Author Topic: is he cheating on me?  (Read 15359 times)

cmfff

  • Guest
is he cheating on me?
« on: September 20, 2011, 04:56:31 pm »
I just got wed this year, and on my wedding day i remember pa na i feel unsure about what we were doing. 6 years na kame magkasama ni hubby ngayon, sa 6 years na yun di ko pa rin sya magawang pagkatiwalaan. normal lang ba yun? o ako lang? recently lagi na kaming nag aaway, i admit naggger ako sometimes, i guess bottomline nito is mahal ko lang talaga siya. yung recent away namin is i saw a red card sa wallet nya are you familiar with the MAHAL KITA INN? ako yes i am pretty much aware of it. well sabi nya sa friend nya daw yun baka pinag tripan sya at nilagay sa wallet nya. haaaay help me pls...

guilleanne

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #1 on: September 21, 2011, 01:49:36 am »
may track record na ba sya sis kaya hindi mo mapag katiwalaan?

anyhow, wala namang makakasagot nyan dito sis, kung iloloko or hindi ka ng asawa mo.

what I think you should do if you feel na nambabae si husband mo, be wise and kuha ka ng solid evidence, kasi mahirap na i confront yan si hub mo kung wala ka namang ibedensya, ikaw pa mag mumukhan gmasumi isip, at walang tiwala. minsan nga kahit may evidence na itatangi pa nila.

another way is to make is be a better wife para you can win him back. meron mang kulasisi or wala si hub mas beneficial to sa marriage nyo. you think you nag him alot then stop nagging. meron thread dito about the perfect wife yata, try mo browse dun, hindi kasi ako nagagawi dun kasi I'm perfect! hahaha! joke lang sis!

pero i wish sis na maling hinala ka lang. para happy. madals daw talga yang away pag newly weds..

smoothie

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #2 on: September 21, 2011, 07:41:31 am »
hi sis,

yun din ang question ko?

6 yrs narin kami ni hubby BUT last Feb. nahuli ko siya nag-cheat. Yang motel card na yan, I think is one of the signs that he might be cheating. So I would suggest just gather evidence, be alert and watch out for other signs. Another tip, Listen! kasi minsan dumudulas siya pag nagkwento. Be aware din if he's talking about a certain person. Also ask questions pero huwag mong ipahalata na hinuhuli mo siya.

As for your attitude, I would suggest lessen being a nagger. Guys really hate that. Ako nga hindi na nagger, naloko pa ako. And be more attentive to him at baka matauhan.

rapids

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #3 on: September 21, 2011, 08:36:54 am »
Tama sila sis, don't confront your hubby hanggat wala kang matibay na evidence. ang lalaki hanggat makakalusot lulusot at papalabasin ka na ikaw pamasama at mapanghinala.

I remember nung bago pa lang kami ng hubby ko,nahuli ko din nakikipaglandian sa text,una  pa lang  kinutuban na ako na may di magandang nangyayari ,siguro woman's instinct.. pero hindi ko kaagad kinausap sa isip ko mahuhuli din kita. one day, nakalimutan burahin ang sent items,ayun huling huli..kinausap ko siya ng masinsinan hindi ako nagsisigaw o pero lahat ng sinasabi niya may pangbara ako kasi madami akong evidence eh.  ang sinabi ko lang lang sa kanya, wag mo akong gawing t@ng@ hindi ako magpapakababa para lang sayo, kung hindi mo kayang magpakatino ngayon palang umalis kana. pinaramdam ko talaga sa kanya na di ko sa kailangan para mabuhay.

Ngayon maayos ang pagsasama namin ng hubby ko, lalo na nung nagkaanak kami. minsan tinanong ko siya, bakit niya nagawa yun, sabi niya sa akin, nasanay daw kasi siya sa buhay binata na madaming pumapansin sa kanya because of his work (saxophone player sa mga hotel sa baguio.) pero nung pinapaalis ko siya dun daw siya natauhan na iba na ang buhay niya.




« Last Edit: September 21, 2011, 08:38:51 am by rapids »

katrinac

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #4 on: September 23, 2011, 02:06:20 am »
hhhm, tip lang sis, paganahin ang insticts :) kasi for sure, tayong mga babae, malakas ang insticts natin. pero make sure lang, kapag ganon, hanap din ng evidence. pero naku, nakakapraning naman talaga kung ganyan ang makikita mo diba? for me, di enough nung reason na pinagtripan sya ng friends nya,  knowing na kasal na sya, and pwedeng pag awayan nyo ang ganyan na bagay. for me, hindi biro nung ganon, dahil magiging cause talaga ng away yan. di pa naman ako kasal, next year palang , pero i know malalagpasan mo yan sis. :) kausapin mo si h2b, and investigate . hihi

this_is_me

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #5 on: September 23, 2011, 02:34:49 am »
married life is hard... being a wife is hard...

