watch now

Author Topic: marikina hospitals pls help!  (Read 152697 times)

fionaapple

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #160 on: May 28, 2015, 06:24:03 am »
^pinakamura pag si Dr. Tansinsin ang OB, kapag visiting ang OB mahal mga PF nila. Kaya ganun.

engr_neechee

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #161 on: May 28, 2015, 08:20:21 am »
As per my OB, eto yung mga quote niya nung buntis pa ako:  St. Vincent - 40k NSD, double for CS.  For St. Victoria, minus 10% ng St. Vincent.  Tapos ayun nga, mas gusto ko sa VT kasi bago, malinis at since maternity hospital siya, bihira ang may sakit.  So sa VT, 70k daw for scheduled CS.  Plus 10% naman kapag emergency CS.

jentot11

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #162 on: May 29, 2015, 02:11:31 am »
@engr_neechan, oo nga sis, pf nga ang mataas.. Private na ba room mo?

@fionaapple, wala ngang 20k pf ng aa iyo.. Makakatipid talaga..

o9kristin

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #163 on: May 29, 2015, 09:34:18 am »
Ahh I see. Thanks for the enlightenment.. sinasabihan ko kasi best friend ko na sa VT na lang manganak kasi nga mura tsaka ok naman facilities..

engr_neechee

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #164 on: June 02, 2015, 08:18:41 am »
^^ yes. private room.  maganda ang private room nila.  Yung colors eh hindi pang-ospital kaya di ka magiging gloomy sa stay mo.  Ok rin yung washroom.  Masarap din ang food.  Standard procedure din na kapag aakyat ka para magbreastfeed, kailangan nakawheel chair. 

Papiseed

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #165 on: June 03, 2015, 10:19:35 am »
Baka may idea kayo how much rates sa Marikina Valley? :)

jentot11

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #166 on: June 07, 2015, 10:11:07 pm »
^^ yes. private room.  maganda ang private room nila.  Yung colors eh hindi pang-ospital kaya di ka magiging gloomy sa stay mo.  Ok rin yung washroom.  Masarap din ang food.  Standard procedure din na kapag aakyat ka para magbreastfeed, kailangan nakawheel chair.

Pwede iroom-in si baby? Sa 20 pa ako makakapagvisit sa VT kaya interested ako.. hehe

euwie

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #167 on: June 07, 2015, 10:56:13 pm »
Nung nanganak ako sa vt ni-room in na si baby. Hindi ako scheduled cs, mataas bp ko nung pagpunta ko dun kaya sabi ni dr tansinsin cs na ako agad maski almost 2cm pa lang ako. Mala 50k lang lahat nagastos namin minus philhealth. 3 days yata ako sa private room, dapat 2 days lang e sa kagustuhan ko malipat sa pinakamalaking private room at masakit pa talaga sugat ko, nagpa extend ako ahihi. Next time na mabuntis ulit ako, maski covered na maternity namin, i will still choose to give birth in vt. At tama sinabi ng isang sis natin dito, ok dun kasi maternity hospital sya so hindi halo halo nagpupunta dun na may sakit.

jentot11

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #168 on: June 10, 2015, 01:34:09 am »
^kelan ka nanganak sis?

itsnikimendoza

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #169 on: June 11, 2015, 11:37:04 am »
anyone who gave birth sa St. Vincent? Will be giving birth there this Sept. okay ba don mga sis?

coyenho

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #170 on: June 11, 2015, 01:58:41 pm »
anyone who gave birth sa St. Vincent? Will be giving birth there this Sept. okay ba don mga sis?

