watch now

Author Topic: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas  (Read 22960 times)

icee_star

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #40 on: December 29, 2011, 08:05:59 am »
Hello mga sis! Merry Christmas and Happy New Year sa inyo! Thank you sa mga messages and sharings! Good vibes lang ha! Ako natutunan ko na dedmahin at naka-move on na rin ako haha! After all, kahit ano naman gawin ko sa mga yun eh mukhang d naman sila nagbabago.

But another thing na nakakainis sa mga kamag-anak na ito eh pag nasa abroad ka, hindi ka lang mayaman, akala din yata nila eh na-hire ka as presidente ng kumpanya or di naman kaya eh HR!! Bakit ko nasabi? Eh diba minsan may mga friends/relatives tayo na malaman lang nasa abroad ka, ang sasabihin eh "pasok mo ko dyan" or "hanap mo naman ako work dyan". May mga nangganyan sa akin pero madali naman sabihin na walang hiring or bigyan ko sila links ng internet kung saan pwede mag-apply, etc.

Pero sa same kamag-anak na ito ha, message sa FB na naman na ipasok ko daw ang kapatid ng asawa niya dito. Nagresign na daw sa work sa pinas at gusto daw magwork dito. Nasabi daw nila na nandito nga ako at hingi daw sila ng tulong, at kung pwede daw makitira.

Kumulot lahat ng buhok ko mga sis nung nabasa ko yun. Nung una hindi na ako sumagot. Pero di pa rin tumigil, once nag online ako, chat agad siya, parang nag-aabang talaga. Di ko pa rin pinapansin, nagooffline ako agad, di pa nasiyahan, nagmessage dun sa mama ko at sinabi na magreply naman daw ako sa message niya dahil naghihintay daw hipag niya ng sagot. Kundi ba naman mga baliw talaga!

Eh di nagreply ako. Sabi ko mahirap hanapan ng work ang field niya (manager daw sa mcdo) at need ng agency pa. Magbabayad pa sa agency yun at blah blah! And regarding sa patira, kako hindi namin sarili ang house at may iba kaming housemates, bilang kako ng owner ang nakatira at hindi pwede magdagdag.

Ayun, as of now hindi pa siya sumasagot. Pero yung anak niya nagmessage ng ipanema na sandals daw (mention pa ang size) for pamasko. Kalerqui mga sis hehe! Sinagot ko nga ng Merry Christmas!

Ayun lang mga sis, pag nakakabasa ko ng mga message nila dedma na lang, hindi ko kasi talaga kaya sagot ng pabalang. Baka magalit din mama ko sa akin kasi syempre nakakatanda pa din yung mga yun. So dedma ko na lang talaga :D


ldrwifey

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #41 on: December 29, 2011, 12:27:10 pm »
share ko lang.. lately lang nangyari:

nadiscover ng tito ko (brother ni papa) na may stone siya on both kidney, so ito si father syempre padala agad ng pera, syempre ayaw nyang matulad s kanya yung brother nya (my dad only has 1 kidney left) minor lang naman procedure na gagawin s tito ko, but of course yung tatay ko naman gusto ng information kung anong nangyari diba, update man lang, guess what? wala!!! nakita ko ng online s fb, nagplay n nung game n gustong gusto niya pero wala man lang email n uy buhay p ako, at naging ok yung procedure sakin.

simple lang naman yun diba, hello nagwworry din naman kami and i think its just proper na ibalita mo naman s mga kapatid mo kung ano ng nangyari. nakakainis lang after n maging ok siya wala dedma n lang.

JINJIN:*

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #42 on: December 29, 2011, 08:59:45 pm »
ganyan naman talga sila eh. Tapos kapag pag kulang sila pa me ganang magalit, kung makahingi kala mu me patago. Ate ko ganyan...binilhan ko na lahat ng anak niya at asawa, gusto pa ng bonggang pera. Alam naman niyang kinapos na ko nung huling araw, yung natitirang kong tatlong libo sa bulsa gusto pa kunin pambili ng sabon. Tapos siya pa galit..until now dalawang buwan na ang lumipas eh hindi parin ako pinapansin. Siya pa talga me galit. Nakakasama talga ng luob lalo na pag kapatid mu ang hindi nakakaintindi.Sa totoo lang naman diba, nagtatrabaho ka sa ibang bansa hindi para sa kanino pa man, yun eh para sa sarili mu or sa mga taong obligasyon mo tulad ng anak or magulang. Feeling ata nila me cut sila sa sweldo mu at dapat eh padalhan mu sila....basta ang masakit na part eh binigyan mu na kulang parin..tapos magagalit pa sayo..na kung tutuusin eh ni minsan hindi ka naman nila sinuportahan financially sa buong buhay mu. Kakainis..

