watch now

Author Topic: Vet says it could be distemper  (Read 215864 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #40 on: September 27, 2011, 11:42:05 pm »
Haha! Ginaganyan din ako ng alaga ko paminsan. Homecooked pa yun pero tinatanggihan pa rin! Yung aamuy-amuyin lang sabay alis na, pero pag sinubuan mo kakain naman haha! Ang ginagawa ko minsan if after 10-15 di pa rin pinansin, aalisin ko na, bahala sya magutom haha! Pero pag matagal na yung last meal nya pero tumanggi pa rin, kuha ako onti tapos papaamoy at subuan ko muna, parang sinasabi ko na "bakit ayaw mo? masarap naman to, sige na try mo na haha!" pero once kumain, stop na ako sa pagsubo, hinahayaan ko na kumain magisa. Minsan they are just testing us kung bibigay tayo lalo na pag nakatikim ng masarap, pero dapat talaga patigasan para matuto sila hahaha!

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #41 on: February 29, 2012, 11:29:17 pm »
help!!!

My Bogsie bebe (pug) was diagnosed with distemper just this morning.  He was still ok last night tapos when i woke up this morning matamlay na sya.   Lumapit  naman sya sa kin pero napansin ko na para syang nadudulas.  I hugged him kaya I felt him na para syang nangingig.  Di na nagalaw yung food nya, skaa nilapit ko lang sa kanya yung water nya. Ayaw nya inumin kaya I used a syringe para sa bigyan ng water. Ayaw nya kasi i-open ang mouth nya at para syang nalockjaw kaya ninerbyos na ako.  Akala pa ng husnband ko baka daw natinik ng buto last night kasi inuwian ko ng natira kong steak.

Pero pagdating namin sa vets, after ng blood test nya ( may test na ginamitan sya nung parang pang pregnancy test) ayun sabi nung Dr na distemper daw.  One line lang talaga yung visible, pero sabi nya pati nung assistant na may very faint daw yung 2nd line. At pag ganun eh need na gamutin na din sya for distemper.  Dun sa table ko lang din napansin na yung isang leg pala nya ang nag twitch.  Except for redness sa eyes, at yung twitching na wala naman ibang kakaiba sa kanya.

He was given ang anti-bodies shot, na need din to inject daily and medicines.  coomoxiclav, polynerv & immunosin to be given 2x a day naman lahat. 

Right now grabe na yung twitching nya. para syang may comvulsion, parang may asthma sa lakas ng paghinga at naglalaway din sya.  Di sya nasusuka. walang sipon.  He looks tired pero parang ayaw nyang matulog.  Usually basta isinakay namin sa car, tired sya pag uwi ngayon nakadilat talaga sya. 

I got really scared after reading yung mga posts dito.
« Last Edit: March 01, 2012, 12:09:36 am by Msfi »

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #42 on: March 01, 2012, 12:18:33 am »
after posting, i took Bogsie from his bed nasa lap ko sya while browsing but placed him back to his bed kasi basa na blouse ko kasi nga naglalaway sya.  Malapit lang naman dito sa may pc ko nilagay yung bed nya kasi nga binabantayan ko sya.  Nag change ako ng damit, then resumed browsing.  Parang naging sobrang lakas yung paghinga nya, binigyan ko sya ng konting water tapos placed him back to bed sabi ko mag sleep na sya.  After a few minutes, I noticed na bigla syang tumahimik. I went to him, parang may heartbeat na di ko maintindihan. Pero di na gumalaw yung tummy nya.  Yun na pala. 

He's gone, and he's only 3 years old. And it hurt so much.

Bye Bogsiebebe, thank you so much for all the love.  We will never forget you.

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #43 on: March 01, 2012, 08:49:00 am »
^ sorry for your loss sis.

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #44 on: March 01, 2012, 11:23:32 am »
^thnks :'(

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #45 on: March 01, 2012, 01:33:47 pm »
^im sorry sis. yung mga symptoms na pinakita nya, distemper nga yun. mag-disinfect kayong mabuti kasi months bago mawala ang virus. lalo kung may ibang dogs, high risk sila.

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #46 on: March 01, 2012, 04:35:23 pm »
^ Thanks for the advice. Wala naman ibang dogs, pero nagpa disinfect na din ako.

