watch now

Author Topic: Seafarer's family thread 7  (Read 92371 times)

babymom20

  • Guest
Seafarer's family thread 7
« on: October 13, 2011, 09:24:21 am »
what happened to the other thread? 29 pages pa lang locked na?

new home. keep posting!

link to thread 6:
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,247501.0.html
« Last Edit: October 13, 2011, 09:26:39 am by babymom20 »

sharks

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #1 on: October 13, 2011, 09:50:43 am »
new thread na pala...keep posting and i'll keep reading..hehe :)

god bless everyone! be safe!

g-gurl

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #2 on: October 13, 2011, 09:54:42 am »
Oo nga, new thread.

Thanks for all your replies. It is very much appreciated.

To clarify, its my father-in-law who has cancer. About sa fortuner na sasakyan, its owned by hubby and me. I pay a portion of it too from my earnings. We still have a year to go sa amortizations. The isuzu Dmax is owned by my brother-in-law seaman who left it in the possession of my parents in law for their use. Its in good running condition because months apart lang ang gap sa pag-purchase namin ng mga sasakyan.

According to hubby, ipahiram muna sa parents nya kase mas comfortable sila dun. I guess, he feels that I can do without it because my family has two cars which I used to borrow when I was still single.
When I told him short na kami sa sarili naming expenses malakas ang loob nyang sabihin na tapalan ko muna. Babayaran nya ako later, lista ko lang. Malakas ang loob nyang sabihin ito because I have my job.

Nagtataka lang ako kasi, 15 years nila napakinabangan si hubby. All those years, wala silang na-save at naitabi for their old age and medical needs. Puro sugal kase ang inatupag.

I'm stretching my patience and tolerance to the highest level. Naninibago ako because in my family, my parents always set aside money for their medical needs and emergencies.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #3 on: October 13, 2011, 11:06:08 am »
^ may baby na kayo?

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #4 on: October 13, 2011, 12:10:05 pm »
^^sis, I think, in a way pinagbibigyan sila ng H2B mo kasi its your father-in-law pala who has cancer. I have the same question as sis babymom: "may baby na ba kayo"?

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #5 on: October 13, 2011, 01:26:21 pm »
wow new thread na,,pasampa  ;)

sis ggurl for me mas oks siguro na pabayaan mo na lang siguro kung ano man yun tulong na binibigay ni hub mo sa in laws mo,,kasi buhay na ang pinag uusapan., atleast alam mo kung ano at magkano yun help na binibigay ni hub mo,,mas gugustuhuin mo bang maglihim si hub mo sayo? regarding sa car hmnn siguro nga mas comfy talaga sila sa fortuner mo,,,,mahirap talaga ang may cancer sis base sa experience ko lalo na kung late stage na ng cancer...

but then it depends pa din if may baby na kayo ha.,,, ;)

and lastly mas okay na sa buhay natin na tyo ang hinihingan ng tulong kaysa tyo ang manghingi ng tulong...


god bless us

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #6 on: October 13, 2011, 02:14:47 pm »
hi sa mga bagong sampa!!

sis g-gurl - tama sinabi ng mga sisters natin dito, wag mo na isipin ang nangyari sa past at sa kung paano nila inubos yung pera ng hubby mo, kasi wala rin naman mangyayari eh. Ngayon mahirap talaga kasi buhay na ang pinag uusapan. Just keep on stretching your patience further at may kapalit din yan kasi naging mabait ka sa kanila, kahit na ganun sila. Basta lagi mo lang sasabihin sa hubby mo lahat , yung feelings mo sa nangyayari para nagkakaintindihan kayo. Just pray lang sis  :)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #7 on: October 13, 2011, 03:40:38 pm »
good rainy afternoon mga sis!

sis g-gurl i understand where you're coming from. feeling mo siguro now is 2nd in line ka lang sa attention/priorities ni hub mo. talagang mate-test ang patience mo. pero hang in there. like what they said communicate communicate and communicate....

