watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 8*  (Read 83488 times)

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #260 on: October 16, 2011, 07:07:24 pm »
^ok lang yun sis. samin from nueva ecija pa. meron pa nga from pampanga eh. hihi! basta kung love ka nila dadayo talaga sila. emotional blackmail ba. hihi!

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #261 on: October 16, 2011, 07:17:45 pm »
Kaya lang sis, from Caleruega kasi, kung may commuters kayo na guests, mahihirapan na sila nun. Papasok kasi yun sa loob. Need pang kunin yung number ng trike driver para magpasundo. If meron na kayo coaster or van, na magaabang sa guests dun sa labasan papasok ng Caleruega, then from the Church papuntang reception, at least, kahit papano, magiging convenient pa rin sa kanila at di na magdadalawang isip na magpunta. hehe. . Lalo na if yung venue is hindi along the highway. Kumbaga kahit malapit, mahihirapan pa rin sila. Suggestion lang naman. ;) Super layo din kasi pala dahil from Bulacan pa kayo. Mahal nga magagastos. Baka pwedeng pakiusapan yung mga relatives mo na may wheels na isabay yung iba?

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #262 on: October 16, 2011, 07:21:49 pm »
Si sis health.gal my future mging wedding coordinator, matanong eh.   Nakakatuwa, madami ko natutunan sa mga questions mo sis. :D Kami ni kc ni sis ishopnow wala lang LOL. Tama, ayaw nila maniwala 3 kami b2b, kung andun tayo lahat baka maloka sila haha.

Sis princeszheng, aww... My goodness na lang ang masasabi ko sa FMIL mo. Di na kasi dapat yun pinapakialaman. Siya ba ikakasal? LOL. Jowk lang. Si h2b mo kasi ang dapat na magconvince sa kanila about your plans and decisions. Talk to him na lang to explain to his mother na church wedding talaga ang gusto niyo. ;)
Sis OK na kami ni FMIL. At infairness nabilang na nga nya guests niya, 70 dw! hahaha.. napalunok na lang ako.. anyway, wala pa kami formal announcement, baka mabawasan naman yan, mega chikahan kami knina umaga. Kaso sinubukan niya ko, she asked me to cook beef steak :( di ako marunong magluto. nasunog! at mukhang di nya type hahaha! Kaloka!

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #263 on: October 16, 2011, 07:41:22 pm »
Ay, so glad to hear that naman sis princeszheng. Kalurkey nga lang talaga na sa kanya pa lang, 70 na agad ang guests. LOL. At naku, masyado ka ata napressure sa request nya. Kawawang beef steak. hehe. Edible pa rin naman kaya keri lang. Next time, hinaan mo muna apoy. hehe. ;)

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #264 on: October 16, 2011, 08:03:01 pm »
Ay, so glad to hear that naman sis princeszheng. Kalurkey nga lang talaga na sa kanya pa lang, 70 na agad ang guests. LOL. At naku, masyado ka ata napressure sa request nya. Kawawang beef steak. hehe. Edible pa rin naman kaya keri lang. Next time, hinaan mo muna apoy. hehe. ;)
oo sis thank you sa advice pero, alam ko mahina naman ewan ba, di sumang-ayon ang beef sa akin.. hahahaha! sabi nya sana naging pork chop na lang siya hehe. naalala ko nga ng sinabi ko sa tatay ko mag-aasawa nako ang tanong kagad sakin, "kaya mo na ba mag-asawa?" ang sagot ko, OO, di lang ako marunong magluto hahaha!!

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #265 on: October 16, 2011, 08:07:39 pm »
LOL. Loko yang beef na yan. :D Ako kasi, napabayaan sa kusina. hehe... Pati sa figure ko eh halata. Wag lang niya akong paglalabahin. LOL. Di keri yun ng powers ko, kahit pa may washing machine. ;)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #266 on: October 16, 2011, 08:11:59 pm »
hahaha kahapon, muntik na namin makalimutan na wedding fair yung sadya namin sa mall.

enjoy kasama lahat, wala ako masabi!! hehe parang mas naexcite pa ako sa mga EB kesa sa pagsimula sa wedding preps namin. pero saka na ako gagalaw paggumalaw galaw na si sis qtpurple! hehe.

