watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83492 times)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #360 on: September 21, 2011, 06:57:57 am »
Magandang umaga everyone!  ;) ;)

michiness - amishu sis! bonggang-bongga nga ang velvet mood. after contemplating sa price between a choir and strings, mas sulit talaga ng strings! tska i conculted TOE din kasi 2 pinagpipilian ko - velvet mood or libante. mas bet daw nila velvet. good thing mas mura din sila conpared to my other choice.

ninaceline - buti naman at okay ka na ulit sis! nag-worry kaming lahat sa yo. yes sis, nakapunta na kami sa endramada. mukha namang malamig yun area nila, residential kasi tska mapuno naman. high ceiling din yun venue kaya maganda ventilation. Send ko rates nila later pagdating ko sa house. Forward ko sa yo rates nya ni Mac ha. Text ko within the day. hanapin ko pa sa inbox ko. natabunan na ng messages eh.  :D

hitgirl00 - regarding BMs, keri lang yun kahit may anak, single mom or married. wala akong nadinig na may rule abt that. i have a BM na single mom  :D

health.gal - sama ko sa coffee tambay nyo sis! kelan ba yan? haha! sagana ba sa smiley sis?! dapat lang kasi masaya talaga akong pumayag si h2b. hehe!

katrinac - Velvet Mood brides tayo!  ;) di pa kami nag-meet personally, sa phone lang kami nag-usap kahapon. pero makipag-set ako ng meeting, prenup muna priority ko ngayon. hay naku sis! paigsi na ng paigsi tulog ko! di na ume-effect ang melatonin! i'll try to sleep earlier na. di lang ako nakatulog ng maaga kahapon dahil sa LRT na yan, laging busy ang phone eh need ko na ifollowup yun permit namin. 

speaking of LTR2, approved na daw yun schedule namin for prenup. kaso medyo expensive ang location fee nila, 5k whole day shoot. keri na ba yun mga sis? pag-usapan namin ni h2b when i get home. we'll go to PNR station to ask for their office number para may backup location. we'll go for the cheaper location.  though may significance sa amin ang LRT2. Kung kayo mga sis, ano mas pipiliin nyo, sentimental value ng venue or budget?  ???
« Last Edit: September 21, 2011, 07:04:18 am by blueflame »

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #361 on: September 21, 2011, 08:31:15 am »
sis ninaceline si aris caras po ang HMUA ko..

sis katrina naku sinabi mo pa naguguilty nga ko minsan hehe,,

uu nga sis health gal ganun na nga lang gawin ko kaso prob ko sakanila humihingi ako konti suporta sa plan namin sa wedding i mean moral support lang not financial..kasi dami nila reklamo sa want ko..ayaw nila sa hotel want nila sa bahay..pati nga fg isinisingit nila mabute kapitbahay namin na di naman namin kaano ano..dahil nahihiya lang sila tumanggi at nagprisinta na..eh want sana namin ni h2b eh relatives lang ang kunin..haaay ultimo mga PS kahit di namin kilala pinapasali nila haaayzt kalurky na habang tumatagal nakakalurky mga want nila..

sis blueflame naku ang mahal naman sa lrt2 hehe pero kung keri naman e go na kayo sa sentimental value ng venue..

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #362 on: September 21, 2011, 09:09:33 am »
sis katrinac, ako aiming for October 08 2012 (lunes). reason ko: maraming promo fare sa panahong ito! kamusta naman pamilya pa lang namin from Legazpi almost 30k na gagastusin namin pamasahe pa lang tsaka accomodations.

sis health.gal, meron bang makati edition yang morning coffee tambay?? hehe.

random questions lang po.

- totoo bang nangangamoy ang pasig river kaya di maganda sa makati parks and garden?
- kung SSA Hall, strikto ba magpapasok sila ng guests? (sa loob ba siya ng forbes?)
- sa NSDG, pag Monday wedding, ikaw pa ang maghahanap ng pari?



michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #363 on: September 21, 2011, 09:49:45 am »
Good morning! Dadaan muna ako dito bago pa humaba ang iba-backread. hehe. ;)

Sis ninaceline, wohooo! At ikaw ay nagbabalik. Keri lang yang ganyang mga kadramahan sa life. hehe. Basta keep holdin' on. Lalo na when you know how you love each other. Para na rin kay baby mo. :) Di talaga maiiwasan yan eh. Kahit naman kami ni h2b, gumaganyan din minsan. Pero sa dami na ng nai-book, aatras pa ba kami? LOL. Kidding aside, we really want to be together for the rest of our lives.

