watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83535 times)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #260 on: September 17, 2011, 08:50:55 pm »
Hello sisses! I'm home. hehe... :) Good evening sa lahat.

Sis judessec, congrats sa new work! :) At small world huh. Akalain mong schoolmates pa pala tayo nung high school. Ahead nga lang ako ng 2years. LOL.

Hello sis ez4gotten. Sabagay, yung ibang hmua, may bayad pa rin ang trial makeup. Buti nga kay Ms. Hazel, free lang yung trial ng airbrush makeup. Good deal na yang nakuha mo sis. :) Kape made of sinunog na bigas sis? hehe. Try ko nga yan. Pero in fairness, keriboom boom na yung salabat. Uy, in fairness, maganda din yung clip photobooth. Mejo mahirap lang hanapin yung online gallery. 

Hello sa inyo sis patchi and sis qtpurple! :) Hi bro ylronchar. Thanks sa pag-appreciate ng post. tee hee!... ;) Kudos sa paggawa ng std ni sis katrinac. 

Welcome sa yo sis fds4eva! :) 

Sis health.gal, nawindang naman ako sa post mo. Pero sa Manila Churches lang ba yan? Meaning, di sakop yung church namin sa Kawit?

Sis riaenvodka, no prob. You're always welcome. Glad you understood. Love, love, love para sa inyo ni h2b. Gow, gow, gow! tee hee!... Make kwento about your FT sa LC huh. ;)

Sis katrinac, LOL. Natawa naman ako dun sa kumanta pa kahit kakahol kahol. hehe. May point ka. Sige, di muna ako magsi-sing-lalu. Papagaling muna ako. At sige, suportahan ka namin jan sa FT kahit wala naman kayong kukunin na caterer. hehe. Aba, sayang din kaya yun. Kami din dati, kahit may nabook na, gora pa din sa mga free FT. LOL.

Hi mawchan! Magpa-quote ka sa kanilang 2 then try to set a meeting with them. Tapos kung kanino ka mas kampante, gora na! hehe. ;) 

Hi sis chelle, ah sa feng shui chorvalou pala. hehe. At least naka-88% pa yung sa wedding date namin. LOL. HMUA? Ayan ang mahirap. hehe. Hirap pumili. Yung Realm po, mura rates. Tsaka yung Eros Salon. Pero I haven't had a trial makeup with both of them kaya di ko alam kung maganda. ;) Happy birthday pala sa iyong baby boy. Wee! Di na ako kakanta, baka pagalitan ako ni sis katrinac. LOL.

Isang pang Miss Universe na *wave* para sa yo sis vincris.

Hi sis blueflame! Congrats sa mga accomplishments. Ka-swerte naman at free na ang wedding hmua. ;)

Re our final FT and detailing with Eloquente, SUCCESS! hehe. Sa wakas, na-finalize na yung menu. Nai-finalize na din yung setup ng guest tables and chairs, centerpieces, VIP tables, couple's table and backdrop etc., etc. sa tulong ng expert advise ni Thoffy. So glad talaga at sinamahan niya kami. :) Swak din sila nung AE namin na si Ms. Bheng kaya hopefully, maging okay ang lahat sa event. hehe. ;) Nag FT na din kami kaya I'll share our menu:

Appetizers: Canapes (Crabsticks, Tuna and Egg)
                 Cold cuts (Smoked ham, salami, franks)

Soup: Fresh pumpkin soup

Main Course: Grilled Cream Dory Steak with Lemon Butter Sauce
                    Beef Tenderloin with Olives
                    Bacon and Cheese Spinach Fettucine
                    Brocolli and Mushroom Casserole
                    Mild Spicy Pork Spareribs
                    Chicken Cordon Bleu (w/tartar and cream cheese sauce)
                    Steamed Rice

Dessert: Peach Melba with Choco Fudge
             Assorted Pastries (Brownies, Butterscotch, Food for the Gods)

Drinks: Bottomless Lemon Iced Tea
           Coffee and Tea Bar

Since may magreregalo naman sa amin ng Lechon, inawitan ko si AE na ifree na lang yung carving station. hehe. Yung 3-layer fondant cake (bottom edible) and 200pcs cupcakes eh included na din. Susundin nila yung gusto kong design. Wee! Yung cupcakes, Honey Glaze ang supplier. But yung wedding cake, sa Merced. Di kasi kami nagkasundo ni Honey Glaze hehe. Di kasi sila pumayag na icustomize yung design at may additional pa pag may topper. Eh sa Merced, keribels. Kaya dun na lang kami. Belgian choco ang flavor nilang lahat. Gusto ko sana carrot walnut. Eh masyadong mapilit si h2b. Kaya ayan, pagbigyan. Masarap din naman. hehe. 