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #267 on: October 16, 2011, 08:14:01 pm »
hi mga sisses...kamusta ang pagkikita kahapon? sorry at hindi na ako nakapunta. nagpunta kami sa hizons kasi at maraming inasikaso.

update mga sises, finally, nagkita na rin kami ni kuya elmer...ok na sya, then nakabili na rin kami ng wedding ring kasi mga sisses, we will get married civilly on nov. 11..

mga sisses, thank you talaga sa pagbati at pagsuporta sakin...

sis blueflame, ganda ng mga pix..level up talaga

sis blushing..it's your wedding, kung san ka masaya, follow your heart, for sure, marami pa rin makakapunta kasi hindi rin kayo matitiis ng mga kamag anak nyo..

btw mga sisses, diy lang kasi yung invi namin, since mag civil kami, ang ilalagay ko para sa church namin is REAFFIRMATION OF MARRIAGE VOWS, ganon ba yun? hindi na kasi exchange, diba?

thank you, sensya na mga sisses ha, busy lang talaga kasi alam nyo naman, talagang 3 months ahead of target, kaya eto....

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #268 on: October 16, 2011, 08:21:39 pm »
Sis ishop, alam mo naman yang si freindship qtpurple, napaka-reserved. Ang mga galaw nya ay exclusively for Papa James only. LOL.

Sis Ria, wow congrats po. May civil wedding pa din pala kayo. Not an expert with docs eh. Pero I think so, dapat nga it should be reaffirmation. ;)

blushing.margarita

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #269 on: October 16, 2011, 08:41:47 pm »
ishi90210: Oo nga sis, goodluck sa mga kamaganak natin! lol  ;D

michiness: Talaga sis mahirap talaga? Waaaaahhh... Hmm, sis turuan mo naman ako pumunta dun pag nagcommute? Galing edsa na lang. Pupunta kasi kami dun ni MOH after undas para magpareserve sa church, para makita ko na din personally at maexperience ang pagdadaanan ng mga guests namin. Hehe. TIA sis, tsup tsup muah muah!!!  ;)

riaenvodka: thanks sis! and congrats po sa inyo ni h2b mo.  ;)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #270 on: October 16, 2011, 08:52:02 pm »
di na pala ako magmomodify hahaha... anyways...


sis blushing.margarita - yes its true! kung importante kayo sa kanila hindi naman siguro sila aangal. kayo ang ikakasal no? ayaw pa ba ng family ni h2b? makakapasyal sila sa south (?) tama ba? hehe di ko alam saan ang calaruega pero narinig ko na yan at maganda nga raw dyan.

usapang coffee - mukhang pang callcenter lang yan kasi kelangan gising sa gabi... kung me side effect naman huwag ng ituloy.

usapang shoes - well ganun na nga lang ang gagawin ko yung maghahanap ako ng wedge :) or magpapasadya... alangan namang ipreserve ko yung shoes hanggang sa amagin. elevated shoes pala yung term na gusto kong sabihin hehe...

congrats sis riaenvodka. so january yung church wedding nyo? tama ba?

sis michi - bakit nga ba pag me kasabayan sa kasal eh hindi naiwasan makipagcompete ng iba no? sabi ng friend ko isang araw lang yan. hindi naman importante kung mahal o mura ang wedding hindi ba? kasi at the end of the day kayong dalawa na ni partner/h2b ang magsasama habangbuhay noh... buti tayo dito walang competition. walang inggitan. walang naiintimidate... everybody happy! :D

sis qtpurple - hehe... oo magpapakita na ako. nadyahe lang ako kasi me mga kasama ako kahapon...

