hola mga chicas...
kaloka ang weekend! parang walang weekend... sometimes i tell my myself, sana wala na lang opis para derederecho na ang mga dapat gawin. hindi rin naman pwede dahil walang pambayad pagnagkataon.
re bored na mudrabels, okay na yung mga kineme ni mudra. mejo makanto nga, parang yung lumang 2 piso na may kanto.

keri lang naman. sabi ko na lang ako na lang kasi mas mahirap magretoke pag maliit na masyado yung allowance. doble effort din kasi yung gugupitin na nila nang pabilog tapos aayusin ko.
update lang po para sa nakaraang linggo:
sat:
- dumaan na kay OB para sa check up. PAP Smear lang naman routine check. sinabi ko na rin kay dra na baka next year eh gow na magbebe. hindi na daw nya ako iwowork up since naka pills naman ako for the longest time. itigil ko na lang daw yung pills ko. binigyan nya rin ako ng prescription kasi nagsumbong ako sa kanya na ang hirap bumili ng pills dahil nahingi ng reseta sa pharmacy. ayun binigyan naman nya ako good for 2 months.
- after lunch, dumaan muna sa workshop para ayusin yung mga boxes for pick up
- after workshop, megamall naman para dumaan sa bridal fair. mineet ko rin si ate ces of konceptualized para mag down para sa aming OTD.
- konting bonding lang with MOH sis, dinner at BonChon (masarap pala dun) tapos uwi na nang 9pm
sun:
- maagang nagising dahil 7am ang call time para sa Pre-Cana. kamusta naman ang buong araw na seminar na walang pinag-usapan na ang marriage ay ganito ganyan... nakakainis lang kasi hindi consistent yung mga speakers. yung isa, sabi hindi daw dapat planuhin ang dami ng anak dahil plano daw yun ni God. Tapos yung iba naman, dapat daw we must realise to limit the number of kids. oh diba. basagan ba ng lecture? buti na lang tapos na.
- after the whole-day seminar, derecho sa megamall para sa bridal fair and para imeet si cousin na ikakasal din sa 2012. overseas si b2b nya kaya kami ang kahatak nya. ayun, pag-akyat namin megatrade, bumisita muna sa booth ni DLS. nagkita rin kami ni sis ida na pakalat-kalat sa fair with papa jp. dahil 8pm pa ang awarding, baba muna kami sa dept store
- sa dept store, naconvince namin ni h2b si cousin to get their registry. namili na rin kami ng wishlist namin habang naghihintay. si papa k, talagang nilagay yung espresso machine na 100k sa wishlist namin, for joke keme lang daw, pero malay daw namin may magbigay.

gusto rin naman kasi namin nun, para na rin sa gagawin naming ofc.
- after mag"shopping" ng wishlist, balik na sa taas. we didnt win the contest, pero okay lang kasi we got to bring home yung blow-up pic namin.

- pagdating sa bahay, konting keme lang with cousin para sa mga papagawa nyang watch boxes tapos uwi na sya. dahil mejo maaga pa (mga around 10pm lang yun), tinira ko muna yung envelopes namin. habang nanonood ng star trek sa hbo, hala sige lagay ng feathers. sakto rin pagkatapos ng star trek, tapos ang feathers. next naman, yung belt nila and yung stamp.
mon morning:
- nifinalise na namin ni h2b yung guestlist namin. hindi rin kasi kami makakapagbigay ng mga for everyone, so nimark na namin yung mga bibigyan ng invites and kung sino ang immessage na lang sa fb.
later siguro or bukas, buy ng yellow na board para sa stamps then check abbylyns', tapos divi sometime this week para sa accents pang tela ng boxes namin. ilang linggo ba ang turn-around time sa abbylyn's?
churi long read na...
