watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92429 times)

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #40 on: October 21, 2011, 09:09:24 pm »
hmm.. may post na ako.. :)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #41 on: October 24, 2011, 12:49:21 pm »
welcome sis soontobe!

kahapon lang nag join si hub. certified member na ako ng smp. 4 years na!  :-[

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #42 on: October 24, 2011, 12:59:34 pm »
^ hug na lang kita sis doris! si hub tapos na rin bukas training nya. mukhang decided syang umalis pag may opportunity huhu. baka pareho tayong smp. :'(

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #43 on: October 24, 2011, 01:26:11 pm »
^thanks sis ren. kala ko di ko na maramdaman ang lungkot kasi thursday (october 20) lumuwas na sya manila. nakundisyon ko na isip ko na tuloy na to, aalis na talaga si hub. pero nung boarding na sila dun ko na feel malungkot. kagabi di ko na napigilan umiyak. sabi ni josh ma, wag ka na umiyak, iiyak din ako.

no choice naman tayo sis pag gusto na talaga nila sumampa. at saka sis matagal din bakasyon si hub. magiging prepared nalang anytime pag paalis na sila. di na nga pala ako nakahatid sis. hanggang iloilo airport na lang. sayang din sana yung 3 days na makasama pa namin sya.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #44 on: October 24, 2011, 01:41:30 pm »
^kaya nga sis namnamin ang bawat segundong magkapiling! naakaa! haha.cheer up! kelangan lagi nakangiti si momy para ganun din si baby!  :)

soontobe

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #45 on: October 24, 2011, 01:47:04 pm »
thanks for the warm welcome mga sissies. ^_^

si H2B naman eh around February or March pa uwi. mahaba haba pang paghihintay to. di bale diet na lang muna in preps for his vacay.

i feel you sis Workingmomzie . kaya everytime na sasakay ulit si H2B eh hindi ko hinahatid sa airport kasi baka iyak galore ako dun. iniisip ko na lang na nagbakasyon lang sa province para medyo mas magaan konti sa pakiramdam. niloloko ko lang sarili ko. tee hee!.  ;)

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #46 on: October 25, 2011, 09:52:42 pm »
hello mga sis I'm so happy today. postpone ang alis ni hub!! feeling ko ang lakas-lakas ko kay Lord. sinama ko kasi sa intercession letters ko kahapon sa Sta. Clara Church nag P.S. (pahabol) me sa kanya na sana mapost-pone ng konti. kahit konti lang. hehe. Tinext na kasi sya na dispatch na this Friday and flight Nov 1. Kanina nagreport na sya office to get rejoining bonus, shoes and the over-all (uniform)? Tapos biglang text habang nagla-lunch kami. Na pina-pa training pa siya Nov. 3-5. Baka mga mid ng Nov. pa sya makakaalis kasi alanganin din ang byahe for joining. O di ba mga sis, feeling ko pinagbigyan pa me ni Lord. Sarap din talaga ng feeling na nauurong ang flight nila di ba.  ;)

hello sis soon to be.. welcome  :)

Sis doris: oo sayang din talaga kahit 3 days lang ano? kaya dati iniisip ko na sa province kami mag stay. Pero sabi ni hub dito na lang manila kasi minsan nga daw panay report office/ trainings etc eh minsan lang daw vacation nila sayang ang araw na magkakasama ang pamilya.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #47 on: October 26, 2011, 10:04:41 am »
^ saya naman sis lei! bigla pa akong naghanap ng LIKE button pakabasa ko ng post mo hahaha!

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #48 on: October 26, 2011, 12:28:43 pm »
wow sis lei, answered prayer yung PS mo, galing!

parang gusto ko na nga sis patulan yung offer ni hub na sa kanya na lang mag work at mag resign sa office  ;) at least sa kanya akin pa din ang oras ko. pero kailangan ko pag isipan ng mabuti para hindi magkamali sa decision. kaya ng katawan ko mag travel from monday - friday yung hindi ko lang kaya yung maiwan mga anak sa yaya.

sis soontobe, ganun talaga sis. masaya lang pag parating na. sanayan lang talaga pero kahit kelan di tayo masanay sanay.

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #49 on: October 26, 2011, 12:53:46 pm »
hi mga sis..

@sis Workingmomzie..tagal na di nagpapasko ni hubby mo dito,ganun din si bf ko 4 years na din sa barko siya lagi nagpapasko..bday niya nga din sa sunday, kalungkot lang at wala siya dito..  :(

jessygurl

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #50 on: October 26, 2011, 12:59:58 pm »
Hi Sisses.. I am new sa thread but I make it a point to do back reading...I am married to a seaman and also working for seafarers ( i do the documentation-crewing/processor ang tawag nila)...

My hubby managed to spend 2 consecutives christmases with us..and it feels good..

But one thing na alam ko other sisses also experiences is kahit gaano katagal na namin magkasama, i never get used to him leaving..each time, maghahatid sa airport, I would always cry..:( sad..hindi ako masanay sanay..