share ko pala... kahapon sa fair, pumunta ako sa souvenir section. tapos tinitignan ko yung regalo sa principal sponsors. bigla ba naman akong nilapitan at tinanong kung ang hinahanap ko daw bang souvenir eh pangbinyag! haha... kasi naman dala ko ang bebe ko :) kaya lang gusto ko sana sabihin na di ba obvious pang ninang yung tinitignan ko...  8)

welcome pala sis laireyes sana dumalas din ang tambay mo dito :)




mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #271 on: October 16, 2011, 08:55:51 pm »
hello to all BBB's!

sis mich magmeet pa lang kame ulit ng florist next month to finalized yung package, bait naman si ate inah kaya stress free narin ako, minor prob lang naman..  :) belated pala kay FMIL, excited na ko sa oct 29 sa eb, sana mahawaan mo ng pagka jolly mo sis, everytime nababasa ko mga post mo punch line talaga especially yung perfecta turns impaktita!LOL
pa-pm pala sis yung address ng fans digital and well mansion san din malapit, napadpad kami sa quiapo sa may hidalgo st. kanina 2 peepz napagtanungan ko, di raw nila alam saan yun.. waah!katakot pa naman dun, mukha kaming nawawala..hehe

sis chiclet yung ka officemate ko nag pa-party yung tito nya sa ibarra's garden humingi nga ako ng feedback, we booked ibarra din pero sa quezon city, sa interior maganda raw sa loob at may mini gazebo pa sila, mahina lang daw ang aircon kaya di kalamigan, masarap naman daw ang food pero ang lemon iced tea matabang.. wala pang food tasting hanggat di pa paid yung 50% and may additional cost yung electricity sa p/v and photobooth, overall satisfied naman yung tito nya sa service ng ibarra in fact di na raw siningil yung additional charge sa electricity nakalimutan ata..  ;)

sis ez kanina lang nagtext ako kay ate inah, para i sked yung pagpunta namin next month.. then sya pa talaga tumawag, katuwa o dahil sun naman kaya unlimited calls?! hehe pinapapunta nya na nga ako agad kanina kaso di naman kami prepared! gt raw client nya, di ko naman kilala kaya ikaw nalang nabanggit ko..  ;) gusto ko rin magpagawa ng dolls sa precious moments pang cake topper at of course kumain ng pasta, ignorante ako makati area kaya sama ko sa inyo pagbalik dun, ooppss di inggit yun ha! inspiration na lang dahil magka alma-mater tayo! :)

sis health.gal clap clap sa desiderata! paki tagalog please.. hihi na windang pala mga suppliers na napagtanungan nyo at ayaw nila maniwala na 3 kayong brides, akala siguro nag tritrip lang kayo..  ;)

sis blushing go for your dream wedding! may save the dates naman and rsvp para as early ma confirm na yung mga visitors nyo na willing mag travel from north to south..  :) kung pasok sa budget rent ka nalang ng van or bus para lahat join na sa tagaytay!

sis qtpurple google ko ko yung chartreuse (now ko lang nalaman ang color na yun) love it parang apple green darker lang ng konti before type ko rin purple and apple green,kaso baka raw di bagay sa fair complexion ng mga abay kaya nag change kame to lavander and tiffany blue. dapat i career na sis ang pag ocular sa church and venue usually pag december wedding fully booked na lahat..

sis chelle sana sa oct 29 ma ka join ka, sama mo narin si baby!

sis laireyes congrats sa inyong tagaygay hunting escapades!  :)

wave po to all!

have a blessed sunday!muah





michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #272 on: October 16, 2011, 09:11:10 pm »
michiness: Talaga sis mahirap talaga? Waaaaahhh... Hmm, sis turuan mo naman ako pumunta dun pag nagcommute? Galing edsa na lang. Pupunta kasi kami dun ni MOH after undas para magpareserve sa church, para makita ko na din personally at maexperience ang pagdadaanan ng mga guests namin. Hehe. TIA sis, tsup tsup muah muah!!!  ;)

