watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 151078 times)

wifeynikawin

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #200 on: December 13, 2012, 07:59:07 pm »
unfair ito : puro na lang pabor sa househelp... pano na lang yung mga HH na magnanakaw, nananakit ng bata, tamad, reklamador, tulog nang tulog, demanding, chismosa---- wala na bang proteksyon ang mga amo against this?

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #201 on: December 13, 2012, 08:01:44 pm »
unfair ito : puro na lang pabor sa househelp... pano na lang yung mga HH na magnanakaw, nananakit ng bata, tamad, reklamador, tulog nang tulog, demanding, chismosa---- wala na bang proteksyon ang mga amo against this?

actually sis sa bill na to... and amo na ang katulong.. ang katulong ang amo natin..

wifeynikawin

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #202 on: December 14, 2012, 05:17:45 am »
true yan. siguro kasi they know na pag umalis sila ay mahihirapan tayo...nakakainis minsan. hindi naman lahat ng katulong ay si Bonita ... ako madami na akong naging yaya ng anak ko...true yung mga sinasabi ko, swerte mo na lang kung talagang mapagkakatiwalaan mo, lalo sa anak naku!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #203 on: December 14, 2012, 08:36:50 am »
Eh sa kahit anong company na napuntahan ko nga, wala naman kameng birthday leave lalo na MENSTRUAL LEAVE...

smoothie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #204 on: December 14, 2012, 11:13:51 am »
^at wala rin akong annual salary increase.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #205 on: December 14, 2012, 12:03:20 pm »
Kung yung RH Bill naipasa sana ito pagbotohan rin na hindi ipasa. Sobrang OA eh! Binabayaran mo sila para maging donya ng bahay mo?  :o Bakit mo pa tinawag na Kasam-bahay kung katutak naman pala magiging day off o leaves niya? Eh di mag on call maid na lang tayo.

Actually may naencounter na ako or naapplyan na company na may birthday leave. Pero dahil option yun ng company at hindi mandatory to all.

 

vain_kixie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #206 on: December 14, 2012, 01:25:48 pm »
hay nako ang yaya ko nga parang less than 4 hours a day lang ang work niya at lahat puro chismis. Kaloka. This bill is too one sided.

chubs

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #207 on: December 14, 2012, 03:29:30 pm »
hay... nakaka init ulo naman itong bill na to... nagiisip ba yung mga may akda nyan?

parang its like this e.... sympre all of us  naman as much as possible would want to comply... now of course, if you will give all the benefits, syempre you would want to give it to someone naman na worthy, meaning efficient and competent magtrabaho ... eh sa panahon nga ngayon, ang hirap hirap na nga maghanap ng House help what more HH pa na "professional".... 

kumbaga kasi ang hirap din tutukan at i-gauge itong mga HH if they are really doing their work dahil karamihan naman ng mga amo e nagtratrabaho din.....

in short... wag nalang daw tayo mag HH....

hay tapos yung 8 hours pa na work... isipin naman nila.... yung mga HH supposedly para narin silang  personal assistant ng mga amo.... on call dapat sched nila... 

ok ako sa set min. wage, sss, pagibig, day-off, pero wag na yung ibang mga benefits and provisions.... OA naman masyado and napaka biased.

sana naman mapagaralan ang maging very objective sila bago maipasa tong bill na to.... susme!

 

cherryredlipbalm

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #208 on: December 14, 2012, 09:46:24 pm »
Sana lang pag aralan nila ng mabuti yung bill. Tama yung karamihan na daig pa nila yung regular employees kung sakali. Free board and lodging pa.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #209 on: December 14, 2012, 10:51:25 pm »
Dadaigin pa ng employer ang mismong charity institution. Kasi sa Charity Institution kahiyaan na lang kung hindi ka makikisama tumulong maglinis o kahit anong activities run plus pagagalitan ka pa kung sino man nagpapalakad run. Sabay hindi ka pwede basta basta aalis para lang pumasyal kung saan mo gusto. Ang system dun is not always kain tulog lang. Eh sa employer anong ginagawa nila? kain, tulog sa hapon, nood TV tapos tulog na ulit then kinabukasan magpapaalam for day off. Sabay binayaran mo pa yung accommodation nila.

in short... wag nalang daw tayo mag HH....


