkamali, kaso hindi naman fan page ang lumabas.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close