^just some clarification... yung properties that they want to donate to you and your brothers, hindi pa ba yun yung mamanahin nyo? kung iba pa yun, syempre mababawasan yung mamanahin nyo kung ido-donate na nila sa inyo yung properties.
pero imho, mas okay na habang buhay pa yung parents eh ipamahagi na yung properties para hindi magulo. malaking problema din ng nanay ko at mga kapatid nya yang partehan na yan, buti sana kung hekta-hektarya yung paghahatian... kaso 220sqm lang naman kaso 5 silang magkapatid at walang gustong maglabas ng pera to subdivide the property accordingly.
anyway, when choosing which way to transfer the property is the best, check mo kung saan ang pinaka-mababang tax ang babayaran. nakalimutan ko na kasi kung may tax or fees kahit pag deed of donation ang means of transferring. most likely meron kasi sa pinas naman lahat may tax.
pero yun nga, check which is the least costly ang tax na babayaran... deed of donation, (simulated) sale, thru inheritance.
ang alam ko pag thru inheritance may estate at inheritance tax pa yata. kung may last will & testament eh ipapa-probate pa yan. kung walang will, extrajudicial partition na lang mangyayari, yung tipong kayo-kayo na lang magkakapatid ang mag-aagree kung paano hahatiin pero yung paglilipat ng title sa mga names nyo may fees at tax pa din.
kung papalabasin na binenta sa inyo ng parents nyo yung gusto nilang 'i-donate' sa inyo, may transfer tax at capital gains naman, tapos ganun din babayaran din yung paglilipat sa name nyo ng titulo.
so bottomline, check nyo yung mga babayaran then choose the best method of conveying the property.
yung sa typo error... yung nakuha namin na property sa pag-ibig may typo error din. inireklamo ko at sila pinaglakad ko ng correction kasi nga gagawa pa ng affidavit yung original or registered owner, ite-trace pa kung saan nagkamali hanggang umabot sa mother title, then papa-ayos pa sa registry of deeds tsaka may isa pang agency na di ko matandaan name. basta medyo mahabang proseso at syempre maraming fees na babayaran. hindi naman yan hine-hearing... correction of paperwork lang yan kumbaga. yun nga lang madaming agencies ang involved, at least 3 yata. sa registry of deeds kayo magsimula magtanong. better bring a CAD rendition ng tech description para makita agad na yung mali. dapat kasi nagko-close yung points nung tech description to be considered correct.
pero again imho, dapat ipa-correct kaagad, kasi kung hindi, yun pa din erroneous tech description na yun ang makokopya sa bawat salin ng titulo na yun, so habang lumilipat ng lumilipat eh mas hahaba ang pagte-trace back kung saan nagkamali. kung balak nyong ipamana sa mga anak nyo yan eh maawa naman kayo sa kanila kasi sila eventually maglalakad nyan.
yun nga palang mga taxes at fees na babayaran for each method of property conveyance, pwede nyo din itanong sa registry of deeds. for likely hindi din alam ng lawyers exactly how much, pero kung me kilala kayong lawyer you can try asking, wala naman mawawala.
caveat, di ako lawyer, based on personal and work experience lang opinions ko tsaka nag-law din ako before. but it was a long time ago. :-)