watch now

Author Topic: Vet says it could be distemper  (Read 215816 times)

babykat

  • Guest
Vet says it could be distemper
« on: September 12, 2011, 09:31:23 pm »
mga sis, I need your inputs badly.  Kasi si Luckie ko, iba yung kinikilos nya.  Masigla naman sya sumalubong, yung lang she keeps swallowing and swallowing.  Di naman sya naglaway, pero she keeps swallowing.  Tapos nagsuka sya ng parang water na may white bubbles.  Kumakain naman sya, pero medyo magugulatin lang ng konti.  Panic mode, dinala ko sya sa vet (not the usual vet nya kasi sarado na).  Sabi she could have distemper.  Sana naman hindi, kasi I'm really sick with worry na.

Nga pala, i got something from the side of her mouth, parang hairball. nabawasan ng konti pagswallow swallow nya, pero meron pa din.  Tsaka may construction sa tabing bahay namin, kaya medyo maingay lately.

Mga sis, inputs please.  distemper nga kaya to?  Dadalhin ko sya sa vet asap, kaso lang di ako makaleave sa work, very crucial mga days nato kasi budget season namin.  I'm sick with worry, di ako makakain kakaisip sa kanya. 

Please help.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #1 on: September 12, 2011, 10:13:36 pm »
ito ang alam kong signs ng distemper: Lethargy, loss of appetite, fever, coughing, vomitting, diarrhea discharge sa eyes and nose, hardening of nose and foot pads, muscle twitching, seizures.

Nakikita mo ba ang mga signs na yan? Kung hindi naman, baka may nakain lang sya na nagblock sa throat or esophagus nya. Swallowing can also be sign of bloat. Mabilis ba syang kumain? Elevated ba ang food bowl nya? Anong binigay sa kanya ng vet? Complete na ba shots nya? Kasi pag may distemper ang aso tahimik at sobrang matamlay talaga, as in nakahiga lang di talaga siya gagalaw kasi buong system affected. Nagkaroon ng distemper bulldog ko noon, madaling nalaman kasi obvious ang signs, pero may test na ginagawa para maconfirm kung distemper ba talaga. May gamot na rin sa distemper pero bilang na vets lang ang may alam at gumagawa nito, Vets in Practice ang nagstart sa pagkakaalam ko. Sis, kung nakikita mo ang mga signs na yan, dalin mo na agad sa magaling na vet ang alam ko kasi fatal ang distemper tsaka yung cure/meds na ibibigay may specific na period kung kelan dapat ibigay, pag lumampas sa period na yun maiiba na yung treatment, or pag di kinaya ng dog pwede syang di magsurvive. Sana hindi distemper, alam ko kasi mahirap yung medication nyan, aside sa meds, kailangan din ng blood transfusion. At ilang session yun para mawala totally yung virus sa system nya. For now, bigyan mo sya dextrose powder or sugar, mix mo sa water nya.

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #2 on: September 12, 2011, 10:29:26 pm »
thanks sa mabilis na pagreply sis.  di naman sya matamlay eh.  sobrang likot nga nya, pagpasok ko pa lang sa gate, lundag na sya sa akin.  kumakain naman sya, mas magana pa kesa kanina or kahapon.  Picky eater kasi ang aso ko, kaya di mo alam kung walang gana or ayaw lang sa food nya.  Wala naman syang lagnat pero medyo irregular ang heartbeat nya tsaka kaninang nasa clinic sya, nanlalaki mata nya (ewan ko if dahil may ibang aso dun sa clnic - chowchow at di nya masyado kilala yung vet na pinuntahan namin).  dun sa pagmumuta, nabawasan pa nga kesa sa dati ngayong kumain sya ng Canidae.  Dati kasi nagmumuta eyes nya talaga.  nagsuka lang sya yung parang tubig, although parang  nagduduwal sya.  malambot naman foot pads at nose nya.

About sa bloating, di naman sya mabilis kumain, although lately, pinapainom sya lagi thru syringe.  di kasi sya mahilig uminom, as in maghapon di sya iinom.  kaya pinipilit sya.  Pwede ba sya magbloat sa tubig?

