watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83375 times)

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #480 on: September 26, 2011, 02:58:44 pm »
sis health.gal..hugs...i hope na ok na kayo, pero i know naman na magiging ok kayo...diba...at sana rin talaga 2012 ka talaga at hindi na mamove yun...

sis lennie, sobrang ganda nga talaga ng paoay church...longest aisle nga raw yun eh at bongga talaga..the church itself is a very beautiful backdrop na...

sis patchi...at least, despite the miles, kaya nyo parin, ang galing talaga

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #481 on: September 26, 2011, 03:07:22 pm »
^thanks for the hugs sis. yup, sana nga. feel na feel ko talaga hug mo, kasi true-blooded sis nga kita, hehe.  ;)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #482 on: September 26, 2011, 03:10:37 pm »
@health.gal - sige sis,magbibigay din ko ng suppliers rating.tama.kasi pag mamublema tayo,baka di na tayo blooming sa wedding natin.hehe.kakastress lang talaga minsan eh.hehe :)

@sis riaenvodka- tama ka jan sis.mahaba talaga kaya bongga pag may ilaw effect pa siya.hehe.saka yun labas ang ganda sa pics.saan wedding mo sis?

orangerain

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #483 on: September 26, 2011, 03:28:53 pm »
Joining!

Husband and I got married in a civil wedding this year. We're planning a Church wedding in 2012 (still deciding whether to schedule it on May 8, which is our civil wedding date, or on September 30, which is our bf/gf fifth anniversary). Since I still have no idea on how to go about it, I hope this thread will serve as my go-to place. :)

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #484 on: September 26, 2011, 03:36:29 pm »
sis michiness » uo nga e .. kapag go na talaga wedding for 2012 talagang kukulitin ko kayo sa mga katanungan ko .. hehe! ;) nalulungkot na nga ako .. feeling ko nga di matutuloy yun wedding namin next year pero si h2b mismo nagsasabi na matutuloy .. at todo invite na sa mga barkada niya samantala wala pa kami naibook kahit isa .. :( gusto niya daw sigurado na yun future namin .. ayaw niya daw umasa kun kani-kanino .. ::)

sis vincris » tama sis! no matter what dapat hindi mawala si God .. yun mga tampo tampo natural lang yan .. part naman yan sa bawat relasyon .. isa rin rin sa nagpapatibay ng samahan ..  :)

sis patchi2012 » kakabilib din si h2b mo sis e .. talagang kinarir niya .. oks lang yan sis kahit hindi kaw mismo yun nagpabook .. kaw naman yun todo search for reviews and feedbacks .. malaking tulong yun para makakuha ng good suppliers ..  ;D

sis health.gal » uo sis! dito lang ako megamall work .. like ko din itry dyan sa Tong Yang .. kaso 1hour break lang kasi ako .. kaya mabibitin ako .. haha! ;) sana nga pag natuloy na siya maka-adjust agad ako sa pagbabago .. sanay na kasi ako for 7years magkasama kami .. kaya sa wedding preps kakailanganin ko talaga mga tulong nyo ..  ;D sana maayos nyo na ni h2b yun hindi pagkakaintindihan nyo .. :)

welcome sis orangerain

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #485 on: September 26, 2011, 03:41:45 pm »
hi mga sisses, share ko lang to ha...

remember my dilemma, about h2b not asking me those questions? basta, nagpabook nalang kami ng church at caterer at nagdedecide na kami which venue (pero mukhang LC), diba, super inisip ko pa yun, last saturday, he already asked me..

