Hi mga sis! Happy Happy Monday!
chelle_peachy0524 - congrats sis! naku i didn't know na may pasado pasado sa canonical. kami scheduled kami ng ganyan on December. parang samin wala naman sinabi na ganon? na may babagsak. i think need ko inconfirm ata yan sa church ko.

kinabahan ako! haha. pero lets think positive. When mo malaman ang results sis! I'm happy for you! tama ka sis, dapat gawa tayo ng new thread pag married na tayo. haha.
ez4gotten - tama sis, brave na nga ako. hihi. See you on Friday, tama ba?

sis, how was the measurement taking? weeeehhh! btw, question, ilang months dapat pasukat ng wedding? wala akong idea. haha. kasi we're planning November sana.
juice406 - hi sis! namiss kita dito sa thread!!! congratulations sa mga nabook. hhhmm, for me, nung pre nup pic, parang remembrance din yun. ako gustong gusto ko nakikita nung mga ganon, pero i know some couples na hindi na nag pe=prenup, pero usual itong pinapakita during reception. nice move nga nung di muna natuloy ang pre nup nyo, dahil delikado sis, masyadong maulan. kami nga, instead of November, minove ko nalang muna ng January. too early pa kasi, since May pa naman ang wedding namin.
ninaceline - correct sis, super major din na tawa ang inabot ko dyan sa bridesmaids. nagising nga si mama sakin, dahil katabi ko sya habang nanonood ako. and ang kulit ni *helen* nung chubby na girl. lol.

i wonder kung ganon nga ba talaga ang mga BM's. pasiklaban sa mga role nila sa b2b. napaisip tuloy ako if i should upgrade nung isa kong BM to MOH. kasi nung isa kong BM, college Bestfriend ko. eh since di na kami masyado nagkikita, i opted to give her the BM role, kasi di naman sya gano nakakatulong sakin sa wedding preps. sigh.
laireyes - hi sis! welcome sa thread!
health.gal - sis, kamusta ang vacay sa Batangas? di pa maulan?
augbride - correct ka dyan sis, kahit di sya natulong sa wedding preps, nung feeling lang na supportive sya sa lahat ng ideas, enough na sakin yun. tsaka sabi naman nya, di naman daw sya magaling sa paghahanap. magiging kawawa lang daw ang wedding namin pag tumulong sya, at baka daw magkaroon ng problem.
ishi90210 - sipag ni sis!

ako din kanina, dami kong labada. haha. naiwan nung labada ko nung Sunday and Saturday, sama ko pa ibang damit ni h2b. ang damiiiii. buti nalang di umulan samin at nakapagpatuyo ako. salamat sa washing machine at dryer. hehe. and naku sis, dapat ayusin mo na yan sa partial coordinator. teka, di ko alam na pwede ang partial? pano ang hatiaan ng tasks?
carmichael18 - correct sis, inspiration ka talaga!

nakakatuwa naman yun sis. parang bahay bahayan - kasi in real life na talaga. i'm so proud of you! bonggang housewife ka na talaga. naalala ko tuloy si mama, kasi sya naman, ang gising nya lagi, 3am ng madaling araw, para mag prepare ng breakfast namin palagi.

naku sis, okay lang ba kung nung actual eh? para may something borrowed na ako? hehe.

salamat ng bonggang bongga!
blueflame - sis, dahil October na... papalapit na ang January. hehe.

3 months nalang sis.... parang ako ata ang kinakabahan sa mga January b2b. waaahhh. natetense din ako. i hope you're feeling okay na sis! di panamin napanood ni h2b ang No other woman. ang hirap yayaain talaga non kapag tagalog! baka ending neto, ako lang mag isa ang manood. grrr.

ang lungkot naman non. and kamusta ang lakad. sis, san banda sa Recto? parang gusto ko narin mag canvass ng mga invites namin ni h2b.you think may makita kami na invites na worth 3k lang. ? yun lang niset ko na budey.

