continuation...
Boat rent in Bantayan:1k yun unang turing sa min sa boat rent for virgin island kaso mahal. nun nag budyong na lang kami habang hinahatid kami ni mang duke nabanggit nya
700 lang yun boat sa kakilala nya so dun kami nag avail. pamangkin daw nya yun boatman. pero kinabukasan hindi naman pala. although nagpunta nga dun yun pamangkin pero si JP yun naging boatman namin. sa hilantagaan kami kumain. nagbayad kami 200 para sa utensils at pagluluto sa place. then sa virgin island dun lang kami sa snorkling area nagpunta di na kami bumaba sa VI mismo.
if you need contact na padyak/tour guide/bankero (all in one hehe), contact nyo si
JP - 09296470185, mabait yan. nakakatuwa sya.
ang sistema pala dun, dun sa 700 na boat rent namin, 250 mapupunta dun sa nagrefer (duke + pamangkin) then yun 450 dun sa may ari ng boat. sa 450, yun 150 mapupunta sa bangkero tapos yun sa 300 sa may ari ng boat. dun nya ibabawas din yun pang gas.
kaya mas mainam na diretso sa bangkero na daw or may ari ng boat mag contact kasi mas mura. sabi nga ni JP baka daw nakuha lang namin ng 500 yun boat na yun na inarkila namin e. kaya yun, contact nyo na lang si JP kung pupunta kayo dun. ang problem nga lang e di nya palagi dala cellphone nya so baka late sya makareply. pero natuwa kami sa kanya kasi masipag sya at mabait. after nya mag bangkero, nagpapadyak pa sya tapos lahat ng kita nya binibigay nya sa nanay nya. sabi nya kaya daw yun pamangkin ni mang duke e di na nagb-boatman, may kasalanan daw pala kasi yun dun kay nanay sa Virgin Island. sinisingil daw nya mga nagttour pero di binibigay dun kay nanay kaya ban sya dun sa VI. hehe.
Otap:masarap nga yun Otap sa hillside! 
so nun pauwi dun na ko bumili ng pampasalubong.
45 per pack at 50/pack naman yun naka individually wrapped. ang konti nga ng nabili ko. ang mura din ng tindang lansones ni nanay dun sa gilid. 140/kilo tapos bangkok lansones.
taxi driver sa cebusa cebu city naman, ang hirap nga makahanap ng matinong taxi driver dun! pumila kami sa regular metered taxi from airport going to sugbutel, aba e pagsakay namin pinepresyuhan kami 200 daw. sabi ko talaga metro. sabi pa konti lang naman daw kasi mga 160 din aabutin pero sabi ko talaga metro nya. ayun buti di na sya nagreklamo pa. kapag ganun na pinangungunahan kami ng driver, lalo kami naaasar. mabuti pang wag na sya magsalita kasi automatic naman nagttip kami. pero dahil nga ganun sya, talagang sakto lang na 160 binayad namin sa kanya. walang tip.
tapos kinabukasan pupunta naman kami north bus, aba 100 daw. sabi namin metro lang. payag naman. madali kausap. ayun 70 pesos lang inabot. wala din sya tip!
ang pinakamatinong taxi driver lang na nasakyan namin e yun pabalik na kami from SM to airport. nun sinabi namin airport, di nagkkontrata so sinabi namin metered lang. tahimik naman si manong. sa lahat ng nasakyan namin sya lang ang di nag kontrata. natuwa naman kami. nakachikahan din namin. tinanong namin kung nagttour din sya. pwede naman daw. kaso gas kasi yun taxi nya. charge nya daw kung may magpapatour e pwedeng 350/hr. if you need to contact him, ang number nya e
09477788781, Ronnie Noquiao ang name nya tapos Lona Taxi yun name ng taxi.
sugbutel:regarding Sugbutel naman. buti na lang dala ko yun deposit slip at print out ng email conversation namin kasi walang nareserve for us! pero yun since may proof naman ako na nagbayad, na-accommodate naman kami. 3 double deck in a room ang binigay sa min. tapos kami lang tao. natuwa ako walang ibang ka-share. malinis din yun place at yun CR. kaso walang hot water sa shower kaya struggle maligo. nanginginig ako haha!
kaso naku, di ako nakatulog! dinig na dinig yun ingay sa labas ng mga naglalakad at pumupunta sa CR. pati yun naghihilik sa kabilang room. di na siguro ako magsstay ulit dun.
casa verde:after mag skywalk sa crowne regency, next na nitry namin hanapin e yun casa verde kaso di namin mahanap kahit ipagtanong pa namin. nag google na lang kami tapos may branch pala sila sa ayala terraces so dun kami nagpunta. sarap nga ng brian's ribs! 198 lang per order w/ rice and veggies. pero super daming tao so nag take out na lang kami at kinain sa SM foodcourt hehe.
===========
ayan mga sis pasensya na napahaba ang kwento. hehe. sana makatulong sa mga next na pupunta sa cebu/bantayan. salamat kay rocky at maf at sa lahat ng mga tumulong sa kin at sumagot sa mga tanong ko.
