Hi mga sis!!! Isang magandang gabi!!! ♥
ishopnowfeelguiltylater - awww, nakaka lerkey naman. pagusapan nyo nalang ng maigi. let him know na we should stick sa number of guests natin. syempre, pag may extra, ibig sabihin, extra gastusin. pero naku, ang mga 100 guests na yan, for sure mahirap masunod yan sa wedding day mismo.alam mo naman, may mga magbi-bitbit parin ng extra baggage talaga. heheh

kaya dapat more RSVP kayo. kaso minsan naman, pag nag confirm ang mga nag confirm, come the wedding day, wala naman sila!

wow sis, punta ka Cebu? ingat!!! ikaw na ang gala. lol. aba, sa wedding day ko pala, matatanaw nyo ni sis
michiness ang event. lol. diba malapit lang ang Pacific Star sa Great Eastern? Madalas ako dyan 2 months ago, binalik balikan ko nung the sandwich guy. di ko alam, may TSG pala malapit dito sa office namin. lol.
blueflame - naku sis, buti nabanggit mo ang budget sa damit. hahah. di ko papala naisama yan sa budget namin for pre-nup! kaloka! hanap nalang kami ng ukay ukay, tutal may pagka vintage naman ang theme namin. para makatipid.
re: velvet mood - yup sis, nakapag down na kami siguro mga january or feb pa ata yun. wala pa kaming church ni h2b that time, more down na kami. hahah. na excite lang masyado. nung quartet kunin namin sis, para may singer na kasama. super bait nya kausap ano? sige text ko sya ulit and check ko nung rates sa kanya. btw sis, may email pala ako sayo. mwah! sis pagdating sa
timbang, for me lang naman ha, nung sa velvet mood. kaso mas malaki ang lalabas na pera dun. pero mas madami ka magagawa sa velvet dahil sa reception madadala mo din sila. and iba din ang dating kapag strings ang tugtog sa church diba? pero kung sa LRT2 naman, hhm, may sentimental value din kasi ito, at isa pa, nung output neto ay, forever na sa inyo, dahil pictures na ang pinag uusapan. sigh, pati ako naguluhan. eh kung both nalang? kaso sobra naman sa lobo ang gastos nyo. sorry sis, mukhang di ako nakatulong. hehe. baka lalo ko lang napagulo isip mo. waahh
michiness - naku po!!! napakanta ako, for sure, sigh LSS nanaman ako sa sweet and mild na kapeng yan. lol. parang bet ko ata ang ganon na wedding teaser ah. hahaha

i agree, ang mga thunderbirds, hilig nila ang maraming imbitahan. tayo naman as much as possible, with close friends lang, the lesser, the better. para less expenses. pero sis, ang dami ng guests nyo. whooaa!
re: sa pag offer sis, kaasar, nakalimutan ko nanaman tumawag sa Don Bosco. grrr. sa bahay kasi nag stay si h2b, kaya todo asikaso ako kanina. nawala sa isip ko. lol.

dami nya kasing rashes, kaya todo alaga ako. wawa nga eh

sabi ko nga dun sa friend ko eh, lagyan din nya ng gulay. ahaha. samahan pa daw nya ng itlog para complete na daw ang food ni father. kaloka lang.

pero pag tayo talaga ang shoulder, hanap talaga ako ng pwedeng mag offer na sila nalang talaga mismo ang naka toka. kasi may nakita ako, flowers din eh.
vincris16 - ay sis, gusto ko gumora dyan sa kasalan 2011. this time, for sure PRESENT na talaga ako. haha. san ba ito? mega ba to sis?
vain_kixie - awww sis, minsan ang hirap din talaga tumanggi ano? samin, though super love ko naman ang parents talaga ni h2b, nagugulat lang ako pag si h2b may sinasabi sakin na isasama daw sa listahan ng ento si FMIL. dahil kapag di daw isasama, baka mamaya magtampo si ganto, magselos si ganyan, kasi kinuha mo ganito, tapos si ano di mo kukunin. etc, etc. ang hirap tumanggai at ang hirap magsalita. lol.
health.gal - ikaw na sis ang super updated pati sa mga dates ng bridal fair. btw, may utang pa akong tawag sayo sa SJB. di ako nakacall kanina, kasi more alaga ako kay h2b. nawala nanaman sa isip ko. sigh. re: bad posture, naku sis, na worry ako, si h2b kasi sa family nya, marami sa kanila may scolio, eh pati sya, medyo na ka ganon narin nung likod nya. (di ko alam nung term, basta parang nakayuko hehe)
ez4gotten - sis, balitaan mo ko sa taste test ha? sayang talaga, let go na kami sa dessert bar. chocolate fountain nalang kunin namin para dag dag sa dessert. kasi naman nung dessert sa GEH, buchi. lol. chinese food kasi serve nila dun.

naku sis, ingatan mo yang scolio mo ha? inom ka ng gatas lagi! si FSIL may ganyan din, she has to resign sa work nya kasi grabe ang pain nya gawa nyan.
augbride - sis, welcome sa thread!!!

happy preps! di pa kami lahat nagkikita dito. pero super close na nga namin. hihi.