i checked nung mock set up! ang ganda ng bouquets sis! pag ganon ba , senyo na yun? hehe.
qtpurple04 - hhhm, actually sis, parang naintindihan ko rin si FMIL mo. di naman sa okay nung ginagawa nya, pero may mali na icompare ka. kasi ganto yun. nung kuya ko dati may long time gf sya. 7 years sila and samin na nakatira talaga. malapit narin sila ikasal. as in kapatid na turing ko sa kanya, then si mama ko naman, anak na din talaga turing. until, dumating nung time na si kuya, may nakilala na iba, as in bago palang sila ha. yun ang pinakasalan nya. pati ako mismo, galit dun sa girl. haha. pati si mama. LOL. di naman sa galit, pero di namin natanggap kaagad. ngayon, happily married na sila, and may 3 cute na akong pamangkin. hehe. though di kami ganon ka close ng SIL ko, tanggap na namin na ganon talaga. pero until now, kahit wala na si kuya at ang ex nya, may constant communication parin kami ng ex nya. dahil sabi nya, kahit wala na sila ni kuya, ang gusto lang nya, ma maintain ang closeness namin dahil parang magkapatid na sila. pero syempre, di alam ng SIL ko na close parin kami ni ex ni kuya.

and i'm glad naman na okay naman pala si FMIL kahit papano.

nahimasmasan ako .
patchi2012 - waaah, baka sis, come the wedding day, papalit palit ka ng shoes. 1 for wedding preps, 1 for the wedding ceremony, then nung may strap for the reception. LOL.

ahaha, bongga ang banat mo na bagoong at tuyo. but then i agree sayo sis, kasi mga tita ko pag nauwi sa US, ang mga bitbit ganyan, samahan mo pa ng corned beef. samantalang mas masarap ang corned beef sa US.
riaenvodka - sis, regarding your question, tayo ang bibili non. sa mga pagawaan ng gown, usually meron sila non. buy ka nalang. or if you want, pa customize ka nalang. ako nng wedding cord ko friend ko ang gagawa.

then ang veil, baka sa pagawaan nalang ng gown.
Judessec - shax, 225k ang laking halaga non. kahit ako nanlumo. sigh. sayang yun sis, and sana maayos nyo
michiness - hahaha. natawa naman ako dun sa eksenang basketball sis. ako nga sis, nung time na pinanood ko ang Temptation of Wife, inaaway ko si H2b nang walang kadahilanan. sabi nya, kung ganyan lang din, itigil ko na ang panonood ko non. haha.

sigh,sayang nga at di ako nakasama dun, pinilit ko talagang humabol. eh since payday and sumabay sa Friday, no wonder traffic talaga sa Ayala.
mawchan - correct sis, murayta talaga sa kanila, kaya nagustuhan namin sila. nung katapat na store kasi ng Rosys, ang quote nila samin ay 30K. lumaki ang mata ko nung narinig ko ang 30k. haha. pero may isa pa akong options. along roxas blvd, before mag baclaran church. Baie Boutique ang name ng store. may mga nakadisplay na gowns and super ganda din. 6k ang starting price nila. try ko mag drop by dun within this month. hehe. balitaan kita.

actually si h2b, di lahat gusto sa beki, nung mga friends ko lang ang bet nya. nung iba daw kasi na beki, may attitude.
lennie.bong - sis, congrats sa major accomplishments!!! kami sis, walang exact budget for food. per table kasi ang bayad namin. kaya medyo malaki ang natipid namin.

2600 per table kami. nung table, for 10pax.

ang swerte naman ng mga pagbibigyan mo, may cheesecake pa! hihi.
chiclet_24 - sis, syempre okay lang yun

remember, tayo ang customers ngayon, and dapat masunod sa naayon.
cess - hi sis! welcome sa thread!
ishopnowfeelguiltylater - aww naku. actually sis, yan ang naging reason namin kung bakit di namin kinuha ang NSDG. kasi iba talaga nung papasok dun. though super ganda naman talaga nng church, kaso nung way papunta dun, and nung nakapaligid, di syado okay.

and i agree sa tip ni sis
health.gal about bayanihan. parang mini smx sya, and bongga ang rates nila! pasok sa banga talaga

check ko mdin Don Bosco sis, dun kami ni h2b next year. kapareha sis health.gal
HHhhm, regarding Pre-cana - ito ata nung mga itatanong, bakit ka magpapakasal? may nagpilit ba sayo na ikasal ka sa taong ito>? etc etc. naku, parang kinabahan naman ako dito ah. pero let's think positive mga sis!

Or ask tayo sa mga married na para may idea din tayo. Sis
karmi - help mo naman kami?

may nakita ako na blog, eto ang mga tanong daw:
-When and where were you confirmed?
-Do you know the stand of the church regarding family planning? (He then explained regarding the natural family planning)
-There's a part in the questionnaire wherein you will be asked if you are still going to marry your partner if you find out he/she is gay, he/she has a child, he/she is married and he/she is a drug addict/alcoholic/abuser.
-What was your biggest fight about?
-What don't you like about your husband to be?
-Where will you live?
-How many kids do you plan to have?
Happy preps everyone!!!