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #261 on: September 17, 2011, 09:57:13 pm »
congrats sa final ft sis mich. :) di ko talaga kaya taste ng mga pinapainom sa akin ni mader ko! ::) now naman salabat again. ayoko talaga ng lasa nun. nabwasan na din ang pagkahol ko. ;)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #262 on: September 18, 2011, 01:38:58 am »
^ sis, anong pinapainim sa yo? May sakit ka ba? Sorry di ko naka-career magbackread lately. Busy-ness ever!  :(

Anyway, patapos na ref magnet std namin ni h2b. Will share pics tomorrow.  ;D

Goodnight muna for now! Mwah!

red143

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #263 on: September 18, 2011, 11:39:29 am »
Ang weird di ko makita yung post ko kakaloka... Any way uulitin ko nlng imbes na happy week end happy sunday na to all...  nakausap ko na  passion cooks... and super bait at super daling kausap... Kaya ttry ko ring mag ft sa kanila by nov at pag nagustuhan ko naman sila nlng ang kkunin kong caterer though 1st love ko dapat K by C kasi super ganda nila magset up... E kya lang pang mas friendly kausap passion cook... Mas accomodating sa mga questions Lol sabi ni h2b aanhin ko daw ganda ng set up kung di naman kame magkasundo at magkaintindihan ng caterer ko pero parang gusto ko parin bgyan ng second chance ewan ko ba gulo gulo ko haha

At eto pa ang isa sa nakakainis na kwento nilooban ng mga masasamang loob ang ancestral house nila H2b at ang masaklap natangay pati engagement ring na ibibigay nya dapat sa akin kakaloka... 3 generation ng panganay na lalaki na pinasahan non... Kaya f na f ko ng mag ka vintage na engagement ring... Naunsyami pa asar... Eto kasing si h2b di pa agad kinuha next year nlng daw kasi province pa yung pagkkunan... So ngayon nanganganib na wala pa kong e-ring.. Kaya naging vintage ang theme ng wedding ko dahil dun sa e-ring na yun haaay yun pa nawala...nalungkot tuloy kame ni h2b bigla!
« Last Edit: September 18, 2011, 11:42:40 am by red143 »

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #264 on: September 18, 2011, 01:02:08 pm »
ahehe .. sorry naman mga sis! behave na nga ako .. ;D tama naman kasi kayong lahat e ..  ::) promise di na ako masa-sad .. konti lang! hehe! hopefully talaga matuloy kami next year .. F na F ko na talaga maging 2012 bride .. thanks ulit sa mga advices/pangaral sis katrinac, sis patchi2012, sis mawchan, sis riaenvodka, sis blueflame, sis michiness, sis vincris and etc .. love y'all girls!!!

sis michiness » congrats sa final FT nyo ..

sis vincris » oks lang yan sis .. for your own sake rin naman kun bakit mahigpit parents mo .. kahit naman ako bad din e .. hehe! nun college days ko sabihin ko may overnight kasi may project pero kela h2b ako natutulog .. e ako nga nagiisang babae pa .. pero nakakalusot naman nun! haha ..


ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #265 on: September 18, 2011, 01:07:20 pm »
sis blueflame yung kape naq made out of sinangag (sinunog) na bigas. tsaka salabat. :P ganda ng ref magnet! i like. :D

oh no! just heard my tatay, kausap mga pinsan nya from pampanga sa phone. and he's inviting everyone on my wedding day. huhu. kainis. i don't even know them eh. and ni wala isa mang event in my whole 28 years of existence na naisipan nila kaming dalawin sa manila. haist. am i being bad?