Not quite mahirap naman. Pero around 2km kasi yung papasok sa Caleruega from main road. Dun sa may EDSA-Taft po, sa may McDonald's near the stairs of MRT station, may terminal ng buses going to Nasugbu. Golden Dragon ata yung name nung bus, may Erjohn din. Basta ang sasakyan nyo, going to Nasugbu or Balayan. Sabihin nyo ibaba kayo sa Evercrest. Pag nandun na kayo, may terminal dun ng trike. Kunin nyo cellphone number ni Manong Drayber. Kasi, ihahatid lang nya kayo papasok. Tapos itetext nyo lang siya pag pauwi na kayo.

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #273 on: October 16, 2011, 09:28:07 pm »
Sis chelle, di ko nga alam kung bakit may mga ganoong nilalang. Pati pagpapakasal, ginagawang competition. E dapat nga, bilang mga babae, masaya tayo para sa isa't isa kasi we all found the right guy who'd want to spend the rest of their lives with us. Keber ba kung high end ang mga suppliers natin or budgeted diba. Isa lang naman ang suma total nun. Yung kaligayahan ng couple. Ganda nung sinabi mo: buti tayo dito walang competition. walang inggitan. walang naiintimidate... everybody happy!

Sis mawchan, tenchu. See you on the 29th. hehe... ;) Re Fans digital po, ang complete address niya is 725 R Hidalgo St. Quiapo, Manila. Dun po ito sa may side ng Quiapo Church. If you see Mercury Drug na may malaking billboard, then makikita mo yung Hidalgo St. na maraming nagtitinda ng fresh flowers. Dun kayo punta, derecho lang. Then tingin lang sa mga signboards above. Dikit dikit kasi mga stores dun. Tapos natatabingan pa ng mga street vendors. Yung Well Manson naman, kung from Mercury, first kanto, kakaliwa kayo sa may Villalobos St. Tanungin nyo lang yung tindahan ng mga beads if ever na di nyo ma-sight. Dun lang naman yun sa street na yun. Don't forget to visit DIY Beadshop na din. Mas mura mga beads dun. Pero wala masyado charms unlike sa Well Manson's.

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #274 on: October 16, 2011, 09:35:26 pm »
^^ naku pow kaya pala lost kami kasi sa kabilang side kami hidalgo st rin nakita ko.. tenchuness din! :D

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #275 on: October 16, 2011, 09:38:08 pm »
hehe... Hidalgo din kasi yun. Dun kayo nagpunta sa may side ng MLQU. ;)

blushing.margarita

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #276 on: October 16, 2011, 09:43:10 pm »
chelle_peachy0524: Sis thanks! Sasabihin ko kay h2b na sabihin nya na sa relatives nya na dun kami ikakasal para malaman ko na agad reaction nila. Kailangan ng contingency plan. Hehe!  ;D

mawchan: Hi sis! Thanks po! Yung super close lang talaga samin ang iinvite namin and relatives, tapos mini salu-salo na lang a day or two after ng kasal para sa mga hindi nakapunta/hindi nainvite dito sa lugar namin. Hehe.  :D

michiness: May kalayuan nga sis. 2km. Hehe. Super thanks sis sa directions!  :-*

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #277 on: October 16, 2011, 09:48:14 pm »
sis ishop » at talagang ako hinihintay mo gumalaw ah? e mas mauna ka pa sa akin if ever .. ay kaso pala december kami mas mahirap .. :D lagi nga ako gumagalaw sis e .. hehe! :-[

sis michiness » haha! tumpak ka dyan sis .. syempre sis exclusive lang sa bhe ko .. alam mo na anytime pwede na siya mag fly bye bye .. :'( natawa naman ako sa napabayaan sa kusina .. ako sis kain lang alam ko .. ang alam ko lang lutuin yun mga piniprito ay pati pala adobo .. hehe! ;)

