watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83611 times)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #300 on: September 19, 2011, 01:02:36 pm »
^hi sis. re sa mga pasaway na guests, siguro, "pahirapan" lang sila, but not totally wag papapasukin. haha. pahirapan in a sense na pag antayin sila na magstart talaga yung program bago sila iescort papunta sa seats nila. usually, caterers would have an extra table naman for cases like this. in this way eh malaman nila ang true meaning ng RSVP. pero through word of mouth, as early as the rsvp stage eh siguro pwede na rin natin sabihan mga guests natin na pag hindi nag RSVP eh walang marereserve sa kanila na seats, so kailangan talaga nila magocnfirm ng attendance. but on our wedding day itself (aside sa sinabi ng mom mo na masama na pangumpisa ng buhay), hindi rin siguro maganda tignan na totally hindi sila papapasukin. after all, gumastos din naman sila ng pamasahe or pang gas papunta sa venue.

re your ninang, nakakalungkot talaga itong story na ito.  :( anyway, i believe that miracles do happen. about your list, hindi ko alam kung may rule about that talaga. kung papayag ang Church, etc. but if I were in your place, hindi ko na siya iiinclude sa list.

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #301 on: September 19, 2011, 01:21:22 pm »
^kung bakit naman kasi hindi makaintindi ng rsvp hindi ba? nakakainis kaya yung ganun. nag assist din ako ng wedding before tapos ako na assign sa pagpapasok ng guest. ang daming wala sa guest list kulang na lang dumugin ako nung malamang wala sila sa listahan. mga pasaway...

yung ninang mo sis pwede mo pa naman ilagay yung name pero me cross na sa tabi ng name, if she pass away, but lets hope for miracles... pero kung me mga pamahiin naman sa ganyan tanggalin mo na lang...

since monday ngayon, wala pong office ang church so i will consider this day as off for wedding preps hehe... will check na lang muna yung mga nirecommend na hmua

please do not consider coaster kasi mahal nga po... rent a van is still the best :) swerte naman ng mga guest at me service pa :)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #302 on: September 19, 2011, 01:22:23 pm »
^ yay! i feel like a monster! nagalit talaga si mother?  :-\ in my case kasi sis, yun ang napag-usapan namin ni mama. we agreed kung ilan lang ang sasama per family. me and my mom has the same thinking kasi sila magbabayad ng caterer namin. pero kahit na ganun, ayaw naman namin ni h2b na abusuhin yun pledge nila kaya sobrang tutok talaga ako sa number of guests.

its very important for our parents to know mahal magpakasal ngayon and they will be of great help kung kaya din nilang i-control kung sino iinvite nila. inform mo na lang sila sis kung ilang ang guests limit nyo & update them once in a while kung ilang na ang nasa guest list at kung ilan na lang ang seats na available.  at pag sumobra sa bilang dahil marami silang ininvite, tell them sila na magbabayad! hehe! ;D

re ninang, i feel bad for your ninang. wala pa naman akong narinig na pamahiin re that. pero kelan nyo ba balak magpagawa ng invitation? IMO sis, remove her from your PS na lang. pero wag nyo na lang siguro sabihin sa kanya. when the time comes na mangyari nga yung kinatatakot nyong mangyari,  i'm sure she will understand kung bakit wala na sya sa PS list nyo. and your ninang won't like it if you will mourn her passing everytime na makita nyo name nya sa invitation.

speaking of cancer, one of my agents has cancer too, sa liver naman. he had 2 chemo na pero super agreesive ng tumor. from 10cm sa right liver & 3cm sa left liver, it grew to 21cm and 10cm! hindi pa sya resigned kasi sabi ng doctor nya, he can continue what he's been doing before. ang worry ko lang is pano kung sa office sya atakihin ng matinding sakit? he's taking morphine now to reduce the pain. mahina pa naman ako sa mga ganyang happenings! nakakaawa kasi he's just 30 y/o and yun anak nya kaka-1 y/o lang. kaya di namin maconvince na magresign kasi wala silang ibang kinabubuhay. today is his first day after a 3-month loa. hopefully wala naman masamang mangyari sa kanya.  :-[

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #303 on: September 19, 2011, 01:44:12 pm »
re my ninang sa november pa naman kami papagawa ng invitation. sa sunday may family gathering naman kami so baka -iask ko na lang yung opinion ng mga oldies. kasi di talaga ko naka-react agad sa binalita ni mader.

re pasaway na guests actually pabiro ko lang sinabi yun sa nanay ko. we were watching tapos nakita namin na sa kasal ni kristine hermosa, yung mga wala sa guest list di pinapasok. then nag-joke ako na sa kasal ko din di ko papapasukin yung wala sa guest list. (pero i'm not serious about it. lol) ayun, nagalit sakin. hala. haha! i have allotted slots naman talaga for my parents' (closest) friends and of course relatives. pero as much as possible mga kapatid lang nila and their asawa. yun nga lang medyo biased ako kasi lahat ng cousins ko sa mother side invited din. :P 5 lang naman kasi yun lahat and lahat ka-close ko. (as in kasabayan ko nagsilaki).