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #51 on: October 26, 2011, 01:14:58 pm »
hi sa mga bagong sampa,,,

sis doris patulan mo na yan offer ni hub mo,,look at me ang tagal ko ng pinatulan kya lang wala akong 13th mth pay :)

sis lie musta na ba ang st.claire ngayon? tagal ko na di nakakapunta dyan,,,,share ko lang ha...unang date namin ni hub dati ay dyan ko inaya (nanliligaw pa lang sya that time) ,,then nagpray ako kay st.claire na bigyan nya ko ng lalakeng di sasakit ang ulo ko  ;),,,,then i asked for the <sign> na kung sya <hub> na nga ba talaga ;),, at ayun bainigay nya nga


babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #52 on: October 26, 2011, 02:21:15 pm »
^ ano yung sign sis jonna? sharen naman dyan hehe

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #53 on: October 26, 2011, 03:06:52 pm »
welcome aboard sis jessygurl!

sis babyrose, pray ko na lang na sa 1st christmas ni baby andito si hub. advance happy birthday kay boyfie mo sis.

hahaha! natawa naman ako dun sis jo re 13th mth pay. ok lang yan sayo sis jo kahit walang 13th mth pay kasi di na kailangan. sa monthly allowance mo pa lang kay kap.....big amount na hehe!  ;) kaya sis kinakailangan pag isipan ko to resign or not kasi pag nag resign mawalan na ako ng monthly salary, mid year bonus and 13th mth pay di pa regular pay pag nasa bakasyon si hub.  :'(

ay ano ba yang sign sis jo? pa share naman ng lovestory nyo ni kap.

jessygurl

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #54 on: October 26, 2011, 03:32:55 pm »
welcome aboard sis jessygurl!

sis babyrose, pray ko na lang na sa 1st christmas ni baby andito si hub. advance happy birthday kay boyfie mo sis.
<br LOL! natawa naman ako dun sis jo re 13th mth pay. ok lang yan sayo sis jo kahit walang 13th mth pay kasi di na kailangan. sa monthly allowance mo pa lang kay kap.....big amount na hehe!  ;) kaya sis kinakailangan pag isipan ko to resign or not kasi pag nag resign mawalan na ako ng monthly salary, mid year bonus and 13th mth pay di pa regular pay pag nasa bakasyon si hub.  :'(

ay ano ba yang sign sis jo? pa share naman ng lovestory nyo ni kap.

sis workingmomzie..yan din ang dilemma ko dati..kasi nahihinayang ako na i am not able to spend too much time with hub when he's here..ibang seaman pa inaasikaso LOL! pero napag isip isipan namin, na mas maganda din siguro na may work ako cos may income kami kahit naka vacation si hub..atleast hindi ko sya mamadaliin pasakayin hehe..and I am lucky na my company is really understanding sa times na nag lileave ako when hub is about to leave or go home.2 days leave na ako nyan..anak kasi ng seaman ang boss ko, so alam nya daw yung pinagdadaanan ko and ng son ko...:) and mind you, my company is linient when it comes to emergency leaves lalo na sa asawa ng mga seaman..( we are 3 seafarer's wife in the company)..kasi sabi ni boss wala  nga daw kaming katuwang sa pag-aalaga ng bata..pero required med cert ha...sorry napahaba na.:)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #55 on: October 26, 2011, 09:10:36 pm »
teka sisses isipin ko pa yun sign :) joke


ay nku mahabang kwento yun,,,nag wawarning sign na battery ko,,,,,baka ipost ko some other time
pro baka di dito,,,lam nyo na kung san yun :)

god bless us

soontobe

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #56 on: October 26, 2011, 10:59:47 pm »
@gelei - wow extend ang moments nyo ni hubs mo sis..:). sarap talaga ng feeling pag alam mong aalis na cya tapos hindi matutuloy. na-experience ko yan twice. make every moment counts. ;)

@Workingmomzie - H2B also wants me to stop working na once na magkababy na kami. kaso i can`t imagine myself not earning my own money. kaya sabi ko sa kanya eh i`ll stop working pag chiefmate or captain na cya. hehe

@jessygurl - buti ka pa sis nakaka-spend ng holidays dito sa pinas si hubs mo. si H2B ko naman eh 4 years ng hindi nya naeexperience ang holiday season dito sa pinas. so sad kasi malamig ulit ang pasko ko this year.

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #57 on: October 27, 2011, 08:33:21 am »
welcome aboard sis jessygurl!

@sis workingmomzie, thanks sis. :)

ganun din kami ng bf ko, dati gusto niya magreresign ako from work pag magasawa na kami. buti ngayon nagbago na isip niya, kasi nga sabi ko mahirap pag andito siya, wala naman siya income. so we agreed na magwowork ako kahit pa magpakasal na kami. matagal naging bakasyon niya before siya umalis nung sept., nagtraining siya ng instructor's course kaya nakapagturo siya sa training center. so every time na andito siya meron pa rin siya income  :D

have you heard yung mga wife ng seaman pwede sumama sa barko kapag officer ang asawa?dati sa barko nila bf meron asawa ng 2/E, nagstay ata dun ng one month then nung may mga pauwi sumabay na lang ulit.
« Last Edit: October 27, 2011, 08:37:07 am by babyrose »

soontobe

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #58 on: October 27, 2011, 09:38:53 am »
@babyrose   - sa company nila H2B sis eh pwede. pero so far yung chiefmate and captain pa lang yung alam nya na nakapagdala na ng mga wifeys nila onboard. pwede naman daw sa ibang officers pero with approval pa rin ni captain. anong company ni bf mo sis and anong position na nya?  :)

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #59 on: October 27, 2011, 10:26:37 am »
@ sis soontobe, pm ko na lang sayo ang company niya. not sure kung after ng contract niya ngayon eh dun pa rin siya. gusto niya na din kasi lumipat kasi pahirapan na sakay sa kanila. 3/E siya ngayon pero 2/E license na siya. si bf mo sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close