hi sa lahat. happy sunday. :D

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #266 on: September 18, 2011, 01:15:34 pm »
sissy yun marriage license 120days lang .. e un confirmation cert at baptismal cert ba na for marriage purposes may expiration din ba? kumuha na kasi si h2b ng baptismal cert nya yun anotation "for marriage" pwede na ba yun gamitin for kumpil? ako din kasi kukuha ng baptismal "for marriage ba or for confirmation" ang ipalalagay..  ??? naguguluhan ako e .. papakumpil din kasi ako .. TIA!  ;)

sis blueflame » very nice ng STD ref magnet nyo .. good job! clap clap .. at kainggit ang free HMUA for big day ha .. big relief nga yan ::)

sis ez4gotten » hindi naman sis bad yan! natural lang na ma-feel mo yan .. pero kun keribels naman .. kiber na lang! para naman makilala mo sila ng personal at ma-meet ang buong angkan .. hehe! pero kun hindi naman kaya na ng budget talk to your dad na lang .. marami pa namang events na pwede sila mainvite e ..  ;)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #267 on: September 18, 2011, 01:19:46 pm »
^first, di talaga kerbels ng budget sis. 2nd, tinanggihan nga namin ang offer ng tito ni h2b na sya na mag-babayad sa over 150 guests dahil we wanted to stick sa 150 guests talaga. 3rd, this is where i think i'm being maldita na :P, they don't follow rsvp, they bring kids sa adult only affair and they don't follow dress code. huhu. hirap mag-ayos ng wedding, i don't want it to be a disaster.

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #268 on: September 18, 2011, 01:21:00 pm »
^ sounds mapait! hehe! :) goodluck kay father sa pag-invite ng mga kamag-anak!  :D

share ko lang po ref magnet namin. super proud talaga ako?! hehe! - http://januaryseventeenth.blogspot.com/2011/09/our-labor-of-love-diy-save-date-ref.html

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #269 on: September 18, 2011, 01:22:58 pm »
^haha. sorry being bitter on a sunday afternoon. haist. sana pala tumuloy na lang ako sa nova today.

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #270 on: September 18, 2011, 02:05:06 pm »
muzta ang weekend nyo mga sis?,.,

naman sis michi ginutom naman ako, na post ba yung menu :D

sis blueflame galing naman, talented talaga kayo mga sis...hayzz,,kami naman wala kaming monogram at std na yan, pano, walang ka talent-talent sa art kasi,,lol, h2b tried it sa photoshop, ayun, nag give up na din, mas mabuting gumawa nalang daw sya ng braces at dentures, na naka pikit kaya pa nya, but in photoshop ala daw syang patience

sis qtpurple re confirmation and baptismal cert na may annotation na for marriage purposes only, nabasa ko din dito sa gt sis na may expiration din daw yan e, like 3mos ata, try to search that thread sis, si h2b nag pa kumpil din ulit e, since wala syang record sa church nila, so pagka recieve nya ng cert di nya muna pinalagyan, may mga church kasi sis na strict sa cert, meron naman na wala lang, like sa province namin nag pakasal yung friend ko na ofw din, di na hinanapan ng cert of freedom to marry, samantalang one of the requirements yan sa min ng caleruega

@ sis ez4gotten minsan you try to implement rules para naman ma discipline kahit papano, kaso yung ibang kamag anak talaga kasi they take it too personal, pag di pinayagan sasama ang loob, same tayo sis daming kamag anak, kaya nag decide kaming mag destination, yuko sa province namin kasi for sure fiesta ang labas ng wedding,

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #271 on: September 18, 2011, 02:27:26 pm »
thanks mga sis. :) kalma na ko ngaun. sabi kasi ng nanay ko makakalimutan nya din yun sa march. :P sabi ko psg di nakalimutan? siya na daw bahala kumausap sa tatay ko. :)

red143

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #272 on: September 18, 2011, 02:27:46 pm »
@ez4gotten
Naku sis ganyan din mommy ko andaming gustong iinvite I told her na 100 pax nga lang ang gusto ko kasi 100 pax lang kasya sa church ko which is st. Pancratius chapel... Pero gora parin si mader... Ay nako sabi ko tuloy sa knya 100 lang ang kaya ko paytig 50-50 kame ni h2b ng number ng visitor... Kung may mga iinvite ka pa more than dun sabihin nya sa akin para masabihan ang caterer sabi nya sige pag sobra ako nalang pay... Hahaha mas better diba... Kebs ko naman kasi dun sa mga kumare nya eh intimate wedding nga gusto ko hehe sama ba ng ugali ko? Hehe