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #304 on: September 19, 2011, 02:12:47 pm »
pasaway na guests din topic nila sa kabila - 2011 thread. hehe! goodluck na lang sa atin sis sa mga guests.  :)

120 days to go for us! yahoo!  ;D

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #305 on: September 19, 2011, 02:21:41 pm »
sis health.gal naku mga dagdag nga lang daw niya yun kaya madami kasama na head ang kasama lang kasi talaga eh 10 na head kasama na ako at si h2b.

sis ez4gotten sino HMUA niya? pano kaya pag malayo na katulad ko hehe magkano kaya?
hmm re ninang, mo alam ko po bawal po yun eh.di ko lang po alam kung ano reason pero nadinig ko po yun sa mother ko ng kukunin ko dapat yun ninong ko na coma that time..

hitgirl00

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #306 on: September 19, 2011, 02:36:18 pm »
Hi sisses! grabe musta na kayo? sorry super busy di na ako nakakadaan  :( dami kasing activities  :o
try ko backread and maki-usi.. pero just dropped to say hi! :)

p.s. re: wed preps, kahit papano umuusad na kami.. hehe nag book na kami ng P/V :)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #307 on: September 19, 2011, 03:05:03 pm »
has anyone tried hiring bouncers para sa pasaway na guests? haha joke lang. =)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #308 on: September 19, 2011, 03:23:50 pm »
^haha. in fairness natawa ko sa bouncer. :P

sis vincris si maritoni. coloura art by maritoni. recommended by my PV. ito yung sample works nya.

http://photoimagicraft.com/blog/?p=2638

lahat ng naka-mark na hmua: coloura art by maritoni.

sis blueflame yep, nabasa ko nga din. haha. talaga yata di maiiwasan kaya as of now. dedma muna ang beauty ko sa kanila. :P

update sa preps: nagpa-quote ako kay sis simplyme28 ng invites. ni-refer lang ni sis lenierose. :D yey, 55 lang quote nya sakin pag pinagaya ko yung nakita natin sa divi na invites na gusto namin ni h2b. i'll check sample invites na muna with h2b then if okay ang print, malamang sa malamang dun na kami. ;) i can't believe nagkaka-update kami kahit 12hours ang shift ko since thursday. lol.

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #309 on: September 19, 2011, 03:54:22 pm »
hello po.sarap magbasa ng mga ganitong forum cause parepareho po [textspeak!]..anyway,totoo po un [textspeak!] niyo n mga guests ang 1 sa mga problema.hehe.kami ng h2b ko,s ilocos magpapakasal kasi,iniiwasan ko din un mga guests na andameng kasama na hindi mo naman hehe.saka we want it solemn.i'm so excited din kasi after 2 years,makikita ko na ulit bf ko.. :) kami naman,ifafanalize ko na ang lahat :)

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #310 on: September 19, 2011, 04:38:35 pm »
pasaway na guests din topic nila sa kabila - 2011 thread. hehe! goodluck na lang sa atin sis sa mga guests.  :)

120 days to go for us! yahoo!  ;D

hay sis.. kasama ba dyan pasaway na MIL? nastress ako ng bongga sa kanya nung wedding..

kaice

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #311 on: September 19, 2011, 05:11:07 pm »
share ko lang... during our wedding, wala masyadong pasaway na guests. even while sending out invites, i spoke with my aunts and uncles that i cant invite all of them and my cousins. they understood naman na mejo mahal magpakasal. for my friends, though i thought it was rude to tell them if di ko iinvite ang significant other nila, ok lang naman daw for them. siguro it really depends on the guests. wala naman akong nakitang di ko imbitado sa venue :) plus strict RSVP is a must. kahit sa text or email invite pa lang, nilagay ko na kung ilang seats ang naka-reserve. i have few provisions pag may humirit na "pwede bang isama si..." pero very few requests lang yun :)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #312 on: September 19, 2011, 06:11:43 pm »
Hello everyone. Uy, ang haba ng backread ah. :)

Sis health.gal, tenchuness. Honga eh. Pledge yung 2 lechon nung pinsan ni h2b ko. :) So lucky.

