watch now

Author Topic: AMAIA Scapes  (Read 65758 times)

cosmochick

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #80 on: July 27, 2015, 02:46:54 pm »
Hello mga sis, we just reserved a single home in amaia scapes... We got it pre selling.. reading the horror stories here, I'm praying these will not happen to us... We are based pa naman overseas..


gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #81 on: July 27, 2015, 03:51:15 pm »
recently medyo maayos yung kausap ko na taga AMAIA. Also, nakuha na namin yung notarized CTS namin (after 2 years from reservation date).

sa mga decided ng kumuha sa amaia, ang maipapayo ko ay habaan ang pasensya...

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #82 on: July 27, 2015, 09:14:34 pm »
^grabe sis, 2 yrs? sa akin 8 months, umuusok ilong ko pag nagfofollow up ako sa kanila. bakit daw natagalan sis? naku ang dahilan sa akin eh nagresign daw yung dating may hawak nung acct ko, etc etc.. sabi ko nga, hindi kasalanan ng client yun. magaling lang pag bentahan, kung hindi ko pa tinakot na icacancel ko purchase ko, malamang hindi pa rin narelease CTS ko. sinisira nila reputation ng Ayala, kaya nga ako kumuha kasi tiwala ako sa Ayala tapos sisirain lang ng mga walang pakialam na agent or kung ano man ang position nung mga nasa office nila.

houzz

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #83 on: August 14, 2015, 04:46:22 pm »
recently medyo maayos yung kausap ko na taga AMAIA. Also, nakuha na namin yung notarized CTS namin (after 2 years from reservation date).

sa mga decided ng kumuha sa amaia, ang maipapayo ko ay habaan ang pasensya...

Hello gwyne21, saang department po kaya ninyo nakuha yun CTS? ang hirap po kasi makontak mga tao sa Amaia office eh. 2 Years na din un unit ko from reservation date and until now wala pa kami update about sa CTS may mga kulang pa din na receipt. Any information po will be helpful to us.

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #84 on: August 14, 2015, 10:35:10 pm »
^hi sis. Try mo tawag sa number ng amaia na nasa site nila. www.amaialand.com natry ko kasi dati yan, taga head office yung nakausap ko then tinulungan nya ko. She contacted the dept assigned sa CTS. hth!

tenza

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #85 on: February 18, 2016, 02:59:23 pm »
^Payment process ba kamo sis? Naku, mabilis sila dyan pag mangongolekta ng bayad. Nung nagpa reserve ako, wala ako nakuhang receipt, I had to follow up pa sa kanila. Same with the 10% DP, nauna rin bayad ko bago yung resibo. Kesyo sa head office pa raw kasi dapat manggaling yun, etc etc. Ngayon naka auto debit yung monthly installment ko sa kanila for 23 mos. Wala rin ako nakukuhang receipt, kailangan ko sila iremind everytime. Naku sis, para sure lang, hingin nyo yung "actual" computation, kasi mahirap magsisi sa huli. Agent ba kausap nyo o from Amaia land office talaga? Dapat makita nyo yung talagang presyo ng bibilhin nyo. May I know kung anong property sis ang kinuha nyo?

Hi Sis,

Thanks sa time to reply,  yes, we follow-up them, hanggang before kame umuwi last week sa Pinas (CNY holiday).

As for the AMAIA receipts, we asked the agent and gave her authorization letter, naka debit na din yung montly installment and on process na ang housing loan. Nagkita kame ng agent namin last week and binigay niya yung mga receipts.

Nakuha na din namin yung actual computation, lahat ng follow-ups coming from emails.

Yung kinuha naming unit is sa Amaia Scapes Bulacan.

Thank you.

kainis9

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #86 on: June 12, 2016, 12:56:02 pm »
Wala pa bang amaia scapes sa ibang place? ang layo kasi ng gen trias or cabuyao :(

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #87 on: June 14, 2016, 09:03:43 am »
^tignan mo sis yung website nila... nakalista lahat dun yung available locations nila..madami na rin pala sila locations

swtgrl_bee

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #88 on: June 17, 2016, 01:26:27 am »
Mga sisses, kamusta na ang pakikipagdeal niyo sa Amaia? I am eyeing Amaia Series Novaliches. Dito na ako makikipost wala kasing thread yun. Okay okay na ba ngayon?

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #89 on: June 17, 2016, 09:37:17 am »
^recently mas okay na yung experience namin compared dati... mas maayos yung current staff nila na nakakausap ko... tip lang sis...wag ka umasa sa "ahente" mo...samin kasi after makabenta, wapakels na yung ahente, kakilala pa namin yun ha (so disappointing). make sure na maayos yung makakausap mo.