we should always understand. we should adjust. we should always do things in order not to lose our husband.

why cant it just be fair?

if ayaw na nila, wag na. para walang nahihirapan...

showermist

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #6 on: September 23, 2011, 02:42:21 am »
alam mo sis, kung nagbabasa ka ng thread about kabit and cheating, etc-- alam mo na yung sagot sa tanong mo.

lahat ng may mga kabit iisa ang style heeh. if you found something on their things suspicious, sasabihin na nilagay lang daw ng mga barkada. na napagtripan lang daw sya. etc. andaming rason. aabot yan to the point na ikaw na ang may kasalanan. hehe. heck, it's their defencse mechanism.  sabinga ng ibang sis--hangga't kaya nilang lumusot, lulusot talaga sila.

you want to give him the benefit of the doubt yet. pero aminin mo, nai-stress ka na. wala na rin yung trust.

kung ako ikaw, aabsent ako ng ilang araw from work at mamanmanan ko aktibidades nya LOLs  ;)
 (pero syempre ipapanalangin ko na rin nasana wala talaga syang ginagawa hehe)

what if napatunayan mo na may ginagawa nga mister mo, ano gagawin mo?

katrinac

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #7 on: September 23, 2011, 03:44:56 am »
minsan kasi ang mga guys, kapag nag tanong tayo, and super guilty sila, sila pa ang galit. magwawala, magbabasag ng plato, maghahagis ng kung anong madampot. tapos kapag nag seek tayo ng advice from our friends, sasabihan tayo, "edi sa kanila ka maniwala, mag sama sama kayo".  :'( na saksihan ko yan sa dad ko. ganyan sya. pero since nahuli  na sya ng mom ko totally, ayun pa good boy na ulit.

mom_G

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #8 on: September 23, 2011, 04:02:51 am »
parang kaduda-duda nga yung red card.  sorry, praning din kasi ako!  but like every one else said, walang mangyayari if you confront him without any other evidence.  madali kasing mag-deny.  sana nga it really does not mean anything pero be very observant.

freeswan

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #9 on: September 23, 2011, 08:25:16 am »
sis, baka naman discount card ng pancit ang red card na nakita mo. Mahal Kita's pancit is very delicious. dito sa office namin, yan lagi ang handa.

realshaddy

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #10 on: September 23, 2011, 09:39:27 am »
for me sis, instinct lang talaga. super naniniwala ako sa womans instinct. pero sabi nga nila, after ng instinct natin, we have to gather solid evidence at hindi puro hinala lang, kase in the end tayo pa masisisi nyan na wala tayong tiwala sa kanila.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #11 on: September 23, 2011, 10:13:40 am »
sis, baka naman discount card ng pancit ang red card na nakita mo. Mahal Kita's pancit is very delicious. dito sa office namin, yan lagi ang handa.

Possible reason, but bakit kailanganang magsinungaling na sa friend daw yun and napag-tripan sya?  He could've told her that kung pansit lang talaga habol nya, lol.

I agree with showermist, yung reason na yan, sobrang gasgas na.  A friend of mine (girl) saw a loveletter on her bf's laptop.  Ang sabi ba naman, sa friend daw nya yun, nakigamit daw ng laptop sa kanya (guy).  Pwede ba, ang mga lalaki eh ayaw na ayaw pinapakialaman ang gamit nila.  Tapos kapag biglang may nahuling incriminating evidence, ang laging excuse eh kesyo nilagay ng kaibgan dun, nanghiram or whatever stupid excuse.  Ang mga lalaki, hilig gawing tang@ mga babae pag nahuhuli. 

To TS, sana tinanong mo kung sinong kaibigan nya yun.
« Last Edit: September 23, 2011, 10:17:50 am by ReservoirDogs »

PinKisH_23

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #12 on: September 23, 2011, 11:16:28 am »
Sis, ikaw lang makakasagot sa tanong mo kung nag chicheat sya sa yo.

Guys will really lie lalo na at may malulusutan pa sila, hahanap at hahanap yan ng excuse para mapaniwala ka nya na totoo ang sinasabi nya. Believe me, I've been there.

Anyway, kung ako sa yo, mag umpisa ka na magmasid. Wag ka lang pa obvious. Be your normal self pero at the same time make use of your senses. Check his phone lalo na kung asa banyo sya or natutulog. Check his schedule without being noticed. Pag nakagather ka na ng info at sure ka na, be ready for confrontation. Siguraduhin mo lang na lahat ng proof asa sayo. Para may isasampal sa mukha nya pag nag sinungaling sya.

whitelady17

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #13 on: September 23, 2011, 11:24:05 am »
tama sis, dapat na ask mo kung sinong kaibigan iyong tinutukoy niya,kapag may mga palusot kasi dapat hindi agad na niniwala dapat maging detective conan ang mga babae lol

