watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92360 times)

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #120 on: November 08, 2011, 01:32:25 pm »
hi mga sisses kumusta na ang EB matutuloy ba :)...tatapat sila hub sa pinas on weekend kasi from australia to china kaya hayan tuwang tuwa siya at baka makanood pa ng laban ni pacquiao and of course unli call na naman  :D

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #121 on: November 08, 2011, 05:32:21 pm »
sis nuna, hayaan mo na, makakasampa din kayo ilang contract na lang. at least, mas malaki ngayon offer diyan, di ba? hehe.

onga sis chie. next contract balak namin sasama kami saglit. pero bahala na kase magsschool na din baby ko next year e. Naku, gusto ko pa naman magkasama si hubby ko at hubby mo sa ship para pa-ispiyahan ko kay hubby mo si mister ko! LOL joke. ^_^

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #122 on: November 08, 2011, 10:44:25 pm »
^sinabi mo pa! type ko rin yan! para magbantayan silang dalawa! hehe.  ;D

soontobe

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #123 on: November 09, 2011, 04:51:31 pm »
@sis sweetie28   - sis anong company ni hub mo? kasi same sila ng byahe ni H2B ko. on the way sila sa australia then china daw next port nila. mamaya nasa iisang barko lang pala sila. tanker yung ship nila H2B. :D

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #124 on: November 09, 2011, 08:17:43 pm »
^ay sis cargo sila hub and underway na sila to china from aussie :)

soontobe

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #125 on: November 09, 2011, 09:36:11 pm »
^awts kala ko same sila sis. tee hee!..na-excite pa naman ako bigla. ;)

dontdothat

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #126 on: November 10, 2011, 07:17:52 pm »
Wow! The last I posted sa thread na 'to Part 5 pa lang and now 7 na. Grabeng backread  ;D

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #127 on: November 15, 2011, 09:41:37 pm »
hello mga sis back to GT na uli me. haayy, nakiki-iyak ang langit sa akin, maulan din ngayong araw. huhu..kauwi ko lang naghatid sa airport, kakaalis lang ni hub 8pm flight..  :(

at ang mas nakakalungkot umiyak ang panganay namin habang paalis kami ng airport. :( dati hindi. anyway, ganito talaga this is our sad reality, looking forward na lang uli sa pagtatapos ng contract and pag sundo naman.

musta na lang sa lahat! lalo na sa mga preggy. keep safe always! :)

barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #128 on: November 15, 2011, 10:29:27 pm »
hi mga sis! tagal ko na di nakadaan dito..ibang thread na nga. backread na naman ang byuti ko nito  ;)

nakakasad naman sis gelei ang anak nyo. affected na sa pag-alis ng daddy nya.

ako naman thankful kasi supposed to be ang uwi ni hubby after xmas pa. pero sabi nya masasama daw sya sa crew change ng dec.16. kaya happy ako na will be together this xmas  :)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #129 on: November 16, 2011, 10:03:38 am »
^^ sad naman. how's diogn na sis? kinakabahan na rin ako pag-alis ni hub. marunong ng maghanap din si baby eh. magising lang sya na wala si hub, hanap agad dady dady.

^ very merry xmas to u sis. :-)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #130 on: November 16, 2011, 12:08:46 pm »
sis gelei - na sad naman ako kay diogn  :(

hello to all  ;)

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #131 on: November 16, 2011, 11:29:29 pm »
thank you sissies.. ang hirap pa rin talaga diba kahit ilang beses na tayong naghahatid sa kanila. pero somehow na- ikondisyon ko na ngayon sarili ko sa pag alis ni hub kasi ilang beses din naudlot alis nya. Pero wala din ng umiyak si diogn. humihikbi hikbi at tinatawag ang papa nya. haay :( 

Sis Ren: naku sis feeling ko ganyan na din nika (kaka-sad talaga lalo maghatid). Kung mayaman lang sana tayo sis para di na nila kakailanganing umalis. Dream ko talaga mag-ka business pero malabo pa rin sa ngayon wala pang pang puhunan. Sana lang talaga.....hehe

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #132 on: November 17, 2011, 09:05:47 am »
oo nga sis gelei. mag BF-GF pa lang kami alam ko na kung ano ang mangyayari kapag mag-asawa na. hindi na ko naiiyak pero iba yung last flight nya. nung nakita nya si baby na nag smile sa kanya, umiyak na, ayun, napaiyak na din.

gusto ko rin in time na hindi na sumakay si hub sa barko kapag nakaipon na at meron na kaming consistent flow of passive income. haaaaaaaay..

barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #133 on: November 17, 2011, 09:59:40 pm »
sis babymom20 oo nga merry talaga ang pasko namin nyan!  ;)

sis lanee_beu hirap mag-adjust nyan especially since preggers ka pa. pray, pray lagi at malay mo masaktuhan ng bakasyon nya ang due date mo di ba?  :)

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #134 on: November 17, 2011, 11:45:12 pm »
Welcome sa thread sis lanee_baeau.