Pero bakit ganun, sa iba days before yung twitching, sa kanya one day lang tapos ayun wala na sya agad. Nanlamlambot lang  sya nung morning eh.   :'(


abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #47 on: March 01, 2012, 06:30:12 pm »
Gawin nyong daily ang pagdisinfect because the virus is still in your house, at pwede nyong maspread pag lumabas kayo. Isang hawak lang pwedeng mapasa ang virus.

Iba-iba rin kasi sila ng immunity and reaction, updated ba ang shots nya? nasunod yung sched? Kasi may mga nababasa ako na humihina yung effectivity ng vaccines kung hindi nasusunod ang pagadminister. Pwede rin na sadyang mas mahina ang immune system nya kaya hindi kinaya. Ang distemper kasi, it will take days or weeks bago magshow up ang symptoms, pero nandyan na ang virus talaga. Isa-isang tinatarget yung system nila, respiratory, digestive, nervous, yung twitching, lockjaw, pagsalivate nya, means umabot na yung virus sa nervous system :( That may be the reason kaya nanghina na talaga siya.

Ang iniisip ko ilang days or week na rin siguro nyang nakuha yung virus, hindi pa lang talaga nagmamanifest yung signs. Nilabas nyo ba sya or may nabalitaan kayong case ng distemper malapit sa inyo? Usually pag ganyan, may mahahawang ibang dogs sa neighborhood so magdisnfect mabuti para maiwasan yung pagkalat ng virus. 

Sorry again for your loss sis




Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #48 on: March 02, 2012, 11:46:40 am »
^yung anti rabbies lang yun delayed pero plano sana namin dalhin sya ng weekend.

Sa bahay lang talaga sya, but I just learned na nilalabas pala sya ni yaya sa hapon paminsan.  Pero kilala ko naman yung mga aso dun at wala naman akong napansin na mayron maysakit dun.  Skin problem lang talaga sya mayron since bata pa sya.  Flaky on and off, saka may time na parang biglang may hika na mag huminga ng tunog na parang honk. sandali lang naman un mawawala.  But never sya nagka sipon or ubo.  Basta nanghina lang sya at ayaw nga i-open mouth nya. Pero after nung shot nya, pag binibigyan ko sya ng water nilalabas na nya dila nya kaya alam kong hindi talaga lockjaw.  Yung parang hinihika sya, nung gabi na yun, around 6 pm. Pinilit ko lang sya mapakain at mag take ng water.

Sige mag papadisinfect ako ng madalas. Anong disinfectant spray ang magandang gamitin?


abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #49 on: March 02, 2012, 04:42:10 pm »
May mange ba sya? Pag may mange kasi, compromised ang immune system. So yung mga may ganyang condition, weaker talaga pag tinamaan ng sakit. Yung parang hika, may tinatawag kasing  reverse sneezing, mas madalas yan sa mga snub noses. Yung mga alaga ko bulldog and shih tzu, madalas sila magkaganyan lalo na yung tzu pag naeexcite. Pero hindi naman daw sya serious problem, nawawala rin after few seconds.

Mas mabuti daw kung gagamit ng bleach than regular cleaners or detergents para mas matapang at mahirapan ang virus na mabuhay. Disinfect kayo everyday ng ilang months para mamatay talaga ang virus. Ingat na lang sa paggamit masakit kasi sa ilong at harsh sa skin.

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #50 on: March 03, 2012, 11:05:21 pm »
^wall namn syang mange, no parasites. nag flakes Lang na parang dandruff. Gagaling-babalik.
 yup Lang ang nagging problem nya ever since. Yung parang hika wala lang daw, yup nga sandali lang naman.

Zonrox & lysol ang ginagamit. Nagpalinis naman agad sa bulky bahay, pati curtains, beddings etc nagpalit din. And yes, nagpautos na din ako to clean the house everyday w/ lysol and zonrox.