Sis hitgirl, congrats sa bagong booking! :) Re bridesmaid, I don't think may rule na bawal may asawa diba? Keri lang naman yun. Yung re flowers for ento, in our case, magkakaiba po ng arrangement yung sa MOH, BM, PS, Mothers, SS, at FGs. Para may distiction. hehe. Flowers for the church, yung iba, nago-offer na nun. May additional fee pag special. In our case, walang florist si church kaya kumuha pa kami.

Sis chelle_peachy, naks. Keriboom-boom lang naman. At least nadagdagan pa ang time for the preps. Ang mahalaga, sureness ever na kayo sa 2012. Wee! Natawa naman ako sa madedemote na MOH.

Sis katrinac, uy magandang tanong yan. Di ko din alam ang sagot about offerors. hehe. Help!

Sis ez4gotten, may rates ka po ba nila? Maisama lang muna yan sa wants. hehe. Parang i likey like din yang candy bar.

Sis health.gal, uy kakatuwa naman yang coffee galore. Inggit much. hehe. Regular sched lang ako eh. :)

Sis mafia, honga, share your prenup photos! Ay, di pa pala tayo friend sa FB. Add kita huh.

Sis blueflame, kelan ba ulit tayo magkikita??? Pa-share naman ako ng rates ng Velvet Mood please. Baka naman mas cheaper sila kesa sa Totally mesmerized. :) At since recommended nila Thoffy, for sure keribels talaga yun! Re 5k for a whole day shoot, mejo pricey nga. Pero mukhang worth it naman kasi whole day na. Tsaka mae-execute nyo yung prenup concept ng bongga. Gow na yan sis! I can't wait to see your photos. Excited na for you and your bebe.

Sis vincris, awww... Mukhang typical na taga-Cavite ang parents mo. hehe. Problem ko din yung mga sangkatutak na gusto iinvite ng parents ko. Kesyo nakakahiya daw na hindi imbitahin, etc etc. Pero luckily, sa wedding preps, di nila kami pinapakialaman since kami naman gagastos. Join pa nga sila sa church and reception venue hunting, makeup trial, etc etc. hehe.

Hello sis ishopnowfeelguiltylater! Churi naman at di kaya ng powers kong sagutin ang mga katanungan mo. hehe. No idea sa Manila-based venues. Si sis health.gal ang expert jan. hehe.

Work mode na muna. Mwahness to everyone. :*

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #364 on: September 21, 2011, 10:06:36 am »
naku tama ka sis mitch ganun talaga..
hirap tuloy kame paliwanagan mga parents ko pero sa side ni h2b wala problem..

ninaceline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #365 on: September 21, 2011, 11:02:53 am »
hitgirl00 - sis, mostly ng church sayo padin manggagaling ang tulle kapag di mo kinuha package nila. and sa bouquet ang magkaiba lang sa akin, secondary sponsors and flower girls.

juice406 - sorry sis na-sad kayo. ahihi, we'll try later to travel diyan sa shortcut. the last time kasi, edsa pa dinaanan namin umabot kami 1 hour. no traffic jam pa yon, stoplights lang.

katrinac - oo nga sis e,yung iba kasi talaga kainan lang habol. haha. lalagay ko na lang sa wedsite food service will start when we arrive. ano kaya? haha. sama ako sa coffee tambay!! :D

ez4gotten - ahaha. yay!! yup sis, siya yon, lahat nga ng pinatingin ko sa site niya sabi si khite na kunin ko. magaling naman talaga. kung mura na yon. sige GO na me! hehe

health.gal - hehe, nag-scout na nga ako malapit lapit sa church, try ko yung sinabi ni sis blueflame na endramada pero kung wala talaga. tuloy ang patio ibarra. ako malapit, ortigas lang ako! join me!!