Hello mga sis! Kamusta kayo? Na-sad ako kase nakita ni hubby na may sked na sya ng sunod na sampa. So malamang di na ma grant yung request nya to shorten his contract. Hindi sya aabot sa birthday ko.. :( although 1 week lang naman male late. Iba pa rin, sanay kasi ako na mas ginagawang special ni hubby ng birthday ko kesa sa ibang occassions. Hmm.. nalungkot lang ako.


barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #135 on: November 18, 2011, 08:07:31 pm »
awww sis nuna sad naman yan... belated birthday celebration na lang kayo. kami din si hubby gusto nun tuwing bday ko andito sya.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #136 on: November 18, 2011, 11:57:02 pm »
^ ganun na nga lang sis. Late nalang kami celebrate. Sabi ko sa kanya, inom kami. One on one. Tingnan namin sino una tutumba. Haha! Tutal pinagawayan namin yang paginom nya nung isang gabi. lol

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #137 on: November 24, 2011, 09:02:33 pm »
hello mga sis. belated happy birthday to sis chiyen and princessvhie (yesterday)..
sis nuna: malungkot lang talaga pag wala sila sa mga special occassions at swerte-swerte lang if mataon na nandito sila. bawi na lang sis pagdating. I celebrate nyo ulit ang birthday. Saka re: pag inom hinahayaan ko na lang si hub pag may happy-happy sila sa barko wag lang pasobra. dati kasi ayaw ko din eh pero naiintindihan ko naman na ganun talaga mga boys. 

anyway mga sis..hehe.. ang cadet nila hub ngayon sa barko is a girl (dati daw rugby player ng national team).. diba napag-usapan natin before ang tungkol dito and I wish na wala silang magiging kasama sa barko na babae pero ayun meron ngayon. But no worries naman.. :)

Isa pang kwento (pasensya na mga sis if OT).. few days ago I am sooooo worried and paranoid.. kasi more than 2 weeks delayed ako. (I am using pills and I missed one pill over 24 hrs..) I followed the instructions for a missed pill. pero sobrang crossed finger talaga na sana wala. then came the free-pill period wala pa din ang period.. I took another pack wala pa din 4 tabs na lang natitira.. sobrang takot ako mag PT talaga (pero in case I'm preggy it is still a blessing pero wag muna sana talaga may trauma pa ako with what happened to my sister (if you remember mga sis)). Naisip ko naman if in case I'm pregnant and I am still taking the pill it may harm the baby.. so I should know asap. Haaayyy mga sis...thank God nag-negative. accurate naman ang mga OTC PT test diba mga sis. Now lang kasi nangyari sa akin na delayed period at mag-3 weeks na. Sobrang regular kasi ako. Sana nga totoong negative ito. Nakahinga ako ng maluwag today kaya naikwento ko now. Thank God talaga.

« Last Edit: November 24, 2011, 09:04:50 pm by gelei »

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #138 on: November 24, 2011, 09:58:04 pm »
^ eh sis panong di ako maiinis. Parang few days lang before namin pagawayan ang inom, eh dumadaing sya na masakit ang tyan nya. Ang bintang nya, napadami sya ng kain ng spicy foods at napadami inom nya sunod sunod. Tapos yun nagpacheck sya, binigyan sya ng gamot nung doctor nila dun sa barko. Eh ayun nga, isang araw tumawag sakin.. Alam na alam ko yung boses nya na may amats sya. Napikon talaga ko. Sabi ko diko na nga sya binabawalan kaya sana naman matuto sya tumanggi sa inuman. Nangangatwiran na nahiya lang daw kasi sinundo pa sya sa cabina. Sabi ko buti sana kung wala syang nararamdaman na masama, okay lang. Ayun, pero nagkabati naman kami agad kinabukasan.

Sis yung Medic na pt ayun daw yung maganda gamitin. Intay ka pa sis. Wala ka ba iba nararamdaman? Kase kung sobrang regular ka, nakakaworry nga yung 3 weeks late. Di pa ko nakapag pills ever kaya di ko naintindihan gamitin yun. Hehe!

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #139 on: November 24, 2011, 11:28:34 pm »
^ ay ganun ba sis.. kung ako maiinis din. dapat bawal muna sa kanya. ang mahirap kasi sa mga lalaki hindi sila makatanggi or hirap silang tumanggi lalo na pag susunduin sa cabina at mas lalo pa pag mga superiors nila ang nagyaya. ganyan din si hub minsan ang reason nya nakakahiya daw sinundo sya ni capt or c/e. Pero yung pakisama lang sana diba sis. wag talaga palagi or sobra kasi masama ang laging umiinom. Lambingin mo na lang sis at kahit paulit ulit ang paalala gawin mo. Importante kasi talaga ang health. Dapat maintindihan din ng mga kasama nya diba. Kung may health concern wag naman sana painumin. Yan din ang isang problem sa barko.

oo nga daw sis kaya mag test uli ako sis. Medic naman gamitin ko nabasa ko rin sa isang threads dito na maganda yun. Yun din ang inaalala ko nung umpisa --kasi sobrang regular ako tapos delayed ng ganito katagal. Kaya mga 80% inisip ko na baka preggy na nga. Pero nung nagtest ako at negative may chance pa sis na hindi.. nabasa ko din na ngayon na pwedeng epekto din ng missed tablets sa pills ang delay ng period. Yun nga lang sobrang tagal na. Pero hintay hintay pa ako. Bahala na si God. His will be done on me na lang.  Thanks sis.

Btw, congrats pala sis Doris for a baby girl.. kumpleto ka na sis-- a boy and a girl :)

Ingat po sa mga preggy sisters :)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close