Sana lang di ganun kabilis [textspeak!] nangyari para at least I could have prepared myself sa mangyayari, sobrang sakit kasi eh. Sa ngayon halos ayaw ko umuwi ng bahay.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #51 on: March 04, 2012, 12:22:01 am »
^Alam ko gaano kasakit mawalan ng alaga, yung dog ko since 8 yrs old, kelan lang nawala at kahit matanda na sya at kahit feeling namin sumobra na sa deadline eh hanggang ngayon ayoko pa rin pagusapan. Pag ganyang may nawawala, kahit mahirap iniisip ko parati na everything happens for a reason, I firmly believe na hindi Nya hahayaan mangyare kung wala siyang dahilan. There is a reason for this sis, yun ang parati mong isipin. At kahit masalimuot ang nangyare, magpasalamat tayo dahil kahit sandali, nakasama at napaligaya nila tayo, yun ang importante.

Gawin nyo lang daily ang pagdisinefect para safe in case magkaroon ng bagong alaga ;)

Msfi

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #52 on: March 04, 2012, 12:33:47 am »
^thanks for all your replies, my husband was asking me if I want to get a new pet, sabi ko di ko pa kaya.  And I don't want to take a risk also.  If ever I'll wait at least a year bago ako mag alaga ulit although sabi bung vet 6 months. 

Sana nga lang sundin yung bilin ko na magdisinfect every day.  My cousin is also planning on sending me someone who will also do general cleaning para pati walls in and out ng house madisinfect na din.


abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #53 on: March 04, 2012, 01:12:16 am »
^You're welcome sis. Tama yung sinabi mo, wait muna kayo kahit pa longer than 6 months kasi mahirap na maulit yung nangyare. Di kailangan magmadali, dadating din ang time pag ready na kayo.

Naalala ko yung panganay ko, I thought hopeless case na sya, pero after 2 years, nawala din ang virus.   Narealize ko na kung mahirap magalaga, mas mahirap pag di sila okay at lalo pag nawala na sila. Kaya take advantage sa lahat ng available info and do your best to keep them healthy., Sa ngayon sis, I suggest na magresearch ka lang about them. Read every available info para malibang ka rin, so pag dating ng bagong pet, ready and well-informed talaga kayo.

x-y

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #54 on: March 22, 2012, 01:36:02 pm »
My baby girl died this morning because of distemper. :(

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #55 on: March 22, 2012, 02:36:40 pm »
@Sis x-y - Condolence sis, i know the feeling to lost a member of a family.

Sis same here  :( , namatayan kami ng Dog nung Feb 8 dahil sa Canine Distemper, ang pinaka best way para ma-prevent ang Distemper is Vaccination. Pero minsan kahit walang vaccine ay depende sa immune system ng dog mismo.

May nabasa rin ako na hindi talaga nirerecommend ng mga Vets yung magkakaron ng surgery then blood transfusion, yun nga lang need ng blood donor from the other dogs. May nabasa ako na gumaling ang aso niya.

Kumakalat talaga Distemper ngayon, dito sa area nmin since December may namatay ng 20 dogs.

Nung una mukang simpleng sipon lang, with matching discharge sa eyes as in todo muta siya then lost appetite na. Pag ganun kumakalat na yung virus, to the point na umaabot sa brain nila.

So far yung isang dog namin hindi nahawa, dahil buong bahay nag disinfect ako. Traumatic siya sa akin, dahil parang kapatid ko na yung aso ko na namatay.
« Last Edit: March 22, 2012, 02:38:13 pm by cristyles »

x-y

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #56 on: March 22, 2012, 03:02:57 pm »
As much as we want to get a new dog parang nakakatrauma akse di mo alam kung may distemper pa yun mga aso ng mga neighbor namin since it's an airborne disease :(

cristyles

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #57 on: March 22, 2012, 03:23:26 pm »
correct sis it's an airborne disease, plus we are not sure sa mga stray dogs if they carry those virus. I hope the distemper will go away na.

twelve5

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #58 on: March 22, 2012, 03:30:26 pm »
Nakaka praning naman ito.  :'(


abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #59 on: March 23, 2012, 05:13:19 am »
sis x-y i'm so sorry for your loss :'(

kahit sobrang lungkot, please don't get another dog muna, wait for 6 months or more kasi kahit wala na siya, the virus is still in your house, at buhay na buhay sila at naghihintay lang ng host. Yan yung mas nakakatakot kesa virus na present around the neighborhood. disinfect everyday using bleach para mas mabilis mawala ang virus. This disease is highly contagious, quarantine ang kailangan para hindi mahawa yung iba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close