blueflame - ok sige sis wait ko,, re prenup . for me ha. pera lang yan. go na tayo diyan, iba padin kasi yung happiness pag sa LRT2 mismo ishoot. kesa naman sa mas cheaper na lugar tapos half hearted ka :)

ishopnowfeelguiltylater - sis re pasig river. no naman, kasi nag-ferry boat ako pag lumalabas naman ako hindi naman mabaho. ewan ko lang baka mahina pang-amoy ko, pero di naman. hihi

michiness- haha, natawa naman ako don. kaya siguro madali kami mag back out kasi konti pa lang naman LOL .hihi. ang pressure kasi everywhere.

vincris16 - nako, ang daddy ko nung una supported ako na immediate family lang, kaso palapit ng palapit ang kasal, pasulpot sulpot nadin ang mga isinasali niya sa gueslist. pati pala mommy ko. samantalang kay h2b mga 25 lang ata

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #366 on: September 21, 2011, 11:09:14 am »
vincris16 - goodluck sa family mo sis. sana maayos na nyo yung ento kasi malapit na tayo!

ishopnow - sis, my h2b is from legazpi too! baka magkakilala kayo. sa st. agnes sya nag-HS.

michiness - sis, i can send you their rates kaso yun luma pa yung nasa ako. july pa lang kasi nag-inquire na ko eh nag-increase na daw sila. Fw ko na lang din sa yo, sabihin mo na lang nag-inquire ka na dati pa, lambingin mo na lang na yung old rate pa rin ang ibigay sa yo. hehe!

ninaceline - thanks for the advise sis. tama ka dyan sa venue! i'm giving us until friday para ma-finalize ito. uuwi kasi si h2b sa legazpi this weekend so bago pa yan, dapat plantsado na.

ang argument pa namin ni h2b is kung itutuloy pa yun quiapo. kasi sayang naman yung 5k kung di namin masusulit.  :-[

ylronchar

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #367 on: September 21, 2011, 11:19:17 am »
ylronchar - bro, pinakita ko nga yun sa officemate ko/wedding coordinator kuno, and gandang ganda sya. sabi ko, ginawa sakin ng isang tiga FN, na groom to be na super hands on sa wedding preps.  ;D and ayun, na amaze sya sayo.  ;)

thanks, sis katrinac! dami pa kami plan na DIYs ni fiancee pero secret na muna lahat. baka after wedding na namin i-post para surprise hehe. na-notice ko na okay pala sakin mabutingting ng kung ano-ano. stress reliever and outlet ng frustration ko sa visual arts. hehe.

hello po sa lahat! :) medyo lurker lang muna ko pero i'm following your posts. God bless po sa preps! :)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #368 on: September 21, 2011, 11:26:49 am »
blueflame, so chineck ko yung site mo para matingnan si h2b mo, kahit di ako sa st. agnes nagHS. hehe. baka ako kilala niya, haha jowk. uy i love that song ha. there was  a time na gusto yung song na yun for the SDE sana kaso my bf can't relate sa song.

ninaceline, october pa naman target date namin tapos baka may bagyo the day before, yun talagang baka mangamoy na. so hanap hanap pa muna siguro kami ng ibang murang venue na malapit sa opisina. tamad lang.

this just in. magpaparenovate daw ang SSA Hall. Starting April next year, baka umabot daw hanggang october. I was eyeing it pa naman kasi nga 15k lang bayad plus 15k security deposit. :( saad.

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #369 on: September 21, 2011, 01:15:53 pm »
blueflame - sabi nga ni h2b kausapin ko na daw ng heart to heart ang parents ko kasi need na niya yun mga list ng entou.

ylronchar - galing galing mo naman bro hehe.. ganyan din si h2b ayaw ipaalam sa iba mga design nya kasi want nya may surprise hehe

hello sa mga b2b beauties hehe

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #370 on: September 21, 2011, 01:44:21 pm »
re coffee kembot sa shaw (parang gay bar lang yung pangalan ha, hehe) – ok ba kayo 6-7 am? anong day niyo gusto? Monday – Friday lang sana. Sinu-sino pa aside from sis Ez4gotten, Katrinac, Blueflame, Ninaceline?

sis blueflame, re sentimental value or budget, ang hirap mamili. Haha. Ako siguro, I would go for budget, pero kung kaya naman makuha sa OT pay ang excess budget, then I would go for sentimental value, after all, minsan lang tayo ikakasal di ba? 

