watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 150970 times)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #160 on: December 09, 2012, 09:44:04 am »
Naku sis purple maid nga namin laging kinakampihan ng mom ko. Alam mo kahit mali sila, sila pa rin kakampihan simply because feeling ng mom ko kawawa naman daw and mahirap maghanap ng kapalit. Madre mio, halos makunan ako sa maid na yun. Pati bf pala pinatutuloy nya sa dating business ko. And ang kapal ng mukha na gawing textmate ang nanay ko.. As if papatulan sya. So nung pinalayas ko na, aba si bf todo text na magiging mukhang daga daw ang anak ko (buntis kasi ako at that time) and todo threat na maghihir daw ako... Kapal ng face nila di ba...

So with this bill, Jinggoy just empowers these maids na maging bastos lalo. Kaya sana pag isipan mabuti. From then on, di na ako nagmaid. Eh now pa, lalo lang sasakit utak ko. And pati payslip OMG kailangan gawin ko pa. Baka naman sa susunod since may payslip yan pat BIR irequire na magbayad na ng tax ang mga maids at ipaako na naman yan sa mga amo...

alinkshel

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #161 on: December 09, 2012, 10:30:36 am »
how can we air our sentiments to the right people kaya? do you know jinggoy's official FB or twitter account? we have valid arguments here. agree ako dun sa instead of a helper, pabigat pa ang dating nito.

pano nga kung gusto mag-aral? tapos dahil sa kaka-aral hindi na makapagtrabaho? haller?!?

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #162 on: December 09, 2012, 11:20:38 am »
^Kaya nga nagmukha na yung amo charity institution o di kaya scholarship system. Hindi naman madaling maging working student. Tapos minsan magrereklamo pa yung maid na marami siyang ginagawa  ???

Pero if I remember right ang sabi ata ni Jinggoy dyan, paano kung ayaw ng amo paaralin yung maid ang sagot niya ata is Wala tayong magagawa dyan.


chicafabulosa: We have exact same sentiments. Mom ko rin yung kinakampihan ang maid na kahit mali na sila tapos hindi pa pinakikinggan ang explanation ko kung bakit ko pinagalitan. Sasabihin ako lang may problema sa maids. Samantalang nung minsan binagsakan ako ng pinto dahil lang pinapatawag siya ng Mama ko eh wala lang sa Mama ko yun.

Actually yung nambagsak sa akin ng pinto nun yun yung pinag-aral ng hipag ko tapos siya yung sa bandang huli na nagkaroon ng segment sa Failon Ngayon. Siya yung nagsabi na okay lang wala yung mga benefits ang mahalaga sa kanya kung paano siya tratuhin. Abah! dapat lang kaya umayos ayos rin siya rito kahit sa pag-aasta niya.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #163 on: December 09, 2012, 11:23:00 am »
A sya ba yun? Aba star na sya... Medyo may pagka maldita nga itsura nya

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #164 on: December 09, 2012, 11:42:51 am »
^Yeah siya yun na-encounter ko na nga minsan na nag-away sila nung isa pang maid namin na nasa Singapore na ngayon, parang sinabihan siyang sinungaling or something.

 ;D Nung nakikita pa nga lang nila yung air time nila sa commercials nagtitilian na sila eh! tuloy nephew ko umiyak akala may ipis.

Ito bang kasambahay bill na ito eh! pwede rin for domestic helpers na nasa abroad? Dapat nga para sa ibang bansa mas naging batas ito dahil maraming umuuwing duguan o worst case bangkay na. Kahit naman walang kasambahay bill rito nabibigyan naman ng hustisya yung mga maid from abusers na andito sa Pinas. Ang mahirap yung international eh! Sobrang unfair na nasa pinas lang ang bill na ito parang naman nilalatigo natin mga maids tulad nung ginagawa sa ibang bansa.

devilish_einjel

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #165 on: December 09, 2012, 04:46:34 pm »
^ sis curious lang, pano sila napili na i-interview?