sis chelle_peachy0524 » uo sis magpakita ka na sa amin next time ha .. hehe! natawa naman ako sa souvenir section moment mo .. pasaway yun ah! dapat sis tinabla mo .. hehe! ;)

sis mawchan » love ko rin sis ang lavender .. any basta purple shade .. before talaga like ko purple and fuschia .. kaso napaka girly kaya chartreuse na lang .. tama sis mahirap nga yun december kasi nga peak nga daw .. kaso yun venue hindi pa nagrereserve too early pa daw .. balik daw kami mga march .. ??? yun sa church naman idouble check pa daw .. :-\ kaya eto petiks petiks muna ..

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #278 on: October 16, 2011, 10:06:46 pm »
sis princeszheng – what? Ako, may future maging wedding coordinator? Uy….may naiisip akong bagong topic for discussion natin sa FB closed group natin. LOL! Re beef steak, okay lang yan. Marami namang restaurants ngayon eh, kaya hindi kamo magugutom anak niya sa iyo, hehe.

sis riaenvodka – wow, ganda ng date ng civil wedding ninyo, 11-11-11!  Congrats sa pagkikita ninyo ni sir elmer. At congrats din sa pagkabili ng rings. Yes sis, reaffirmation of marriage vows nga.

sis chelle_peachy, yun ba yung souvenir section malapit sa entrance? Loko yun ha! Hehe.

sis mawchan – re sa fair, hay naku sis, sinabi mo pa! yung iba nga ayaw pa kaming bigyan ng tig-iisang flyers! Hehe.

sis qtpurple – purple and chartreuse pala color motif ninyo. Similar tayo (sisters talaga)! Deep plum and apple green naman kami. Natatawa nga ako sabi ng isa kong tita: “Ay, para namang kaimito!” Hehe.

sis michiness – panalo sa hirit. Aylavet!

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 8*
« Reply #279 on: October 16, 2011, 10:14:11 pm »
sis ishi yes napagod kami sobra. naawa ako kay h2b kasi straight from night shift siya. super thanks sa pm sis.  :-* i lab u! *hugs*

sis chelle sayang naman, sana nagtext ka sa kanila para na-meet mo na ibang 2012 BBBs.

sis health.gal at talagang dumi-desiderata ka. lol! alikeit! re h2b and his idea of EB sa precious moments, yep, na-tuwa nga ko. ibig sabihin nun super like niya kayo kasi siya mismo nakakaisaip ng lakwatsa for me eh. lol. pero nice idea nga kung ituloy natin yun. ;) sabi pa ni papa p ko kanina pag natuloy tayo dapat tumawag tayo to reserve kasi maliit lang yun. hehe.

sis blushing ayos lang ang caleruega wedding. if budget permits ikuha niyo na lang ng service ang entou and families. ;)

thanks sis qtpurple oo, kakatuwa si ate inah. i love her na. hehe.

sis laireyes congrats sa bagong booking. ;)

sis michiness bagang pang-mayaman subalit bulsang pang-dukha! lol. yes, na-touch din ako at naisip niya pa yun. hihi. sabi ng kapatid ko kamukha ni pj pero di ko daw kamukha, kakulay ko lang daw. lol!

sis zheng goodluck naman sa guest ni FMIL! 70?! :o lol!

sis mawchan will send you yung way papunta kay ate inah in a while. ;) oks lang sakin kahit same na same pa, di naman iisang venue at date kasal natin. haha. or if you want naman, kung sabay sa precious moments kembot nating mga BBBs (sana matuloy nga ang pasta bonding natin dun. :P), samahan ka na lang muna namin kay ate inah. i grew up near palanan kasi kaya alam kong lakarin yun. ;)

sis rian congrats at okay na si kuya elmer. ;) best wishes sa civil wedding.

kaloka naman ang double backread. hehe. kaway kaway to all!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close