Sis ninaceline, weee! Thanxie. :) I-PM kita pag need ko na magpa-consult huh. hehe...

Sis aiyayil, ang cuteness ever naman ng STD nyo! So unique! :) Good job.

Haller din sa yo sis menggay! :)

Hello sis chelle, patchi, red!

Sis riaenvodka, glad at nakapag-ocular na kayo sa LC plus nakita nyo na rin setup ng Hizon's. Hopefully, makapagdecide na kayo jan. hehe. :)

Sis vincris, para ngang okay naman yung rates nya ah. Ang dami na rin palang inclusions. Pero tomoh ang mga sisses. Need bang sagutin pati yung sa entou? Why not try to ask your hmua for bride+groom+2 mothers lang? Airbrush na ba lahat yun or traditional?

Sis ez4gotten, nakakalungkot naman yan. :( But IMO lang, wag na lang isama sa invitation. Mejo gloomy naman ang dating if you put up her name sa invites nyo na pagka-colorful diba? Magiging sad lang kayo to read her name dun. :( Or kung may miracle man na mangyari, will you be happy seeing her walk down the aisle na naka-wheel chair? Parang di ko kayang makita yung ganun sa mismong wedding day. I'm sure she'll understand. Na kahit wala siya sa list of PS, she would always be your ninang. Let's just pray for her. 

Re pasaway na guests, haayyzzz... Isa ito sa mga dilemma ko. LOL. Alam nyo naman pag sa province. Let's just put everything sa invitations, like RSVP, number of assigned seats, etc etc. Mahirap kasi talaga itong icontrol. Nakakahiya din naman pag di papapasukin. Let's hope for the best na lang. LOL. Na umabot yung buffer ng caterer sa mga unexpected guests. Pagbibigyan naman siguro tayo ni Lord when we pray harder. Ipagpasa-Diyos na lang ang pasaway na guests.

Sis blueflame, awww.... Nakakalungkot din yang kwento mo. :(

Sis hitgirl, congrats sa new booking. Wee! :)

Sis ishopnowfeelguiltylater, LOL naman jan sa bouncer suggestion mo.

Welcome sa yo sis lennie.bong! :) I LOVE ILOCOS. Galing naman. Dun ang wedding nyo. Taga-Ilocos din ba kayo or ang isa sa inyo?

Thanks sis kaice for sharing. :)

O mag-scan muna ako dito sa office ng baby pics ni h2b ko. Ibibigay ko na sa aking friendlalu para he has lots of time to do our growing up AVP. 

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #313 on: September 19, 2011, 07:55:07 pm »
hi sis michiness :)

hope everything will be fine sis ninaceline... free ba yung services mo for prenup shoots? hehe... am just trying to cher you up :) *hugs*

ano kayang klase yung invites na inooffer ni sis simplyme28? embossed kaya?

sis carmichael18 - bakit pasaway naman si MIL?

hay naku mega trim down ako ng guest. sa mga close ko talaga yung mga nakasama ko sa work dati gustuhin ko man invite sila kelangan i trim pa din... nakakainis lang kapag me dialog na "pwede bang isama si..." kahit nakalagay na sa invites na "we have reserved __ seat/s for you"

sis lennie.bong welcome sa thread :) sana maging madalas din ang tambay mo dito...

weee... scout mode ulit ako hehhehe... back to wedding preps... wala pang comment si h2b ng pagpapalit ng wedding date. ayaw nya siguro palitan ang date...

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #314 on: September 19, 2011, 08:24:55 pm »
welcome sis lenie.bong. post away lang ng questions. baka sakaling alam namin yung sagot. ;)

sis karmie di bale di naman halata sa wedding pics na nalurkey ka kay MIL. hehe.

sis kaice good for you sis at wala kang pasaway na guests. ;) sana kami din. (cross fingers)

sis mich hi! :) oh well... :( bahala na si batman. naks, ang aga ng growing up AVP. yung samin bahala na si h2b dun. pero goodluck na lang, yung monogram namin di pa din ginagawa. lol.

sis chelle yung pina-quote ko is hard-bound invites na embossed yung print. tapos yung front may parang metallic na print. nakita din yun nila health.gal, blueflame and michiness when we went sa divi sa supplier ni sis kaice. ;)

may nag-pledge din samin ng lechon, tita naman ni h2b. pero hangga't wala pa yung final na sinasabi nya di ko pa kina-count. lol. pati bridal car nag-pledge na si FFIL, pero tsaka ko na icount pag binanggit nya ulit sa pamamanhikan on oct. 8. :D

re guests pa din wala na ko prob sa mga ihihirit na guest sa side ni h2b (although sa mother side pa lang), kasi nakausap na namin tito nya (parang siya kasi representative for h2b's mother side kasi nga his mom passed away na). we told him na 150 lang talaga gusto namin na guests para solemn. he understands naman and yung ibabayad nya daw sa mag-eexceed sana na guest eh pang-after party na lang. kaya wala muna kami hineymoon ni h2b dahil may after party pa. :P

sis nina i hope you're okay. **hugs** for you sis.