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #166 on: December 09, 2012, 05:05:00 pm »
Nanood din ako nung kay Ted Failon, inabangan ko talaga at na hb ata ako sa inis! Tama yung comment nung isang employer na ininterview, halatang hindi pinag-aralan tong bill nato.  ::) Kawawa naman yung mga employers from below middle class na pilit lang sinisiksik sa budget ang pagkakaroon ng hh or yaya para may maiwan sa house and magbantay sa kids at makapag trabaho sila and to povide for the family. Kung yung mga nasa middle class and upper nagrereklamo eh pano pa kaya yung average income earners lang??!

Wala naman akong reklamo sa benefits and sa 13th month pay even sa weekly day off, pero yung batas na wala dapat clause or bond bet. the amo and the hh kung may utang man si hh eh pwede syang umalis anytime at bye-bye utangs, bales and cash advances na. Kawawang amo! Kung ganun pala sana may details na hindi naman lugi si amo.

Ang pinaka nakakairita eh mismong tong si jinggoy at si congressman eh walang diretso at malinaw na sagot sa mga tanong sa kanila. As per jinggoy, hindi naman daw kasalanan ni hh kung nai plug sa 220 ang appliances or nakabasag, since hindi naman daw siguro pumasok si hh para lang magbasag. eh hello! pano yung mga hh na repetitive offenders?! so ok lang pala na ubos ang mga gamit ni amo kas hindi naman daw sadya eh! ::) Ito pang si congressman man, wala atang SSS ito eh(o sige baka nga mapera si tongressman at d nya need ang sss) 25 pesos lang daw ang contribution sa ss kung 2500 ang sweldo, hello! obviously wala syang alam sa bracket of contribution noh!! Pinag-aralan nga! tanong pa ni ted pano daw yan eh hindi nga naman lahat ng employers eh malaki ang income para ma cover lahat ng implied benefits na yan, ang sagot pa eh "kailangan magtrabaho tayo(employers) ng mabuti to provide for what are needed or else walang magagawa." oh d ba? ang galing-galing naman talaga nila!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #167 on: December 09, 2012, 05:48:24 pm »
^Yan pa masakit eh! ang nakakatakot dyan yung ibang mga lokong maids pwedeng sadyain na basagin o sirain mga gamit eh! Wala naman silang sinabi na hindi pwedeng palayasin ang maid na ganito kaya siguro this is the best thing that the employers can do. Eh di lalong hindi na nag-ingat mga helpers! Kasi okay lang na magbasag ng magbasag.

Eh di ngayon mag mala American system na tayo yung walang maid  ;D Baka mamaya matulad rin tayo sa iba na dadalhin pa natin sa office yung mga anak. O di kaya iiwan sa Day Care.

krisvan

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #168 on: December 09, 2012, 06:52:28 pm »
for the benefits lahat naman tayo siguro nagbibigay ng 13th month pay sa mga kasambahay natin at day off din nila.. sa bill na to bawal na din si inday ma tulog/nap pagdating ng hapon.. kasi si inday namin pag katapos ng lunch wala na ginagawa kaya watch tv na lang o di kaya matulog pagdating ng kids 4pm tsaka pa lang sya kikilos para pag prepare ng dinner sa mga kids.. 3700/ month sweldo nya pagdumating pa asawa ko binibigyan pa namin ng kahit anong pasalubong pabango, damit ..

I did not watch FAILON kasi naiinis talaga ako kay Jinggoy halatang hindi pinag aralan tong bill na to..For me ayaw ko sumunod sa bill na to as long as magkaintindihan kami ni inday go. Kung hindi kami magkaintindihan di GOODbye ganun na lang..

shineadet

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #169 on: December 10, 2012, 12:33:29 am »
san ba pwede makakuha ng copy ng bill na yan?

itcha123

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #170 on: December 10, 2012, 07:23:57 am »
allowed din ata sila na mag mestruation day off....waaah sa office nga kahit anong lakas ng ulan at malakas ang mens mo di ka allowed mag absent....ano ba yan parang kumuha ka pa ng isang alagain at responsibilidad pag kumuha ka ng Kasambahay....ang mga politiko natin puro mga B*b*, sinu-sino ba sila na nag pasa ng bill na ito at huwag na sanang manalo next election... >:(

mishmish

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #171 on: December 10, 2012, 08:57:20 am »
Paano kung above minimum ang salary ng helper like 3k and up? Need ko pa din sundin ang mga batas under this kahibangan este kasambahay bill na ito?

