watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 150892 times)

marose17

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #340 on: February 07, 2013, 11:13:46 am »
So paano kung ayaw ng maid sundan yung Kasambahay Bill and okay na siya sa existing terms niyong mag-amo?

I'm thinking of making a contract na she is agreeing to our terms and will not follow the current Bill and I will not be held
liable kung ano man mangyari. Pwede kaya yun?

Any provision of a contract which is contrary to law is void.

ceejhei

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #341 on: February 07, 2013, 01:23:56 pm »
^kapag pinakitaan na sila ng contract nag babago na ng mga isip. di mo talaga maintindihan kung anong gusto nila.

my cousin interviewed a yaya sa agency, then this yaya said, "pag iisipan ko po muna" WOW ha?? sila pa ang
choosy talaga? 5k ang salary and mag aalaga lang ng baby ang gagawin. meron pang isa who said no, because she
wants to have her own room and does not like to sleep with the other maids. ambisyosa lang! kakagigil.

marose17

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #342 on: February 07, 2013, 01:46:42 pm »
^  Pag-iisipan niya siguro kung mahihirapan siya sa work LOL.

True about sariling room.  May iba talaga nagre-require ng sariling room kuntodo may tv at electric fan pa.

Ewan ko lang bakit hindi naka-encounter ng mga ganito yung gumawa ng Kasambahay Law na iyan.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #343 on: February 07, 2013, 02:10:34 pm »
Sige nga mag OFW mga yan tingnan natin kung makakapag inarte sila ng ganyan. Baka bugbugin sila run ng di oras.

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #344 on: February 07, 2013, 02:14:59 pm »
^I'm sure meron yan.  Kaya lang since "mayaman" sila, for sure di na nila pinoproblema yun.  Aside from that, malamang di naman sila ang nagmamanage ng households nila kaya wala silang alam sa mga common problems na naeencounter nating ordinaryong tao lang.  I'm sure sila isang helper per job, like iba yung naglilinis sa taas at baba or even yung sa garden nila.  Then iba yung naglalaba sa tagalinis, etc.  Ganun naman typically sa mga mas may kaya.  That's why they equate kasambahays or yayas with those who could afford more.

Then they got caught up pa with a couple of "teleserye" type kasambahay tales kaya akala nila ganun lahat ng mga amo.  Ngayon nasaan na ba si Jinggoy and the case of Bonita Baran (tama ba name)?  Nabaon na sa limot.  Kawawa yung couple, IF ever hindi totoo yung mga bintang sa kanila.

ceejhei

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #345 on: February 07, 2013, 03:04:32 pm »
^ kasi naman why would she last that long sa amo kung ganun na pala ang ginagawa sakanya.
not unless eh kinadena na siya sa loob ng house and cannot call for help.

basta ang conclusion ko lang ito sa bill na to eh, pinalaki lang ang mga ulo ng kasambahay na akala
mo ay kawawang kawawa sila na sa totoo lang tayo ang dehado dito.

guilleanne

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #346 on: February 07, 2013, 07:17:30 pm »
mas maganda sana when they created this law because they truely care for the welfare of the kasambahay sana the government created na din an agency dedicated to kasambahay.

para maging professionalized ang pagiging kasambahay, instead of just nbi clearance, dapat may kasambahay clearance. dapat we register all our kasambahay, newbies should attend a few days training to get certified and be recorded in the system. in the training, basic house, what should be expected from them and what they should consider as an abuse. they should be thought about the laws too.

 tapos every amo na pinasukan nya dapat naka record and why sa umalis, the agency should be a venue for both the employer and the kasambahay, both sides can give feedback, and the agency can or should ban abusive amo and helpers. i wouldnt mind paying additional tax for having a helper, say 5-10% of helpers basic salary.

tapos abusado amo ban na kumuha ng maid. abusada maid tapos ang career sa pagiging maid. magnanakaw maid, kulong pag nakita or once lumutang muli sa system.

baka pwede din insurance, since all employment contracts will be monitored pag umalis si kasambahay before 6 months may makukuha si employer na insurance. hehe. in an ideal world.
« Last Edit: February 07, 2013, 07:26:32 pm by guilleanne »

