watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 150843 times)

poisonous_ivie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #140 on: December 07, 2012, 04:27:37 pm »
maslalo pa nila aabusuhin yung trabaho nila pano kung tamad na nga e di lalo pang magiging tamad sila magtrabaho.hindi ba nagiisip ng mga government sa mga mangyayari?palibhasa may pera kasi sila kaya kahit hindi magtrabaho binabayaran pa rin yung mga maid nila...

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #141 on: December 08, 2012, 11:06:55 am »
Today's episode in Failon Ngayon would be all about this bill.  May interviews with a couple of employers, some kasambahays and the two co-authors of this bill (Sen. Jinggoy and Cong.Rufus).  Last night there was a teaser in TV Patrol, naginit ulo ko kay Congressman.  >:(  All the things he said just proved that they all assumed that porket may kasambahay ka eh filthy rich na family mo. 

We're even "obliged" to support their education when the kasambahay would express the desire to study and yet we CAN NOT force them to pay for their debts.  Wow!!!  Talo pa mga big companies.  May free educational benefit.  And then this genius Congressman was asked by Failon, "Pano ho yan di naman lahat ng amo eh mataas ang sariling sinuseweldo, kaya baka di kakayanin lahat ng provisions?"  His answer was "Eh kapag di talaga kaya wala na tayong magagawa"  He was sort of implying na huwag ng magkasambahay if di kaya lahat ng provisions.  OMG!!!  Halatang di talaga nagresearch ng maayos si Congressman.  To think na almost 9 years na pala itong bill na ito sa Congress/Senate.  Mukhang sa mga circle of friends/class lang nila naginterview itong mga ito.

With this bill, di nila naisip na mas lalong maraming mawawalan ng trabaho and like any other law na di effective, this would be prone to abuses or under the table deals.  Mas lalong magiging vulnerable yung mga kasambahay, syempre when they badly need work kahit na di fair tatanggapin na nila, resulta...abuse.

Hayz!!!  >:( :(

alinkshel

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #142 on: December 08, 2012, 12:27:32 pm »
parang gusto ko na lang maging maid. siguro, ni senator jinggoy. haha!!!

buti na lang isa na lang kasama ko sa bahay ngayon kasi malalaki na mga bata. masipag akong amo. mas madami pa akong ginagawa sa bahay kaysa sa kasama ko. i just want a companion to look after the needs of my two kids everytime i'm at work. ilang oras lang ba yun? the kids are in school from 7:30am to 4pm. may service naman sila so she doesn't need to go to school with them. so ang routine work lang ng yaya ko...

(1) i-prepare ang breakfast nila ng mga bata
(2) manood ng TV kasama ng mga bata after school
(3) makipagkwentuhan sakin pag-uwi ko

hindi ko alam kung ano ginagawa sya from 8am-5pm. siguro nagwawalis ng konti kasi madumi pa din naman ang bahay pagdating ko. pag weekends lang na nakikita ko syang naglilinis. may ibang utos ako pag nasa bahay pero mostly super petty, like punasan ito, hugasan yan.

just to give you an idea how comfortable she is with us, she even asks my daughter to collect fallen hair from the bathroom sinkhole. or my son to wipe the dining table. ok lang naman coz i want them to learn too, pero wag naman sana obligatory.

her perks (we're in the province now):
- 3,500 salary (1,500 ang minimun sa province based on the bill)
- 13th month pay (halos lahat naman na yata ng may puso na amo, nagbibigay nito)
- SSS (we share, tig 100 kami)
- free toiletries
- one-month vacation every summer kasi anniversary nila ng boyfriend nya (i get a substitute for her)
- uuwi sya tuwing may okasyon sa kanila, may namatay, magbibigay ng pera, etc. usually from friday afternoon to sunday night WITH PAY, at hati pa kami sa pamasahe
- i always loan her things she wants to buy (she has an android phone now dahil pinahiram ko sya ng credit card. binabayaran nya ng 1k per month. every year sya nagpapalit ng phone.)
- i give her things we don't need, like TV, ref, tables, etc... even my personal stuff na pwedeng pwede ko pang ibenta online
- every Christmas, i buy gifts not only for her but for her family, pati pamangkin nya.
- when we shop, she also shops on my tabs
- of course, umuutang din ang mother nya sakin every tomato planting season

my question is... wala bang Performance Management System clause ang bill na ito? Like ano ang basis ng minimum wage at kelan ito dadagdagan? Based ba sa work performance? To what extent?

grabe, dahil sa bill na ito, nakita ko lahat ng negative areas sa performance ng kasama ko sa bahay. she's been with me for four years at ok na ok naman kami. she's the best i've ever had, not in terms of work but in dealing with me and my kids. she's like a sister na. pero with this bill, nakikita ko tuloy ang irrationality ng relationship na binuo namin as employer-employee. bakit ba kelangan may presyo ang lahat?