Sept 24, 2011 - from puerto princesa, we went to underground river. dun sa parang pinaka starting point, i bought several stuffs like pearl earrings. gusto ko nga rin sanang bumili ng ring para terno sa pearl earring ko, pero ewan ko ba kung bakit hindi ako bumili. before reaching UR, you will have to ride a motorized banca, then after that, lakad ng konti, then transfer to another boat with mamang bangkero. and the tour is approximately 45mins long. while we were in the underground river, with mamang bangkero giving us insights and info about underground, napansin kong parang may kinukuha si h2b sa bulsa nya, i thought it was just the gum that we bought, sabi ko pa sa kanya, ano ba naman yang kinukuha mo, wag kang masyadong magulo, kasi nga, nag coconcentrate rin ako sa sinasabi ni mamang bangkero, mayamaya, kinuha nya yung kamay ko, wear the pearl ring (yung mga nabibili dun sa parang terminal) and asked me those questions. ang sabi ko pa is totoo ba to? sabi nya, sagutin ko raw. then i answered yes. then sabi nya sakin, sa manila nalang daw yung mahal na ring kasi hindi raw sya makabili kasi lagi raw kaming magkasama.

mga sisses, ok na sakin yung ring na pearl, kahit hindi na sya bumili ng mahal kasi alam kong mapapagastos kami ng husto sa wedding namin...

im happy kasi yung question lang naman talaga ang gusto ko...

thank you sis sa mga nag encourage ha....so, eto, inspired na talaga me mag ayos for friday the 13th....

« Last Edit: September 26, 2011, 03:43:27 pm by riaenvodka »

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #486 on: September 26, 2011, 03:48:38 pm »
sis health.gal..oo nga feel na feel ko talaga sis, imagine, same breed pala tayo..wahahah..smile ka na ha...

sis lennie, taga ilocos ka ba sis? sobrang ganda talaga ng paoay church, nung nakapunta ako last month dun, feeling ko gusto ko na rin dun, kaya lang although most of my relatives will be coming from cagayan and h2b from kalinga, still, most of our guests will come here in manila, kaya ayun, sa san agustin ang napili namin sis, at least, may touch of spanish pa rin....

sis qtpurple, dito lang kami to support you sis...smile

welcome sis orangerain

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #487 on: September 26, 2011, 03:55:51 pm »
@sis riaenvodka-awww sis.kakilig pa din.saka the setting is perfect.hehe :) congrats! :) ako nga wala pang ring.pag uwe na lang daw niya.ako naman nauna yung question.akala ko hindi serious kaya hindi ko nasagot.hehe. :)
si h2b ko ang ilocano.pero last month lang din i was there.nagcanvass.i'll be back ng november para ifinalize na and all.sobrang linis dun di ba sis?when wedding mo sis?

welcome sayo orangerain :)

orangerain

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #488 on: September 26, 2011, 04:01:10 pm »
riaenvodka Congrats! I have the same dilemma w/ hubby. Married na nga kami (civil wedding) di pa rin ako inask. Tapos ngayon inaayos namin church wedding di pa rin ako tinatanong! Inis tuloy ako (haha drama). Pero he told me recently that he booked a trip to Palawan din. Alam ko na kung ano gagawin niya dun kasi ang obvious niya, haha, pero panggap lang ako na walang alam kunwari. :D

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #489 on: September 26, 2011, 04:12:15 pm »
^kailan kasal mo sis?

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #490 on: September 26, 2011, 04:13:05 pm »
sis lennie...ah..ilocano pala si h2b mo, oo sis, sobrang linis at maganda talaga. san ang reception nyo sis, sa fort ilocandia ba? ako nga sis, nauna yung booking ng church at caterer, naku sis, my wedding will fall on friday the 13th on april sis. hahaha..yan nalang kasi available sa san agustin, halos fully booked na ang friday, saturday at sunday sked eh, eh nung nagbooked kami, wala pa kahit isa, so kami palang ang unang nakabook sa date na yan.

sis orangerain, naku, pareho pala tayo na palawan proposal. ganon ata talaga ang mga ibang boys sis...magpapabook muna para siguradong yes na ang sagot, kasi imagine kung nag no pa ako, eh nakapagpabook na...hahahah!! lalo na sa inyo sis, walang kawala...enjoy the underground river sis...

