HI mga sis! Nakipag meet ako kanina kay sis
Qtpurple and sis
health.gal - as in super biglaan lang talaga ito. Grabe bonggang backread talaga ito, at ang matindi bagong bahay uli!

I hope everyones okay gawa ng Pedring na yan!
ez4gotten - thank you sis, medyo okay okay na ako kasi nakapag pahinga din ako kahapon. kaso di ako masyado nakatulog gawa ng lakas ng rain. btw sis, kamusta ang appraisal natin dyan? hihi. nagutom ako sa cake na bigay ni h2b mo sayo! yiheeeee!!!

pero kaw ba sis madalas nakakavisit kay h2b? ako kasi parang 2x a year lang ata, or kapag may special occasions. . hahah. ang layo kasi nila, sa h2b ang madalas samin napunta. and oh yes, malapit na pala pamamanhikan nyo ni h2b! kami move ng December. about sa pagluluto, bakit si h2b ko, kahit hiyang sa luto ko, ampayat parin nya. huhuh! hirap nya palakihin. sabi ko nga, dapat tumaba na sya bago man lang pre nup namin! para naman okay sa pictures
blueflame - sis, i'm so glad na you're feeling okay na. mwah! may reply ako sa thread mo about sa previous posts mo, kaso nadelete ko na eh. hehe. and nakalimutan ko na kung ano yun. congrats sa pag book mo sis. okay ba sila kausap in person sis (velvet mood) - and sino nung nakausap mo in person ? si sir edwin sis?
health.gal - pag punta ko ng December dun sis, ask ako ng copy then pa photocopy ko nadin. para less na ang iisipin. eto bang misalette ay parang program sa simbahan? nung binabasa mismo? Btw, it's so nice seeing you earlier sis! mwah! up to now, worried ako dito sa tablet, haha. try ko ulit mag wifi later, sana lang umokay na at makapag dl na ako ng games. btw, re: dun sa
bakit hindi na mapapanood pag sa katagalan? ni sis chelle, baka ibig nyang sabihin, hindi naman araw araw panonoorin nung video? and for sure, pag matagal na yan, baka nakatambak nalang. tama ba pagkaintindi ko? hehe. bout prenup sa highlands: ang alam ko open sila for prenup. same ang rate for members and non members. nakalimutan ko nga lang kung magkano.
ninaceline - oh no! naloka ako bigla. sigh, pero ano nanyari dun sa STD? napamigay nyo ba sis?
blushing margarita - sis, i am so proud of you.

and i hope okay lang sya. bakit puputulin? diabetic ba sya sis?
chelle_peachy0524 - yun naman pala sis, kung de kalidad, go go na dyan! sayang din ang matitipid mo. mas makamura talaga kung ikaw ang mag hanap ng printan. Ecopark parang bet ko din dun. nakita mo marami din maganda views dun. kaso di kaya over crowded pag dun na ang pre-nup. lapit lang sila h2b dun eh.
patchi2012 - wow sis, ano na nung gagamitin mo na b. shoes? mukhang maganda nung turquoise.

ako wala pa ako naiisip na shoes, pero for sure, flats lang gagamitin ko. or baka blue nalang din, para may something blue na ako agad.
augbride - naku for sure sis, kapag kasal na kami, baka stop na ako sa pag blog. hehe. dahil parang nakakatamad na, wala na ako makukuwento dun. haha. and yes, super supportive sya. more post sya sa FB nya about dun sa link ng blog ko. haha. para makita din daw ng friends nya. pero mas maganda sana kung may contribution din sya sa blog ko. haha.
michiness - sis, same tayo di rin ako nakapasok. gawa ng ubo ko at ayaw narin ako paalisin ni mama sa house. good thing medyo okay okay na ako. sigh regarding PS, di parin ayos nung hatian. need ko ata mag bawas talaga, kaso kasi nasabihan na namin. eh nag text narin daw kasi nung nag pe-presenta na maging ninang kay FMIL.

at ang malupit dito, nag sabi narin kung magkanong amount ang ibibigay samin ni h2b sa kasal. haha.
ishopnowfeelguiltylater - sis, welcome back!!! naku pwedeng pwede dumungaw. kaso may pasok ba kayo non sis? sat kasi yun. hehe.
ishi90210 - sis, naku mukhang delikado ang cheesecake. for sure matunaw sya, go nalang sa fondant.
vincris16 - nikabahan ako bigla sis, si mama ko pa naman, may pag ka emotional. at times, mag sasabi na di pa daw sya handa na magpapakasal na ako. there was a time pa nga na sabi nya di daw sya mag aattend ng kasal namin. LOL! pero buti umokay naman ulit. kaunting lambing lang and assurance.
qtpurple04 - hi sis! twas nice meeting you kanina. sa uulitin. hihi. sa honeymoon, pwede na pala ako pa book senyo at bigyan mo ako ng bonggang discount! hihi. regarding luto, naku si h2b, pag pinagluluto ko, may kasama pag pikit at sasabihin : *baby, super sarap mo magluto. the best!* haha. kaya ayun, dami ko pinagaaralan kung ano anong putahe. at so far, ang pag experiment ko, ok naman ang kinalalabasan. haha. bout sa pamamanhikan and issues kay FMIL, bakit sis? anong issue naman? di ba sila ganon ka welcome pag dating sayo?
Sis
ez4gotten - san nung bad reviews sa velvet mood? as in sa velvet mood thread ba?
RE pamamanhikan mga sis, ano ba ang nanyayari dito? eto ba nung magsasalita si h2b na papaalam na papakasal kami? as in super wala akong alam. may kailangan ba akong gawin during this day?

haha. 2 lang kasi kami ni mama sa bahay, tapos kapag pumunta ang family ni h2b, parang wawa naman kami ni mama, ma overpower kami. hehe.
Hi sa mga ibang sisses!