whoooa, ay grabe ang backread. ika nga ni sis
ez4gotten - tayo na ang mga Chikadora the Explorer na mga BBB!!! ahahahah
riaenvodka - wow, ang sasarap ng mga food na yan sis. favorite ko igadu. waaah. hhm, si mama kasi pure ilocana. dun kami sa ilocos sur, pero ako naman bihira nalang nakakapunta ng province. nakakamiss nga eh, ang layo kasi. nakakaintindi naman ako sis, tapos di nakakakapagsalita. as in kaunti lang. tulad ng "madamdama" haha. mga pa isa isa lang. sis, btw, congratulations sa pregnancy mo. it's a blessing sis. and i guess normal lang naman na matakot sa parents out of respect nalang ba. iba kasi nung takot na sinasabi ng iba na takot talaga. gulo ba? hehe.
ishop - kaya pala ang tagal mo nawala sa thread. hehe. naligaw pala ikaw. kala ko nakablock narin sa office ang GT. hehe.
hhhm, pagkaalam ko dapat andun na ang PS kasi una sila mag march eh. pero okay yang idea mo na TBA for the reception ha! at least, di sila didiretso agad dun. actually yun din ang alam ko sa benefits ng green barley. sa super dami nyang benefits di ko na matandaan. yan ba ang reason kung bakit ka uminom? hehe. ayyy, natuwa naman ako sa banat mo na I've never looked at cooked rice the same way before.haha. naku, pasta, malakas din yan. lol. bale wala din. hay naku, ang picture ko na pinakita ko sa inyo, kumalat dito sa office, nag survey sila kung sino daw yun. aba ang akala nila nung isang officemate ko na bading na chubbyness din. tawa kami ng tawa! haha. re: color, okay naman sis nung ganon na motif. ako nga parang gusto ko nanaman magpalit. pink and black. gandang combination kasi.
chiclet_24 - sis, kami din mag DIY for invites! ako gumawa ng layouts, pero papaprint nalang. naku, about sa tag ulan, diba rainy season yan sis? nakaka takot. ako share ko lang ha. dapat kasi kami ni h2b, sa malate kami. dun sa casa manila. may kami, so medyo di pa maulan. but since outdoor yun, we had to let it go. kasi ang fear namin baka umulan. and for sure, sira ang event kapag outdoor, tapos bigla umulan. and we don't want that to happen diba? pero magkaroon parin tayo ng kaunting hope. pagisipan mo nalang ng maigi sis.

gusto mo ba talaga outdoor reception? try mo narin sa RMC, pero pag dun kayo, dapat aga ka pabook, kasi may pa ka indemand ang venue na yan sis, 1 event lang ata sila per day eh.
ez4gotten - sis, kamusta ang checkup mo? mwah! IMY! hhm, kailan kaya kita makikita. ? huhuhu.
qtpurple04 - thank you sa input sis regarding sa invites. naku, tinry ko uminom ng slimming juice, and di dahil nakakapayat sya, but dahil ang sarap nya talaga. fave ko pa naman ang mango. tama sis, never ka mag skip ng breakfast!

at tama, kapag fast food, naku, madali nakaka gain ng weight yan. try to lessen rice, then more on fish and veggies ikaw.
lennie.bong - sis, pwede pala tayo mag meet eh!!! kita tayo minsan sa sm sucat, sama din natin si sis
ishop, pati mga ibang sisses na malapit dito

gora na! actually, cinonsider namin ni h2b ang bamboo organ, dahil super ganda nya. and historical talaga sya. kaso, dahil May ang month namin, at mainit, we had to let it go. super init kasi sa loob. haha. and iniisip namin, ang layo sa side ni h2b. from bulacan kasi sila. so sabi namin, kahit halfway nalang. kaya nag end kami sa makati. sis, di ako sa amvel, dito kami sa naga road.

