watch now

Author Topic: Vet says it could be distemper  (Read 215831 times)

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #60 on: March 23, 2012, 12:26:23 pm »
Nakaka-curious kung saan nang start ang Distemper dito sa pinas, i mean biglang outbreak ang nangyari all of a sudden  :-\ .Kami rin hindi rin kumukuha pa ng new dog lalo na mabilis makapitan ng sakit ang mga puppies, vulnerable pa sila sa diseases :( .

twelve5

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #61 on: March 23, 2012, 01:31:39 pm »
^ sis, may outbreak ba? Saan mga places? =(

No pasyal muna siguro dapat ang mga pets. Tsk.

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #62 on: March 23, 2012, 02:12:37 pm »
@Sis twelve5 - dito kasi sa amin somewhere around Q.C sa loob pa lang ng subdivision namin more than 20 dogs na yung record, then meron na rin affected na dogs somewhere around in C-5 mindanao Avenue dahil namatayan rin ng aso (distemper)  yung kakilala namin na nakatira sa C-5 mindanao avenue.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #63 on: March 23, 2012, 04:38:28 pm »
parang sa humans din, during summer and rainy season mas mabilis kumalat ang mga sakit. kaya dapat doble ingat, refrain also from touching other dogs at tignan ang nilalakaran kasi natatransfer ang virus through saliva, urine, stool. Kahit di mo kasama ang dog, paguwi natin pwede pa rin sila mahawa. May nabasa ako dati na for 3hours buhay ang virus at naghahanap ng host. Dali na lang tayo parati ng alcohol. Mas okay ng maging OC kesa magkasakit sila.

naalala ko nung nagkadistemper panganay ko may dog din sa neighborhood na infected, ang nakakapagtaka, yung iba naming dogs na hindi updated ang shots, hindi nahawa, malakas talaga ang mga aspin. btw, from qc rin pala kami at medyo malapit sa mga area na nasabi :-\

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #64 on: March 23, 2012, 06:07:43 pm »
Correct, ganun rin sabi sa amin ng Vet namin na pwedeng simpleng paglakad lang natin sa labas ay di natin malalaman na tayo na pala mismo ang nagdala ng virus sa bahay. Like yung slippers natin, labas pasok ng house so possibly na nandun yung virus.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #65 on: March 23, 2012, 06:27:55 pm »
^sige takutin natin ang ibang readers haha! kidding aside, mahirap kasi talaga pag nagkadistemper sila, I've been there at hanggang ngayon naiiyak ako pag naaalala ko yung sitwasyon namin dati. Para na akong aatakihin sa kakaiyak at kakaisip sa pwedeng mangyare. Mabuti ng praning kesa pagdaanan nyo mga pinagdaanan namin, we were lucky kasi nasa bahay ako parati, may titingin sa kanya. Pero pano kung may work kayo, mahirap magmonitor at walang tatakbo sa vet. Pagiging maingat lang talaga ang armor natin pagdating sa distemper.

x-y

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #66 on: March 23, 2012, 06:34:05 pm »
Sis paano ba idisinfect ang walls? Yun floor namin lagi namang nakaZonrox. Kaso airborne kase talaga ang distemper. Kahit anong disinfect mo kung may kapitbahay kang aso na may sakit, wala rin :(

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #67 on: March 23, 2012, 06:47:50 pm »
^sige takutin natin ang ibang readers haha! kidding aside, mahirap kasi talaga pag nagkadistemper sila, I've been there at hanggang ngayon naiiyak ako pag naaalala ko yung sitwasyon namin dati. Para na akong aatakihin sa kakaiyak at kakaisip sa pwedeng mangyare. Mabuti ng praning kesa pagdaanan nyo mga pinagdaanan namin, we were lucky kasi nasa bahay ako parati, may titingin sa kanya. Pero pano kung may work kayo, mahirap magmonitor at walang tatakbo sa vet. Pagiging maingat lang talaga ang armor natin pagdating sa distemper.

 @Sis abuanddiego - :P haha.. medyo nakakatakot talaga ang Distemper, or maybe nasobrahan lang ako sa panunuod ng monster inside me sa Animal planet hihi!

@Sis x-y - ganun rin ginawa namin todo zonrox kami ng buong paligid namin. Ang hindi lang maganda sa amin is yung gate namin may holes or siwang para makadungaw mga aso namin so pwedeng mag nose to nose contact sila.