pero may i suggest something? effective ito for me kaya you might want to try...

everytime i'm in a difficult situation, i imagine na baliktad ang situation. like in your case, what if one of your parents has cancer? what if hindi sila comfortable sa sarili nilang sasakyan? what if wala silang na-save for their medication. what would you do? if you think about it, baka mas maka-relate ka sa hub mo. si hub kase pag ganyan lagi nyang line is "pagbigyan na natin, matanda na kase sila. dadating din tayo sa ganyan point and as much as we don't want to, masarap din yung feeling na we know na aalagaan tayo ng mga anak natin."

and of course sis, pray, pray and pray.... wish you well!

g-gurl

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #8 on: October 13, 2011, 07:22:08 pm »
thanks thanks for all your inputs.

patience and more patience. no baby yet. we just got married last june. naisip ko buti na lang hindi ako buntis ngayon if not i would be suffer from serious anxiety and sleepless nights kase wala kaming savings.

djhao79

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #9 on: October 14, 2011, 02:15:15 am »
hi g-gurl, I feel for you. It happened to me before. Yung MIL ko wala ding ipon due to financial mismanagement at nagsusugal noon.

It's alright to give them financial support since your father in law is undergoing treatment for cancer.

May blessing naman pala ni hubby mo ang pagpapahiram ng SUV sa kanila kaya ang hirap ding i-control ang gusto nya but you know, may hangganan ang lahat. My POV is that, para sa akin ok lang magbigay ng financial support para sa medication needs ni father in law pero yung sasakyan siguro mas makakabuti na para fair on both parties, kay hubby mo na manggaling kung hanggang kailan dapat ipahiram sa knila but dapat pag-usapan nyong mabuti since nagiging inconvenient na rin para sayo and to think the car needs maintenance too at gumagastos kayo for it. Hindi naman sa pag-iisip ng masama or nagiging madamot, iba pa rin kapag sarili nating sasakyan ay tayo mismo gumagamit dahil mas naalagaan or maingat. Minsan nagiging issue pa nga yung in-laws or relatives ang gagamit dahil hindi naiiwasan na nagkakaproblema ang sasakyan and in the end, yung owner ang gumagastos para sa pagpapa-repair. I think aware naman si hubby mo dito kaya mas mabuting i-discuss mo nalng mabuti kung ano yung nararamdaman mo or ano  ang gusto mong mangyaring setup sa hiraman issue ng SUV nyo.

Para sa aking opinyon lang po ulit...since wala pa kayong anak...kaya siguro maluwag pa si hubby mo sa pagbibigay lahat ng suporta sa pamilya nya. Sis, heto na rin ang naging scenario ko noon or before kami magkaanak ni hubby. Though may monthly allotment pa in-laws ko noon, bukod pa yung humihingi sa akin ng paextra-extrang pera. Take note, 2x a month pa sa akin humihingi ng extra bucks. Nakikita kasi nila noon na may work din ako plus yung hubby ko is onboard kya akala nila lagi kaming may pera pero nakakapika din kung minsan. Kaya sinabi ko din kay hubby at nagkaroon pa ng issue pero keber ko hehe...kasi alam kong nagiging abusive na yung inlaws ko dahil alam kong big portion of the monies goes to their luho or nagsusugal pa kasi si MIL. Dumating na rin ako sa point na nasagad na yung pasensya ko at mas feeling ko pumapabor pa si hubby sa MIL ko dahil katwiran nya, matanda na nanay nya at yun na  lang ang libangan which is totally a damn excuse. I just told my hubby na hindi naman sa magdadamot kami pero paano naman kami in the future? Diba kami magse-save para magkaroon kami sarili nming pundar and sooner or later, magkakaanak din kami kaya dapat kahit paano may nadudukot din kami at hindi puro pabor na lang sa inlaws ko. Yun bang isang kalabit lang ng MIL ko, bigay lahat kahit alam mo namang may mali. Actually, naging cause pa nga ito ng hiwalayan namin dati pero naayos din namin somehow sa tulong ng tita nya at sa akin humingi ng dispensa dahil naintindihan nila ang point ko. Pero heto kami ngayon, nakapagpundar na rin kahit paano ng isang decent house and sasakyan plus we have twin kids (9y/o).

