Sunday before my bday.Him: So san tayo sa Tuesday?
Me: Anong meron sa Tuesday?
Him: Anong ano? Nagpapacute ka pa sakin.
Me: Wala naman tayong naka-schedule na lakad ah. Ano bang meron?
Him: Tigilan mo na hindi ka cute.
Me: Ano nga? Ano ang nakalimutan ko?
Him: Hindi mo naalala?
Me: No.
Him: Birthday mo. Birthday mo kaya...
(Wala nakaka-touch lang na unlike other guys na kelangan mo ulit ulitin yun important date sya pa talaga ang nagpapaalala ng araw na yun sa akin. At sya pa ang nagtatampo kasi hindi ko naalala na bday ko.
)Day before my birthdayHim: So anong plano mamaya?
Me: Wala. Matutulog ako ng maaga. Inaantok na ako.
Him: Hindi pwede kelangan mo antayin ang twelve!
Me: Ayoko inaantok na ako.
Him: Basta kelangan antayin mo yun twelve. Birthday mo kaya.
Me: Okay lang yun bday ko naman.
Him: Kaya buong taon kang tulog ng tulog eh. Anong iluluto mamaya?
Me: Baked mac? May elbow macaroni pa dun at pasta sauce.
Him: Okay. Bawal ka matulog kelangan antayin mo yun 12.
(Ewan anong meron sa 12?)Habang nagluluto.Me: Ako na magluluto.
Him: Hindi. Birthday mo kaya bawal mapagod.
Me: Okay.
Him: Nakakainis. Nakakapikon.
Me: Bakit?
Him: Kasi sarili ko lang pinagluluto ko nito.Specialty ko kaya ito. Ngayon pinagluluto pa kita.
Me: Ah ganun sige ako na magluluto. Sinusumbat mo pa! Sino ba may sabi sayong magluto ka?!
Him: Ano ba naman dapat kiligin ka kasi ikaw lang pinagluluto ko. (hug) Bakit ba hindi ka kinikilig?
(Bato ako. Nakakabwisit yun pakilig nya?) LOLBago mag-TWELVE (ewan big deal talaga sa kanya ang 12 na yan)Me: Antok na ako talaga. Wag na natin antayin mag-12.
Him: Hindi pwede wag ka matutulog. Dyan ka lang.
Me: Hindi ko na kaya.
Him: Isa. Sinabi ng bawal matulog.
Me: Tulog na me.
Him: Bahala ka kelangan natin antayin mag-12 kundi aawayin kita.
Me: Okay. *pikit*
Him: Isa. *kiss, tickles, hug*
Me: *dumilat* uhm alis ka. alis ka. tutulog na ako.
Him: No. Aantayin natin mag-12.
Me: Okay. Dun ka na tapusin mo na yun work mo.
Him: Sige. Wag kang pipikit babatuhin kita ng mouse.
5 minutes before 12.Me: (malapit na. makakatulog na ako.)
Him: Ayan malapit na magtwelve.
Me: Dapat may bday song ako. Kantahan mo ako with kasamang palakpak.
Him: No.
Me: Matutulog naaaa akooo...
Him: *playing party in the club* ayan may music ka na.
Me: zzzzz...
Him: Happy Birthday. *kiss*
Me: 12 na?
Him: Oo birthday mo na. Tara kain na tayo.
Me: Tapos na tayo kumain di ba?
Him: Ano ka ba konti lang kinain ko kasi kakain tayo ng 12.
Me: Sige na ikaw na lang kumain sasamahan kita.
Him: okay.
Kumakain sa kusina. Dumating ang mga friends.
Friends: Happy Birthday. Asan ang handa? (opo mukhang pagkain mga friends ko) Eh yun may bday pla asan?
Him: Nasa kwarto tulog na.
Friends nagpuntahan sa kwarto.
Me: Nandito ako sa kusina.
Friend: Sinosolo mo na naman eh. Happy Birthday S.
Habang nagliligpit. Friend: Aba naghuhugas ka ata?
Him: Bawal mapagod birthday nya eh.
Friend: Waw. Tara magkalat pa tayo minsan lang maghugas to. Sinapian ng mabuting kaluluwa.
Him: Hanggang ngayon lang toh bukas tatambakan ko sya ng plato.
Before matulog.
Him: Gumising ka ng maaga mamaya. Breakfast tayo.
Me: Okay.
Him: Magtaxi rin tayo papasok.
Me: Ayoko sayang pera.
Him: Birthday mo. Magtataxi tayo.
Me: Kulit ka.
Ang haba na. Sensya natuwa ako. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa gift and I really appreciate yun mga ganitong gestures. And this is the first time I felt so valuable and loved. Well aside from my family sympre.