Naisip ko na yan eh! Parang encouraging kuno na we should work for our own at huwag raw iasa lahat sa katulong?  ???

And for the politician that is the author of this bill, you were saying? Marami kasi siyang maids na iba pa yung taga luto, laba, plantsa, linis, taga alaga ng anak, taga alaga ng aso. Eh mukhang lahat pa rin naman yan eh galing sa nababawasang sweldo ng mamamayan dahil sa tax. Ano yun mga mayayaman na lang or politicians ang may karapatang mag-maid?  :o

Palibhasa malapit na kasi election eh! Kaya kailangan magpagwapo nang husto.

Yung mga OFW ba na inabuso nabibigyan ng hustisya?

lysistrata

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #210 on: December 15, 2012, 07:06:07 am »
I think the problem is ang mga nagform ng bill na ito eh hindi naman talaga aware sa mga nangyayari sa bahay nila, much more sa mga issues involving kasambahays.  They are more familiar with the office set-up kaya ganoon ang pattern ng bill.

Tama ka, sis. Kung sino pa yung walang alam sa isyu, sila pa ang nag-e-epal at nangunguna sa paggawa ng mga batas na hindi pinagisipan. Tapos tayong mga tunay na apektado ng batas ang magdudusa. At saka, these lawmakers seem to proceed from the assumption that most HH are abused, overworked, underpaid by their employers when it is quite the opposite. Based on posts on this forum na lang, and even from stories of friends and former colleagues who have kasambahays, there are more HH who are lazy, lack the skills necessary for the jobs they do (like yaya na hindi naman marunong mag-alaga sa bata, labanderang makutim maglaba, etc.), spend more hours in the day texting, watching TV, napping, etc. than doing actual work, and yet receive more than the minimum wage proposed by this bill, with other benefits like SSS, 13th month pay, paid vacation, thrown in for good measure.

@purple power

I agree! Gagawin na ngang bahay bakasyunan ang houses ng amo. Ngayon pa nga lang [textspeak!] maids na nakukuha ng mom ko panay text maghapon. Naglolock pa ng kwarto nya tulog kasi buong hapon. Pag inutusan minsan hindi sumusunod kung mag day off kada linggo 3 days bago bumalik kala mo boarding house na libre lahat kuryente, meals, water.

Ang masama pa nyan yang mga leaves na yan and day offs pwedeng theyll spend nalang sa house ng amo maghapon mag charcharge ng fone mnunuod ng tv magsasayang ng tubig and kuryente.

Ganyan din ang HH ko sis. Mga 4 hours a day lang yung trabaho niya kasi stay-at-home Mom ako. Madalas din magkulong sa kwarto para mag-FB at mag-chat (merong siyang netbook and dalawang broadband sticks--o saan ka pa?!). Dalawang beses maligo sa isang araw kung magbuhos kala mo nasa waterfalls, tatlo ang cellphone so imagine-in mo ang lakas ng konsumo sa kuryente at tubig. Madalas ding mag-overnight na dayoff. Pag naipasa ang bill na ito, I will ask her to spend her 24-hour-rest-every-six-days entitlement sa bahay ng isa sa laksa laksa nyang kamaganak sa Metro Manila, para naman makatipid ako sa kanyang meals, water and electricity consumption.

Definitely when this bill passes, I will have to re-negotiate the terms of her employment with me. Kung ayaw niya, kukuha na lang talaga ako ng iba. Pwede na rin sa akin ang stay-out or part-time/on-call HH.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #211 on: December 15, 2012, 11:45:10 am »
As for the law na di pwedeng pagtrabahuhin ng maid ang pinang advance nya or bali sa amo by means of working without pay. Paano na lang ang maid na advance ng advance? Paano din niya mababayaran ang binali niya or inutang or inadvanced? Unless may 2nd job siya aside from yours para may means siya makapag bayad.