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #347 on: February 07, 2013, 08:28:45 pm »
may nirerefer saakin na maid iyong maid ng auntie ko sa bahay, now im not sure if i should make a contract or what e...
dahil dyan sa law na iyan! diba ang basic pay lang doon is 2500?

what if they ask more? can you ask them na sige i'll give you 3k but you don't havr that other benefits like the sss, philhealth or 2500
with the benefits?

ayaw ko kasi baka bigla ako bulagain ng maid about the kasambahay act malagay pa ako sa alanganin

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #348 on: February 07, 2013, 10:32:25 pm »
May IRR(Implementing Rules and Regulations) na bang ni-release ang DOLE on this stupid law? Kahit ako I dunno know how and where to start sa law na'to eh, kase naman ang dami-daming dapat i-reconsider. Ayoko naman ng dehado ako noh at puro pabor lang sa hh ang magiging sistema sa bahay.

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #349 on: February 08, 2013, 01:19:13 am »
sending may maid to school?! WTF?! e halos hindi na nga gumagalaw sa bahay na hindi pa nag-aaral..at kung makatulog daig pa kami..mas nauuna pa kami gumigising sa kanya..restricting them from using their cellphone?! Paano? e makatalikod lang kami ng konti sabay hulbot ng cellphone, E paano nalang kung umaalis kami sa bahay?@csiako"
This is a big one, hindi puwedeng siraan ka ng kasambahay or itsimis ka sa kapitbahay, pag napatunayan mong ginawa niya ito, puwede siyang magmulta ng 10k-40k." huh?pagmultahin..civil case eto so ang tendency lola nalang ako hindi parin ako mababayaran nito?lol!2.pag nakagawa sa iyo ng hindi mabuti dahil nakarehistro ang kasambahay mo sa DILG, mas madaling matunton ang kasambahay kung kailangan mong kontakin or hanapin.? OMG, What made them think na may mag aaksaya ng panahon hanapin pa sila, at yan kung mahahanap? This law is so broad..JINGGOY, TRILLANES, ENRILE,LEGARDA, ANGARA AT BINAY. Ito yung mga names na todo suporta sa bill na to..

smoothie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #350 on: February 08, 2013, 01:20:34 am »
@princess chill- totoo. si yaya ko 4,500 na ang nakukuha. plus, may problem siya sa birth certificate niya. i think nasunog or nawala.

meimei

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #351 on: February 08, 2013, 02:10:23 am »
haha! Sa akin walang problema pag-aralin ang HH. Pwede naman vocational courses, pero gagawin ko lang ito kung deserving sila.

sending my maid to school?! WTF?!

mga sis, you're not obliged by that law to send your maid to school. it just says that if they decide to study, that you will arrange her schedule in such a way that she can study w/o compromising her full accomplishment in her job as domestic helper. whether how feasible this schedule can be is the question, but the law does not oblige you to send them to school. basahin na lang muna ang full provisions of the law bago ma-high blood. :)

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #352 on: February 08, 2013, 06:50:54 am »
^I think hindi lang employers ang prone to misinterpret this section of the law pati din yung mismong mga maids.  Just look at the example cited by happyfemme jus t a few posts up, yung mga maids mismo ang alam nila mga amo ang magpapaaral sa kanila.  Kaya talagang prone to problems yan coz alam naman natin kung paano magdala ng mga abala or hassles ang mga maids basta't di nasusunod ang mga gusto nila kahit pa base ito sa mga maling akala.
« Last Edit: February 08, 2013, 06:53:06 am by cherrhys »

csiako

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #353 on: February 08, 2013, 09:45:58 am »
@Leven hopefully maging deterrent ito sa kasambahay para hindi niya ito gawin, pero pag ginawa niya, first puwede mong iterminate siya at kaltasan ang suweldo niya ng 15 days. second once na mareport mo sa dilg, sino ang maghihire sa kanya? ikaw ba ay kukuha ng katulong kung alam mong ichichimis ka sa kapitbahay? kukuha ka ba ng katulong na magnanakaw/malikot ang kamay? kukuha ka ba ng katulong na may bad record?