Ang pinaka-mainam talaga ay vaccination daw sabi ng Vet namin, so naka quaranteen yung isang dog namin to check kung na infect rin ba siya. So far after a month normal pa isang aso namin at hindi na namin pina-vaccine.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #68 on: March 23, 2012, 09:29:18 pm »
^vaccination doesn't guarantee safety from distemper, may vaccine o wala pwede pa rin silang mahawa. May napost na blog dito sa first few pages, yung dog nya may shots pero tinamaan pa rin ng sakit. May mga nabasa rin ako sa mga forums dati na updated ang shots pero naging carrier din ng virus.

^^regular use of bleach lang talaga ang makakatulong sa pagpatay ng virus. Try mo makipagusap sa neighbors lalo yung may case ng distemper, inform them about this disease at sabihan mo sila na gumamit ng bleach para maiwasan ang pagspread nito. Kung may outbreak, walang ibang magtutulungan kundi tayong mga owners. Kung may concern sila sa kapwa at may pagmamahal sa mga hayop, walang rason para ipagsawalang bahala nila ang sasabihin mo.

Ito share ko sa inyo mga sis, nung nagkadistemper ang panganay ko, sabi ng vet samin hopeless case na ang distemper, kasi forever na daw ito sa system ng aso at para na syang aids na forever ng makakahawa ng iba. di na nila tinatanggap pag ito ang sakit at euthanasia lang ang kaya nilang ibigay. Naisip ko, kung yun ang katotohanan, wala na talaga akong magagawa, kahit buong buhay ko ako masasaktan, kailangan kong gawin ang tama alang-alang sa iba. Buti na lang nakahanap kami ng ibang vet at nalaman kong hindi naman pala forever yung virus sa system nila. Napakaseryoso ng sakit na to pero ang masaklap, kakaunti ang may alam, pero ang mas masaklap dito, may mga vets na di rin well-informed.
 

twelve5

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #69 on: March 24, 2012, 01:54:51 am »
<------ sobrang takot!!!

Naku we have 4 new pups. Sana wag papunta sa area namin ng qc ang ihip ng hangin from mindanao av. Huhuhu

Kung pwede lang ilagay sa malaking bubble mga alaga natin. Tsk.

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #70 on: March 24, 2012, 07:02:55 am »
^vaccination doesn't guarantee safety from distemper, may vaccine o wala pwede pa rin silang mahawa. May napost na blog dito sa first few pages, yung dog nya may shots pero tinamaan pa rin ng sakit. May mga nabasa rin ako sa mga forums dati na updated ang shots pero naging carrier din ng virus.

^^regular use of bleach lang talaga ang makakatulong sa pagpatay ng virus. Try mo makipagusap sa neighbors lalo yung may case ng distemper, inform them about this disease at sabihan mo sila na gumamit ng bleach para maiwasan ang pagspread nito. Kung may outbreak, walang ibang magtutulungan kundi tayong mga owners. Kung may concern sila sa kapwa at may pagmamahal sa mga hayop, walang rason para ipagsawalang bahala nila ang sasabihin mo.

Ito share ko sa inyo mga sis, nung nagkadistemper ang panganay ko, sabi ng vet samin hopeless case na ang distemper, kasi forever na daw ito sa system ng aso at para na syang aids na forever ng makakahawa ng iba. di na nila tinatanggap pag ito ang sakit at euthanasia lang ang kaya nilang ibigay. Naisip ko, kung yun ang katotohanan, wala na talaga akong magagawa, kahit buong buhay ko ako masasaktan, kailangan kong gawin ang tama alang-alang sa iba. Buti na lang nakahanap kami ng ibang vet at nalaman kong hindi naman pala forever yung virus sa system nila. Napakaseryoso ng sakit na to pero ang masaklap, kakaunti ang may alam, pero ang mas masaklap dito, may mga vets na di rin well-informed.

Yup yun rin na-research ko dati kasi hindi ako convince sa Vet namin, na hindi guaranteed safe ang dogs kahit na may vaccine, siguro sini-sales lang nila para magkaron sila ng kita. Ganun rin recommend sa amin na ipagdedecide kami na gamitin ang Euthanasia sa aso namin kaso talagang namatay na aso namin at di nakayanan yung Distemper. Meron rin kasing  blood parasite yung aso namin, so talagang mahina immune system niya.

May nabasa rin ako na wala talaga daw gamot ang Distemper kundi immune system lang ng aso.

