watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 150813 times)

princessrio

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #280 on: January 31, 2013, 09:59:51 pm »
hay..uminit ulo kong mabasa ko ito. yun lang! hindi naman lahat ng amo eh afford ito. sahm ako. dagdag sa gastusin ko ito. like yung basic necessities? food lang ba talaga kasama talaga dun? pano yung shampoo nila or even their sanitary napkins? sagot ko pa rin?

sa totoo lang, we have a maid na super (sorry for the word) t*ng* kaya lang namin hindi sya pinapalitan ay dahil hindi malikot ang kamay pero overall performance? yung ginagawa nya, inuulit lang namin! minsan, mas nauuna pa kami ng baby ko na gumising. nauna pa sya matulog sa amin. may siesta pa yan. ang galing pang sumagot! plus dumadayo ang ate nya dito sa amin at muntik ko pang makaaway.

meron pa nga kaming pinag-aral sa college. anong nangyari? niloko lang kami. gumawa ng fake letter na may out of town ang klase nila para lang makauwi sya sa probinsya nila!

sana naman kasi, equal ang protection. porke kasambahay, kala mo sila lagi ang agrabyado. marami ding kasambahay na nag-aagrabyado ng amo.

poisonous_ivie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #281 on: January 31, 2013, 11:11:07 pm »
princessrio:same din nagkaroon din kami ng tan-g-a na maid,sobrang kumukulo yung dugo ko sa kanya nagtetext habang ng lilinis tapos lagi pa paulit ulit yung sinabi sa kanya.naabutan din ng kapatid ko na tulog pa siya mga 8 ng umaga yun daig pa niya yung amo atska yung bata magising. hanggang tanghali yung trabaho niya tapos matutulog na yun tapos kumain tapos sa pagluluto lagi kailangan pa siya tawagin para lang kumilos.isang beses nahuli ko nagtetext na hindi pa nagsasaing ng kanin ang tamad kumilos yung kanin sa fridge binigay ko pa sa kanya wala ako narinig na thank you sa kanya...hay ang kapal!
may mga request pa sila kung anong gusto nilang brand lalo na yung kape eh yun talaga binigay namin na brand masgusto pa nila yung mahal kung kami nga hindi umiinom ng kape eh pasalamat sila binibilhan pa sila.tapos nagkaroon kami yung yaya ng niece ko ang hilig niya maglagay ng seasoning sa kanin ang kapal ah lagi lagi yun kaya nagtaka ako ang bilis maubos ako lang kasi yung gumagamit ng madalas minsan hinahalo sa food,walang pang paalam yun ok lang sana yung kukuha ng konti pero yung ihahalo sa kanin araw araw pa ang kapal na yun ah.
meron dati yung yaya ng niece ko may pinagaralan yun a pero ang ugali lumalaki,sumasagot pa sa amin tapos yung mga inuutos sa kanya kunyari wala siya naririnig,ang daldal pa sobra kung ano ano sinasabi tungkol sa amin sinisiraan kami ,kami pa yung lumalabas na masama sa kanya.

Dapat kasi pinagisipan ng mabuti yan puro na lang sa mga employee pano naman yung mga amo...hindi nila naiintindihan yung mga pinagdadaan ng mga amo tapos ang lumalabas tayo yung masama.lalo lang aabusuhin ng mga maid ang dahilan nila kasi may law na...hay nako!mga hindi sila amrunong magisip.

princessrio

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #282 on: January 31, 2013, 11:39:07 pm »
baka nasobrahan sila kakapanood ng please be careful with my heart

kala siguro lahat ng helper eh maya at lahat ng amo ay ser chief!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #283 on: February 01, 2013, 04:17:31 pm »
So obligado nga na magpaaral ng maids kapag nirequest nila ito?  ??? Nagkatulong ka pa kung ganun? Ni hindi nga nila masagot sagot sa provision kung sino maiiwan sa bahay eh! Ano yun sinasabi nila na dapat magdalawang empleyado ka?

Kasi ako ang iniisip ko kung pwede naman magkatulong muna siya then humanap na siya ng kapalit niya kung mag-aaral na siya.

shinta

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #284 on: February 01, 2013, 04:28:18 pm »
^ ang pagkakaintindi ko, dapat silang payagang mag-aral if gusto nila. pero di sagot ng amo yung pagpapaaral. kailangan lang iadjust ang schedule para magawa pa din nila trabaho sa bahay habang nag-aaral.

Parang di naman ito applicable sa mga katulong lalo na kung solo lang siya. Pwede lang ito sa mga yaya na schooling age na yung inaalagaan para sabay silang papasok. O dun sa madaming katulong sa bahay.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #285 on: February 01, 2013, 04:33:16 pm »
^Mabuti naman kung ganun na hindi kailangan sagutin ng amo.