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #90 on: July 09, 2016, 11:37:32 am »
Hay nako, nagtext yung agent/broker sa akin at ang sabi 2018 (tower 2) na raw yung turnover ng condo ko. Nakakastress talaga makipag transact with Amaia Cubao. Mula sa reservation, CTS and now sa turnover pinapasakit ang ulo ko! Binigyan pa ako ng option na mag transfer sa tower 1. Hello! Approved na yung housing loan ko sa BPI tapos ganun sasabihin? Sana inagahan nila para lumipat na agad ako sa tower 1. Eh pag ngayon ko pa pinatransfer yon, mag iincur pa ng additional charges on my end kasi syempre hindi naman libre yung processing nyan. May nakausap pa ako from their office, hindi raw ba kaya maghintay ng 2018? Nakakagigil! Bakit inilagay sa CTS na 2017 ang turnover tapos biglang babaguhin nila at client pa dapat ang mag adjust sa kanila? So parang sorry nalang ako at dapat sundin ko kung ano lang sasabihin nila. Nakakawalang gana, I'm thinking na huwag nalang ituloy to. Alam ko may 20% or more pa na makakaltas sa total price na nabayaran ko if ever pero baka ok na rin yun kesa continue ko pa dealing with them, baka pag naturnover na, may bagong problema nanaman silang ibigay. Hay, under ayala pa man din sila kaya nga kami nagtiwala. Mga employees and agents nila sumisira sa pangalan ng company. Not sure kung sa ibang projects or offices nila ganito. Nung inaayos ko loan ko may nakausap akong matino from their head office, talagang inassist ako. Kaso ganon din, I have to transact with their cubao branch dahil dun yung project na kinuha ko. Nakakainis lang na hard earned money yon tapos hindi binibigyan ng tamang priority ng mga taong to.

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #91 on: July 11, 2016, 08:56:20 am »
^hi sis.. I understand your frustrations kasi ganyan din nangyayari sa amin..super delay yung magiging actual turnover compared sa nakalagay sa CTS... though house and lot yung kinuha namin, same din na delay. ang nakalagay sa CTS namin ay 1st quarter 2015 pero up to now, wala pa din turnover (estimate ko baka next year pa ma-tu-turnover)... pag-isipan mo mabuti if you want to give it up or not.. sa case namin, nakaka-2 years na kami na nag-a-amortize sa bangko and gusto talaga namin yung location so kahit delay sila, no choice kami... hayy.... we are also currently renting an apartement so additional expenses on our part kasi nagrerent na, nag-aamortize pa

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #92 on: July 11, 2016, 10:03:23 am »
^Kami rin sis nagrerent ng apartment kaya gusto sana namin masunod yung expected turnover kasi doble gastos eh. :( Kelan sinabi sa inyo sis na madelay ang turnover nung house nyo? Nakakawalang gana kasi biruin mo tayong clients pa talaga mag aadjust sa kapalpakan nila. Tapos parang hindi man tayo binigyan ng option, no choice, ganun ganun lang yon. Ang kapal nila.

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #93 on: July 11, 2016, 12:41:30 pm »
^wala actually nagsabi sa akin ng exact date ng turnover... ako na yung nag-estimate (na baka next year..sana nga).. binibisita ko yung site from time to time and wala pa natu-turnover na units sa owner pero may mga nakatayo na na houses... wala din concrete answer yung staff sa akin kapag tinatanong ko.
share ko lang sayo sis, nagkaroon din ng time na sobrang bw*s*t ko sa developer dahil madami sila delay (pati pagprocess ng cts namin..mahabang delay..about 2 years inabot..).. pati dun sa ahente inis na inis ako kasi wapakels after makabenta sa amin (kakilala pa namin yung ahente ha! socially we meet him. with same circle of friends).. and I assume during turnover and renovation, may mga ma-e-encounter pa kami na nakakainis na situation.. to lessen my stress, sinasabi ko sa hubby ko yung feelings ko and iniisip ko na lang and looking forward kami kapag titira at maayos na namin yung sarili naming house na pinundar at pinaghirapan. Ayoko na kasi masyado ma-stress sa kanila (nasagad na ata stress at inis ko sa developer at ahente during the cts issue namin).
Ask ko lang, kung may option na lumipat kayo sa tower1, sila ba mag-aasikaso at gagastos sa lahat ng document changes (sa bangko etc)? Baka pwede ka makipag-negotiate that all expenses c/o nila since super delay na nga.