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #3 on: September 12, 2011, 11:01:18 pm »
Kung masigla sya baka di distemper yan, pag distemper kasi feeling mo madededs na aso, talagang kawawa itsura tapos may secretions pa sa eyes and nose. Pero observe nyo pa rin para makasigurado.  Pwedeng nastress or natakot nga sya sa mga dogs at dun sa bagong vet kaya nanlaki mata nya. Pwede rin magcause ng bloat pag madaming water na nainom, kung uminom ng marami after eating kasi nageexpand yung kibbles sa tummy nila, or kung nagwalk/exercise/play before or after kumain. Yung canidae ba in can or yung dry kibbles? Kelan lang ata kayo nagswitch sa Canidae diba? Baka naninibago din sya? Yung mga aso ko kahit nagaadd ako ng water sa dry canidae okay naman sila, never ko pa sila nakita nagkaganyan. Baka nasosobrahan din kayo sa pagpapainom sa kanya? Pano nyo sya painumin? pinipilit ba talaga? Or pwede ring sensitive tummy nya kasi picky eater sya diba? Nagkakaroon din daw ng gastritis/ulcers mga aso kung di sila mahilig kumain. May times na nagvovomit yung tzu ko ng yellowish foam, it means wala na daw laman yung tyan pag ganun. Yung bulldog ko naman minsan nagvovomit sya ng water with bubbles pag nagkulit after kumain or uminom. Di kaya more on digestive problems yung sa tzu mo, kasi mukhang okay naman sya at masigla? Kailangan macorrect yung eating habits at appetite nya mas prone kasi sa ulcer pag ganyan na picky, tsaka para mas madali malaman kung may sakit. Nagbibigay ba kayo appetite stimulant sa kanya?

rinapie

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #4 on: September 12, 2011, 11:08:25 pm »
ang naiisip ko, napadami kayo ng water na napainom at pagkainom,naglaro at naglikot agad. o baka may kinalaman yung parang lunok ng lunok niya kaya nahirapan kayo painumin siya ng tubig.

kung talagang worried ka, dalhin mo sa ibang vet. parang tao lang din siguro, second opinion. sabi mo naman masigla e.

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #5 on: September 12, 2011, 11:24:20 pm »
maghapon kasi ako wala so di ko alam pano pinainom ng mama ko ng tubig.  last friday lang sya nagswitch sa Canidae.  natuwa nga ako kasi talagang nabawasan yung muta nya sa eyes.  kaninang morning paggising, masigla naman, although picky talaga sa food. konti lang kakainin, tapos ayaw na.  tsaka parang natitigasan sa Canidae kibbles nya, kahit pa lagyan ko ng water.

kani kanina lang, may nakuha ako sa may side ng mouth nya, parang hairball.  nung natanggal ko, nabawasan naman yung pagswallow nya pero di naman totally natanggal. wala naman ako nasisilip sa throat nya.

kumpleto naman vaccination nya.  Actually, four shots pa nga yung 5-in-1 nya, instead of three. Kaya nung nasa previous owner sya, di sya naturukan ng booster ng 5-in-1.  Naglapse yung schedule nya so ang ginawa ng vet, inulit nya yung isang shot ng 5-in-1 than booster shot.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #6 on: September 12, 2011, 11:40:28 pm »
i agree with rinapie, go get a 2nd opinion sis, kung merong kakaiba talaga sa behavior ng dog mo, para if ever meron mang sakit, ma-treat kaagad.

rinapie

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #7 on: September 12, 2011, 11:44:08 pm »
not to scare you, pero may cases na kahit complete shots, tinatablan pa din.

pero masigla naman kaya palagay ko di ka naman masyado dapat mag worry.

tanong siguro napagiiwanan. sana wag naman katulad ng nanay ko, minsan di sinasabi totoo. haha! nahuhuli ko lang. hehe! para may idea ka na possible na nangyari. baka rin may nakabara. usually din kasi kapag may hindi tinatanggap yung katawan ng aso, nilalabas sa pagsusuka yun.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #8 on: September 12, 2011, 11:48:40 pm »
^ true. the vaccines doesnt guarantee naman that the dog wouldnt acquire talaga the diseases 100%, it serves as a shield lang na at least the immune system is armed to fight with that certain virus, pero pag sobrang virulent talaga nung sakit, minsan tinatamaan parin.

basta para sure, pag merong kakaiba sa behavior ng dog and it doesnt go away maghapon or within 2 days, go visit a vet na, baka medyo lumalaban lang kasi yung katawan kaya mukha parin masigla and malakas pero may sakit na pala.