Hi sis, okay  naman sa st. vincent. yung sister ko dun nag give birth and yung OB nya si Dra. Chombon. unlike sa St. Victoria! nako ang dumi kaya may ipis yung room.
« Last Edit: June 11, 2015, 02:08:22 pm by coyenho »

tartyjud

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #171 on: August 15, 2015, 10:28:23 pm »
Hi mga Sis. nagbasa ako mula umpisa about VT. confirmed na mura sa VT. But i have a very realistic question. Pls help... napansin ko halos majority kayo na nagpost dito, CS ginawa ni Dr. Tansinsin. isa ba sya sa mga doctor na pipiliin mag CS agad instead of making alternatives para maging Normal delivery parin? nabasa ko. paunti na ng paunti ang mga doctor na trained magikot ng breech baby(ulo sa taas) into utero position (ulo sa baba) at takot gumamit ng Vacuum at forceps, kaya dumadami ang rate ng CS. mas madali daw kasi gawin.. Thank u... in case malaman kong isa sya sa ganung docs, mas ppiliin ko na si Dr. Nacuum kase nabasa ko gagawan nya ng paraan inormal

tartyjud

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #172 on: August 15, 2015, 10:33:45 pm »
also to add: Madaling maniwala sa mga reasoning ng mga doctor kung bakit need gawin CS bigla kase no choice na sa sakit g labor..kahit hndi pa un ang last option tlaga if youll ask old school OBs. May nakapagsabi sa akin na maging mapanuri talaga sa doctor kase shempre Emergency CS means higher PF for them and higher bills for their owned hospitals

engr_neechee

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #173 on: August 17, 2015, 05:24:26 am »
Hi Sis tartyjud,

First, hindi ako kay Dr. Tansinsin.  Second, napanood ko rin sa youtube yung "The Business of Being Born."  Third, may law din ngayon na if the mother chooses to just give birth through CS, that would be okay, especially if she claims that she has low threshold of pain.

If, like me, you are a first time mom na naniniwala na ginagawa ng mga ospital at doctor ang CS para mas malaki ang kita lalo na if you have watched the film, you will be surely convinced.  The setting of the documentary was in NYC.  Before I gave birth, nakausap ko yung cousin/kumare kong nurse practitioner sa NYC and sinabing ang dami daw lawsuits nung midwife na yun.  And hindi raw siya magaling magpalpate kaya ang ending eh dinala ang mom sa 48 hours nang naglalabor sa hospital dahil di mapaanak, yun pala breach yung position.

Old school OBs, yes, they were trained na parang "hilutin" ang buntis para umikot - but that was an old medical practice.  Every year, doctors are sent to continuing education seminars para maupgrade ang skills nila sa latest standard.  Kaya nga ang dami ring old school pedias na naniniwala na dapat bigyan ng water ang infants before 6 months - which is no longer the norm/standard today.  The reason bakit di na pinapaikot is because there are indeed risks.  Like mine.

I gave birth November 24.  I was due ng December 3, a day after my 30th birthday.  November 13 pa lang, gigil na gigil na akong manganak.  Naglalakad ako paakyat sa Timberland kasama ng Labrador ko para matagtag.  Hindi bumubukas ang cervix ko.  Yung last checkup ko, I was given a request for NST saka isa pang ultrasound, di ko maalala kung ano.  Basta the first one, NST ata, dun ko unang nakita ang OR ng VT.  Dun kasi yun ginagawa dahil nakafetal monitor ako.  Yung nurse sabi, grabe na raw ang contractions ko.  Ako naman, di ko pansin kasi mataas din siguro ang threshold ko sa pain.  Nakapag-Qizia Cafe pa kami ni hubby after.  Take note, cephalic position na si baby ko since Week 28.  After ng NST, bumaba ako para magpaultrasound.  I can't recall what the procedure was pero ito yung ginegrade-an si baby.  Kitang-kita na rin dun ang contractions ko.  Pero sabi ko, di pa po ako pwede magpaadmit kasi talagang sarado pa cervix ko.  At yun nga, nakita sa ultrasound na may loose nuchal chord ang baby ko. 

Sa ibang doctor, susugal pa sila na i-normal delivery yan.  Maluwag pa naman daw.  So ayun, after ng ultrasound, nagdate muna kami ni hubby.  Pero tinext ko na ang results sa OB ko, pati sa family ko na ganun ang nakita sa ultrasound - may cord coil. 