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #172 on: December 10, 2012, 09:24:22 am »
^Ang mangyayari dyan is tataas raw yung mga benefits.

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #173 on: December 10, 2012, 11:31:08 am »
^^Kailangan pa rin sis, mas mataas din na contributions for SSS, Philhealth and Pag-Ibig ang kailangan kung mataas din ang sahod ni hh. Buti nga sana kung may tumatanggap pa ng P2,500 dito sa MM para P460 plus lang ang idadagdag ni employer for the said benefits eh so goodluck na lang. P3000 na ang pinakamababang offer ang gusto ng mga hh ngayon, yan yung mga galing through referrals lang ha ewan ko lang sa mga galing agencies.


happyfemme

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #174 on: December 10, 2012, 11:41:46 am »
May mga HH kami na walking time bomb.

1. Electric fan namin binihusan ng tubig, lilinisin daw kasi niya.
2. Yung champion breed namin na aso, pinakain ng bagoong. Ayun, at nagkagalis na tigok.
3. Washing machine, nasira na rin.
4. We replaced 3 plantsa (iron), in a span of 6 months.
5. Yung remote control ng TV nila, sira na.
6. Yung electric fan nila, hindi na umiikot.
7. Yung mga tinidor nila, believe it or not eh tumatabingi ang mga ipin. Ang kutsara yumuyuko.
8. Pihitan ng faucet, natatanggal.
9. Door knob ng banyo nila, tanggal.
10. They leave their lights on sa room nila all through the day.
11. Kung makapag laba, akala sa ilog lang naglalaba. Feeling nila UNLI ang tubig sa bahay, WAGAS kung umapaw ang tubig sa batya.
12. Ang JOY dishwashing liquid that Micheal V claimed na pwede ng isang week? Dalawang araw lang kay HH.
13. Nagcharge ng cellphone si HH, sumabog sa outlet, nag cause ng short circuit. Buti hindi nasunog bahay namin. Pangisi ngisi lang at natatawa sa nagawa niya.

If you ask them kung bakit nasira ang isasagot lang nila ay "ate, hindi ko po alam".

Hindi ako nag aampon, ang kailangan ko ay kasamahan sa bahay.

Kaya ako nagtratrabaho ay dahil para sa future ng anak ko at para matustusan ko ang tuition ng anak ko.

Ah basta, lahat ng aaprove ng bill na ito will be off my voting list.

Nakaka HB rin ang hirit ni Jinggos at ni Cong na "walan tayong magagawa", eh for sure if we cant comply everything that is written in the bill eh sigurado marereklamo tayo sa DOLE.

If this bill will officially got approved I might bring my HH's salary back from 3k (her salary is 4k now). To absorb the expenses that the bill demands.

At saka, bakit ba panay papogi ni jinggoy sa mga HH? Eh halos mga HH lalo na pag galing province ay hindi mga botante. Tayong mga amo ang botante.

Ding! ding! ding! Paging jinggoy! Gusto mo palit tayo ng HH, lets see if you still want to approve the bill.

« Last Edit: December 10, 2012, 12:06:12 pm by happyfemme »

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #175 on: December 10, 2012, 11:43:55 am »
^^Kaya nga mas lalong napaghahalatang hindi talaga nagresearch itong mga genius congressmen and seantors natin eh. Wala ng tumatanggap ng P2,500 ngayon.  Yung P3k nga minsan specific job pa ang gusto niyan or yung medyo small family lang employer.  Kapag agency so far more on P4k minimum na yung mga napagtatanungan namin although hindi na mga 1st timer from the province.

Pano kaya yung mga naaksidente yung mga batang inaalangaan dahil sa kapabayaan ni yaya (text ng text or babad sa tv)?  Ano naman yung proteksyon ng mga amo diyan?

Nakakatawa pa yung 8 hours sleep provision sa bill na ito, naisip ko lang what if yaya ng baby si kasambahay?  We all know naman that babies doesn't sleep thru the night.  So meaning either you get 2 yayas (for rotation) or you yourself take care of the baby once you're home.  Pano na yung mga mommies na super haba ng work or mga call-center moms? 