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #9 on: September 12, 2011, 11:53:03 pm »
^ naku, sis, ganyan din mama ko.  mas madalas exaggerated pa nga and defensive pag tinanong.  Parang feeling nya, i'm blaming her.  Medyo matanda na din kasi eh.

Nabawasan naman yung pagswallow nya and mula kanina di na sya nagduwal, so far.  Can't sleep kasi am so worried about her.  Wish I could take her to the vet, kaso di pwede tomorrow magabsent sa work.  I need to work to take care of her din.

naiiyak nako thinking if she's got something bad.  yoko mawala baby ko kasi she brings so much joy to my life.

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #10 on: September 13, 2011, 12:24:17 am »
ang pinagtataka ko lang, she keeps swallowing and minsan, parang retching pero she is able naman to eat and drink.  ang takaw nga nya ngayong nagdinner sya, mas magana pa kesa kaninang morning.  tapos inom din sya ng water at ng LC-Vit syrup nya. kain pa sya ng treat.  If meron obstruction sa throat, di ba dapat di sya kakain?

kanina before i got that hairball out, nung kinain nya yung treat, niluwa nya tapos pinagpipiraso nya para kainin.

rinapie

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #11 on: September 13, 2011, 12:45:35 am »
parang kakain pa din tapos maglalabas na lang later. wag masyadong worried kasi malakas naman siya.

Heatherette

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #12 on: September 13, 2011, 01:17:29 am »
Wala ka ba sis mautusan na close family or friend na magdala sa vet? Para mawala na yung worry mo.

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #13 on: September 13, 2011, 01:45:36 am »
Nagbabasa ako tungkol sa naeexperience ng dog mo, marami palang causes ang constant swallowing nila. Here are some links, check mo kung similar yung mga listed symptoms dun sa nakikita mo sa kanya.
http://www.petmd.com/dog/conditions/mouth/c_dg_difficulty_swallowing
http://www.petplace.com/dogs/dysphagia-in-dogs/page1.aspx

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #14 on: September 13, 2011, 05:34:38 am »
^^^wala man sya isinuka sa mga kinain nya eh.  yung water lang tapos di na naulit pagsusuka nya, minsan nagduwal pero walang lumabas.

^^ wala man ako mautusan magdala sa kanya sa vet.  Mom ko, mas nauuna ang panic mode nya and baka tumaas lang bp.

^ tinitingnan ko sya, parang di naman sya hirap magswallow.  nagsaswallow lang nga paulit-ulit.  Tsaka nagreretch.

This  morning, observe ko sya, di na sya masyadong nagsaswallow. alert naman sya.

rjlottc

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #15 on: September 14, 2011, 09:02:24 pm »
sis okay na siya? siya yung di mahilig uminom ng water diba? baka nahairball lang kaya parang naduduwal.. hope okay na :) rest your mind and don't worry too much.. saktong worry lang :)

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #16 on: September 14, 2011, 10:47:24 pm »
been observing her these past two days.  di na sya nagsaswallow ng swallow.. di na rin sya nagreretch.  kumakain din sya maayos, and umiinom na din kahit papano.  masigla pa din sya at malikot. eto nga at pilit na nakikitype sa laptop.

sabi nung talagang vet nya, if di naman daw sinisipon, inuubo at nananamlay, malamang di daw distemper, lalo na complete ang vaccines nya.  past the crucial age na daw sya sa distemper. baka daw hairball nga. 

sana ok na talaga baby ko. salamat mga sis sa pagreply nyo sa posts ko.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #17 on: September 14, 2011, 11:05:48 pm »
babykat  : nice to hear na okay na sha. :) most likely may nalunok lang na hairball yan or whatev na nastuck sa throat, observe mo parin though para sure tayo. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #18 on: September 15, 2011, 01:58:49 am »
sana okay na talaga sya! Try not to over worry rin, minsan kasi pag naunahan na ng kaba di na tayo nakakapagisip ng mabuti. Observe lang parati and try to be informed with their diseases para may idea tayo sa mga nangyayare sa kanila. Magtanong din about treatments na ginawa ng vets kasi minsan may palpak na vet at pwede pa yung magpalala ng situation. Mas okay na ready and informed tayo bago pa magpunta sa vet, and always keep a dextrose powder or sugar in handy for their first aid treatment.