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #212 on: December 15, 2012, 11:53:37 am »
^Sabi ng mom ko dyan, eh d ilagay na lang sa contract na bawal ang mga bale, cash advances etc. Sagot ko naman eh isang malaking goodluck! Sa panahon ngayon, buti kung may makuha kang maid na papayag sa ganyang set-up na walang bale or utang.

sonia62

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #213 on: December 15, 2012, 02:06:55 pm »
Dapat yan may clause na pag ang maid nagpupuyat kakatext tapos maghapon tulog during the day, pagkagising sa hapon nakikipagchismisan pa sa maids ng kabilang bahay, kungdi mo pa icheck lahat ng dapat nya gawin, may hindi sya nagagawa, eh pwede din hindi sumunod ang amo sa bill na yan. Wala na nga mahanap na maid na hindi addict sa kakatext at kakatelebabad at tamad pa na tipong wala ka na lang magawa kungdi pagtyagaan dahil mas mahirap ng walang katulong. Buti sana kung para din silang ordinary employee magwork na as in pinipilit nila magimprove sa field nila kaso hindi. Kaso mga katulong ngayon sige sige na lang ang pagtatrabaho hindi inaayos wala ka man lang kunswelo tapos ipapamper pa sila dahil sa bill na ito? Mga bwisit nagpauso ng bill na to talaga!

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #214 on: December 15, 2012, 04:03:25 pm »
Since ipinipilit nilang gawing parang "corporate" yung set-up ng bahay natin, why don't we just get their cellphones during working hours.  Ibibigay na lang kapag "lunch break" and night time/bedtime na, para di naman tayo dehado. 

Yung mga authors ng bill na ito palibhasa either walang alam sa daily routine ng isang bahay or napakadaming kasambahay kaya pwede sa kanila ang mga ganitong provisions.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #215 on: December 15, 2012, 08:46:59 pm »
^Hindi lang sa corporate set up yan pati sa Charity mismo patakaran rin yan, eh diba nga rin parang ang mangyayari dyan eh! aampunin rin sila? Naranasan ko rin yan sa charity yung ibibigay sa madre yung cellphone tapos surrender kapag uuwi na ako or pwede ko lang siyang gamitin kapag emergency.

Tama yang patakaran ng magiging employer na kunin muna ang cellphone during working hours.

Gusto ko pa nga sana magkaroon ng CCTV eh! lalo na sa sala at kusina. Para kahit wala ka mamomonitor mo pa rin kung ano kinikilos nila. At para iwas lokohan rin. 

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #216 on: December 15, 2012, 09:56:01 pm »
totoo talaga yan sis...eto ngang hh namin muntik ko na talaga mapagalitan kanina sa mall kasi nga iyak ng iyak na yung baby ko ayun pa rin sa cellphone niya...yung isang kamay nakahawak sa cellphone ang isa naman sa 1 year old ko...kahit naghuhugas ng pinggan nag tetelebabad...e pano kaya matapos ng maaga yung trabho nila...tapos ayan dapat 8 hours lang yung working time nila? dito nga sa ofis namin bawal magdala ng celfon sa cube.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #217 on: December 15, 2012, 10:15:39 pm »
^Ang masama niyan kapag pinagalitan mo feeling inaapi na kaagad.

May namention ba na hours of work which is dapat 8 talaga? Kasi sa nascreencap ko rito http://www.mylot.com/w/image/2617756.aspx ang nakaindicate is 16 hours of work basta 8 hours ang sleep nila. So meaning pwedeng 6 to 11 pm ang working hours nila, with lunch break na yun ng 1 hour tapos after 11 pwede na silang matulog which can be 8 hours kung until 6:00 am. 


Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #218 on: December 15, 2012, 11:02:55 pm »
^Ang masama niyan kapag pinagalitan mo feeling inaapi na kaagad.

May namention ba na hours of work which is dapat 8 talaga? Kasi sa nascreencap ko rito http://www.mylot.com/w/image/2617756.aspx ang nakaindicate is 16 hours of work basta 8 hours ang sleep nila. So meaning pwedeng 6 to 11 pm ang working hours nila, with lunch break na yun ng 1 hour tapos after 11 pwede na silang matulog which can be 8 hours kung until 6:00 am.

yeh you're right sis...16 hours hehe

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #219 on: December 16, 2012, 07:14:54 am »
Yes, yun din ang intindi ko, basta at least 8 hours of rest in a day.  So pwede ding kasali na dun yung afternoon naps or break.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close