The right formula for this kind of situation...communication, understanding and lots and lots of patience and of course...PRAYER! Iwasan mo lang mainis siguro hehe..ikaw lang ang mai-stress at mahinahon na pakikipagdibdiban kay hubby para mas magkaintindihan kayong mabuti. Pasasaan ba at maoovercome nyo din ito. Magcompromise na lang or magkarooon kayo ng agreement para maiwasan ang samaan ng loob.
« Last Edit: October 14, 2011, 09:12:33 pm by djhao79 »

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #10 on: October 14, 2011, 09:50:29 am »
agree with sis iggy. sabi ko nga tumulong sa tao habang buhay pa kesa sa abuloy na magbibigay.

but case to case really. depende sa tutulungan. may issue rin ako ngayon sa inlaws ko and i was so upset talaga. and as a consequence i will not send a single penny to them. that is how they will learn their lesson. naopen ko na to ki hub and he understands. anyways naman ngayon nasa abroad narin yung magaling kong SIL, sabi ko doon muna sila humingi. tingnan ko lang kung tumagal sya sa pagsuporta. this is a hard decision for me but they left me no choice. pinamukha ko rin naman ki hub ang mga nangyayari at naintindihan nya. kahit sya hindi rin naman natutuwa daw. hindi naman usaping pera ang amin, kung pera lang naman hindi ako magdadamot kaso kung palabigasan lang ang turing nila samin at ni wala silang katiting na concern sa amin, now we will see. im a monster lalo pa pag naiinvolve ang baby ko.

pinakiusapan sila ni hub na magstay sa bahay since nandun na rin naman sila kasi nag-attend ng party ni baby. paalis kasi ang yaya. they said yes naman pero umuwi rin. sobra akong natakot na iuuwi namin si baby sa mom ko since [textspeak!] kapalit na yaya sana e biglang umatras. mom naman hindi makapunta dito since nagpaparenovate sya ng bahay sa province. galit na galit ako kasi parang nananadya. wala naman silang maidadahilan kasi wala naman silang mga trabaho sa kanila. lahat naman sila tambay lang sa kanila tapos ni hindi mapagbigyan ang favor ni hub. napikon pa ako kasi nagpaasa pa na babalik daw, kesyo kukuha lang daw ng damit sa province kasi kaunti lang dala. sabi ko nga ipagshopping ko na lang. kaso alibi lang talaga yun. kahit nga si hub nadamay sa galit ko na naman. disappointed lang ako kasi kung tutuusin may paraan pa para hindi malayo samin si baby (that is mag stay ang oldmaid tita nya samin) pero bakit hindi nya magawa. sobrang mabait kasi si hub eh kaya parang balewala lang kung ano ang maramdaman nya eh. ngayon ako naman ang mananadya sa kanila. buti na lang nadala sa dasal, nabigyan ako agad ng isang friend ko ng ex yaya nila.

kakaiba lang kasi talaga ang environment ng family nya. naipamukha ko pa tuloy sa kanya lahat ng abala namin sa family ko, which kahit piso e walang natatanggap galing sa amin. mas kami pa ang nakakahingi. youngest sister ko nagduduty sa hospital, nagleave ng almost 2 months nung biglang paalisin ko ang yaya. nagleave para lang mag-alaga sa anak namin. ngayon naman 2nd sister ko ang isinama ko para samahan ang bagong yaya. which sobrang abala rin kasi may sarili syang store sa province. while kako yang mga pamilya mo, may allotment at wala namang mga ginagawa e hindi maabala. now naubos nila ang patience ko. hindi ko matanggap na muntik mahiwalay samin si baby dahil ayaw nilang magpaabala sa amin. sobrang bait lang talaga ng asawa ko eh kaya parang binabalewala lang sya. samantalang sa bahay, nung sinabi ko ki sis na sumama sya, una ayaw nya kasi marami raw syang atraso sa tindahan nya, hindi lang ako umimik ng buong gabi, kinaumagahan paalis na kami pabalik ng manila, biglang sumakay rin ng kotse. hindi nila ako matitiis.

hay haba. hehe.