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #94 on: July 11, 2016, 09:05:45 pm »
^Ay ganon sis, nakakastress no. Sa CTS nyo ano nakalagay na turnover date? Gaano na katagal yung delay sa inyo? Nako same here, nakipagtalo pa ako dati sa kanila about CTS, inabot naman yung amin ng 8 months. Kung hindi ko pa tinakot na icacancel ko ang purchase hindi nila mamadaliin. Ganun din yung agent/broker, kakilala rin namin tapos kala mo totoong mabait yun pala pag nakuha commission nila byebye na. Walang matinong sagot yung nakausap ko from amaia cubao about sa paglipat kung sakali sa tower 1 sis, at sabi pa papatawagin nalang daw nya sa akin yung broker. Guess what, hindi rin nagparamdam yung broker. Ang ginawa ko, tumawag ako kanina sa head office nila, sa customer care. Dun ako nagreklamo, sinabi ko na wala ako makausap na matino sa cubao branch. Hiningi nya details ko tapos irerefer daw nya ako dun sa nagpprocess ng downpayments kasi nabanggit nya na pwede ko pa raw icancel ang purchase since hindi pa ako nagbabayad ng monthly amortization. Pwede rin daw na ipahold muna yung pag take out ng loan pero for approval pa. Ibang klase diba, sa kanila na yung delay tapos maghihintay pa akong maapprove. Kapag bukas wala pa ako nareceive na update from them, tatawag ako uli, kukulitin ko sila. Parang I'm leaning more on cancelling nalang talaga sis kasi mula umpisa puro stress binigay sa akin. Baka pag tinuloy ko at dumating ang time na nagbabayad na ko ng monthly amortization sa bank magkaron nanaman ng bagong problema from them.

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #95 on: July 12, 2016, 09:19:52 am »
^sa pagkakaalala ko ang nakalagay sa cts namin na turnover ay 1st quarter 2015 pero up to now, wala pa din. Kung leaning ka na to cancel the purchase of your unit, I think better na nga na-i-hold muna ang loan take out sa bank. Also, read your contract well para alam mo kung ano ba yung possible monetary loss for you.
share ko lang, I have other workmates na kumuha din ng house and lot from other developers (camella, others na hindi gaanong sikat) and sila din may mga sakit din ng ulo (from docs, to turnover, amenities not met..etc)..so i guess parang ganun na yata kalakaran kapag bibili ng property. I don't know.. baka kapag high-end developer, baka mas maayos ang sistema

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #96 on: July 12, 2016, 04:01:38 pm »
^Aaw, 1st quarter ng 2015 ang estimated turnover.. napakahaba pala ng delay. Wala pa kayo balita ngayon sis kung kelan talaga turnover, grabe naman sila. true sis, dami nga rin ako nababasang hindi maganda about sa services ng camella. sabi rin ni hubby, feeling nya ganun daw siguro talaga kahit sa ibang developers. parang nagbago na isip ko, may nakausap kasi akong matino from head office ng amaia. pwede raw iextend yung DP. since 9 months ang magiging delay ng turnover, maeextend din ng 9 mos yung pagbabayad namin ng DP. tapos pwede ko raw lakihan yung amount kung gusto ko para sa 9 mos na yun. i just need to send an email daw tapos for approval daw to. atleast i have an option now, hindi kagaya ng sinasabi ng kausap ko dun sa amaia cubao na parang dapat keri lang, dedmahin ko lang kung madelay ang turnover.

gwyne21

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #97 on: July 13, 2016, 09:38:00 am »
^good at may other option ka... think about it carefully... siguro balikan mo rin yung original reason why you chose amaia in the first place.. oo sis, about other developer, may mga sakit din ng ulo..yung isa ko nga co-worker gusto na ibenta yung house and lot nila (kakalipat lang nila last year) kasi hindi na kaya i-meet ni developer yung sinabing amenities (due to lack of funds)... anyway, i think good option yung extension ng DP.. mas okay kung lesser amount yung i-lo-loan mo sa bank para mas maliit interes. i think good sugestion iyon. sa amin kasi walang ganung option.. we are just waiting now..hopefully talaga by end this year to early next year ma-turnover na sa amin.

crzysxycl

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #98 on: July 13, 2016, 06:26:29 pm »
^hay, ang hirap no. nagbabayad naman ng maayos tapos ganon. Oo nga sis, sana matuloy na turnover ng house nyo. Naku, may fault din ako dito, kasi naniwala ako agad sa agent at broker, kakilala kasi ng tita ko.. lesson learned. :)

yn061515

  • Guest
Re: AMAIA Scapes
« Reply #99 on: May 06, 2017, 05:28:40 pm »
Hello all!

My sibs and I bought a unit for my parents just recently lang, RFO na sya sa Amaia Lipa.
Bungalow pod yung nakuha namin at may provision naman daw palapadin at pataasin (2nd floor). My question is, meron na ba dito na nakagawa nito? How was it?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close