Sis pati tuloy ako na bwiset sa post mu.

icee_star

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #43 on: December 29, 2011, 09:09:26 pm »
^oh relax lang sis. Ganun talaga buhay yata ng mga ofw na may kamag-anak na ganyan. Hay naku dedma na lang natin! Positive dapat tayo sis, mag2012 na hehe! :)

JINJIN:*

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #44 on: December 29, 2011, 09:44:37 pm »
^^ hahahaha...relax nga naman dapat.

Totoo, dapat deadma nalang..keber..naisip ko nga..bahala siya kung magagalit siya..wala naman akong kasalanan sa kanya.

so sis icee...Happy New Year nalang! :)

ldrwifey

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #45 on: December 30, 2011, 11:36:52 am »
until now wala p ring email yung tito ko, tinatanong n nga ako n papa kung nagbalita n daw ba.. naku meron p naman sana akong iaabot din sa kanya, pero nagbago n isip ko, hindi k n papadala. bwahaha!!!

peninsula

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #46 on: January 04, 2012, 03:36:52 am »
nakakatuwa ang thread na ito. sobrang relate ako. dami akong kwento pero may ginagawa ako, iipunin ko kwento at babalikan ko ito...sobrang relate ako. dami ko wento esp sa side ng asawa ko. una na dyan yong gustong ipabili na bed ng MIL ko - yong bang may mga kinakabit chuchu P85 k daw.

o sya, mga sis... good bye now. be back soon with lots of baon.

jenybasti

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #47 on: January 05, 2012, 02:13:50 am »
nakakapikon talaga.ngayon nga sabi ng asawa ko pahiramin ko daw muna 2k  yung ate nya at naputulan ng tubig.nakakapagtaka lang na kung kelan nagpadala sya nitong last 2 months dun sa kanila saka naman sila walang pambayad at napututlan pa ng tubig.buti pa nung andito sya at walang work walang naibibigay di naman nangyari yun.nakakabadtrip pambili nga ng gamit ng baby namin yung padala nya mababawasan pa basta sinabi ko sa asawa ko na hindi pwedeng hinde yun bayaran.utang yun so kailangan bayaran nila yun.nakakairita lang akala ata porket nasa abroad eh napakadami ng pera
« Last Edit: January 05, 2012, 02:16:10 am by jenybasti »

phurple0515

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #48 on: April 25, 2012, 02:49:22 pm »
whenever I go back home to pinas, di ko pinapasabi sa bahay na uuwi ako.  pano ba naman parang kakambal na sa ibang tao na OFW/galing abroad = pasalubong at libre.  Mas gusto ko pa sa bahay lang kasama family ko (compensating the time I am awa) or minsan lalabas man, sa POEA or pag tinitreat ko family ko sa labas.

minsan din kasi akala nila ATM ka e parepareho lang naman kayo ng mga nagpapalibre na sumasasahod.  actually, kung ano yong gastos mo pag sa pinas ka kumita, ganon din naman ang gastos mo sa kung saan ka, in different currency nga lang.

at madami pa iba, heheh.

ldrwifey

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #49 on: April 26, 2012, 08:34:58 am »
ay korek k jan sister!!! pag sinasabi kong halos wala man lang akong ipon kasi nga every year ako umuuwi walang naniniwala sakin, sasagutin ako ng "wala kang ipon eh dollar kinikita mo" haller!!!! dollar nga kita ko pero dollar din naman ang gastos ko.. ano ba diba konting gamit naman ng isip. saka may ipon naman talaga ako kaso nauubos din halos every time n uuwi ako dahil mas masaya naman akong kahit konting time makasama ko asawa ko kesa tinitingnan ko yung pera ko sa bank.  ;D

nitong last kong uwi, wala talaga akong dalang pasalubong. pero since nagout of town kami dun ako namili ng pasalubong, sabi ba naman sakin "ay local n lang pasalubong mo.. san yung galing abroad?" sa loob loob k lang, walang thank you  ::)

phurple0515

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #50 on: April 26, 2012, 09:32:13 am »
^ minsan nga, lalaitin pa nila ang bigay mo.  uunahin pa nila sasabihin pag nakita ka na "Pasalubong ko" kesa tanungin ka kumusta ka na etc.  hehe.   me instance pa na pinabigyan ko ng pera yong isang tita ko for her birthday ng january, nag-text sa akin, salamat daw pero pa-birthday lang daw yon asan daw pa-xmas. di ko nga sinagot.

