hola mga kapatid...
grabe, ang dami nang mga pangyayari dito. feeling ko tuloy ang dami kong namiss. Nakaloka lang ang sched ko, at parang nagka depression attack ako last month dahil pag change ng shift namin. Until now, nagrarant lang ako kay h2b tungkol sa pangit naming sched sa opis, pero keri, eh yun lang naman din ang magagawa ko eh.
anyway, marami-rami na rin kaming nagawa, kahit paunti-unti:
- got favors na for our ento, just last sunday, so check na ang take homes nila
- got suspenders na for our bible bearers and flower boy
- may materials na ako para sa mga fascinators na gagawin for my female ento
- nakuha na ng cuz ko yung swatch para sa damit, bahala na sila magpatahi nun
- kumpilado na si h2b at maayos na rin ang baptismal cert nya. marriage license na lang. nakapagpasched na rin kami ng seminar
- may schedule na ng pre-cana and canonical interview
- dahil jan, nagfile na ako ng leave ko sa office - naextend ang ang aking leave from 3 days lang (15, 16, and 19) to 5 days (hanggang 20 and 21 na sya) dahil may out of town trip daw kami sabi ng fbil. uwi na rin kasi sila 24. buti na lang meron pa akong leave. mag-iipon na lang ako ulet para sa trip namin sa feb
- done na ang invites namin (nung tuesday lang nilay-out ni papa k) at nakapagprint na rin ng isang sheet muna.
- malapit nang mafinalise ang guest list. so far, nagdrop yung headcount from 160 to 144 dahil sa mga winack ni nanay na mga names, hindi pa ata tapos ang pagbubura ng names, so hindi pa ito final.
dahil malapit nang magdecember, may mga deliveries pa ako para sa aking mga december brides, kaya naman napapadalas ang pag punta ko sa divi para bumili ng mga gagamitin para sa boxes nila, kasama na yung mga gagamitin para sa DIY, and research na rin kung anong pwedeng idagdag sa lineup namin next year. syempre, dahil maganda nga masyado ang sched ko, maximise to the highest level ang drama namin ni h2b tuwing aalis kami.
usapang trabaho: ganyan din ang drama ko last week. kasi naiinis na ako dito sa opis, lalo na ngayon na nauubos na kami. narealise ko lang na parang deads na ang career ko sa ganitong industry and magbback to zero ako pag lumipat ako sa media. kahit na similar yung roles, hindi rin naman nila irerecognise yung mga pinaggagagawa ko dito kasi hindi naman kami media. so ayun, drama-dramahan ang lola nyo kay h2b. ang sabi na lang ni h2b, wait lang daw ako, at dadating din kami sa point na sa TPR na lang ang aasikasuhin ko. for the meantime, lalo this year (dahil marami pang babayaran na suppliers), tiisin na muna ang pangit na sched... come to think of it, oo nga naman. bad trip lang kasi hindi ko magawa yung mga gusto kong gawin. kaya ngayon, mas excited ako matapos yung wedding para matapos ang bayaran

i would have to agree with bff rio,
sis carmie. kaylangan nyong mag-usap ni hubby about your careers. since maganda naman ang mga pangyayari sa ES, check nyo rin kung enough yun. at least kasi, hawak mo oras mo sa ES. kung hindi, maganda rin yung suggestion na work from home, anyway, online ka naman palagi. kung gusto mo pa rin magwork as an employee, kaylangan swak sa banga ang fulfillment nito ng priorities mo. <3
namiss ko kayo, grabe!