Hi mga sis, success ang coffee kembot namin nina sis
Ez4gotten and
health.gal. Finally nameet ko narin si Papa P ni sis ez.
Ez4gotten - sis, i know nag be-beauty rest ka na for pre nup mo tomorrow. All the best!

pasilip din kami ng pics ha?
mawchan - naku sis, bawal din ang sweets namin dahil diabetic si mama. kaya puro iwas kami sa matatamis, dahil nasa dugo na namin yun. ahehe. sis, sana si mitch na nga din kasagutan sa gown mo. hehe.
juice406 - sis, congrats sa application for marriage license! anyway, 3 months before the wedding ba ito inaasikaso? tsaka sis, naguguluhan ako eh. si h2b kasi tiga Bulacan, ako from Las Pinas. magkahiwalay ba kami ng munisipyo na pupuntahan, or pwede isa nalang?
chubbycheeks17 - actually sis, either dolls or teddy bears. whichever is more affordable. sabi kasi ng friend ko sakin, may teddy bears daw na 100ea sa Market!Market! eh. and nung about sa damit, papa custom talaga kami, kapag may extra budget. pero sa ngayon, di ko pa naiisip. haha.
blueflame - shax, nakita ko nanaman ang pre nup photos nyo sis. lalo ako na excite mag pa prenup! ang tagal naman ng January. huhu. lahat magaganda sis!

winner na winner. btw sis, nung mga damit mo, lahat ba nabili mo sa ukay? or nung iba sa mall? ang gaganda eh.
ishi90210 - thank you so much sis sa input!

and good luck sa pag gawa ng mga DIY bags. naku sis about guest list, ang laki ng tinaas ng headcount. pero sana ma trim down yan kahit man lang 150. s kami siguro max count namin is 120 lang. kung pwede nga 100 lang eh. kaso syempre, dapat mag bigay parin ng allowance.
shooting_star - sis, na miss na kita!

tagal mo na di nakakadalaw dito. goodluck pala sla prenup nyo next week. teka, anong klasend balloon ba yan? nung malalaki din ba? tulad ng gusto ni sis ez4gotten? kasi samin dami ko nakikita na ganyan, mga malalaki eh. dun sa mga balloons talaga na pambirthday. hehe. pero malaki talaga.
lennie.bong - sige sis, i'll check sa mercury later, buy ako non. pero try ko muna ubusin nung antibiotic na iniinom ko. tutal 2 days nalang din naman. sis, dito ako sa Edsa Central nag wowork, sa may Shaw. as in sa loob mismo ng mall. pero night shift ako. haha. natawa naman ako sa pagsilip mo ng wiwi sa microscope. wow sis! okay yang topper na yun ah!!! at affordable talaga. actually, magaganda naman talaga ang items nila ano?
michiness - have fun sa agenda mo tomorrow sis. actually sabi ng friend ko na kinasal, yan daw ang isa sa mga pinaka haggard na task nila during their wedding preps.

at buti nalang di lumobo, dahil i agree, naku madami ka ngang di magagawa nyan. hulaan mo nalang kung ano yun. ahaha.
medyo namomroblema ako sa paghahanap ng gown supplier/mananahi. di na kasi namin afford hanap ng mamahalin na gown. gusto ko sana sa Rosy's nalang, kaso parang may negative reviews daw sa kanila talaga. Pero siguro i'll take the risk nalang. i just hope na isolated ang case nila. by november, papasukat na kami, and we won't tell nalang din ng May ang wedding. yan din sinuggest ng friend ko. sigh. sana wag mag ka prob sa pag deliver nila on time. nung quote nila kasi sa gown ko, 3500. lang nung isa ko din na pinaquote sa kanila is 7000.

simplehan ko nalang nung details na gusto ko na gown, para mapababa pa ang price. wala ng lace. hehe. night gown nalang kaya? joke!
Happy Friday everyone!!!