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #273 on: September 18, 2011, 03:21:49 pm »
Thanks sis ez4gotten. Super happy coz it went well. :) Mahilig ako sa maanghang kaya keri lang ang salabat. Yung coffee made of toasted rice, di ko pa natry. Mejo nabawasan na din ang pagkahol ko. hehe... And naku, mukhang di nagkakalayo yung father dear mo at ang tatay ko. Aba, gusto rin ata imbitahin ang buong barangay. Lalo na pag nalalasing. Kung sino sinong kainuman nya ang iniimbita. Well, kinausap ko na naman siya. Sabi ko, kung sino lang nasa list namin, yun lang ang iinvite. Yung talagang closest relatives. Mejo nagtatampo, pero wala naman akong magagawa. We extended na nga hanggang 200pax eh para lang makasama yung mga gusto nilang iinvite. More than that, di na talaga namin keri. Hopefully, maiintindihan din naman yun ng iyong padir. Explain mo lang na hindi lahat pwedeng iinvite due to budget restrictions. Buti naman at your mom's at your side. :)

Sis blueflame. Good job on your STDs! :) Winner!

Sis qtpurple, tenchuness po. Mwah. :* Tama po sis sis patchi, 3mos po yung validity nun. ;)

Hi sis patchi! Ginutom ka ba? hehe... Lafang galore nga kami dun sa office nila. May other dishes pa kasi na ipinatikim kaya ayun. hehe.


qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #274 on: September 18, 2011, 05:02:37 pm »
thanks for answering sis patchi2012 and sis michiness .. pero kun magpakumpil kami ok lang ba na anotation sa baptismal cert e "for marriage purposes" .. para kun sakali hindi na kami kukuha ulit para papalitan un anotation ..  ???

sis ez4gotten » at least may baback up sayo sa pag kausap sa dad mo .. hirap nga wedding preps kaya dapat talaga stick lang sa unang plan .. kasi kadalasan kaka-adjust lahat apektado .. sana naman maintindihan ng dad mo at pati na rin ng mga kamag-anakan mo .. hehe!

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #275 on: September 18, 2011, 07:55:20 pm »
sis chelle_peachy0524 – belated happy birthday to your son  :)

sis patchi2010 – tama ka, search na nga lang ng affordable florist  ::)

sis blueflame and bro ylonchar – ang gagaling niyo sa mga DIYs  ;)

sis ez4gotten – ako naman, gusto ko yung taste ng kape gawa sa sinangag na bigas. Gamot din pala yun? Nakakainom ako nun pag pumupunta kami sa Pangasinan. Tapos once nakainom na rin ako sa Ilocos. Kamusta ka na pala? Sana magaling ka na. Re your tatay, ang kulit niya, hehe. Explain mo na lang na limited lang talaga ang number of guests. Or kung mapilit, siguro you can have a separate handaan for those who weren’t invited to your wedding (tapos yun na lang ang sagutin ni tito ni h2b). Buti na lang din andyan si nanay mo to back you up.  ;)

sis michiness – wow sis, winner ang magreregalo sa inyo ng lechon. Swerte niyo naman. Happiness for your final FT and detailing with your caterer  ;D

sis qtpurple04 - hindi kita matulungan sa question mo about legal docs at hindi pa namin yan inaasikaso.

re stylist sa prenup – andyan si sis ninaceline  ;)

re sa guests ng parents, mukhang sa amin, parents naman ni H2B ang maraming gustong iinvite. Yung side ko naman, konti nga lang ang gusto iinvite, pero mga businessman eh, kaya nga super alanganin kami ni H2B na magserve ng wine kasi alam nila taste ng good from bad wine, eh hindi naman namin afford ang mamahalin na wine. Isang reason din ito kaya medyo mapili din kami sa gusto namin ibook na host. Pero no final guest list coming from both sides pa, hindi pa namin finafinalize sa mga parents namin.

re sa bridal march – nakausap ko na si H2B over the phone about the news. May dead air for a few seconds (alam ko na, medyo nalungkot din yun), then sabay banat siya “sayang, kakanta pa naman sana ako habang inaantay ka sa altar!” ang lakas ng tawa ko, then yun, nagtawanan na lang kami.

re reception venue, kanina after ng Sunday lunch namin, dinala ko family ko sa Bayanihan Center para makita nila yung place at makapagbigay ng comments. Wala akong nakitang “wow” expression sa mommy ko, parang normal lang. Medyo na-sad ako, although yung mga kapatid ko naman, nagandahan naman sa place. (hindi namin kasama si father dear). Isa lang comment nila, ang layo ng Church sa reception. Sabi palitan na lang namin yung Church at ang kunin namin yun malapit dun. Eh ayaw namin ni h2b yung Church na malapit dun. So sabi ko, bayad na DP ng simbahan, sayang yung DP. Ang next suggestion ba naman, eh ipag-rent namin mga bisita ng coaster! Nanahimik na lang ako eh.  :o

hello po sa lahat! have a Blessed and restful Sunday!