naiisip ko tuloy ngayon, ito na ang revisions kung susunod ako sa bill:
1. 2,500 salary (dadagdagan ko ng 1K ang minimum kasi matagal na sya)
2. 13th month pay
3. SSS, philhealth, pag-ibig (600 all in all)
4. a week day off (ayaw nya yan kasi daw magastos, but i'll comply sa law. pero wala nang one-month off)
5. no more hulugans (since bawal pala ang binding churva!)
6. i'll make sure she performs well

yan, mga lawmakers... tingnan nyo kung anong ginawa nyo?!?

vain_kixie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #143 on: December 08, 2012, 02:13:22 pm »
I watched tv patrol last night and they said that in the kasambahay bill if a helper daw wants to study, obligation daw ng employer to send her to school. Nako okay pala maging helper ngayon. Mag yaya nalang ako tapos sabihin ko sa amo ko I wanna take my masters. Lol

poisonous_ivie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #144 on: December 08, 2012, 02:46:08 pm »
wow!grabe na talaga sila pati pagaaral tayo pa yung sasagot.kulang na lang sabihin nila kung ano yung gusto nila bilhin ibibigay ng amo para sa kanila.aabusuhin lang lalo nila yun baka hindi na rin sila marunong kumilala kung sino ba yung amo nila.parang naman hindi na tama yun.puro pera na lang yung nasa isip nila.baka susunod wala na gusto kumuha ng maid/yaya

devilish_einjel

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #145 on: December 08, 2012, 05:54:27 pm »
parang hindi talaga pinagaralan to, pabor lang sa kasambahay, it should be a win-win situation.. hindi naman lahat ng may kasambahay e mayaman, yung iba average lang..  majority naman talaga ng families e may helper e, pero it doesn't necessarily mean na mayaman at kayang sundin yung nasa batas..

kami yung mga past kasambahays namin, from province lahat, yung iba e relatives namin na medyo kapos so yun yung kinukuha namin kasi may tiwala kami.. we dont treat them as helpers, family talaga.. yung ibang mga nakasama namin e pinagaral ng parents ko.. yung kasama namin ngayon pinagaaral din, yung isa graduate na, nakapag take na ng board at teacher na.. yung isa graduating.. I think nasa amo lang yan kung willing siya pagaralin yung kasambahay niya pero wag naman sana yung puwersahan.. kasi hindi na yun magiging bukas sa loob..

napanood ko yung Failon Ngayon, at nako ha nakakainis si congressman! parang wala lang sumagot e! >:(

Mrs_H

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #146 on: December 08, 2012, 06:44:19 pm »
Ang gusto ko lang dito eh hindi na ako magpa vale or cash advance. Kainis nung tinatanong at nagpapaliwanag si jinggoy
« Last Edit: December 08, 2012, 06:46:47 pm by Mrs_H »

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #147 on: December 08, 2012, 07:00:02 pm »
Sayang!  Hindi ko naabutan yung Failon Ngayon.  We went to the doctor kasi.  Anyway, di talaga sila nagisip.  Kasi di nila naisip na mas madami ngayong kaya lamang napipilitang magkasambahay ay dahil both the husband and the wife are working (two income families) to provide a better life for their kids.  Hindi dahil mayayaman kaya may kasambahay.  Ok lang naman to regulate the salaries and to put some provisions regarding the proper working hours, dahil din naman talagang mga amo na grabe kung magpatrabaho BUT I'm very confident to say na mas marami na ang abusadong kasambahay these days rather than the other way around.

Pati yung "vacation clause" malabo yan.  Yung iba nga nagday off lang di na bumabalik, long vacation pa kaya?  Kawawa talaga mga employers sa bill na yan.

travelGuru

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #148 on: December 08, 2012, 07:57:30 pm »
naiinis din ako sa bill na yan! bakit puro rights lang ng kasambahay ang meron? pano naman yung mga responsibilities nila?

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #149 on: December 08, 2012, 08:20:26 pm »
With this Bill feeling ko mas mapapahirap lang ang mga kasambahay lalo na doon sa mga amo na medyo kuripot at sadista...Talagang susulitin ng amo lahat ng effort niya in compiling the requirements and paying more with their kasambahay. Kung noon e pa easy easy pa si inday o paantok antok ngayon di na pwede dapat gumalaw na talaga..and paano naman yung mga mabasag o masunog ni inday? for sure pababayaran na talaga yan just like any other employers..or worst paano na kung dahil sa katangahan ni inday e mananakawan ang bahay? ewan ko nalang

aquacharly

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #150 on: December 08, 2012, 08:40:34 pm »
Pag siningil  mo yan for damages, goodbye ika nya.
There should be a registry of kasambahay -- parang licensing office.
If they have a bad record - don ma cross check. 

