Happy Friday mga sisses, late na ako pumasok sa office, kasi nag dinner kami ng isa sa mga BM ko sa Greenbelt. and super namiss ko sya ng bonggang bongga. parang gusto ko sya i-upgrade as MOH. lol. Happy Friday sating mga lahat!!!
bridal fair: - nakapag register narin kami ni h2b, naku kaso parang Sunday nanaman ata ang ending namin neto. kalerky.
ez4gotten - sige sis, hintayin ko ang review mo sa kanila. and na curious ako kung san nga sila located, kasi sa multiply site nila parang wala din address na nakalagay. nag rereply ba sya sayo thru texts? wala kasi akong nakuhang reply pati sa email eh. though sa phone, ambilis naman nya sumagot.
ninaceline - magandang alibi yan sis, sa pag decline sa mga volunteer abays. hahaha.

tayo ang ikakasal, kaya dapat tayo ang may karapatan mamili. lol. re:
STD na magnets, for me , mas maganda tipong 4-6 months before the wedding.

kami kasi wala nang mga ganyan, tinext nalang namin sa kanila nung wedsite namin , and yun na ang naging STD namin. at tinext namin sila kailan lang. so 8 months to go pa sinabihan na namin agad sila. then iremind nalang namin ulit pag tipong 5 months before the wedding. re:
mass reader - di sila kailangan kasama sa ento sis, pero if gusto mo may gawin ang mga BM mo during sa wedding ceremony, pwede mo rin sila gawin mass reader. or if you want naman, kung may mga friends ka na di mo mailagay sa ento, pwede mo sila gawing mass reader. mas maganda siguro kung formal dress, pero di naman need ng bonggang gown tulad ng pag ento. dress would do.
chelle - sis, let me know pag nakuha mo na nung email ko ha?

mnsan kasi topak nung gamit ko na email hosting eh.
re: photobooth as souvenirs, naku patok na patok yan sis as a souvenir. yan din samin. pero mukhang kami ni h2b ang mag eenjoy talaga dun, dahil mahilig din ako sa mga ganyan ganyan. pero for sure, ma appreciate talaga nila yun. kaysa naman sa mga ibang souvenirs na pandisplay lang ba. speaking of souvenirs, alam mo ba, sa GEH, kasama na ang souvenirs sa package nila. and guess what, figurine ang souvenir nila, - pwede ka mamili, kung dove, bahay, hearts, basta not my type talaga. sabi ni h2b, wag na wag ko daw ipapamimigay yun at baka sabihin ng mga bisita pangit ang taste namin. lol. di lang talaga kami fan ng mga figurines. though may ibang figurines naman na okay talaga pamigay, kaso nung sa kanila, old school kung old school talaga. parang nung sinaunang panahon talaga na give aways.
hitgirl00 - sis, parehong pareho tayo ng banat. hahah. ganyan din sinabi ko kay mama, kapag may invite sila na wala talaga sa original guest list namin ni h2b, sila ang pay. ang kinagandahan samin, per table ang bayad, hindi per head. 2000 good for 10 na tao na ulit yun. unlike sa mga ibang mamahalin na caterers, minsan 600-700 per head. so pag nagdagdag kami ng tables, mas marami pa kami ma invite na extra ;)and since kaunti lang invite ni hubby, sakin mapunta nung sobrang slot. haha.
vincris16 - nambroblema ako bigla sa date ng bridal fair sis. baka sunday nanaman kami. hay naku, kung hindi pwede si h2b, baka ako nalang talaga pupunta para naman makita ko kayo! kaso gusto ko rin pakilala sa mga 2012 brides si h2b eh. nang masanay naman sya sa ibang tao. hindi puro ako ang nakikita nya. lol.
prehtsel14 - sis, okay na yang deal na yan, and may kamahalan ng kaunti for me, pero may pangalan naman na ang niceprint, kaya go na dyan
michiness -whoaa, limited na yun? pano pa pag unlimited? 1000 na? lol. naku sis, alam mo ba, 200 guests din dapat kami ni h2b. kasi nung first option namin ni h2b sa GEH, pasok sana sa banga, eh since gusto namin na mas intimate, kasi nung sa mga nasa listahan namin dati na nasa 180 na, di namin masyado ka close. kaya stick nalang kami sa 100 to 130 guests.

para intimate kahit papano. hihi.
blueflame sis musta pag pa beautify? inggit ako. sana ako din ma experience ko ganyan. hihi
health.gal - sis, since nabanggit mo ang misalette, tayo ba gagawa nyan? may copy ka na ba? im so clueless. or galing sa SJB na? dami kong tanong. hahah.
Hi sa mga sisses natin na iba and yey, wala na nung watched ko!!!