malapit lang din sa bamboo organ. dami kasi samin pwede lusutan. kaya malapit kami sa sucat, zapote/cavite, alabang zapote road. re: sa tagal ng relationship, di pa naman kami super tagal sis, hehe. going 3 years palang kami ni h2b. lol. pero 1 year kami engaged. ! ang aga nya nag propose sakin eh. hehe.
lenierose928/ simplyme - sis, pano ba makijoin jan sa team? parang interested ako, pero after ng wedding ko. hehe. may slot pa ba?

pag kailangan nyo ng extra tao for next year ha? pa join naman ako dyannn.
simplyme - sis, kasi saturday morning ang labas ko from work (night shift kasi ako) then, after shift, didiretso kami sa Ysabela Florist para mapagusapan ang packages na kukunin namin sa kanila. then after nun, uwi na then sleep. eh baka di na ako magising ng tanghali. usually gising ko mga 7PM na. kaya kadalasan, di rin ako nakakasama ng Saturday na lakad eh. kasi borlogs talaga eh. pero sana may next time.huhuhu. dahil inggit ako sa lakad na yan! haha.
michiness - correct ka dyan sis, perfekta, pero pag tingnan mo, impakta pala. haha. joke lang!!! ang bad ko. thank you sis, sige puntahan namin. yup alam ko yun sis, natatandaan ko, nakapunta ako dun nung college pa ako. hehe.

naku sis, di rin naman kami papa emboss. lam mo naman, minimalist ako kuno. mas gusto ko simple sa invitations eh

OMG super lakas ng tama ni papa D! hahaha. winner ang banat na yan. pwede iforward sa text. lol.
health.gal - sis, ano na ang chika mo? i share na yan. btw, enge naman ako ng recipe mo sis? gusto ko pagluto si h2b. at yun pala! kaya naman pala may dining table na usapan!!! ahahaha. sis, napag isip isip ko, di ko nalang pala isesend nung shade ng violet. di naman malas ang color eh. nagkataon lang yun. hihi.
princeszheng - sis, ni add kita sa FB
blueflame - sis!!! congrats at umaraw ngayon, kamusta ang prenup sis? excited ako sa kwento mo.
androidk - sis, just like you, i super like mitch! kaso we never had a chance to book her. hehe. budget reasons. lol.

naku sis, di ko na isesend nung shade ng violet, ayaw ko makasira ng momentum. haha. wala naman sa color yun diba?
lenierose - sis, na upload mo na ang pics? hihi
patchi2012 - hay naku, ganyan na ganyan si h2b. kaloka. pero pag kami naman maingay sya. pero pag may ibang tao na, ayan na. wala nanaman! hahah. sis, speaking of braces, naku, okay naman pag ganyan. nung friend ko na kinasal last december. may braces sya, pero ang ganda parin nya talaga. gusto mo share ako ng pics sayo?
speaking of banat, naku, si h2b mahilig sa ganyan. pero puro pa tweetums na banat. lol. sis ishop, diba dapat ma compliment ka dun? hehe.
speaking of selos - naku eto si h2b, ubod ng seloso! ewan ko ba, wala atang tiwala sakin. ahahha. pero pag nagseselos sya, daanin lang sa unting beautiful eyes, okay na ulit. haha.
natawa ako, kasi ako naman crush ko dati si brent javier. hehe. so si h2b, ginagawa nya, lagi nya ginagaya ang mga pose nya! bwahahah! eh ang payat ni h2b, kaya di bagay. lol.
usapang eat all you can na gulay, aba may greenleaf nalang! ang layo nga lang sa mega. hehe.

okay lang mag eat all you can, basta wag na ulit ulitin. after na lang ng kasal ulit!
hay naku, kanina ang sama na panaginip ko talaga. gawa ata ng wedding jitters ito. kailangan ko muna mag pa ka relax. kakaisip ko ata ng layouts sa invites namin, kaya nanaginip ako ng bad. hehe. pero diba kabaliktaran naman:D
Hello sa lahat nga mga BBB's!!!