Ako rin, masaya ako pag ganon na napapasaya ko family ko pag umuuwi ako kaya nga pag tinitreat ko sa labas, kahit magkano pa yan.  Naalala ko nong una kong uwi, talagang kahit ako gipit, buti me natatago mama ko sa mga pinapadala ko.

the pros and cons talaga ng buhay abroad.

ldrwifey

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #51 on: April 26, 2012, 10:00:43 am »
ay nagyari n sakin yan n lait mode ng gift
(ito naman ay mga close relatives din namin so parang okray okray mode n lang n pabiro, pero may sapol samin eh kasi kami yung nag-effort ng lahat)

uwi kaming lahat nun, mom, dad, my sister and i. so tagal kaming nag-ipon ng mga pasalubong, as in puro mga personal gifts ah, sabi naman kahit may konting splurge pasko naman so ok lang. here comes one of my tita, may request kasi siyang specific brand ng pabango... we tried to look for it pero nung time n namimili kami hindi siya available so we asked the sales lady n lang kung anong pinaka kagaya nun... nung inabot ko, nagsabi naman ng "thank you nene" kaso may karugtong n "ay hindi yung request ko" susme muntikan k n talagang irapan!!!

meron pang isa... dati may lotion kaming inuwi, nagustuhan niya siguro masyado. nung nagdala kami ng lotion ibang brand na. sabi ba naman... mas mabango yung dati ito hindi masyado, sa susunod wag niyo n itong bilhin ah, yung dati n lang.

those are like innocent comments siguro on their part pero sa atin n naguuwi medyo sensitive tayo eh, kasi nga pinaghirapan natin ultimong bawat piraso ng chocolate n dinadala natin. medyo mga ganyan lang naman samin, compared to others easy easy p ako.  :D

phurple0515

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #52 on: April 26, 2012, 10:47:56 am »
^ tama ka dyan sis.  parang minsan nga ang hirap mag-effort na mamili ng pasalubong just to please those kind of relatives we have.  kaya nga minsan maski na papa ko sasabihin lagi na biglaan lang uwi ko at wala ako dala, hehe.

kaya mahirap pag pasko umuuwi e, hehe.  masyadong magastos :P

hairt mini

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #53 on: April 29, 2012, 08:08:52 pm »
bakit nga kaya ang tingin ng mga tao sa atin eh ATM machine????

At ang masaklap malimit pa naalala lang tayo pag may kailangan sila, pag naibigay mo na ayun deadma na ni hindi mo alam kung na kuha pa yung padala mo o ano.. >:(


janeblaze,project

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #54 on: September 05, 2012, 09:32:34 am »
I  don't know  why kamag anaks in Phils thinks that we all get our money from a tree na pede nalang kunan ng pera whenever they  want  to  ask  for  one, then pag hindi ka nagbigay  ang dami pa sasabihin about you  na nakakasira ng image mo.

Minsan talaga hindi ko nalang sila pinapansin and this is why  I haven't went home for a long time na almost 15 to 18yrs to  be exact.

~lovesick~

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #55 on: September 15, 2012, 02:42:58 pm »
kaka high blood mga posts dito, at the same time nakakatawa. akala siguro nila ang sarap ng buhay sa ibang bansa. buti hindi pa namin nararanasan yung ganun. yung mom ko kasi, was known for being kuripot at maramot. kaya pag may i-aabot na pasalubong galing sa amin, sinasabi niya agad na "pasensya na at eto lang maibibigay namin. wala na kasing oras pa para mamili". haha. kaya kung merong di nakuntento sa bigay namin, dedma na lang kami.

designer

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #56 on: September 16, 2012, 11:57:12 am »
Kahit mga close friends ko abroad di naman bumibili ng mga mamahalin gadget like iphone 5. Parang masmaluho mga nasa pinas, hehe.

Pero you have to look at it from another angle. Pinoys abroad are very blessed and will probably always have it better.

mom_G

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #57 on: September 17, 2012, 10:22:24 am »
@designer, so true sis!  wala ako sa pinas and i don't replace my iphone every time a new one comes out, to think na it doesn't cost too much to upgrade.  yung mga relatives namin, agad-agad nagpapabili pag may bagong iphone or ipad, as if biglang obsolete yung previous version!

sweetham

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #58 on: September 17, 2012, 10:52:37 am »
nakakaloka yung biglang may magmemessage sayo sa fb galing sa long lost relative from pinas na nanghihiram ng pera... well everybody knows na ako ay isang dakilang may bahay eversince. at kahit saang bansa pa kami makarating ay yun talaga ang drama ko stay at home mom dahil 2 ang chikiting ko at kailangan pa nila ako most of the time.at yung kahit alam na alam nilang wala ako sa pinas e kinukuha pa rin akong ninang ng mga anak nila.ako naman oo lang pero di para magpadala ng pera. basta alam ko sa sarili ko kung bakit nya ako kinuha ninang ng anak nya.hay... porke nasa abroad,mayaman na agad? bakit ba ganyan sila....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close