Mahirap pa naman pag nagkadistemper, super haba, gastos at hirap ng gamutan. Tapos most vets pa wouldn't accept your dog because it's highly contagious at di rin nila alam pano gamutin. Some would even advise to euthanize the dog kasi forever na daw yung virus sa system nila, yung vets naman na tatanggap sayo di ka daw iaallow sa loob ng clinic kasi nga baka mahawa yung iba, so ang gamutan baka sa parking lang daw. Imagine gaano kahirap yung situation if ever mangyare yan, may sakit na nga ang aso mo at umiiyak ka na, pero restricted kayo sa clinic :(

Alala ko yung time na sinabi ng vet sakin na kahit makarecover, kailangan ieuthanize na dahil forever ng carrier yung dog. Umiiyak ako araw-araw kasi narealize ko na kahit super sakit, it's the right thing to do dahil kawawa yung ibang aso na mahahawa. I even asked God bakit nya ako pinapahirapan eh eversince nakuha ko yung aso, ako lang talaga nagalaga sa kanya. He is a bulldog, and this breed is very high maintenance, para kang may alagang bata talaga. They're super sensitive, from digestion to skin to breathing problems lahat na kalaban nila kahit weather maselan sila. My dog is even on fan 24/7 dahil takot ako baka heatstroke sa init ng weather natin. He was like my own child at super protective ako, so sabi ko bakit ganun lahat naman binigay ko, ni hindi ako nagask for help kahit kanino, ganito pa ba kapalit ng lahat ng ginawa ko? Then one day, God answered my prayers, biglang may vet clinic na natayo malapit samin, then I found out from other pet owners na meron na ngang cure, so ayun I saved for it. So while she's doing check-up with my tzu, nabanggit ko yung bulldog ko. Then she said gawa tayo ng test, she even knows yung treatment ng distemper, so feeling ko sya na nga ang answer to my prayers haha! Then while waiting for the test results, hinahanda ko na rin sarili ko sa maririnig ko pati yung magagastos sa medication and blood transfusion, I think aabutin ng 10k to get rid of the virus completely, after a few hours nagtext sya to go to the clinic para maexplain nyang mabuti. Then sabi nya nandoon pa rin daw yung distemper, but di ito dahil infected pa sya, it is because recent yung vaccines nya kaya mataas yung antibodies against diseases and the live virus from the vaccines, pero nawala na daw yung virus at safe na sya haha! I was so happy that day, kulang na lang lumutang ako sa ulap habang pauwi LOL! Ilang months din nakaquarantine yung aso kong yun, para syang may aids. Sabi pa kahit makarecover, muscle twitchings will stay forever, nandyan yung gagalaw-galaw yung limbs at parang lagi silang may chinechew for no reason, pero di ko talaga alam kung ano nangyare, miracle ata ito dahil yung muscle twitchings nya nawala, healthy siya ngayon at maliksi, pero yung nose at foot pads di na naging okay, rough and hard na talaga. Pero keri na yan coz I know that he is free from the virus now at di na rin sya makakahawa, yan ang mas importante sakin :)

Reminder ulit mga sisters, there is a cure na for parvo and distemper. Maghanap kayo ng ibang vet asap kung di nila kayo tanggapin dahil time ang kalaban natin dito, the earlier you bring them to the vet, the higher the possiblity na makasurvive sila. And ingat parati when you bring them out, and sorry sa haba I just felt the need to share this haha!
« Last Edit: September 15, 2011, 02:00:23 am by abuanddiego »

babykat

  • Guest
Re: Vet says it could be distemper
« Reply #19 on: September 15, 2011, 08:01:33 am »
^God truly answers our prayers.  Nung si Luckie nga, pray ako ng pray, lalo na when they said it might be distemper.  Sabi ko nga i know in my heart God gave me Luckie to save me from depression.  I can honestly say she brought the joy back into my everyday life.  So sabi ko wag naman sya kunin sa akin.

The vet we took her to even suggested maiwan sya and gusto nya to inject her with kontra-suka.  Ayaw ko kasi nga bakit gagawin nya yun, eh di pa nga sure if may naswallow si Luckie, di ba dapat ilabas nga?  Buti na lang di sya nagpilit and di talaga ako pumayag.  Now, ok na si Luckie, pero super strict pa rin ako at observe to the max lahat sa kanya. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close