Thanks sa pag share sis^^

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #71 on: March 24, 2012, 07:05:44 am »
@Sis twelve5 -  uu correct, para na rin kasi nating anak mga dogs natin. Laking lungkot ang dala ng Distemper sa house namin, namimiss ko yung aso namin na mahinhin at super sweet  :( . Sang lupalop kasi nagmula ang Distemper :'( . Sana mawala na.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #72 on: March 25, 2012, 12:26:47 am »
^^there is a cure already, and some local vets even practice it. ito rin yung process na ginawa sa late puppy ni sis x-y. ito yung pinagiipunan ko dati, pero buti na lang free na sa sakit ang panganay ko :D
http://www.kindheartsinaction.com/archives/41

share it to your family and friends, so that if magkaroon ng case of distemper, alam nila ang dapat gawin. time kasi ang kalaban dito, pag nalate ng administer, baka hindi na rin magwork.

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #73 on: March 25, 2012, 07:34:35 am »
Sis  may nakita ako dati na video na nag undergo rin ng ganyang same treatment kaso nag twitwitch yung muscles niya. Pero nakita ko the dog has starting to eat na pero hindi na pinakita kung nag normalize ba yung movements niya. Yup sana lang ma-detect ng ibang mga sisses natin yung mga signs and symptoms ng Canine Distemper.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #74 on: March 25, 2012, 08:02:07 am »
^yes sis kasali ang muscle twitching sa symptoms, it means that the virus has gone into neurological phase already. Nagkaganyan panganay ko dati, and for months may muscle twitching sya sa legs at sa jaw, nagchechew ng walang dahilan. Pero as time passes by, nawala yung twitchings nya, hindi ko alam pano nangyare yun, hindi naman sya nagundergo ng ndv treatment, antibiotics lang. Some vets say that it could stay forever pero yung sa kanya nawala na talaga. If you would look at my dog now, no one would think na nagkadistemper sya, except for the nose and foot pads na super tumigas at nagcrack na  ;D

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #75 on: March 25, 2012, 08:10:20 am »
Oh! yes sis napansin ko rin yung Vet namin dati na kinakapa niya yung foot pads ng dog namin. Yung aso namin nag twitch rin to the point na nag eepileptic siya sis sa floor. Akala namin nanananigip lang kaso pansin namin naglalaway, yun pala nag eepileptic na. To the point na it's too late to save my dog. Buti na lang sayo sis okay na dog mo, matatawag na siyang Dog distemper survivor  ;) .

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #76 on: March 25, 2012, 08:45:51 am »
nakakalungkot naman, masuwerte talaga pala kami kasi ang madalas na naririnig at nababasa ko either di nagsurvive ang dog or gumastos ng malaki for the treatment. yung samin antibiotics and vitamins lang ang binigay pero eto kasama ko pa rin hanggang ngayon, magaling na nga sya nung gumastos ako for the distemper test kit.

it's also called the hard pad disease, naalala ko yung current vet namin chineck din nya yung foot pads at nose, sabi nya distemper nga daw yung nagcause nun. pinagmamalaki nga sya ni Doc sa assistant vet, nung last time na naghome service sila, sabi niya "Doc tignan mo, distemper survivor yan." Hindi makapaniwala yung assistant kasi ang laki-laki ng panganay ko parang di naman tinamaan ng matinding sakit ;D Tapos ngayon ang tawag sa kanya ng pamangkin ko, Betong from Survivor Phils. ;D mahilig kasi sya magpunta sa halamanan namin, para tuloy syang nasa mini forest. Naisip ko tuloy na tama lang pala na tawagin syang Betong haha!

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #77 on: March 25, 2012, 09:52:20 am »
pano ba ang difference ng nagharden ang foot pad dahil sa distemper at yung simpleng nagharden lang dahil sa pagwalk sa semento, etc.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #78 on: March 25, 2012, 11:52:01 am »
^unang-una kung wala naman silang other symptoms of distemper, at di naman sila naging carrier, baka paglakad lang ang dahilan ng pagiging rough ng foot pads nila. Yung sa bulldog ko kasi, ibang klase yung foot pads at nose nya, bata pa sya pero pang senior dogs na napabayaan sa kalye na yung itsura. parang nangapal yung balat tapos maraming cracks. Yung top ng nose hindi na smooth, kala mo may dumi na naipon, tsaka mapapansin yung cracks kahit hindi titigan. Yung paa nya sobrang kapal ng kalyo na namumuti at sobrang galasgas pag hinawakan.

eto ang pics ng ilong niya, next time magpost ako ng mas close-up pati yung sa foot pads nya
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=258371034249522&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=258374864249139&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater

x-y

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #79 on: March 25, 2012, 06:21:58 pm »
May time ba kung kelan dapat magundergo sa CDV test yun puppy? Kase siguro masmagada kung nagpapaCDV test kaagad ang dog once nagkaroon ng signs of respi infection. I think much better kase yun para maagapan. Kase yun akin lagi sinasabi respi infection... late na nalaman na distemper pala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close