Tama sa mga solo na maids hindi ito applicable. At kahit hindi siya solo minsan nakikitaan ko ito ng disadvantage eh like may superiority factor siya sa iba. Depende sa ugali ng maid pero kung ako ayoko nun.

tripletmomph

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #286 on: February 01, 2013, 05:19:17 pm »
Actually, wala na tayong magawa kasi batas na nga ito. :'(Hindi talaga masyadong napag-isipan ng mga mambabatas ang consequences ng mga provisions ng batas.
I wonder though kung papaano ito ma-implement.

ceejhei

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #287 on: February 01, 2013, 07:24:12 pm »
^ eh paano mag eelection, mga nagpapalakas sa mga maids etong mga pulitiko. hay ewan ko ba. etong maid na kukunin ng cousin ko, ayaw pumayag kasi gusto daw niya may sarili siyang kuwarto. ayaw makishare sa ibang maid. mayaman ka teh??

basta sana lang after ng election may mag revise niyan. pero if ang maid naman ay t-a*ga nga, deadma lang sila diyan, pero kapag ang maid ay mausisa eh talagang mag eexplain tayo.

shinta

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #288 on: February 01, 2013, 07:58:59 pm »
^ganun? magdemand ba porke may kasambahay bill na? wala naman atang ganun sa batas. basta decent na tulugan, di naman ibig sabihin sarili niyang kwarto

jazzyfish

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #289 on: February 01, 2013, 08:02:43 pm »
Pwede bang mag refuse ng maid na balak mag aral? Kasi talaga ng Hindi kaya ng schedule namin, lalo na halos 14 hours away from work kami. Wala naman iba pwede magbantay ng bata, lahat ng kamaganak namin malayo. Bad ba?

princessrio

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #290 on: February 01, 2013, 08:30:43 pm »
kasi naman..kung mag-aaral, mag-aral na lang. kung magtatrabaho, magtrabaho. ngayon kung gusto nila na maging working student, maghanap sila ng trabaho na pwedeng pagbigyan sila ng oras na gusto nila. since considered silang empleyado, dapat sumunod sila sa amo. hindi yung amo ang susunod sa kasambahay.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #291 on: February 01, 2013, 09:20:05 pm »
Pwede bang mag refuse ng maid na balak mag aral? Kasi talaga ng Hindi kaya ng schedule namin, lalo na halos 14 hours away from work kami. Wala naman iba pwede magbantay ng bata, lahat ng kamaganak namin malayo. Bad ba?

Yan din ang question ko eh! Feeling ko dapat ipa clarify ito sa lawyer or sa legal advise para sigurado rin tapos kung may bearing kapag nirefuse ng amo yung pag-aaral ng maid lalo na kung solo pa siya. Para at least hindi sasabihin ng maid na bawal ito sa kasambahay ang magrefuse. Pero parang required talaga eh! na hindi sila tanggihan.

Though ang naisip ko lang before hiring them tanungin sila kung mag aaral ba sila tapos sabihan na hindi tatanggap ang amo na may working student na helper. I think dito okay naman yun kasi karapatan naman ng amo mamili ng preferences when it comes to hiring a maid.

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #292 on: February 01, 2013, 09:28:03 pm »
kanina sa news...4 yrs old na bata patay dahil nabundol ng car ng isang parish priest and guess what?! ang yaya kasi ang kasama nagcecelphone si ate..marami pa naman nakakita na mahina lang talaga ang takbo ng priest kasi papalabas pa ng church..e biglang tumakbo ang bata kasi kinuha yung dala dalang bola.. >:(..kainis!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #293 on: February 01, 2013, 09:40:38 pm »
^Kita mo yan tapos ang makukulong yung parish priest, samantalang kasalanan nung Yaya na pabaya. Kaya dito pa lang dapat may provision for employers na eh! Paano yung mga katulong na text ng text? Dapat talaga kunin sa kanila mga valuables during working hours eh! Kung ako yan palayasin ko na yung Yaya. Hindi naman siya makukulong yung pari eh!

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #294 on: February 01, 2013, 10:09:20 pm »
ayaw na maghabol ng mga magulang ng bata sis kasi marami namang nakatestify na hindi talaga kasalanan ng priest..ewan ko lang kung ano ng ginawa nila sa yaya..iyak pa daw ng iyak yung lola..yaya ko ganito din E text ng text..napagalitan ko talaga last week..sabi ko sa kanya..paano niya mababantayan ang baby ko kung isang kamay niya nasa cellphone..baka kasi makasubo ng kung ano ano..haizT..kainis

cruxito

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #295 on: February 01, 2013, 10:43:38 pm »
buti na lang lumayas na yung yaya ng baby ko. a week ago lang. hahaha

bumalik pa para kunin ibang gamit at kung [textspeak!] [textspeak!] pa na received naming text. my god! kesyo kahit hindi na daw oras ng trabaho nya inaalagaan ang anak namin kahit pa daw puyat sya. ''feeling stay out ang drama''

back to topic. some kasambahay deserve this kind of bill while most of them are not!