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #276 on: September 18, 2011, 08:08:05 pm »
thanks sis qtpurple. yep, i explained to her kasi na 150 lang talaga kaya ng budget namin, kaya back-up na lang sya pagkausap kay father dear. pero wag ka, deep inside madami din gusto i-invite yung nanay ko. lol!

sis health.gal napasobra lang siguro yung sugar ko kaya masama ang lasa. hehe. baka naman kaya di napa-wow ang mom mo kasi she's expecting a medyo traditonal events place. more on modern kasi ang bayanihan (parang smx nga, i agree with your h2b. ;)) pero maganda talaga siya. nga pala, pwede pa-pm ng rates nun? baka magamit sa company events. ;) TIA!

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #277 on: September 18, 2011, 08:27:23 pm »
^oo nga sis noh, hindi ko naisip yun, tama ka, traditional place nga ineexpect niya siguro, kasi dati she asked bakit daw hindi kami sa hotel (palibhasa kasi nung panahon niya, hotel ang uso). sige sis, i PM ko sa iyo yung rates ng bayanihan, sa FB na lang ha :)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #278 on: September 18, 2011, 08:51:57 pm »
^got it. thanks sis. ;)

ninaceline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #279 on: September 18, 2011, 09:11:34 pm »
sorry ang tagal tagal kong wala paramdam , napapa tumbling ako sa mga kaganapan sa wedding ko. yung Sacred Heart nag back out!!!!!! di daw pwede yung situation namin, gipit daw sa time. kala ko nagkaintindihan na kami. kaya balik na sa archbishop's palace kaso lang sayang yung patio ibarra reception... huhu :'(  .my goodness..

health.gal - ang sabi sakin advertising/solicitation daw ako, pero no further explanation re watched status. catholic ceremony kami, sa archbishop's palace kasi, pwede daw sa labas na ang pre-cana seminars, .. dito samin sa rosario, pumyag na 1 day lang, tapos sa wedding announcement 3 sundays tapos ok lang kahit wala pa si h2b e ipost na. np sa styling na yan. go ako... :D

michiness - oo sis, consult sa damit and poses . kaya naman. hihi

re cake toppers sa mini me, start sa 3500 pricing kaso ang bigat bigat.


aiyayil - sis san kayo mag-migrate if you don't mind me asking :)

patchi2012 -  pwede pala infrared e, sa mall na lang. dami pa pine trees, :D ..no idea ako sa tagaytay , tho may bahay kami don.haha.. ask mo na lang photog mo for sure may alam siya,

angielle07 - sis naka-hide fb ko? ikaw na lang add ko.

riaenvodka - sis, nung una , we have the same sentiments. kaya nga ni hindi man lang engaged status namin sa fb. *sorry babaw lang. kasi hindi naman siya nag-propose at walang ring, pero kasi there are some things in life na hindi maibibigay sayo eksakto pero meron padin. basta think positive. everything will come in God's time.. at eto pa ha. ayaw niya mostly yung mga gusto ko sa wedding.. gusto ko na rin mag back out! haha. pero yun nga, positive lang. day ko yan e. in due time he will understand and will learn too.. delayed lang at complicated ang mga boys. all we need is a deep understanding.

vincris16 - yes sis, favorite hobby ko to, kaya kahit ilan pa i-style ko. no problem!! hehe

ez4gotten - sis, i can feel you, pero kung feeling mo bad ka. ano pa ko. sarili ko kamag-anak. take note. kapit bahay ko pa. pero not invited sa kasal ko.. eeeh kasi nga.. nung debut ko nadala na ko. nawala ang food. 80 guests lang dumating. good for 150 ang food. pero naubos?? OH NO. so ngayon,sorry na lang, it's my day, my rules. anyhow, be good or bad may masasabi padin ang mga tao. just do na lang what makes you happy,

 

Latest Stories

Load More Stories
Close