sis ishopnow – go din ako kung may Makati edition ang coffee kembot. After all, sa Makati naman ako nakatira. Hehe. Kelan niyo gusto?
     Re Makati Parks, ano yung tinutukoy mo, sa garden mismo or sa pavillion? May friend ako na kinasal sa garden mismo, hindi ko naman napansin amoy ng Pasig River. But this was 2 years ago (I think). Kung gusto mo, tambay tayo dun para maamoy natin. Haha.
     Re SSA Hall, may friend din ako na kinasal dito last December 2010. Dami ko friends na kinakasal, ako na lang naiwan na single, hehe. Nope, hindi sila strict sa pagpasok. Anyone can enter kasi hindi naman siya sa loob ng Forbes Park mismo. Dun lang siya sa may bukana.

sis katrinac – tumawag ako sa SJB, may kausap si Ms. Jing kasi na iba, so ang sabi nung isa pang nakausap ko, hindi daw kasama commentator and readers, tayo daw magproprovide. Nakatawag ka na ba? Parang nagdodoubt ako sa kausap ko eh, I verify ko lang kung pareho ang sabi sa iyo.

bro Ylonchar – sino sa inyo ni W2B mo ang gusto na secret muna mga DIYs? Kasi yan ang dilemma ko ngayon kay H2B. Ayaw niya talaga ipakita lahat, pati inspirations ayaw niya. In fact, nung nalaman niya na pinost ko sa blog yung water bottle, shoes, and floral inspirations namin, sabi bakit ko daw pinost. Nawawala daw yung element of surprise. Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Haha, nag-rant ako bigla.

Hi sa lahat.

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #371 on: September 21, 2011, 02:13:05 pm »
hi sa lahat! quick post lang at may pinapatapos si boss ko. :P

re coffee kembot sa shaw oh no oh why! kelan ba yan? mid-shift kasi ako, from 2pm-11pm. pero on october 10-14 mag-GY ako, may expat kasi na darating.

re makati parks tumatambay kami dyan dati (i have friends kasi sa pamantasan ng makati) pag maulan (yung as in straight na ulan for days) mejo may amoy na yung river. :D pero pag di naman, wala naman amoy. tsaka that was way back 2001 - 2002 pa, baka naman nag-improve na ngayon kasi nilinis na ang pasig river. :D

sis michiness 3500 yung candy bar for 80 pax. 10 kinds of candies, free setup plus 80 boxes. i think that's a good catch na dahil yung boxes pa lang that's 3.50 na each. yung chinese take out boxes. tapos yung candies 10 kinds naman so madami na yun. we planned to DIY that kasi, ang computation ko mga around 5-6k (although mapupunta na samin yung jar nun after the event). the setup is accdg to your theme. ;)

kaway kaway muna sa lahat. :D

hitgirl00

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #372 on: September 21, 2011, 02:18:30 pm »
hi din health.gal, vincris16, ishopnow!

ylronchar, galing mo bro! i agree, same kayo ng h2b ko pero yung kanya yung invites and other layout-related stuff lang. and he doesnt want to show it to anybody para may element of surprise daw hehe

ninaceline, oo nga eh, yung church namin no package for that. Christian church kasi. anyway, hope you,re feeling better na sis :)

michi, o nga sis, yung church namin wala rin. not sure sa ideal rate on church arrangement but so far sa mga na scout ko, naglalaro sa 10k ang arrangement. i want the idea rin of having different flowers for each role para may distinction. it crossed my mind lang na baka "cheaper" if uniform sila. hindi kasi ako super girly kaya wala akong idea on flowers

health.gal i agree, needs vs wants issue nga to. the problem is may isa pang category in my case: needs vs wants vs parents' wants lol

blueflame someone mentioned to me na may ganung rule daw , or sort of... kaya i consulted you girls since mas trusted ko na kayo sa ganitong mga issues :) naku blue, mahirapa nga yang sentimental value vs monetary value... pero if you have the budget, why not diba? minsan lang din yan ika nga. basta whatever that will make u happy, do it. kasi once my hesitation regret or burden deep inside you, nega results din :)

vincris16 : sis di ko masyadong nabasa yung mga posts mo sa backread but i think we share the same concerns. parents ko rin daming "requests" both guestlist and ento. in all honesty, im not a family person --- mostly friends talaga ako. kaya i tried to be "civil" about it giving my mom and dad the freedom to choose people they want to be invited on their side. same fair number sila. ang hirap lang kasi the others they want include even in ento, parang di ko naman close din. issue nga namin nun [textspeak!] sa sis ko kasi we're not really close (long story) so originally she's not BM pero SS. kaso my mom was "hurt" daw kasi kahit di daw kami close, dapat BM sya. so whatever, sabi ko di pa naman final list hehe family issues talaga hayyy :)

hi to all b2bs and g2bs!



ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #373 on: September 21, 2011, 02:24:49 pm »
naku sis ez4gotten and sis health.gal mas masaya nga siguro kung maraming kasamang magtambay tambay.

re coffee kembot makati edition, katapat ko lang ang pacific star. dungaw ko nga sila sa bintana baka may malapit dito =)

bukas papasok ako ng maaga para makapagsimba sa sts. peter and paul (meron 7am-8am). not bad for 12k including red carpet, flowers, pari, and kakanta. talagang dapat alam ko muna yung presyo nila bago ako pumunta noh?? hehe.

sis hitgirl00, hi din! ano po kaibahan ng bridesmaids sa secondary sponsors?

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #374 on: September 21, 2011, 02:30:41 pm »
sis health.gal naku siguro ganun talaga mga lalake hehe ganyan din kasi si h2b wahehe..

sis hitgirl00 kaloka kapag ganun noh.? ako kasi hanggat maari want ko eh relatives or close ko yun kasama sa entou ko..

naku inggit naman ako dahil magkita-kita kayo hehe..

celica

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #375 on: September 21, 2011, 02:33:38 pm »
my wedding's on March 24. We've already booked the church and reception venue. My problem would be the gowns. Also, we have a lot of volunteers of being an abay.

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #376 on: September 21, 2011, 02:43:55 pm »
^welcome dito sis,
what bout sa gown sis, you mean wala ka pang designer or mananahi ng gown mo? or wala ka pang napiling design?

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #377 on: September 21, 2011, 02:49:07 pm »
welcome sis celica..
hmm if gusto niyo talaga ng konti lang na abay ipaliwanag niyo na lang ng mabuti dun sa iba na hindi makukuha dahil madami na kayo entou or may nakuha na kayo.. re sa gowns? wala ka pa designer? madami isuggest mga sis natin dito.. madami stylist and designer dito hehe ^-^

ninaceline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #378 on: September 21, 2011, 03:04:32 pm »
blueflame -np sis, i got your text, pag di kami nagkaayos sa rates ni khite try ko na si mac igarta.

ylronchar - pareho kayo ni h2b, gusto full participation siya sa preps ako lang yung umaayaw, HAHA

ishopnow tama si sis health.gal gusto mo tambay tayo diyan para maamoy natin. haha  .. im everyday ok pala sa time. ako ng walang ginagawa sa buhay :P

hitgirl00 - thanks sis,question mas important ba ang BM kesa SS? kasi wala ako BM.

celica - sis what about the gowns?  re volunteers, i had the same dilemma, lahat gusto abay kaya. coin bearer at bible bearer matatanda nadin.

speaking of wedding gown, wala pa ko maayos na sketch.. parang lahat hindi perfect.. sa mga entou ko and flower girl tapos na. akin na lang hinihintay ng sewer.. kayo ba mga sis, madali niyo nakita THE white  dress for you?

hello there sissies!! xoxo

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #379 on: September 21, 2011, 03:13:30 pm »
re volunteer abay, mas masama yung akin, volunteer ninang at ninong. auntie ko yun, na kailanman di ko gusto ang ugali. pintasera kasi, kahit gaano kasimpleng bagay. yung nanay ko ang tinext, na kunin daw silang ninong at ninang. sabi ko kay ma, ang isagot niya ay hayaan mo at sasabihin mo kay jam. ayun, di ako nagpaparamdam sa kanya (as if naman close kami in the first place) ayaw ko talaga sa kanya. baka masira lang araw ko.

side note: kaya pala di sikat sa GT ang Sts. Peter and Paul Parish sa Makati eh kasi 2 months before the wedding lang pwede pareserve. nawalan na tuloy ako ng gana.

tambay na nga lang tayo sis ninaceline sa makati parks baka sakaling mabigyan ako ng idea ng amoy ng pasig river. haha. anak ng...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close