 

mommyheart

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #354 on: February 08, 2013, 10:29:29 am »
Hindi ako pabor kasi parang lahat ng advantage nasa kasambahay. Parang applicable lang siya sa mga elite na mga employer hehe

happyfemme

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #355 on: February 08, 2013, 10:35:50 am »
^  Pag-iisipan niya siguro kung mahihirapan siya sa work LOL.

True about sariling room.  May iba talaga nagre-require ng sariling room kuntodo may tv at electric fan pa.

Ewan ko lang bakit hindi naka-encounter ng mga ganito yung gumawa ng Kasambahay Law na iyan.

Naku sis, buti pa yang HH na yan Tv at electric fan ang hinihingi. May kilala ako, instead na yung friend ko ang nagiinterview, si HH ang naginterview sa friend ko.

Heto ang series of questions/demands ni HH: (take note, isang tao lang ito)
1. "Boy ba o girl ang aalagaan ko? Kasi po pag boy medyo mataas po ang singil ko."
2. "May sariling kwarto po ba ako? may aircon po ba?
3. "May TV po ba sa kuwarto ko? may cable po ba?"
4. "May wifi po ba kayo sa bahay?"
5. "Hindi po ako kumakain ng baka at bangus."
6. "May washing machine po ba kayo?"
7. "Saan po ang pinaka malapit na pwedeng maka load?"
8. "Taga linis at taga luto lang po ako, hindi ko po trabaho mag bukas ng gate. Lalo na po kapag darating kayo kuya ng madaling araw."
9. "Tuwing fiesta/pasko po kailangan ko pong umuwi."
10. "Ayoko ko po ng may katabi ako sa kama."

Sabi ng kaibigan ko, "ate, ikaw ang naghahanap ng trabaho diba? bakit ako ang iniinterview mo?". Ayun, hindi tinanggap.

Grabe sa lakas ng loob mag demand ang mga HH na ito, talo pa ang mga college graduates mag apply ng trabaho.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #356 on: February 08, 2013, 01:06:26 pm »
^Oo nga parang  ??? agad nung nabasa ko ito. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang demands. Dapat magtanong siya ng ganyan sa foreigner kung mag OFW siya. Professional helper ba yan. Baka mamaya tatamad tamad pa yan. Saka bakit kapag boy mataas singil niya  ;D dahil malikot?

Hindi ko rin kukunin yan kapag ako naka encounter na ganyan kahit pinakamagaling magtrabaho, dyan kasi nagrereflect yung ugali niya eh! Obviously bakasyunan hanap niya yung libre pa.

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #357 on: February 08, 2013, 01:37:26 pm »
^^Just recently naka encounter din ako ng ganyang applicant(yaya), as much as possible daw ayaw nya ng toddler na boy, kung baby ok lang. Malikot, makulit and mas mahirap daw alagaan ang boy kumpara sa girl, eh all of the above enumerated pa naman yung two year old son ko. LOL!  ;D Upon hearing those, instinct na lang agad as a mom noh, bagsak na sya, ma-child abuse pa toddler ko sa kanya.  ::) Hindi rin sya kumakain ng saluyot, tilapya at bahaw na kanin kase nakakataba. Hindi rin sya natutulog ng lights off. P3,000 ang offer ko hindi pa kasama dun ang allowance, humirit sya ng P3,500 kase nga daw boy ang aalagaan. Sagot ko sa kanya, "D bale na lang, mukhang mas demanding ka pa kesa sakin."

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #358 on: February 08, 2013, 01:42:46 pm »
Ano akala nitong mga maid sa employers mga walang utak at mauuto sa demands nila?  ;D Kahit yung mga pinakamayaman hindi sila papalag kahit na sobrang husay nilang magtrabaho pero kapag nagdemand ng ganyan down na sila agad.

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #359 on: February 08, 2013, 05:34:34 pm »
^Actually, most people here are doing just that, trying to understand this law since nandyan na nga yan as you said.  We are just discussing the loopholes and possible/potential problems that this law is going to bring to our households.  Acting like victims of this law?  Of course! All employers are. 

Also, I didn't imply that we should blindly follow what the maids would demand or we simply go along with their misinterpretations.  What I meant was "prone to misinterpretations on both sides" is going to be one of the biggest problem of this law.  Kasi nga the law is very vague and also wasn't properly disseminated nor explained.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close