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #315 on: September 19, 2011, 10:29:22 pm »
done with backreads kasi tulog na ang bebe ko hehe...

sis riaenvodka - hay naku ako wala rin akong wedding proposal kasi me baby na kami hehe... basta parang isang araw nagising na kami na kelangan na namin magpakasal kaya ayun si FSIL nagpakasal na last week at kami na nga next year... and the rest is what is happening right now... ayun me project kasalan kami at til now hindi umuuwi si h2b...

sis ez4gotten - pm ko na si sis simplyme28. sya na rin pala ang WC ko since naka pencil book ka na ke sis carmi :) yung nakita ko sa Divi kasi embossed tapos 70 each... kaya nacurious ako

hay... isa sa hindrance ng wedding preps ko ay ang MOH ko. lahat pinapakialamanan pati raw gagawin ng WC eh papakialamanan din. parang yung gusto nya ang dapat masunod, eh kanino bang kasal ito ? pati choice of supplier ko hays... pinsan ko kasi sya. i understand naman na gusto nya mapaganda pero i guess it will be too much kung hindi nya type ang suppliers ko. gown na nga lang gusto nya sa malapit dun sa me kanila eh teka pumalag na ako at gown ko ang susuotin no... dinala nga nya ako sa barubal na designer naku... ipinilit ko talaga na si rei ang gagawa ng gown ko... di ko pa sya namimeet huhuhu... eh sabi ko na lang huwag na sya mag MOH since pinakikialaman na nya  lahat...

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #316 on: September 19, 2011, 10:48:09 pm »
Hi sis ez4gotten! Naku, masyado lang excited yung friendliness ko. LOL. Pero gusto niya ibigay ko na sa kanya as early as now. Magiging busy na kasi siya sa photography classes this coming October. O diba bongga. Siya din ang backup photog ko eh. ;) Uy, bongga at may nagpledge din ng lechon. hehe. Tama, dapat maisama yan sa pamamanhikan para sureball na. Bridal car namin, hiram lang din. Nagsabi na kami kaya sureness ever na din yun. ;)

Sis chelle, ay, ang taray naman ni MOH mo. O siya, ikaw na ang bride. LOL. Bakit naman siya ganun ka Ef-ef (epal) hehe... Pati supplier mo eh napipintasan pa. Haaayyysss... Anyways, buti na lang si MOH ko, suportado ako all the way. Di nakikialam, pero tumutulong ng bongga! Palitan mo na yan. hehe. Jowk. Wag naman. Baka naman kasi ma-offend. Kasi nasabi mo ng siya ang MOH. Hayaan mo na lang siyang mag-feeling. Pati ba naman siya eh dagdag stress pa. Ang dami dami na nga nating need ayusin. Chill. Sit back. Relax. Tapos sabunutan mo ng bongga pag umef-ef pa. hehe. Uy wag. Ano bang age niyang cousin mo?

marizberoin

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #317 on: September 19, 2011, 10:49:51 pm »
Hi 2012 brides!

Sinong August 2012 brides dito?
 August 2012 bride kasi ako, booked na church namin sa Nuestra Seniora de Gracia :) yun palang na booked ko hehe :)

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #318 on: September 20, 2011, 12:15:59 am »
ay nagulat ako sa bonggang backread. napa ka daldalera ng 2012 brides ahahah  ;D

mawchan - sis, yup punta kami ni h2b sa bridal fair, and magbabakasakali for FT. haha. joke lang. sobra naman kung ganon. papa book na siguro kami ng invites dun. gustong gusto ko nung Wink kasi. heheh.  ;D pero it remains to be seen though, baka ending e may DIY nalang kami for invites. ;) para mas makatipid. papa layout nalang ako kay P/V ko, tutal magaling din naman sya dun, then hanap nalang ako ng murang pang printan. oh diba dami ko nasabi. tinanong mo lang naman kung pupunta kami ng bridal fair. haha. BTW sis, i checked nung HMUA na link, and super affordable nga ang rates nya! parang bet ko kunin yun for my ento. Hhhhm. yan din ba HMUA mo?