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #11 on: October 14, 2011, 10:03:25 am »
naloka ko sa haba ng post mo sis ren ha  ;) knowing mo naman ang lola mo tamad mode pag long post na hahahaha,,,honestly sis natatawa ako while reading your post kasi navivisualize ko na kung gaanong ka highest level ang asar mo sa family ni hub mo,,buti na lang sis sa galit mo di mo sila nasampal ng dollar mo hahah joke,,naalala ko lang kasi yun about sa waiter ;)...

hmnnn iba kasi talaga pag baby  na ang pinag uusapan >:(

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #12 on: October 14, 2011, 10:09:27 am »
^ hay naku sis jonna, sobrang pigil na pigil akong magpost eh. kaso hayan naumpisahan na naman haha.. last week pa yan eh. napagtyagaan ng pakinggan ni sis doris yan sa chat hahaha.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #13 on: October 14, 2011, 10:45:29 am »
ok lang ilabas mo yan sis ren, at least maluwag na loob mo diba? Ako yata di ko rin kaya malayo ang mga anak ko sa akin lalo na kung ganun kalayo. Buti na lang may inlaws live in pasig lang kaya medyo malapit. Pero ayaw din magtagal ng mga anak ko sa kanila. Wala naman problema sa paga alaga ng MIL ko, pero yung environment kasi dun, tipong hindi kasi sa loob ng subdivision. Tipong ang iniiwisan hindi kotse kungdi kotse ang umiiwas sa mga bata na basta na lang tatakbo sa daan   :o eh di sanay yung mga anak ko kasi tahimik lang dito sa area namin.

haay sa mon na talaga ata aalis si hubby, nasa office siya ngayon for briefing at para makuha na ang ticket niya  :'(

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #14 on: October 14, 2011, 11:42:54 am »
naku sis ren sana sinabi mo sakin ng nakapag online ako ;)

sis tet hayy smp kana din pala :( ;)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #15 on: October 14, 2011, 12:49:31 pm »
sis ren - grabe naman yang abala na ginawa nila. at sa kwento mo, na-prove ko ulit na kahit anong mangyari, hindi tayo papabayaan ng parents at mga kapatid natin.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #16 on: October 14, 2011, 12:59:01 pm »
^ yan nga sis. pero bakit sa side lang natin? hehe kung sino pa ang mga hindi "nakikinabang" , yun pa ang maaasahan. hay. another testimony na hindi lahat ng "bunga", pareho ng "puno".. hehe

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #17 on: October 14, 2011, 01:01:05 pm »
sis ren okay ka talaga hahahaha

hi sis chie :)

depzie

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #18 on: October 14, 2011, 07:43:47 pm »
hi mga sis,can i join? :) sa cruise ship c hubby ko and we're married for 7 years..lagi ako ngbabasa dito kc nkakarelate ako..

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's family thread 7
« Reply #19 on: October 14, 2011, 11:48:55 pm »
^hi sis, welcome.

sis jons - ngayon ko lang napansin post mo, sorry. hello din. at dahil hindi pa ako pwedeng matulog, tambay muna sa GT. hehe.

sis ren - musta ka na sis? muah!

hello po sa lahat. 2am schedule ng tawag ni h2b ngayon, kaya eto, ayoko matulog at baka hindi ako magising on time, sayang pinambili ng card! mahirap pa naman kumita ng pera ngayon. hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close