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #491 on: September 26, 2011, 04:33:20 pm »
^naku sis hindi sa fort.medyo mahal kasi dun eh.saka malaki yun venue masyado.parang mas maganda kasi un sa java hotel.mas mura pa saka mas malapit sa bahay ng h2b ko at napakacozy ng feel nun place.may bridal gazebo pa at mas malapit yun hotel na yun sa florist ko and sa gagawa ng cake.mas ok yun size ng hall na ibibigay niya sa amin,saktong laki lang.nakakatawa lang sis,buti nga hindi nagalit sa akin un bf ko ng hindi ko nasagot yun tanong niya.mga lalaki kasi minsan,magulo isip :) at least may proposal na.para daw maguilty ka sis pag humindi ka pa.LOL.saan reception mo?

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #492 on: September 26, 2011, 04:38:42 pm »
welcome sis orangegrain..

sis qtpurple04 tama normal lang yan tampuhan hehe..

sis riaenvodka, congrats naman hehe.. finally you're officially engaged hehe..katuwa naman si h2b mo hehe..at malaking check mas maapreciate mo yun pearl ring kasi yun ang may moment hehe..

sis health gal hugs and kiss for you sis..

ako i really enjoy my weekend dami namin nagawa..
sad lang kasi may pasok si h2b this weekend saturday and sunday kaya mag isa muna ko mag ayos..sanay pa naman na may kasama ko nag aayos..

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #493 on: September 26, 2011, 05:13:24 pm »
salamat po sa mga sumilip sa aming prenup keme. isang scene pa nga lang yun kasi hindi pa kami tapos magscreen ng mga pics. basta, daan daan lang po kayo. protected po yung page, so kung hindi nyo po maaccess, just let me know :)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #494 on: September 26, 2011, 05:22:49 pm »
daan lang to greet everyone. :)

congrats sis rian. pareho tayo, yung question lang talaga gusto ko. ;) pero mas happy when h2b gave a bonus (yung e-ring). hehe. enjoy the kilig feeling.

hugs sis health.gal maaayos nyo din agad yan. sobrang excited lang si h2b mo. baka nga gabi gabi nya iniisip wedding. hehe.

sis mafia di ko ma-access yung prenup. pa-share po. :)

orangerain

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #495 on: September 26, 2011, 05:57:16 pm »
lennie.bong We're still deciding kung sa May 8 2012 (date of our civil wedding) or sa September 30 2012, which is when we celebrate our 5th year as a couple. Pag uusapan pa namin ito w/ our coordinators kung ano mas maganda and kayang paghandaan. Pero most likely September 30.

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #496 on: September 26, 2011, 06:22:43 pm »
Hello mga sisses. Super maulan today. Lamig. Brrr....

Hello sis hitgirl! Nag-create na si sis blueflame ng event sa FB page natin. Oct15, 3-6pm po yung EB. Sana maka-attend kayo. :) Na-miss ko naman bigla ang sembreak. hehe.

Hi sis prehtsel! Aww... Wag ka na ma-sad sis. For sure naman, makakahanap din kayo ng venue. In our case kasi, we considered convenience. Mejo nag-over ito sa alloted budget, but since we loved the place, gow na kami dito. Kaunti lang din naman yung choices namin dahil sa province kami ikakasal. Since Manila-based wedding naman kayo, kering keri yan sis. :) Relax ka lang. See a movie. hehe...

Sis augbride, jan7 si sis juice, then 10 days after, si sis blueflame na. hehe...

Sis mafia, ang shoray naman ng prenup pics! Bonggacious ever ang mafia theme. At Daniel Lei pala kayo. Isa sa mga hanggang pangarap ko na lang. hehe. Wagi! :D

Sis lenie.bong, wow! Sa Paoay Church kayo! Hongonda gonda dun. Winner! Pati yung resto sa tapat nung church eh na-miss ko. Yung pinakbet at dinuguan pizza. Plus yung mga tindahan ng chichacorn. LOL. Puro pagkain ang nasa mind. Congrats pala sa mga accomplishments!