kasama pa sa bill na if not elementary graduate you are required to send her in school! wow na wow!

if mapatunayan na hindi ka sumunod sa kasambahay bill.
penalty from 10k to 40k.

base sa pagkakaintindi ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #296 on: February 01, 2013, 10:48:10 pm »
^Eh di maghihire na lang ako ng high school graduate  ;D

Yaya ko nga grade 3 lang natapos eh! Pero look at now kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral naging helper siya sa US then successful. Ang dami pa niyang napagtapos na pamangkin sa pag-aaral then nakapagpatayo ng bahay sa province.

cruxito

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #297 on: February 01, 2013, 11:00:53 pm »
^basic requirements yun tiyak.

aquacharly

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #298 on: February 02, 2013, 01:18:02 am »
Common Sense lang naman yan lahat.
If you do not treat your help well, or do not compensate them fairly for their service -- the Law of Supply & Demand kicks in.  Sa kasipagan nila mag text text -- sila sila nga mismo mas pirate-able and employment-mobile than call center agents.  They no longer even need agencies/recruiters to place them in what they perceive as better employment.

Now, you want to put horns on these very knowledgeable and wise na mga katulong by stacking the legalities versus the employers?  Madami na nga sa kanila may horns eh.

If I do not want to be bothered with the new requirements and do not want to risk being penalized with 10-40k -- hindi na ako magkakatulong ha. 
Ang dami eche bureche, dagdag pa sa intindihin ko yan.
Pwes, no more helpers.

Ano?  Sino yang mga nakatira sa house ko?
Mga boarders yan with free food.  Hindi,  hindi ko yan katulong, kaya nga wala kaming employment contract.  Baket may batas ba prohibiting people not related to me from living in my house?  Bawal ba yang como free board and lodging kasi gusto nila matira sa Maynila at matawag na Manila Girl sila pag uwi nila for the fiesta, eh masama ba na tumutulong sila sa house requirements?  Ang bait ko nga sa kanila, pag sweldo ko, i share my sweldo with them.  Masama ba to be charitable to those who have less than you?  hindi ha, hindi ko kasambahay mga yan.  Mga boarders ko or mga long-staying visitors ko yan.  Tignan mo nga o, mas madami pa oras mag tv mga yan kesa sa akin.

I do not think such boarders who have all the time to mani pedi after lunch, who eat more than my family do -- are exploited or dejado.  Susko may cellphones sila, off sila every 2 weeks... eh di huwag sila bumalik kung may masgandang place sila mag free board and lodging.  They are free to go out, and to return.  hindi naman sila naka chain to my house. 

So, mga sis... hindi ko na complicate my life with such unclear/unfair  requirements.  Wala nga akong katulong, kaya walang employment contract.  If I let people in to stay for free and eat for free in my house, etc etc etc. 

Getz?  :D

To summarize,  que may contract or wala -- basta masaya ang boarder or tingin nya good deal ang pag tira nya sa yo -- tatagal yan at makikisama ng mahusay. Give and take.  Give sya in kind, take in cash. 
At bayaran nya totally ang kanyang SSS, PhilHealth at Pagibig.   

On the other hand, with or without a contract, basta inabuso or dejado tunay (not dejado drama as some lying helpers do to shakedown amos) --  the helper has recourse to legal action via the bleeding hearts institutions in place, together with people who make it their business to profit froms scandals. 


« Last Edit: February 02, 2013, 01:22:35 am by aquacharly »

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #299 on: February 02, 2013, 06:34:30 am »
In a ideal world, very true yung "If you treat your help well, or compensate them fairly for their service, they won't leave you."  Not unless, you could give them salaries P6k and up.  Which is very steep for most people.  In my honest opinion, those who could afford to give salaries P6k and up, doesn't even question this bill or new law anymore.  Kasi nga naman except for some hassles (mostly in paperworks), they could very well afford most of the provisions, even the imposed working hours, kasi nga they have many helpers.  Kaya nila eh.

This new law IS problematic for those working parents, those who NEEDS to have a 2 income household to be able to provide for their kids.  In short, doon sa mas "common people".  And the maids/yayas/helpers, these days are so different from those we have in the past (when we were kids), like my yaya/cook who has been with our family for 50 years plus.  These days no matter how fair you treat the yayas/maids basta nakahawak ng cellphone or nagkaroon ng mga kasbarkada, ayun na yun.  They complain about every thing.

Kaya kawawa talaga ang mga simpleng employers with this bill.  Sobrang talo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close