1choi_ko9

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #14 on: September 23, 2011, 11:39:24 am »
sis mahirap hulihin ang asawa na nagchicheat. Kahit na pa instinct mo or kahit na pa meron talaga meron at meron yang palusot. Ewan ko ba kung ginawa ba talaga mga lalaki laging magpalusot. Ano ba gusto mo mangyari? Lets say umamin sya sayo na totoong may babae sya, hindi ba masakit yon? What would you do then? Can you handle the situation? Eto para sakin lang to sis ha, ang mga anak mo mag sasuffer. Sabi nga nila, ano ba mas importante, pagmamahal mo sa asawa mo at sa mga anak mo oo yung kasalanan na nagawa nya? Madalas mas matimbang yung kasalanan na nagawa ng partner, and then we will every possible way para maghigante. But what about the children? Don't you think we only thinking about ourselves? Dadating at dating sa point na hahanapin ng mga anak mo ang daddy nila. Dadating ang point na if maghiwalay man kayo, pipili ang anak mo san mas gusto nya magstay. So bottom line, ang anak magsasuffer.
Now you would tell me, pano naman ikaw/wife? God made us to LOVE our husbands no matter what. If you think he's cheating, pray to God na sana kung ano man ginagawa ng asawa mo matauhan na sya. Rememeber, kahit na pa asawa ka nya you can not change his ways only GOD can change him. I understand na nasa point  ka ngayon na questioning yourself maybe. What if? Why? etc etc... All I can say, whatever you think your husband may be doing, this is the time you cling to the Lord, nothing is impossible with him. And pag isipan mo muna ng maraming beses kung ano ang balak mong gawin ano man isagot ng asawa mo. Kase baka in the end you might regret it.

:)

g-shock

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #15 on: September 23, 2011, 11:51:13 am »
this is so stressful para sa ating mga wife but sometimes talaga its hard to trust our hubby lalo na pag may record na sa past... tama ang gawin mong mag gather muna ng enough evidence, guys kasi may tendency talaga mag deny to death hanggat makakaya... minsan huli na lulusot pa talaga.. pero lets us not all jump into conclusion din... minsan kasi akala natin womans instict natin un pala tamang paranoid lang tayong mga wife... pray lang sis for guidance.. malalagpasan mo din yan

j a n i z

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #16 on: September 23, 2011, 11:55:26 am »
naku same reason ng mga lalake, pag nahuli s kaibigan nila.

same thing happened with my friend. nakita nya may feminine wash dun s CR ng house ng bf nya. ang sabi nun bf nya, s friend daw nya yun n nakitulog s kanya with his gf. ayun, nagkabukingan may 2nd girl nga si bf nya at almost a year na!

simplyme28

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #17 on: September 23, 2011, 01:26:41 pm »
always trust WOMEN's INSTINCT.. ako never pa nag failed dyan...  ;)

cmfff

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #18 on: September 23, 2011, 04:51:49 pm »
may track record na ba sya sis kaya hindi mo mapag katiwalaan?

anyhow, wala namang makakasagot nyan dito sis, kung iloloko or hindi ka ng asawa mo.

what I think you should do if you feel na nambabae si husband mo, be wise and kuha ka ng solid evidence, kasi mahirap na i confront yan si hub mo kung wala ka namang ibedensya, ikaw pa mag mumukhan gmasumi isip, at walang tiwala. minsan nga kahit may evidence na itatangi pa nila.

another way is to make is be a better wife para you can win him back. meron mang kulasisi or wala si hub mas beneficial to sa marriage nyo. you think you nag him alot then stop nagging. meron thread dito about the perfect wife yata, try mo browse dun, hindi kasi ako nagagawi dun kasi I'm perfect! LOL! joke lang sis!

pero i wish sis na maling hinala ka lang. para happy. madals daw talga yang away pag newly weds..


thank you sis sana nga..haaayyy

cmfff

  • Guest
Re: is he cheating on me?
« Reply #19 on: September 23, 2011, 04:54:17 pm »
hi sis,

yun din ang question ko?

6 yrs narin kami ni hubby BUT last Feb. nahuli ko siya nag-cheat. Yang motel card na yan, I think is one of the signs that he might be cheating. So I would suggest just gather evidence, be alert and watch out for other signs. Another tip, Listen! kasi minsan dumudulas siya pag nagkwento. Be aware din if he's talking about a certain person. Also ask questions pero huwag mong ipahalata na hinuhuli mo siya.

As for your attitude, I would suggest lessen being a nagger. Guys really hate that. Ako nga hindi na nagger, naloko pa ako. And be more attentive to him at baka matauhan.


thanks! pero i cant imagine lang talaga na niloloko nya ako if totoo man hinala ko. kala mo kilala mo ma sya dahil matagal na kayong nagsasama pero ako mejo may mga di pa rin alam sa kanya. yes il try to seek more evidence that way kun totoo man i wont waste my time with him.  >:(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close