Ah ewan ewan sumagot?   Guess who can easily afford even a platoon of kasambahays?
Susko

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #151 on: December 08, 2012, 11:13:10 pm »
^^Bawal daw yung pababayarin yung kasambahay ng mga nasira niya.  Di pwedeng kaltasan at di rin pwedeng pilitin pagbayarin ng mga "utang".

beatrize zuri

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #152 on: December 09, 2012, 12:52:35 am »
^ i agree! grabe talaga sabi nga ni ted failon paano daw kung hobby ng kasambahay ang mag basag ng pinggan? tatawa tawa lang si jinggoy haay! paano ba nila to pinag aralan? bakit ganito? dapat irevise to at pag aralang maigi.
 
pati kung gusto daw mag aral ng kasambahay dapat daw pag aralin ng amo, ayos! pwede siguro to sa mga katulad nilang taga gobyerno at super mayayaman.
 
chaka pag nag cash advance hindi rin daw pwedeng ihold si kasambahay kung gustong umalis ok lang daw kahit may cash advance pa..ano yon?!  >:(  over!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #153 on: December 09, 2012, 12:58:04 am »
I just hope di pirmahan ni noynoy to. Uber unfair to sa mga amo.... Pag ganito ang gagawin ng gobyerno lalaki ulo ng mga maid na yan. Paano kung nabuntis sa puder mo, baka ipasagot rin sa amo ang panganganak. Di naman lahat afford na paaralin ang mga maids no. Option yun ng mga amo if deserving sila. Naku pag nalaman ng nanay ko yan malamang mega advice na naman yan sa mga maid dito sa condo. Defender of the oppressed pa naman ang drama ng nanay ko...

Maski nga mali na maids ko before mega tanggol nanay ko... To the extent pa nga dati babatuhin nya ako ng mouse ng computer...

Irevise sana nila to muna. Puro pabor sa mga maids naman, di naman inisip yung rights rin ng mga amo. Kasi kung ipapasa to, aba baka maging US na tayo, walang maids na lang para less sakit sa ulo di ba

Leven

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #154 on: December 09, 2012, 01:16:37 am »
OA na talaga kung obligasyon pa ng mga amo ang magpaaral ng helper.choice na nila yun noh..E sila ngang bonggang mayayaman kailangan pa pumasok sa pulitiko bago makapagpapaaral para pera ng bayan ang magamit nila hindi galing sa sarili nilang bulsa e mga ordinaryong mamamayan pa kaya...kainis talaga ang bill na to..walang nakasaad na security or assurance naman para sa mga amo...dapat may AMO BILL hehe

poisonous_ivie

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #155 on: December 09, 2012, 01:25:13 am »
ano ba yan talo pa nila yung mga big company,grabe sila bawal magkaltas tapus pwede pa magadvance?...parang bumiligtad na ah yung amo naging kasambahay tapus yung mga kasambahay naging amo na.ang sarap naman ng buhay nila...

beatrize zuri

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #156 on: December 09, 2012, 01:53:27 am »
ok lang sanang mag paaral ng kasamabahay kung well deserved naman talaga dapat may criteria din sila dito, like if naka 3 yrs na si kasambahay at never pumalya sa mga offs and leaves niya, maka sira man ng gamit pero di bababa sa 5times for 3 years, hindi nag cacash advance, if qualified then pwedeng pag aralin yun eh kung kaya ng amo.
 
maraming mag rereklamo pag pinirmahan to ni nonoy, dapat reviewhin nila ulit to. tsk tsk!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #157 on: December 09, 2012, 02:31:01 am »
Ito talagang si Jinggoy nagpapadami ng mga botante eh!  ;D

Ang OA ng batas na ito! Sana nga mareview muna bago ito mapirmahan kasi hindi talaga makatarungan. And take note, ewan ko kung napansin niyo na may menstrual leave pa sila?  ??? Kung meron sila nun dapat tayo meron rin! Uminit talaga ulo ko nung nanood ako kanina.. Parang tuloy magiging stricta ako nito kapag panahon ko na magkaroon nito. Saka I believe kailangan sa agency na kumuha nito pag nataon.

Yung ininterview kanina sa Failon Ngayon na travel agent hipag ko yun eh! Agree ako sa sinabi niya na hindi naman kailangan ng Kasambahay Bill para maging mabuting amo eh!

Okay sana ang bill na ito if maproteksyunan sila laban sa pagmamaltrato. Pero hindi eh! parang kailangan sagot lahat ng amo eh! Abay magiging charity worker na tayo nito. Imagine mo lahat ng sweldo mo mapupunta sa maid pa lang?

Kaya kung ako iinterviewihin ko muna at itatanong ko kung gaano niya katagal balak magtrabaho sa amin at kung may balak siyang mag-aral. Baka mamaya pa niyan mauna pa makapagtapos yung katulong mo bago sa anak mo.

Sa nabasa ko rin naman na bill ang alam ko pwede mong terminate ang helpers due to performance basis eh! yun ang pagkakaintindi ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #158 on: December 09, 2012, 02:54:12 am »
^That thing happened to me as well yung pinakiusapan ko ng maayos to prepare breakfast for me that she agreed tapos hindi naman sinunod for 2 weeks. Siempre sino maooffend sa ginawa niya na pinakiusapan mo ng maayos tapos hindi sinunod? Then nung mga huli pinagalitan ko na ayun nagdrama na aalis na raw. Nag-away kami ng parents ko because of that to the extent lumayas pa ako because of what happened.

devilish_einjel

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #159 on: December 09, 2012, 09:38:52 am »
Instead of "helper" baka maging pabigat pa..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close