Ang household kasi madaming variables kaya di talaga siya pwedeng ipilit na icompare sa office set-up.  Come to think of it parang mas daig pa nga mga companies, kasi ito may "educational grant" pa.  Sosyal!!!  Tama na iregulate yung salary, even yung benefits other than that parang sobra na talaga siya.

^Kasi ang mentality nila, di naman sa kanila yung house and things kaya they don't care.  Or "hayaan mo sila, mayaman naman sila at kaya nilang bayaran yan."  this is straight from our former maids' mouth ha.  Naririnig ko lang while they were chatting in their dialect discussing about my instruction to turn off the faucet when washing their clothes.  Umaapaw na yung basin sige pa rin yung water.  :P  Same goes with our things, same as yours, di ko rin alam ang sagot.
« Last Edit: December 10, 2012, 11:50:56 am by cherrhys »

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #176 on: December 10, 2012, 12:58:39 pm »
Palibhasa yung mga pinambabayad nila sa mga katulong nitong mga politikong ito mga pera pa rin ng bayan yan eh! I mean siempre san ba nanggagaling mga sweldo nila?

Pinagusapan na nga namin ng bf ko ito for our future. Saka yun sabi nga niya susunod nga raw kami rito which is I agree naman as well.

Kaya ang gagawin ko gagawa rin ako ng application form gaya nung sa corporate. Ang pinagkaiba lang gagawa ako ng Agreement form or sang-ayon form para doon ko pagbabasihan kung dapat ko nga siyang tanggapin as our maid. Isusulat ko mga patakaran. Pero siempre ikokosulta ko pa rin ito sa IBP kung pwede ito.

Ano kaya mag-apply tayo as house helper ni Jinggoy tapos sirain natin mga gamit niya tapos palabasin na aksidente lang? Huwag kaya tayo mag-ingat sa mga flower vase niya o kahit anong mamahaling gamit?

poshgurl

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #177 on: December 10, 2012, 01:17:35 pm »
Helo mga sis. Im glad this topic is still up. After reading your opinions, mas marami pa rin ang disagree.
Even me, d ko pa rin matanggap. Kung ganyan rin lang sa ampunan nalang sila magpunta. Ang hirap hirap ng buhay ngayon. Lahat nagtratrabaho para kumita tapos ganyan nlng basta basta gagawa ng bill na yan. Siguro kaya hirap na rin humanap ng maid ngayon. Been without maid for 5 months na. Mabuti mabait yaya ko, tulungan nlng muna kami habang wala pang makuha syang kasama.

One time may ininterview ako, tanung agad, day off, vacation leave. What the heck!
D ko na tinuloy interview. Bakasyunan ata hanap nun!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #178 on: December 10, 2012, 01:37:40 pm »
^Kahit nga sa Charity institution hindi sila pwedeng magpasarap run. Duty rin dapat nila ang tumulong kay mahirap ka o mayaman. Alam ko yun dahil nasubukan ko na minsan kasi nga lumayas ako nandahil nga dyan sa maid namin na hindi sumunod sa pakiusap ko tapos ako pa pinagalitan nang husto ng Mama ko.  ;D Other than that may mga patakaran rin ang Charity Institution, may mga bawal rin run as if naman mga maids makakasunod run. Pero ang kinaganda sa Charity pwede silang mag-aral ng libre.

Kaya isa rin sa magiging patakaran ko ay terminate ko na kapag nabuntis ng boyfriend o hindi asawa as I posted sa other thread. Bakit ako mananagot ng anak niya? Kung yung iba nga pinalayas pa ng mismong magulang because of this situation whereas dapat hindi nila ginawa yun. So why not me na hindi niya kaano ano? Better yet I will send her to Haven na Charity institution for preggies.

Ito pala yung  copy nung kay Jinggoy if you are interested to read

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?action=post;topic=252177.160;last_msg=7352120





shineadet

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #179 on: December 10, 2012, 01:58:30 pm »


Ito pala yung  copy nung kay Jinggoy if you are interested to read

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?action=post;topic=252177.160;last_msg=7352120






thanks sa link sis purple power pero iba ata yan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close