*dream*, here's my take on this ha, medyo alam ko kasi yung sitwasyon na ganyan..
First, Same age tayo, you're still young, you live with your parents plus you are jobless, kaya dont get mad at your parents, especially to your dad if he tends to be too nosy about what you would do with your life. Intindihin mo nalang, tama na yung eldest nyo yung medyo nalihis ng track, Im sure he wouldnt want you to go that way too.
Pangalawa, May asawa na yung Eldest brother mo, and I think, its your parents' call if theyd let them stay and do anything they want in that house, Im pretty sure napagsasabihan din nila ang eldest kuya mo, whatever his reason is for not working and letting his wife take over his responsibilities is actually their decision as well, agreement na nilang dalawa yan kung bakit ganyan ang set-up. Sobrang similar sa sitwasyon mo yung sitwasyon ng bestfriend ng BF ko, married na sya, and they live with his parents, he's a stay-at-home hubby and the wife works, wala namang issue sa kanila, kasi ang katwiran ni lalake, dun naman sila nakatira sa bahay nila. he takes their kid to school and all the mommyworks, siya ang gumagawa. Alam ko mali yung mentality, pero may tao talagang ganun eh, walang kusang palo, kung titingnan mo, parang ang sama naman kasi asawa nya pinagttrabaho nya, tapos sya ang nasa bahay, pero wala eh, we know nothing about what their agreements are. How's your kuya's credentials sa school pala? I assume medyo hindi kagandahan since you said he graduated lang pala last year (28) since he's 29 ngayon? Baka isa yan sa mga dahilan that hinders him from getting his ass up and look for a decent job. Baka naman din kasi mas malaki ang maging income nila if the wife would be the one working, kesa siya ang magtrabaho tapos mas maliit ang maiuwi nya for his family.
It seems like medyo nagddwell ka sa sama ng loob mo sa eldest brother mo. You are blaming him for everything eh. If you think na nagiging abusado na ng sobra ang kuya mo sis, talk to your parents, sila ang kausapin mo about it dahil sila lang rin naman ang may karapatan na pagsabihan yung eldest brother mo, remember, jobless ka rin ngayon, baka pag nasumbatan mo yan ibalik pa nya sayo na ang yabang mo, e wala ka rin naman trabaho ngayon. Minsan kasi ang laki ng impact ng sibling rivalry, ang laki ng nagiging alteration sa perception mo dun sa kapatid na medyo hindi mo kasundo. Kahit yung mga bagay na kailangan at pwede mong intindihin, hindi mo magawa. Im not saying you are wrong to react or think that way, pero sinasabi ko lang sis that you should evaluate rin siguro, san ba galing yang sama ng loob mo sa kuya mo, dahil ba wala kang madrive na sasakyan? dahil di ka nagaaircon much as they do? or may mas malalim pa dyan? Medyo ang dating kasi sakin, may hint ng selos on your part, I could be wrong though.
Pangatlo, Si Kuya2, if he gives out of goodwill, wag natin sya pigilan to do that, pamilya nya kayo eh, hindi man nya responsibilidad na bigyan even yung eldest brother nyo, he's doing it ng kusa, ganun naman talaga ang magkakapatid, you are willing to give even if you are not asked to do things for the family. Im thinking iniintindi nalang nya yung sitwasyon ng eldest brother nyo.
Sa pamilya naman sis di maiiwasan na magkaron talaga ng tampuhan minsan, may masasabi kayo na makakasakit sa isat isa, ilan lang naman kayo sa bahay sis dream, parents nyo tapos tatlo kayong magkapatid, kaya natural lang na yung mom nyo would stay neutral or would stand by the side of whoever yung mukhang nagsosolo, like dun sa confrontation with your dad, its eldest kuya and dad tapos mom and kuya 2, lugi pa nga eldest brother mo kasi kampi ka kay kuya2 mo heheh!

kidding aside, natural lang yung mga ganung tampuhan sis, wag ka masyado magdwell on those conflicts na normal na nangyayari sa isang pamilya, especially yung ganyan na lahat kayo puro adults na, lahat marunong nang sumagot.
Alam mo sis, yung youngest brother ng mom ko, parehas na parehas ng eldest brother mo, never nagkaron ng trabaho and forever reliant samin until the time that he had kidney failure, since wala syang savings, I took over the expenses of all his treatments until he passed away few years back. Hindi naman sa proud ako or masyado namin tinotolerate ang pagiging tamad nya, pero ang kinaka-proud ko is, kahit dumating sa point na nashoshort na kami sa budget sa laki ng expenses, never sila nagtalo about money, wala akong marecall na issue na nainvolve ang pera at may nagreklamo dahil siya ang bigay ng bigay tapos yung isa lunok lang ng lunok.
Im not sure if your eldest brother can change pa because I dunno whats holding him back from working or standing up for his responsibilities, pero kung meron man makakapag push sa kanya to change, that would probably be his wife and your parents, talk to them sis. Vent out narin so they would know what your sentiments are, Im sure after mo sila makausap luluwag yang pakiramdam mo and kahit papano maeenlighten ka and baka mas maintindihan mo yung eldest brother mo. Who knows, baka pag mas naintindihan mo sya, magawa mo pang kausapin sya and imotivate sya to work din para mas maging stable ang pamumuhay ng family nya para hindi lang sila sa wife nya and sa contribution ng ibang kapamilya umaasa.
Nga pala, get married if you are sure that its about time for you to settle down, kung reding-ready ka na to tie the knot. Kung kaya mo na ang responsibilities that would go with it and not just because you want to get away from all the "Stress" sa bahay nyo. Came across your posts in other threads, bago pa lang din pala kayo ng BF mo, dont rush into things sis, bata ka pa, andami mo pang oras to decide kung ano talaga ang plans mo sa buhay mo. For the meantime, do your part para maayos nyo ang problema sa bahay nyo kesa yung isipin mo lang kung pano ka tatakas and magsstick to whats convenient for you, coz if you do, that wouldnt make you different from your eldest kuya.
sorry for the super habang reply.

nakarelate kasi ako sa sitwasyon, hehe!