Sis patchi, wow ang shoray din, nine west na, 2 pa. hehe... Keri lang yan sis. Mahirap naman talaga pumili ng perfect shoes at perfect dress. hehe. Basta follow your heart lang. Kung saan ka magiging masaya. You're the bride after all. Kung keri ng budget, then gow. Kung hindi naman, ayun na ang di okay. hehe... uy, congrats sa free pre nup sa Ilocos. Me and h2b really love the place.

Sis health.gal, super bait nga eh. She's from San Ildefonso, Bulacan btw. As in North to South ang lola mo. Kaya super thankful talaga kami na nakapunta siya for the measurement taking. At oo naman, isa ka sa mga idol ko dito sa GT. :) Always ready to help fellow b2bs. Teka, nasa Makati ka lang naman diba, iset natin ang lunch out. LOL. Jowk lang. Re your h2b, hehe, siya na ang feel na feel ang pagiging groom. :) I find it cute though. Pero kung sa akin nangyari yan, maiinis thin ako ng slight. Lalo na sa L/S issue. hehe. Dun sa kissing bells at e-session, I think pwede mo na siyang pagbigyan dun sis. Pero dun sa na-book na na supplier, mejo paliwanagan mo na lang. ;)

Welcome sa thread sis orangerain! :)

Sis qtpurple, awww... Ang sweet naman ni h2b. Isa siyang alamat. hehe. Pero tama naman kasi yun. Konting sacrifice lang naman sis. For sure, basta desidido na kayo, matutuloy na yang 2012 wedding nyo.

Sis riaenvodka, WEEEEEE!!! At last! O diba, at sa UR pa ang venue. Perfection! hehe. *kilig* At tohmoh si sis ez4gotten, yung question ang pinakamahalaga. Bonus na lang ang e-ring. ;)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #497 on: September 26, 2011, 06:36:22 pm »
hi sis orangerain, welcome here! just post your concerns, we might be able to help.

sis qtpurple04 – kami rin ni H2B, 10 years na kami mag bf-gf nung umalis siya para magwork sa labas ng Pinas. Malaking adjustment at first, but I’m sure makakayanan mo yan. Thanks sis. Nga pala, hindi alam ni H2B na nagtampo ako sa kanya. Sa sarili ko lang yun at sa inyo, hehe. Ayoko muna siya i-worry sa kung [textspeak!]-ano at mahirap trabaho niya dun, at saka siya yung out-of-the-country kaya I’m sure mas malungkot siya dun, kaya no-no for me na bigyan siya ng negative vibes. Saka ko na ikwekwento na nagtampo ako pag uwi niya. At least by that time, pwede na ako maningil sa kanya kasi andito na siya. Hehe.

sis riaenvodka – wow sis! Congrats! So happy for you. Thanks din sa iyo. Yup, kailangan magsmile kasi mahal ang magpabanat ng wrinkles. Hehe.

sis michiness - ah Bulacan pala siya. May nabasa rin ako na magaling na couture na taga Sta. Mesa, sino kaya yun? Re H2B, hay naku, super corectness ka diyan, super duper feel na feel talaga niya maging groom! I'll still try to convince him about rejectkrew, pero saka na kami magtutuos, pag-uwi niya dito. LOL!

Thanks sis vincris and ez4gotten.

Sa mga papasok ng work, or papauwi, ingat po, stay safe at maulan  ;)

red143

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #498 on: September 26, 2011, 08:11:52 pm »
Baket kaya sobrang tagal bago I approve ang mga post ko at mga tanong ko hay :(

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #499 on: September 26, 2011, 08:17:47 pm »
salamat mga sisses...oo nga eh, natapos na ang pag iisip ng kung ano ano...hay..nag email ako

sis lennie, wala pa kaming venue, pero gusto ni h2b na La Castellana, sa intramuros din yun, para spanish pa rin ang set up..wala nga lang aircon kasi dun, kaya prob to the max kami...ah, maganda nga ang java hotel sis....very cozy...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close