chelle_peachy0524 - sis, nakuha mo nung PM ko sayo about HMUA?  ;)

vincris16 - ang hirap kapag strict ang parents ano? ako kasi only girl and bunso kaya bantay sarado talaga. buti na nga lang, napakilala ko pa si h2b eh. haha. Pero lucky ang parents natin sa atin, kasi di tayo nagtanan diba? hehe :D

ylronchar - bro, pinakita ko nga yun sa officemate ko/wedding coordinator kuno, and gandang ganda sya. sabi ko, ginawa sakin ng isang tiga FN, na groom to be na super hands on sa wedding preps.  ;D and ayun, na amaze sya sayo.  ;)

riaenvodka - You're welcome sis! :) i'm so happy na go go ka narin sa wedding preps. ;) mwah!

blueflame - wow sis, ang swerte mo naman sa HMUA! BTW, super love ko talaga ang STD nyo sis. parang gusto ko narin gumawa ata, aside sa website. inggitera nanaman ako. ang galing mo sis gumawa sa Cs5. re: cake topper cute sis nung caricature nyo ni h2b. hihi. re: stylist, sis, panong stylist? as in mag aayos sayo sa hair? etc?

michiness - kasi naman sis, di naman kami madalas nag fa-fine dining ni h2b, kaya pag may ganyan na opportunity, eh di go na kami! hahah. Nakakahiya nga lang kasi nung nag FT kami last time, parang pinipilit na kami mag down nung AE, at ang dami nyang freebies na sinasabi. sabi ko nalang " pag iisipan namin " pero kebs lang, may nakita pa nga kami dun sa FT na isang buong pamilya talaga. haha. re: food, nakakagutom ang ni-post mo na menu sis!!! swerto nyo sis, at may magreregalo ng lechon. samin kaya bakit parang walang nag-pe-pledge. haha. ang kukuripot daw naman ng family namin. haha.

ez4gotten - sis, kung ayaw mo ng salabat, mag lagundi capsule ka nalang. heheh. :D effective sakin yun. magaling galing na ba ikaw? :D mwah! re:bisita nakakaloka nung ganyan. okay lang sana kung nung extra pax sila ang magbabayad diba? heheh. kami ni h2b, gusto namin nung malapit lang talaga samin at nung kakilala talaga kami. sabi ko kay mama pag gusto nya mag imbita ng amiga's nya, sya mag dagdag ng extra table. hehe. bad ba? pero kasi syempre, as much as possible gusto sana namin intimate wedding talaga.  ;D and nakakainis talaga ang mga di nasunod sa dresscode and RSVP!!! haha

red143 - hi sis, tama si h2b mo, wala sa set - up yan. nasa food parin talaga. pero syempre dagdag factor kung maganda parin ang set up. pero kung maganda ang set-up, pangit naman ang food, useless din naman. and syempre, dapat kasundo mo talaga si AE. re: e-ringm oh no sis, i'm so sorry to hear that!!! nakakaloka naman yun. sigh. ang dami na talagang masasamang loob ngayon!

qtpurple04 - aba dapat lang di ka talaga ma sad sis! btw, di parin nababasa ni h2b ang post mo. hahah. wala talagang hilig mag FB yun eh. mag ffb lang yun super dalang, mag lalagay lang ng message sa wall ko. samantalang ako, more more update ng status. hahah. re: birth and confirmation certificate, ang alam ko, at least 3months before the wedding ang pag kuha ng ganyan sis. sa requirements list kasi sa Don Bosco, yun ang nakalagay, not sure lang ako sa ibang church. hehe.

lennie.bong - welcome sis! san sa ilocos? tiga ilocos mom ko. hihi.

aiyayil -sis i checked your wix wedsite, super loved it!!! galing galing. cute din ng STD nyo.


HI sa mga ibang sisses!!!
 

menggay16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #319 on: September 20, 2011, 12:37:18 am »
welcome sis menggay at last naka join ka na din, galing naman at maka uwi ka sis for preps mo,...

hay korek ka jan sis...3 weeks nga lang bakasyon ko kaya super maximize to the max itei!  :) ngayon pa lang busyhan na ang first week ko. akalain mo saturday ang dating ko manila. sunday gora sa bridal fair. monday food tasting with PC. tuesday morning punta sa church para i-finalize ang lahat then afternoon divi mode naman para bumili ng tela. wednesday ocular ako sa pergola then try ko i-meet si Osep of OM. thursday dangwa naman kami then sa gabi meet ko entourage ko sa haus para magkakila-kilala sila and to distribute yung tela. so far wala pa naman ako sched sa friday. :) the following week naman eh hmua and gown ko naman aasikasuhin ko. whew! kalokah!  pero happy naman. hehe...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close