Ako pa rin ang binigyan ng option ni Dra Bles kung ano decision ko - susugal ba or scheduled CS na.  My whole family, ayaw nang sumugal.  I've come that far para mawala pa si baby.  We've heard stories na kumpleto sila sa baby stuff pero ang ending, inuwi nila ng matigas yung bata.  Risky yung ganun - sumugal sa cord coil, baka masakal, etc.

Same is true with breach.  Ako mismo, hinintay pa noon ng mga doctor baka sakali umikot nung naglalabor ang mom ko.  Pero hindi talaga.  What if paikutin nila ang baby, yun pala may cord coil?  Eh di nasakal si baby mo.  HIndi lahat ng utz kita ang cord coil. 

And if gastos ang usapan, yung 50k ni Dr Tansinsin eh normal delivery pa lang sa ibang ospital. 

Sabi nga ng OB ko, we will perform what is best for you.  Kasi, like you, I was reading a lot and researching before I gave birth.  Kesyo may birth plan birth plan pa, when in reality, hindi yun nasusunod.  Unang yakap is hindi rin madalas nasusunod because may poop pa yung baby mo eh gusto na nila agad idikit sayo. 

I have heard from someone na nakakapagnormal delivery sila kay Dr. Tansinsin as low as 11k. 

Just my thoughts sis. :)

tartyjud

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #174 on: August 17, 2015, 06:54:35 am »
thank u sis eng.neechee... thanks ah... meron ako mga nakachat na patient ni dr. tansinsin... un mga cases nila na bigla sila CS... which originially ang plan was normal all throughout prenatal checkups, [textspeak!] mga naging case nila... very minor lang. bigla nalang ssuggest ni Dr. T na CSm shempre wala sila choice... pero nung tinanong ko sa doctor... magagawan pa ng paraan un case nila hndi dapat cs agad. so Im taking Dr. T out of my list na. Hanap ako ibang dr. na afiliated sa VT baka sakaling mura din. gsto talaga ng bf ko na dun ako manganak e.

jd27

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #175 on: February 11, 2016, 09:51:16 am »
Good morning!
Newbie po ako dito. Nagahahanpa kasi ako ng reviews about Salve Regina Hospital. Anyone has po? CS kasi ako. Anyone knows magkano rates nila and kung ok ba yung hospital? thanks!

SakuraBride

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #176 on: March 23, 2016, 09:25:59 am »
I'm 33 weeks pregnant. Naghahanap din ako ng feedback sa Salve Regina. Scheduled CS ako.  :)

fionaapple

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #177 on: March 23, 2016, 09:43:34 am »
^loyal pa rin ako kay Dr. Tansinsin.

SakuraBride

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #178 on: March 23, 2016, 02:36:51 pm »
Good morning!
Newbie po ako dito. Nagahahanpa kasi ako ng reviews about Salve Regina Hospital. Anyone has po? CS kasi ako. Anyone knows magkano rates nila and kung ok ba yung hospital? thanks!


Hi sis, ang quote ni OB saken sa Salve is 65k for scheduled CS, deducted na philhealth. Gusto ko lang malaman based sa experience ng mga nanganak don kung fixed na yun rate or pwede pa tumaas. Based naman sa mga feedback na narinig ko, ok naman daw yung hospital.

Ms. Pink1988

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #179 on: January 28, 2017, 10:22:39 pm »
Hi sis, ang quote ni OB saken sa Salve is 65k for scheduled CS, deducted na philhealth. Gusto ko lang malaman based sa experience ng mga nanganak don kung fixed na yun rate or pwede pa tumaas. Based naman sa mga feedback na narinig ko, ok naman daw yung hospital.

Hello sis! May update ka ba regarding the rate of Salve Regina? Dyan din kasi ako manganganak sis. May 2, 2017 ang sched ko for CS. And okay naman ba ang service ng hospital mismo?

Thanks sis! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close