sis
katrinac – re misalette, wala pa akong copy, pero nagbibigay ang Parish Office ng sample. Nakagawa na kami ng design cover pa lang, yung contents wala pa, kasi tagal pa date namin, baka magbago pa. Thanks pala sa pagsend mo ng rates ng Velvet. Familiar ka ba sis sa SJB chorale? If yes, alam mo ba rates nila? Kasi choir talaga ang gusto ni H2B para sa Church, pero sabi ko sa kanya, ichecheck ko muna kung pasok sa budget namin.
sis
blueflame – thanks sa pagcreate ng event sa FB page natin.
sis
maldita29 – welcome here! Enjoy the preps! Sana wala akong naskip nab ago na hindi ko na-welcome pa.
sis
qtpurple04 – sa mega ka lang pala nagwowork? Lagi kami sa Tong Yang, halatang malakas kumain noh? Hehe. Re your H2B going abroad, okay lang yun, kakayanin mo yung preps. Andito naman kami eh. Kailangan lang constant communication kayo ni H2B mo – well, kahit hindi naman sa wedding preps eh, kahit sa relationship itself, dapat constant communication, di ba?
sis
michiness – bait naman ni Ms. Ven, at talagang pumunta siya ng Imus from Sta. Mesa (tama ba, dun shop niya?) At talagang idol mo ako pagdating sa preps ha? Tenchu. Hehe. Now, I’m blushing and smiling at the same time. Ikaw talaga! Ano gusto mo for lunch? Hehe.
sis
ez4gotten – huhu, saying wala kayo ni Papa P sa EB. Di bale, there’s more to come. Nakakatuwa naman realization mo about married life. Sana all brides will be like you. By the way, despite sa isha-share ko na rant sa baba, pasend pa rin po ng rates and contact details ng airport ha re sa e-session. Thanks.
sis
xam323 – hugs for you.
sis
prettymamie – ang kyooot ng caricature ninyo!
sis
carmichael18 – musta ang bagong kasal?
sis
mafiapenguins – ganda ng prenup ninyo!
sis
vincris – congrats sa mga accomplishments niyo. Parehong creative mga H2Bs natin. Daig nila tayo, di bale, organized naman tayo, so we complement our partners naman. Hehe.
sis
riaenvodka, sent you a friend request na rin at FB.
sis
prehtsel14 – hugs for you. Iba iba kasi tayo ng idea kung ano ang magandang venue. Parang kami, modern chic hall gusto namin, but other couples would prefer yung traditional na romantic garden setting. With the three venues that you mentioned, pinaka type ko yung GEH (Aberdeen).
Re photo albums, since budgeted kami, no prints muna lahat ng kukunin namin na Photo Packages, saka na kami magpapagawa ng album after the wedding.
Re EB / wedding expo at Megamall, pupunta ako, and I’m hoping to meet everyone. But, I can’t promise if I can stay pa for a snack or dinner-out after the event, kasi mukhang gusto sumama sa fair mommy ko and tita ko (who’s my maid-of-honor). Although hindi pa naman final schedule namin, I’ll update the group.
Re ento gifts, since sagot din namin mga damit nila, wala na kaming token na ibibigay sa kanila. Even sa guests, wala kaming souvenirs, yung photobooth lang. Sa commentator, readers and mga mago-offer, bibigyan namin sila ng shawl.
Re pagboo-book ng suppliers, since December 2012 pa kami, and we’re not even yet 100% sure of the date, medyo hinay-hinay muna kami sa pagboo-book. We’re looking forward to the auction din kasi sa isa pang wedding forum. Sana may makuha kami dun. Hehe.
Re married life, nalagpasan na rin namin ni H2B ang takot and what-ifs stage, sa tagal ba naman namin. Haha. Kaya the wedding for us is more of a celebration and party (and to receive blessings from God, of course). At siyempre, gusto na rin namin magsama sa isang bahay, at magka-baby. Haha.
Re blogspot – Ayaw talaga ni H2B na magshare ako ng kahit ano muna about the preps sa wedding blogsite namin. Kahit inspiration, wag daw muna, mawawala kasi yung element of surprise. Sige na nga, behave na ako, kaya ngayon, I’m trying to learn kung paano magpost pero naka-private muna. Pwede naman yun di ba? Para pag may idea, sulat na agad, pero wala munang makakabasa, saka na i-activate after the wedding.
Rant ng konti: Whole weekend ako hindi nag-post dito sa thread. Medyo inis ng konti ako kay H2B, kaya tampo mode din ako sa preps. Paano kasi, napaka fickle minded.
First, sa LS supplier, na-book ko na kasi si Rejectkrew. Then sabi niya, ayaw niya talaga kay rejectkrew kasi hindi nila kaya ang Full Band Setup. Eh ang last na usapan namin ni H2B, nice-to-have namin ang full band, last siya sa priorities namin. Basta si Sensitivity daw gusto niya.
Second, yung sa kissing bells. Siya nagsuggest na gusto niya yung malaking bells na parang kay Mamang Sorbetero. So mega hanap ako, nung nakahanap na ako, gusto naman niya palitan, musical triangle na lang daw gamitin.
Third (and lately lang nangyari). Ang initially na gusto niyang genre for our e-session eh yung medyo modern na not the classical romantic type. In fact sabi niya gusto niya sa Airport mag E-Session. Then, just when I found out through sis Ez4gotten na pwede mag pre-nup sa airport, at nung ni-report ko na kay H2B, ayaw na daw niya, gusto niya super sweet na garden or beach setting. Naku! Dinaig pa ako sa pagiging fickle minded. Eh ako pa naman yung pag naka mind set na, naiinis ako na baguhin yung plans. Oo na, andun na ako, he’s super involved with the wedding, which is nice naman, pero sana wag lang pabago-bago ng isip. Pero okay na ako ngayon mga sis, I’m just trying to understand him, baka sa bawat pagtulog niya sa gabi eh iniimagine niya yung wedding namin.
Hello po sa lahat. Since lumalaki na family natin, hindi ko na imemention isa-isa ha. Have a nice day everyone! 