blueflame -sis!!! kami din!! Velvet mood!!! yey!!! ang saya. hihi. super bait nya kausap ano? kami naman binook ko na sila early this year, super excited lang. lol. and i heard din sa mga ibang brides, super sulit kapag sila ang kukunin, kasi they do not limit the number of songs na i-play nila. hihi!. natuwa naman ako.

re: cake topper, yes sis, tama yan. dun muna tayo sa mas importante details talaga. marami naman ibang options diba? pero super natuwa talaga ako na Velvet mood karin. hihi -- tsaka sis, wag masyado paka stress ha. i read kasi your status kanina on FB na hirap na ikaw makapag sleep. Wedding jitters na nga pihado yan. waah!
carmichael - yup sis, kita ko na po. and super ganda nya. huhu! na excite ako bigla nung nakita ko eh. nahiya lang ako mag message agad, lol, pero promise sis, okay lang ba?

mga november sis, punta kami ng Rosy's and papa estimate ko na nung design mo. yey!!! excited much!
vincris16 - naku sis, ramdam na ramdam ko ang nararamdaman mo. si mudra ko nga, the other day, nag text sakin habang nasa work ako. di pa daw nya ma-imagine na ikakasal na ako. etc etc, haba ng sinabi nya. ang reply ko nalang, okay po mama. hahah. though naiintindihan ko rin naman, baka feeling nya, mawawala na ako sa kanya, kapag kinasal na kami ni h2b. eh sa tabing bahay lang naman namin kami titira.

isang tumbling lang andun na kami agad. haha. di rin kasi ako pwedeng malayo sa kanya, kasi may sakit sya. diabetic sya, and ako tiga inject ng insulin nya.

though ngayon, si mama super okay naman na talaga, pero minsan nag eemote lang talaga. hehe. ako nalang tuloy ang nahihiya mag paalam kapag may date kami ni h2b, kasi nasanay ako sa dating patakaran nya. lol
riaenvodka - sis, mukhang okay sa Ocean Park ah. dati naghahanap ako ng packages nila, pero hirap na hirap ako makahanap.
health.gal - sis, tama ka dyan, hirap mag plan kapag may ganyan na situation sa family talaga. si grandma ko rin kasi, medyo bed ridden na, and nung nag aalaga sa kanya is my auntie na old maid - na medyo may attitude din. so lahat ng gastusin eh kay mama dinadaing. though syempre, nagpapadala din ako ng money kahit papano, pero di ko rin ma ishare ang wedding preps, kasi syempre, sasabihin more gastos kami, samantalang sya hirap na hirap dun. eh sya naman kasi, pasasan din, hindi nag wowork, and asa nya lahat sa mga kapatid nya ang expenses. buhay reyna ba.

pero anyway, sana maging okay lahat.

sis, btw question pala regarding commentators and readers, diba tayo ang mag provide non sa church? or don Bosco narin?
ishopnowfeelguiltylater - parang okay yang idea na bouncer sis ha! hahah. pero no need ko na ata mag hire ng ganyan, makikiusap nalang ako sa mga officemates ko. ang lalaking bulas naman nila eh. lol.
ez4gotten - ay sis, natuwa naman ako. naalala ko kasi, si mama din kasi ang nagsabi sakin na sagutin ko na daw si baby mark ko! lol. pero di nya alam, nung sinabi nya yun, kami na.

medyo matindi din kasi ang panunuyo sakin ni h2b before. lol
michiness - sis, kapag pumunta kami ulit ng bridal fair, last na FT na talaga. hehe. sayang kasi. aba minsan lang ako nakain sa mga ganyan, para naman makatikim ang taste buds ko ng ibang panlasa. lol. speaking of pledges, naku sana nga meron sis! eh nung kawork ko nga na kinukuha kong offerer sa fruits, sabi nya bayabas nalang daw ang i-offer nya. haha. nalerky naman ako dun. btw, speaking of sa pag offer sa simbahan, tayo din ba mag provide nun or kanyang toka toka din sa mga i-assign natin na offerers? or depende parin satin? hehe.
chelle_peachy0524 - wow! April na, at least meron pang isang buwan na extra date to prepare sa wedding.

naku minsan talaga may pasaway na MOH. hehe. buti nalang di ganyan si MOH ko tahimik lang. kaso sa sobrang tahimik, walang ideas na naibibigay. haha. pero kebs lang, kaso medyo may problem kami pagdating sa damit nya eh.
ninaceline - sis, buti okay na ikaw. ! happy preps. mwah!
Good night pretty ladies!!! Happy preps satin lahat! ;0